TFQ 19
— Klien POV —
Unang kita ko pa lang sa kaniya nung first day Alam ko na, Alam kong Hindi lang ako ang nakahalata sa kaniya pero lagi siyang nakatingin Kay Chade. I know nararamdaman niya ang titig niya pero Hindi niya na lang iyon pinapansin.
Maloko at mapagbiro akong tao pag kasama ko ang mga kaibigan ko, kahit na minsan malamig ang pagtrato sa amin ni Chade pero naiintindihan naman namin iyon dahil may pinagdadaanan siya.
Napabuntong hininga na lang ako at kumatok sa pinto ni Chade bago pumasok, napatingin sa akin siya Anika pero agad niyang iniwas ang tingin sa akin habang si Chade, as usual nag babasa ng mga reports ni Ash at company na hinahandle niya.
Nilapag ko ang pagkain sa Mesa at lumabas na sa office ni Chade. Nabigla ako ng akbayan ako ni Klien ng makalabas ako.
" Parang Hindi ikaw yan Klien, seryuso ka masiyado ngayon. Hindi mo na ako tinatawag na ' kapatid kahit Hindi magkadugo ' . " Saad niya habang nakaakbay. Kinuha ko ang kamay niyang nakaakbay sa akin at umupo sa sofa.
" Sa tingin mo, magugustuha ni Chade si Anika? " Tanong ko. Tumingin naman siya sa akin.
" Hmm, 50/50 . Helliasha is here and she threatened Anika, yesterday. I think she wants Chade back. " Saad niya na parang wala lang. Napabuntong hininga ako.
" Ano na naman kaya ang plano ng babaeng yan. She ruined everything that's why Chade is like that. Dilikado ngayon si Anika nandito di Aisha. " Saad ko, tumango naman siya at ngumisi sa akin.
" Hindi ako nag aalala dahil nandiyan naman si Chade para iligtas siya sa babaeng iyon. " Saad niya , tumango lang ako. Mabuti Sana kung Hindi na mahal ni Chade si Aisha but I know deep inside, meron pa, nandon na pa siya, Mahal niya pa. Sana lang maganda lang ang Plano mo Chade, kawawa naman si Anika.
Napatingin naman ako Kay Khien ng ngumisi siya sa akin at bahagyang nilapit ang mukha niya.
" And don't underestimate Anika, we don't know her yet. I know what Chade's planning. " Saad niya at humilig sa sofa at pinikit ang mata at ngumisi. " Two Birds in One Stone. " Bulong niya na rinig na rinig ko. Napakunot ang noo ko. Kilalang-kilala ko ang lalaking ito, masiyadong masekreto kahit pilitin ko siya Hindi siya magsasabi.
" What do you mean? " Napakunot ang noo ko sa huli niyang sinabi. Umiling lang siya. Huminga na lang ako ng malalim, Hindi ko siya mapipilit na sabihin sa akin.
" Do you know who killed Ethan? " Tanong ko, tumango naman siya.
" Yeah, Aisha killed him. Alam ko kung bakit niya iyon pinatay, because of Chade " Bakit ang dami niyang Alam? Sinasabi niya ba ito Kay Ash at Chade? " Because she wants him back, of course. " Dagdag niya, napailing na lang ako.
Ano na naman ang plinaplano ni Aisha. Bakit pa siya bumalik kung kailan nagiging maayos na si Chade paunti-unti. Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito at lumabas si Anika.
" Oh Anika? " Napatingin ako Kay Khien, may gusto ba siya Kay Anika? Ngumiti naman siya.
" Ah, Mauna na ako may next sub pa kasi ako, baka malate na naman. Una na ako sa inyo Khien. " Nakangiti niyang Saad.
" Ahh yeah, take care. " Saad ni Khien . Tumango naman si Anika at tumingin sa akin at ngumiti ng kaunti.
" Ah, Klien. Una na ako " Saad niya. Tinanguan ko lang siya.
__
— ANIKA POV —
Sabi nga niya kanina ay ihahatid niya ako at ngayon gusto kong tumili ng tumili at ngumisi dahil sa saya at kilig. Sino ang Hindi kikiligin, ihahatid ka ng taong gusto mo at katabi ko pa siya. Ang bango-bango ng kotse niya parang siya lang. Sana naman may mga puntos na ako sa kaniya.
Nakatingin lang ako sa labas dahil feeling ko laging namumula ang pisngi ko pag kasama O katabi ko siya. Pero paminsan minsan naman sinusulyapan ko siya.
" Are you hungry? " Napatingin ako sa kaniya, nasa daan lang ang tingin niya.
" H-hindi naman. " Mahina kong sagot, tumango lang siya. Hindi na ulit kami nag imikan atsaka wala naman akong sasabihin.
___
" T-thank you sa paghatid. " Nakangiti kong Saad, tumango lang siya sa akin at tumalikod na pero bago siya pumasok sa sasakyan tumingin muna siya sa akin at nagsalita.
" Thank you. " Saad niya at biglang pumasok sa sasakyan at mabilis na pinaandar. Hindi ko pa halos narinig ang sinabi niya dahil sa hina ng boses niya, buti nalang malakas pandinig ko .
Napangiti ako ng palihim bago pumasok ng bahay. Nadatnan ko si mama sa sala nanonood, lumapit ako at nagmano.
" Si papa po ma? " Tanong ko.
" Mag overtime si papa mo, nak. Kumain ka nalang ah, hihintayin ko papa mo eh." Saad ni mama. Ngumiti naman ako at tumango.
" Sige po ma, akyat na po ako. " Hinalikan ko lang siya sa pisngi at umakyat na para mag half bath.
