TFQ 13




                 —  ANIKA POV   —




Nakatungo ako at nakanguso habang nakapameywang na nakatayo sa harap ko si Papa at Pinapagalitan ako.

" Ganito ba ang oras nang pag uwi ng babae, nika? Hindi mo ba alam na dilikado ang paligid ngayon? " Nakatungo lang ako habang pinapagalitan ni papa.

" Hindi mo ba alam na pinag- alala mo kami ah? Saan ka ba nag sususuot ha? " Tumungo lang ako at Hindi sumagot habang naka- nguso.

" Sagutin mo ang tanong ko, nika. " Tumingin ako kay papa nang nakanguso, tinaasan lamang niya ako ng kilay.

" Hindi uubra sa akin iyang nguso mo, sagutin moko. " Lalo akong ngumuso at nag pa cute sa kaniya pero wala talagang talab.

Wala akong nagawa kundi ang bumuntong hininga at sumagot.

" Nasa mall lang naman po ako, pa. " Nakanguso paring sagot ko.

" At anong ginawa mo Doon? Wala ka namang binili. "

" Meron kaya. " Sagot ko at Kinuha ko ang bag ko at binuksan iyon saka inilabas ang tatlong supot ng ipit sa buhok pati na ang mga clips.

Ipinakita ko iyon kay papa at ng tingnan ko siya nakahawak siya sa nuo niya. Ano bang problema ni papa?

" Ang dami mo nang ipit sa buhok nika. At bakit ang dami niyan? Yan lang ba binili mo na inabutan ka ng alas otso ng gabi? Kababae mo ng tao. Tsk tsk tsk " Mahabang saad ni papa. Bumuntong hininga na lang muli ako

" Pa, twenty one na po ak--- " Pinutol ni papa ang sasabihin ko.

" Ah ah ah! Huwag mo ng gamitin yang edad mo sa akin Anika Anasta. Bata ka pa, dalawa pa lang ang paa mo. " Saad ni papa. Napakunot ang nuo ko sa huli niyang sinabi

Dalawa lang naman talaga ang paa ko.

" Pa, dalawa naman talaga ang paa ko. Tsaka  kung bata pa ako, bata ka Karin? Dalawa pa lang naman ang paa mo atsaka--- " Naputol ang sasabihin ko ng ambahan ako ni papa ng palo kaya iniharang ko ang kamay ko.

Natawa na lang ako.

" Aba't nika -- " Naputol ang sasabihin ni papa ng dumating si mama galing sa kusina.

" Oh tama na yan, bukas mo na ulit pagalitan yang si nika. Halika na anak ka Kain na tayo. "  Saad ni mama. Mabilis akong tumakbo papalapit kay mama at niyakap ang braso niya.

" Sa susunod nika wag lang magpapagabi, nilibot pa naman ni papa mo ang school niyo at kung saan saan niya nakarating mahanap ka lang. " Mahinahong Saad ni mama.

Nakarandam ako ng konsensya bigla ng marinig ko iyon kay mama. Tumingin ako kay papa na nasa likod namin.

" Sorry pa, sa susunod Hindi na talaga ako magpapagabi, promise. " Saad ko habang nakataas ang kanan kong kamay.

Nakangiting lumapit naman siya sa akin at ginulo ang buhok ko kaya nakangiti na lang ako.

" Oo na, sa susunod ah. " Paninigurado pa ni papa. Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango- tango.

Umupo muna ako bago ko siya sagutin.

" Yes pa. Hindi ko kasi napansin na gabi na pala, kasi naman maliwanag sa mall kaya akala ko Hindi pa gabi. " Paliwanag ko. Tumango na lang si papa at nag thumbs up

" Oh sya-sya. Kain na tayo bago lumamig ang pag Kain. " Saad ni mama.

___


Pagkatapos kong mag half bath, pumunta muna ako sa salamin ko at sinuklay ang buhok para bukas Hindi siya buhaghag.

At habang sinusuklay ko ang buhok ko , nahagip ng paningin ko ang isang clip. It's a mango clip. Tumigil ako sa pagsuauklay at kinuha ko iyon.

Ito talaga ang pinaka- iniingat-ingatan kong clip  kasi siya mismo ang pumili at bumili nito sa akin.

Ano kaya ang magiging reaksyon niya bukas pag sinuot ko itong clip na to at makita niya. Nakangiti nalang ako.

' bukas susuotin  kita. ' Saad ko sa isip at nakangiting pumunta sa kama.



____


                       — Chade POV  —



Pagkatapos ko siyang makita sa mall, nawalan ako ng gana na mamili. Psh. Siya pa talaga ang may gana na lumayo sa akin?

Pagkatapos ng ginawa niya sa akin? Siya mismo ang gagawa nun? Naalala ko kanina ang itsura niya. Napangiti nalang ako, nagsusuot parin pala siya ng clips.

Cute parin siya at mukhang isip bata pag nakikita ko ang clip niya, aish.

Napakunot ang noo ko. Bakit ko siya iniisip? At bakit ako nasisiyahan sa clip na iyon?

Sinampal ko ang sariling mukha para naman magising ako.

" Anong iniisip mo chade?! Stop thinking about her!! She ruined your life!! They killed your baby!! " Sigaw ko sa sarili ko.

Napasabunot ako sa sariling buhok ko. Mababaliw na ata ako. Kailan ba mawawala ang problemang ito?

Napa tingin ako bigla sa pinto ng bumukas ito at pumasok ang tatlo at walang sabi- sabing umupo.

' mga walang respeto '

" Tsk. " Tanging Saad ko bago umupo at tumingin sa kanila isa-isa.

