TFQ 16
— Anika POV —
Nakangiti ako habang nagbibake ng cookies para dalhin ko bukas sa project namin ni Chade. Gusto kong matikman niya ito baka magustuhan niya at magustuhan niya rin ako hihi.
' baka pag nakain niya ito may pag-asa na magustuhan niya rin ako. ' Saad ko sa isip.
Napangiti ako Doon sa naisip ko, Sana nga.
" Ayyyy BAKA MAGUSTUHAN NIYA AKO!!!!" bigla kong naisigaw ng may kumalabit sa akin. Ng lingunin ko si mama lang pala . Malapad ang ngisi niya sa labi niya at may mapanuksong tingin.
" Ma naman, wag ka naman mangugulat ng ganon, aatakihin ako sayo sa puso eh. " Saad ko habang hawak ang dibdib ko na malakas ang tibok.
"Hmmmm. Sino iyang nagugustuhan mo at nag bibake ka pa ng cookies ah. " Mapanukso niyang Saad. Namumula akong tumalikod sa kaniya at umiling.
" W-wala a-ah. Wala akong nagugustuhan, ma. At Sino naman kung m-meron. " Utal kong Saad at nag design sa ibabaw ng cookies.
" Yieeee dalaga na ang baby ko. Hahahaha " Tukso pa niya. Nakanguso akong lumingon sa kaniya.
" Ma naman, wag mo akong asarin. " Saad ko pero tumawa lang siya. Hindi ko nalang pinansin si mama at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
Napalingon kami ni mama ng may nagsalita sa likod namin. Ngumiti siya sa amin kaya ngumiti kami ng matamis sa kaniya. Lumapit siya kay mama at niyakap patalikod.
" Nag kakatuwaan ata kayo? Anong pinag uusapan ng Reyna at ng prinsesa ko? " Malambing na saad ni papa at hinalikan ang buhok ni mama habang nakayakap sa bewang niya.
" Pa, ang sakit niyo sa mata ni mama. " Mapang- asar kong saad ngunit tinawanan lang nila ako. Tumingin si papa sa cookies bago tumingin sa akin.
" Para kanino yan? " Takang tanong niya. Umiling ako, pero si mama nginisihan lang ako.
" Wag kang epal. Para iyan sa nagugustuhan niya. " Saad ni mama, ngumuso lang ako at nilagay ang cookies sa square box.
" Bakit ikaw ang magbibigay? Bakit Hindi siya? Babae ka dapat ituring ka niyang prinsesa tulad ng pagturing ko sayo. " Saad ni papa. Napakagat ako sa labi at tumingin sa kaniya.
" H-hindi niya pa po kasi gusto? " Mahinang Saad ko bago magsalita ulit. " Kaya gumawa ako nito, baka magustuhan niya. " Dagdag ko. Napakunot naman ang noo ni papa sa sinabi ko.
" Anong Hindi ka niya gusto? Sa ganda mong yan? Sa talino mong yan? Ang Arte naman ata niya at ikaw pa ang sumusuyo sa kaniya. " Saad ni papa na nagpangiti sa akin. For me he's the sweetest dad.
" Thank you pa. Maaga po akong matutulog ngayon dahil bukas may pupuntahan akong group project. " Saad ko, tumango naman sila.
Lumapit ako sa kanila aylt hinalikan ang pisngi nila, hinalikan naman ako ni papa sa noo.
" Matutulog na po ako. Good night po sa inyo ma, pa. " Saad ko at umakyat na sa kwarto.
Pagkatapos kong mag half bath ay pumunta ako sa salamin at nagsuklay.
' Simula bukas papaibigin na kita. ' Saad ko sa isip at ngumiti sa salamin. Humiga na ako sa kama at huminga ng malalim bago ipinikit ang mata
' sana magustuhan niya ang cookies na ginawa ko. ' Saad ko sa isip bago makatulog.
____
Hindi ako mapakali sa inoupuan ko at pasulyap sulyap sa entrance ng restaurant. Napaaga ata ang dating ko? Sa sobrang excited ko 30 minutes bago mag alas tres ng hapon.
Tiningnan ko ang relo ko, may 10 minutes pa bago mag three.
Kinuha ko muna ang phone ko para may pagka-abalahan naman ako. Napaangat ang tingin ko ng may umupO sa tapat ko.
" You're early. " Malamig na saad niya. Nginitian ko siya pero walang emosyon niya lang akong tiningnan.
" Give me the folders, may dala ka bang laptop? " Tanong niya.
" A-ah Oo, wait. " Tapos kinuha ko na ang laptop at ang folders at binigay sa kaniya.
" May hinihintay ka ba? Kanina ka pa patingin- tingin sa entrance. " Napatingin ako sa kaniya ng magsalita siya. Napansin niya pala yun? Nginitian ko siya bago sumagot.
" A-ah oo, yung isa pa nating member hinihintauy ko. Hindi pa kasi siya nagrereply kanina pa, sabi papunta na. " Saad ko.
" Tsk, Hindi na iyon dadating. " Saad niya habang nakatingin sa folders. Tumango nalang ako at inatupag ang laptop para Hindi kami magtagal.
* after 45 minutes *
Ini- stretch ko ang mga kamay ko at humikab. Aish parang nangangawit ang daliri ko. Napatingin ako kay Chade ng Huminga siya ng malalim at tiningnan ang relo. Bigla na lang siyang tumayo.
" Ikaw na ang bahala diyan. I have to go. " Saad niya, tumayo naman ako.
" A-ah wait. "Saad ko, nakakunot naman ang noo niya na nilingon ako.
