TFQ 2

       

                — CHADE POV —



unti- unti kong minulat ang mga mata ko, kumurap kurap muna ako para maging malinaw ang paningin ko.

I jumped off the bed.

Naglakad ako papuntang balkonahe at hinawi ang kurtina, napapikit ako sa liwanag, at ng makapag adjust na ang mata ko lumabas ako saka huminga ng malalim at nilibot ang paningin.

Tahimik. Walang gulo.

Napangiti ako, uupo na Sana ako ng tumunog ang cellphone ko na nasa may side table. Lumingon ako doon at naglakad na rin papasok sa loob ng kwarto.

- Mom calling -

Agad ko naman iyon sinagot.

' morning mom. ' bati ko.

' morning baby ' — mom

' why'd called? ' — me

' am I not allowed to call my son? ' — she sarcastically said, I rolled my eyes. Tsk..

' what do you want, mom? '

' what? Tumawag lang ako kung kailan ang uwi mo ' —

' why'd you sound defensive, mom? '

' fine. Come home please, chade it's been --- ' I cut her.

' mom. I will come home, soon. ' saka ko pinatay ang tawag.

Napa-upo ako sa kama ko saka ko inihilamos ang kamay sa mukha. Accidentally akong napalingon sa gilid ko.

Her bed.

Napapikit ako ng mariin at iniwas ang tingin.

Hindi ko pa kayang umuwi. Masakit pa rin. Huminga ako ng malalim at tumayo saka pumunta sa bathroom.

__


Inilibot ko ang tingin ko at napangiti nalang ako ng kaunti ng makita ko ang pangalan ko sa ⅛ na board.

Naglakad ako papalapit sa kanila at sinalubong naman nila ako ng yakap.

" Napagod ka ba? Kamusta ? Kumakain ka ba ang ng maayos doon? " Mom ask. Natawa ako sa sunod sunod na tanong niya.

Ngumiti ako ng maliit at umiling - iling

" Mom, I'm okay. " Mahina kong saad

" Don't worry about our son, hunny. " Dad said. Inakbayan niya naman ako.

" Let's go home, niluto ng mom mo ang lahat ng paborito mo. " Saad ni dad. Tumango naman ako at nagsimula na kaming maglakad.

Umalis na kami sa airport at habang nasa byahe kami tahimik lang akong nakatingin sa labas, pinag- mamasdan ang dinadaanan namin.


           — Third Person POV —



Tahimik lamang ang tatlo habang nag- byabyahe pauwi. Bumuntong hininga na lamang ang ina ni chade habang nakatingin sa salamin.

Pasimpling kinalabit ang asawa at ng tumingin ito sa kaniya pasimple niyang tiningnan ang anak na nasa likod,

" Chade, son. You okay there? ." Tanong ng ama niya.

Napalingon naman si chade at saka bahagyang tumango.

" Hmm. " Tanging sagot niya at binalik ang tingin sa labas.

Ilang minuto ang lumipas at nakarating na sila sa mansion ng mga Sawyer.

Pagkababa ng binata sa sasakyan nilibot niya ang paningin, gusto niyang maiyak sa lungkot at galit na nasa dibdib niya pero pinili niyang umiwas at tumahimik nalang.

Huli niyang sinulyapan ang Hardin, napangiti siya at naglakad papalapit Hindi niya pinansin ang pagsasalita at mga magulang niya at tinalikuran sila.

Pinitas niya ang puting Rosas at pinagmasdan ito saka humigpit ang hawak sa Rosas, Hindi niya nga naramdaman ang tusok sa kamay dahil sa galit.

' nagbalik na ako.. Ngayon sisimulan ko na ang laro. ' Saad niya sa isip.

' sisimulan ko na ang paghihiganti.. '

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa saka may tinawagan, ilang ring lang ay sinagot na niya ito.

' m-my-my l-lord ' utal sa kabilang linya na nagpangisi sa kaniya.