__
— Third Person POV —
Walang ekspresyon ang mukha niya, ang mga kamay nasa likod habang nakatingin sa lalaking pababa sa eroplano. Biglang ngumiti kumaway ang binata sa kaniya at mas binilisan ang paglalakad papalapit sa kaniya.
Mahigpit na niyakap ng binata ang dalaga at hinalikan ang noo niya.
" Kamusta ka? Wala ka na naman sa mood. "Malambing na saad ng binata. Inirapan naman siya ng dalaga.
" Sinong Hindi mawawalan ng mood, binilad mo ako sa araw. "Malamig na saad ng dalaga na nag patawa sa binata. Inakbayan naman siya ng binata at pilit na kinakalas ng dalaga.
" Get off kuya. " Napatawa lang ang binata sa inakto ng kapatid niya.
" Hindi ka pa rin nag babago, Aisha. Now that I'm here, we'll talk after lunch, okay?" Saad ng binata, tumango lang siya.
__
— Hellaisha POV —
Tahimik lang kami na kumakain, walang imikan at Alam kong ramdam niya na wala ako sa mood.
Pagkatapos namin kumain ng tanghalian ay dumeretso na kami sa office ko para mag-usap at para na rin safe baka may umaaligid Pala sa akin, mahirap na mabuti lang ang nag iingat.
Umupo ako sa swivel chair, si kuya naman sa sofa.
" May nakapag Sabi sa akin. Aisha, kailan ito matatapos? Kailan ka titigil? " Napakunot ang noo ko sa narinig. Tumayo siya at umupo sa table ko. " Tama na? Kailan mo tatapusin ang larong ito? Alam ko na kahit Hindi mo sabihin sa akin na napapagod kana, nasasaktan ka lalo na ngayon na galit siya-- " Pinutol ko ang sasabihin niya.
" Don't. You. Dare. " Nanginginig ang labi ko habang nagsasalita, tiningnan ko siya ng masama pero bumuntong hininga lang siya.
" Hanggat Hindi ko siya napapatay pati ng kapatid niya Hindi ako magiging okay. Hindi ako magiging masaya. Baka nakakalimutan mo kuya, sila ang dahilan kung bakit tayo naging miserable, kung bakit nawasak ang masaya nating pamilya. " Saad ko. Gusto kong umiyak sa harap niya pero pinilit ko ang sarili ko na wag.
" Alam ko kahit bata pa ako noon, malinaw pa ang ala-ala ko. Kahit pilit nilang binibilog ang urak ko. Kaya nga humingi ako ng tulong sayo Hindi ba? Kaya nga na bou ang planong ito diba? " Saad ko habang nakatingin mismo sa mga Mata niya, huminga muna ako ng malalim bago ipagpatuloy ang pagsasalita.
" Huli na ito. Ipapanalo ko lang ang larong ito. Kahit ito na lang kuya pag bigyan mo ako. Gusto ko lang siyang patayin, gusto ko lang mag higanti. " Saad ko. Lumapit naman siya at niyakap ako.
" How about your business in UG? You know that It's illegal, you are not a gangster or a mafia. Ipinahiram ko lang iyon sayo dahil naki-usap ka, pagkatapos nito, babawiin ko na." Saad niya, tumango naman ako.
Hiniram ko lang iyon para sa pag hihiganti ko, ngayong isa nalang siya kahit hindi ko na gamitin ang posisyong iyon.
Mas humigpit ang yakap niya sa akin. Bakit parang pakiramdam ko may Mali, parang iba ngayon ang yakap niya.
" May problema ba? " Malamig na tanong ko sa kaniya. Kumalas siya ng yakap at bahagyang tinapik ang balikat ko.
" She's coming. And she also wants him back. " Parang may kung anong emosyon sa boses niya.
" What do you mean kuya? I thought okay na siya sa bago niya? Bakit siya babalik? Kailan? " Tarantang tanong ko.
Bakit ngayon pa siya babalik? Hindi pa kami okay ni Chade tapos dadagdag siya. Ginulo ko ang buhok ko dahil sa frustration. Tumingin akO kay kuya .
" Kanino mo ito nalaman? Bakit bakit siya babalik, bwesit akala ko bakit masaya siya sa bago niya at Mahal niya ang lalaking iyon. " Saad ko at hinawakan ang kamay ni kuya at umiling, Hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang luha ko. Umiling iling ako kay kuya.
" Kuya Hindi siya pweding bumalik. Hindi pa kami okay ni Chade. Paano kung bumalik si Chade sa kaniya? Paano ako? Mahal ko si Chade kuya. Hindi pwedi. Lahat ng ginagawa ko at para kay Chade, Hindi pa pwedi. Hindi pa ako nakapag- paliwanag kay Chade. " Sunod-sunod na Saad ko habang tumutulo ang luha. Umiling ako ng ilang beses at yumuko. Hawak ko ang kamay ni kuya.
Bakit pa siya babalik. Aagawin niya sa akin si Chade. Niyakap niya ako at hinagod ang likod ko.
" Hush, stop crying, everything will be alright. Hindi siya babalikan ni Chade dahil Mahal ka pa niya. Nagtatampo lang siya sayo pero Mahal ka pa niya,okay? Atsaka matagal pa siya bumalik,don't worry to much okay? " Malambing na Saad ni kuya at hinalikan ang sentido ko habang hinahagod pa rin ang likod ko.
"Relax, nandito lang si kuya okay? Hindi ka niya pababayaan, I love you always remember that. " Mahina ngunit rinig na rinig ko.
' I love you too, kuya ' Saad ko sa isip dahil Hindi ko kayang bigkasin iyon sa harap niya.
_________
A/n:
Late UD, next week ulit. Medj siksik ang ating schedule ngaun. Thank you for reading and god bless 💗
@ misstearuseink
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top