" What? " Kinuha ko ang box na nasa tabi ko at tumingin sa kaniya bago ilahad.
" A-ah for you, I baked that. Hindi kasi tayo nakapag order. Sana magustuhan mo. " Nakangiti kong saad sa kaniya. Tiningnan niya muna ako bago tumingin sa cookies na nasa kamay ko.
Huminga muna siya ng malalim bago kinuha ang cookies. Tumingin siya sa akin at bahagyang itinaas ang box.
" T-thanks for this. I'll go ahead. " Saad niya. Ngumiti siya ng kaunti. Nginitian ko siya at tumango.
" T-take care " Saad ko , hindi ko alam kung narinig niya iyon dahil malapit na siya sa entrance.
Pinigil ko ang ngiting pilit kumakawala sa labi ko, gosh nginitian niya ako kahit kaunti lang hihihi. May improvement na ako. Sana Magustuhan niya ang cookies na gawa ko.
Alam kong namumula ako ngayon dahil sa pagpipigil ng kilig ko. Shit. Hindi ko na kayang pigilan to, parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya ko.
" Yessss!!!! " Sabay suntok ko sa ere. Napatigil ako sa pagngiti at tumingin sa paligid. Awkward ko silang nginitian at yumuko dahil sa kahihiyang ginawa ko. Shit. Nakalimutan ko na nasa restaurant ako.
Madali kong kinuha ang bag ko at lumabas na ng restaurant na may malapad na ngiti sa labi.
' nagsisimula pa lang ako, Chade. Humanda ka mahuhulog ka rin sa akin. ' Saad ko sa isip ko. Ano kayang magandang ibake sa kaniya sa susunod? Cupcakes Kaya? Tumango nalang ako sa iniisip ko.
__
— Chade POV —
" T-take care. " Rinig kong Saad niya pero Hindi ko siya nilingon at deretso lang akong lumabas. Wala naman talaga akong pupuntahan O gagawin ayuko lang na kasama siya ng matagal, naiilang ako kahit Hindi ko alam kung bakit.
Habang nagsusulat at nagbabasa ako, pasulyap sulyap siya O Hindi Kaya nakatitig siya sa akin. Hindi ba siya nahihiya, Kaya umalis ako dahil sa ilang ko sa kaniya. Tsk.
Tumigil ako sa labas at nilingon ang inuopuan namin kanina, kitang kita ko siya dahil sa malapit siya sa glass.
Napangiti ako ng palihim dahil kitang kita ko dito ang pagpipigil niya ng ngiti at pulang pula ang mukha niya pati leeg. Napangisi ako. She's adorable. Lalo akong napangisi ng sumuntok siya sa ere habang malaki ang ngiti sa labi.
Bigla akong tumalikod ng kinuha niya ang bag niya at nagmadali akong pumunta sa kotse ko. Inilagay ko ang cookies sa passenger seat at tinitigan niya iyon. Napangiti ako sa design ng box.
" Pikachu and panda ah . " Nasabi ko bigla. Mahilig pala siya manuod ng anime. Hindi ko na iyon pinansin at nagsimula ng paandarin ang kotse.
ILANG MINUTO pa ay nakarating na ako dito sa bahay namin, mismong bahay namin. Napatayo bigla si mom ng makita ako habang si tinanguan lang ako at nanuod ulit ng TV.
" Kumain ka na ba, Chade anak? " Tanong ni mom. Tumango naman ako.
" Yeah. I'll go to my room. May gagawin pa ako. " Saad ko at hinalikan lang siya sa pisngi at nilagapasan na si mom.
" Teka. " Tumigil ako sa paglalakad ng magsalita si mom. Nilingon ko siya na nakakunot ang noo. Hindi siya tumingin sa akin ngunit nakatingin siya sa hawak.
' Chade, you're stupid. ' nasabi ko na lang sa utak ko.
" What's that? Is that a gift? Kanino galing yan? Mahilig ka pala sa panda at ano ang dilaw na halimaw na yan. " Tanong ni mom habang nakaturo sa box.
" Nothing. " Tanging Saad ko at nagmadaling maglakad. Rinig ko pa ang sinasabi ni mom pero Hindi ko na siya pinansin at tuloy- tuloy lang ako.
Nang makarating ako sa kwarto ko agad kong ni lock ang pinto para walang istorbo. Inilagay ko ang box sa study table ko at binuksan ang laptop para tingnan ang email ni Ash.
Iniopen ko ang box ng cookies at kumuha ng isa. Tumango tango ako. Hmm masarap siya mag bake tamang Tama lang Hindi nakakasawa.
Tiningnan ko ang file na senend ni Hell. Ano ba talaga ang gusto ng babaeng to? Masyadong marumi siya maglaro.
' kung kailan nagiging okay na ako, nagpaparamdam ka. '
' gustong gusto niya talaga akong nasasaktan. ' Saad ko sa isip. Iniopen ko nalang ang file.
Its a photo. Napatitig ako sa dalawang babae na nag uusap. May Kadena ang isang babae at dalawang bantay sa likod niya at ang isang babae naman naka half mascara. Zinoom ko. Bakit parang pamilyar ang mascara na iyon.
Bumilis ang tibok ng puso ko at tinawagan bigla si Ash.
"Come to my house,ASAP. " Saad ko at pinatay ang tawag. Malapit na. Kunti nalang.
Kinuha ko ang phone ko ng mag vibrate ito. It's klien.
' bro, Sa sabado ang dating niya. Haharangan na namin? '
' no. Bisitahin mo lang siya kinabukasan. Last visit na. Ako na ang bahala sa susunod na hakbang. ' I replied.
____________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top