The Twisted Fate
CALVIN POV
I've tried forcefully to smile at her while she's laying on hospital bed holding my cold hands and smiling at me sweetly, however, I can see to her eyes that she's in misery right now. It hurts. It really hurts.
"C-Calvin, I'm really sorry... P-Please forgive me for not being a good mother to you... Gusto ko pang lumaban anak para makasama ka pa ng matagal, pero itong katawan ko ang hindi na nakikisama e. Ayaw pa sana kitang iwan dahil wala kang makakasam--"
"Mama, walang aalis kaya huwag kang magsalita ng ganiyan. Alam kong malakas ka, Mama. Kaya dito ka lang-- dito ka lang... Dito ka lang sa tabi ko, okay?" Nagsusumamong aniko pero nginitian niya lang ako ng malungkot.
"A-Anak, pagpasensiyahan na si Mama a. P-pasensiya na kung hindi kita napagtapos ng kolehiyo. P-Pasensiya kung lahat ng suweldo mo sa pagbabalot ay pinangbabayad sa bahay na inuupahan natin at sa mga gamot ko na binibili mo para sa sakit ko... Anak, sana mapatawad mo si Mama kung bakit hindi niya mabigay ang mga bagay na kailangan mo. Patawarin mo si Mama dahil nagiging pabigat siya say--"
"Mama, please lang tumigil ka na!" Umiiyak na naman ako. Gabi-gabi na lang akong umiiyak ng palihim sa tabi ni Mama.
She has a leukemia na nasa stage 4 na ayon sa doktor niya. Bakit ba kasi sa kaniya pa yan napunta? Bakit?! Bakit sa napakaraming tao sa mundo, bakit siya pa? Bakit pa sa mabait kung Mama na alam kong palihim na nagtatatrabaho sa tuwing aalis ako para magbenta ng balot. Alam kong nakikilaba siya sa mga kapitbahay namin pero hinayaan ko na siya sa parteng yun dahil alam kong kahit pagsabihan ko siya ay hindi niya parin susundin.
"Darating ang Papa mo dito para kuhanin ka," na ikinabigla ko na may di makapaniwalang mukha.
"Mama, hindi ako sasama sa baklang tatay kong yun!" Sambit ko.
Yes, you heard it right. My father was a gay na mas piniling iwan kami ni Mama para sa lalaking kinakasama. Papa's boy ako nung bata pa lang ako, but after I learned everything na bakla pala siya ay nagunaw ang lahat at mas lalo akong nanibugho ng iwan niya kami ng tuluyan.
Siguro, sa pagkakataong nalaman kong bakla siya ay nabigla lang ako dahil sa elementarya, ang pagkakaalam ko ay ang mga bakla ay naninira ng pamilya, nakakolorete para maghanap ng mapupuntirya sa gabi, atbp.
"P-pero anak, papa mo pa rin yun." She insisted pero I just shook my head.
"Wala na akong tinuturing na Papa dahil patay na siya sa isip ko!" Pagkatalikod na pagkatalikod ko ay nakita ko ang mukha ng kinasusuklaman kong tao sa mundo pero wala dun ang tutok ng kaisipan ko kundi sa tunog ng machine sa tabi ng Mama ko.
I turned around slowly na pigil ang hininga. Nagtakbuhan ang mga doktor kay Mama na hindi na tumitibok ang puso. Ginawa lahat ng mga doktor ang lahat ng makakaya nila, but it was too late... My Mother died.
Ibinurol namin si Mama ng matiwasay at nalaman ko na lang na nakatira ako sa isang malaking bahay na may sariling kuwarto na may malambot na kama kasama ang dalawang lalaking nagmamahalan na isa na rito ang kinilala kong tatay.
"Calvin, kumain ka naman kahit konti. Mamamayat ka niyan." Ani ng baklang ka-live-in ng ex-tatay kong bakla.
"Hindi ako gutom, so don't bother." Tugon ko na hindi nakatingin sa kaniya dahil nandidiri ako.
"Pero kumain ka pa rin sa--"
"Puwede bang huwag mo na akong kausapin at ipakitang nag-aalala ka sakin! Dahil una sa lahat, kaano-ano ba kita, huh?! So don't talk me na parang relatives kita because it will never be happened!--" biglang kumalabog ang pinto at pumasok roon ang ex-tatay kong nagpupuyos ang mukha ng galit.