" simulan na ang laro. Sabihin mong nag balik na si ' DIABLO ' . "  Saad niya at Hindi na inintay ang sasabihin sa kabilang linya saka binabaan ng telepuno.

Lingid sa kaalaman ni chade, nasa likod lang pala ang ina nito na nagtatago sa isang malaking halaman, Hindi niya ito napansin na nakasunod pala ang ina niya at narinig ang pag-uusap

Dali- daling kinuha niya ang cellphone saka tenext ang asawa.

' he's back '

And hit send.

___

Nanginginig na binaba ng lalaki ang cellphone pagkatapos makipag usap sa ' leader ' niya. Napa- upo siya sa swivel chair at ilang beses na huminga ng malalim.

Kukunin niya Sana ang cellphone ngunit may pumasok sa opisina niya.

" Bro. Pinapatawag mo raw ako? Ipapaalala ko lang sayong tangina ka, Hindi mo ako utusan, gago. " Saad ng kakapasok na lalaki ngunit Hindi niya pinansin ang pinagsasabi nito.

Napakunot naman ang noo ng kakadating na lalaki saka pinagkatitigan ang kaibigan

" Hoy abo, parang patay ka na sa putla mo. Humihinga ka pa naman diba? Pfft  " Saad ng lalaki saka tinakpan ang bibig para pigilan ang tawa.

Tiningnan naman ng masama ng lalaking nag ngangalang ash ang lalaking nasa may pinto.

" Magpa tawag ka ng meeting, Dalian mo klien. This is an emergency. " Seryusong saad ni Ash sa kaibigan .

Napakunot ang noo ng nag ngangalang Klien kay ash dahil ito ang kauna- unahang seryusong nagsalita si Ash.

" Bro, may nangyari ba? Bakit ka seryuso? Broken ka ba? Niluko ka ba? Wala ba kayong ulam? Kumain ka naman diba? " Sunod sunod na tanong ni klien kay ash.

Tiningnan naman ng masama ni ash si klien.

" For fuck sake klien, be serious for once! " Medyo mataas na boses niyang Saad kay klien at Hindi mawawala ang diin bawat salita.

" Haysttt kaya wala kang girlfriend eh, bitter ka kasi. Ano ba kasing problema at ang seryusong seryuso ka? " Saad ni klien at nagkamot sa batok

Inihilamos naman ni ash ang kamay sa mukha niya, sabay tingin sa mata ni klien

" He's back " Mahinang Saad ni ash na rinig na rinig ni Klien.

Napakunot naman ang nuo niya at ng maintindihan ni klien ang ibig sabihin ng binata at nanlaki ang mata niya at saka namutla at wala sa sariling umatras.

" T-tatawag na a-ako ng m-meeting. Shit. Shit. Shit " Utal na saad ni klien at nagmumura saka nagmadaling lumabas sa opisina ni ash.

Ilang minuto lang ang nagdaan ay kumatok na ang tauhan niya saka sinabing kompleto na at lahat nasa conference room na sila.

Inayos niya muna ang damit saka pumasok sa conference room. Tumayo siya ng tuwid sa gitna.

" Bakit ka nagpatawag ng meeting? Biglaan " Saad ng isang lalaki

" Wag ka nalang magreklamo kambal ko na Hindi ko kadugo. " Saad ni klien sa lalaki.

Malakas niyang hinampas ang table kaya na tahimik sila.

" Hindi na ako magpapaligoy - ligoy pa. " Saad niya saka huminga ng malalim at nilibot ang paningin sa silid.

" He's back. ' DIABLO ' is back and he will start the game. " Pagkasabi niya nun ay natahimik ang lahat saka kanya - kaniyang mura.

" Shit. "

" Fuck? "

" We're dead. "

" We're not dead. They're dead. "

" He's really back. Shit. "

Napangisi siya.

' yup, he's back and  ' HELL ' is now open ' Saad niya sa isip.

___________________
Uunahan ko lang po kayo, Hindi po ito horror ah? May nag tanong lang sakin hehe

Thank you for reading, don't forget to vote 💗

heartaches_02

___________________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top