" Bakit kayo nandito? " Walang ganang Saad ko. Klien being klien, hinawakan niya ang dibdib niya na parang nasasaktan at nakakunot ang nuong nakatingin sa akin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay, nababaliw na naman siya.

" Ang harsh mo naman, bro. Malamang nandito kami para kamustahin ka, baka mabaliw ka. " Saad niya, napakunot ang nuo sa huli niyang sinabi. Masama ko siyang tiningnan. Sasagot na Sana ako ng magsalita si khien.

" Klien, sa ating apat ikaw ang baliw ." Parang walang ganang Saad ni khien. Tumango tango naman si ash.

" Tama. " Pagsang- ayon ni ash habang tumatango. Emosyonal naman na hinawakan ni klien ang dibdib. Napahawak nalang ako sa nuo.

" Pinagtutulungan niyo ako? " Saad niya at tinuro si ash na tinaasan lang siya ng kilay.
" Ang bitter bitter mo, kaya ganyan ka! Tse! Wala ka kasing love life. " Saad ni klien. Umupo naman ng ayos si ash at tiningnan ng masama si klien saka dinuro.

" Abat! Anong kinalaman ng love life ko ang kabaliwan mo. " Masamang mukha na Saad ni ash. Hindi siya pinansin ni klien at tumingin kay khien saka dinuro siya.

" Ikaw naman khien, lagi mo akong inaaway. Kapatid mo ako kahit Hindi tayo magkadugo." Saad ni klien, walang ganang tiningnan lang siya ni khien at Hindi nagsalita.

Hinilot ko nalang ang sentido ko.

" Bakit ba kayo nandito? " Bago pa sila makasagot, nagsalita muli ako at tiningnan ng masama si klien.  " Wag kang sasagot ng kabaliwan klien baka Hindi kita matantsa at ihulog kita dito sa building " Saad ko. Mahinang tumawa naman ang dalawa at parang batang ngumuso naman si klien.

' mahilig din siyang ngumuso sa akin. ' Saad bigla sa isip ko. Ng mapagtanto ko iyon  agad kong umiling iling.

" Chade, you okay ? " Biglang tanong ni ash. Hindi ako sumagot at tumango lang.

" Sagutin niyo na ang tanong ko, bakit kayo nandito? May balita ba? " Tanong ko. Kinuha naman ni Khien ang cellphone niya at binigay sa akin.

Napatigil ako bigla sa nakita ko. Tumingin ako sa tatlo na seryusong nakatingin sa akin.

" Saan niyo siya nakita? " Umiling si ash na nagpagulo sa akin .

" Someone send it to khien. Nang itrack namin ang sender, sa bar kami napunta at pagkatapos nun wala na kaming ediya. " Paliwanag ni Ash.

" Nasa America ngayon si leonelle at next week ang dating niya dito. " Saad ni klien.

" May mga transaksyon ba siya na iniwan? " Tanong ko, ngumisi naman si klien.

" Hinarangan na ng Seventh Sins, nasa HQ na ang mga baril at bomba. " Saad ni klien tumango lang ako.

" May pag gagamitan ba tayo sa bomba, chade " Napatingin ako kay khien sa tanong niya saka ngumisi.

" Oo naman. Sa pag patay palang kay Leon, magagamit na natin iyon. " Nakangisi kong Saad. Napalunok lang siya.

" Chade, I'm hoping that she's still alive." Napa tingin ako kay ash sa sinabi niya. Randam ko ang pangungulila niya.

Napatingin muli ako sa larawan na nasa telepono ni Khien.

Isang babaeng  may Kadena sa leeg. Napayukom ang kamao ko sa kadenang nasa leeg niya. Anong ginawa nila sa kaniya!

Nakangiting nakatitig sa kalangitan, malungkot ang mga mata niya habang nakatingin sa langit. May hawak siyang puting Rosas.

Napatitig ako sa puting Rosas na iyon. Her favorite flower. I really hope that it's her. Tumingin ako kay Klien At Khien.

" Kaya niyo bang hanapin ang lugar na ito? " Tanong ko sa dalawa. Nagkatinginan muna sila.

" We'll try our best." Saad ni khien. Tumango lang ako. Tumingin  naman ako kay ash.

" Bisitahin mo muli siya pagkarating na pagkarating niya sa condo niya. Isang bisita nalang at magtutuos na kami. Sabihin mo sa kaniya. " Saad ko. Tumango naman si ash.

Sabay sabay silang tumayo, lumabas na ang dalawa, tumigil muna si ash sa pinto at tumingin sa akin.

" Bro, chade. Pwedi ba akong tumulong sa paghahanap sa kaniya?  Hindi ako mapapakali pag naka-upo lang ako. You know that I love her, right? " Saad ni Ash. Kitang kita sa mga mata na desperado siya kaya wala akong nagawa kundi ang tumango. Ngumiti naman siya.

" Thank you. I'll go ahead. " Tumango ako at tuluyan na siyang lumabas.

Napatingin ako sa cellphone ko na nasa table ng tumunog ito. Kinuha ko naman iyon,someone texted me. unregistered number . Binuksan ko iyon at napakunot ang nuo ko ng mabasa ko ang text.

' lagi mo ng tandaan na ginagawa ko ang ' lahat na ito '  para sayo. '

                                    - ...

Napakunot ang nuo ko, tatlong   dot lang. Sino naman kaya ang mag tetext sa akin ng ganito. Hindi ko nalang iyon pinansin at pinatay nalang ang cellphone saka ako pumikit .


_________
Next week ulit ☺ thank you for reading.

heartaches_02

_________________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top