"Calvin, huwag na huwag mo siyang pagsalitaan ng ganiyan! Hindi kita pinalaking bastos!"
"Pabayaan mo na ang bata. Baka hindi lang siya sanay sa atmosphere dito sa bahay--"
"Pinalaki? Wow, what a big word! Hindi ikaw ang kinikilala kong ama na nagpalaki sa akin---na umantabay sa akin dahil patay na si--" he punched me hardly on my face na
na ikinasadlak ko sa lapag na may dugo sa labi.
Lumabas siya pagkatapos ng panununtok sa akin at padabog na isinara ang pinto.
"Pagpasensiyahan mo na ang papa mo. Hassle kasi siya sa office works sa kompanya." Saad niya pero hindi ko na siya pinansin.
Kaya daw ganito kalaki ang bahay na ito ay pagmamay-ari daw ito ng ka-live-in ng ex-tatay ko. Big-time pala ang nabingwit niya kaya mas pinili niya kaming iwan. Tsk... Mautak amp.
Dumating ang gabi at nakahilata lang ako sa kama ko na nakapikit hanggang naramdaman kong bumukas ang pinto na pasimple kong tinignan dahil kita naman ang lahat dahil bukas ang ilaw. It was my ex-tatay. He comes nearly and sat on my bed where I laying at kaya nagkunwari akong tulog.
"I'm sorry anak kung napagbuhatan ka ng kamay ni Papa kanina." He said while caressing my hair. "Pagpasensiyahan mo ko anak, huh? Pagpasensiyahan mo na kung ganito ang tatay mo. Na bakla ako. Sana mapatawad mo ako. Mapatawad sa lahat ng pagkukulang ko bilang perpektong ama para sa iyo. Pagpaseniyahan mo si Papa kung iniwan ko kayo. P-Pasensiya anak huh," tumakas ang isang butil ng luha sa aking mata. "Alam kong kahit malabo mo na akong mapatawad dahil sa mga kasalanan ko... patuloy pa rin akong hihingi ng tawad sa iyo hanggang sa mga huling hininga ko. Alm mo bang nung nakita kitang muli ay gusto kitang yakapin ng napakahigpit dahil miss na miss na talaga kita anak ko."
I spent my shitty days, weeks, and months in this creepy house na inuukupa ng dalawang baklang makasalanan.
"Hanggang kailan ka magkakaganiyan, Calvin? Pati pagkain ay tinitipid mo kahit andami namang nakahanda sa hapag." Ani ng ex-tatay ko kaya napaangat ako ng tingin at alam kong ramdam ni Tito Theo ang tension.
"Hanggang kailan? I don't know either. Maybe, next month or next decades 'po'." Sarcastically I said.
"Pabayaan mo na yung bata Calix. Maybe, he needs time for adjustments--"
"He had enough time for that, but still, he's still stubborn na parang ikamamatay niya na kasama niya tayo sa isang bubong!" Nakatayong duro niya sa akin.
"Opo, tama po kayo! Mas gugustuhin ko na lang mamatay sa bangketa kaysa makasama kayong dalawa! Did you know that I've been through a lot when everybody learned that my father was a gay. Lagi akong sinusuntok at binubully sa klase kasi tatay ko raw ay bakla at kayo ang dahilan kung bakit ako nasaktan nun. Habang nag-aaral ng hayskul ay kailangan kong magtinda ng balot sa gabi para kumita at kayo ang dahilan kung bakit kami naghirap dahil wala ka tapos bigla ka na lang susulpot. Susulpot sa tyempong mamatay na yung nanay ko! Hanep rin yung timing niyo e no?" Pagkasabi ko nun ay agad akong umalis sa hapag.
"Pupunta na ako sa trabaho." Aniya pero di ko na siya pinansin.
Narito ako ngayon sa garden dahil nabuburyong na ako sa kuwarto ko kakakompyuter ng maghapon kakalaro ng warcraft. Inalukan rin naman nila akong magpatuloy sa kolehiyo, but I refused.
"How long you will keep your true feelings towards your father? How long you will masked it with anger? Why can't you just accept the fact na ganoon talaga siya simula pa lang nung una?" Tanong niya sa akin pero ang mas nakakagulat ay ang huling tanong niya at pansin niya naman yun. "He has been gay since day one, but he kept it to his family at isa lang ang nakakaalam nun, at ayun ang best friend niya, ang Mama mo."
"W-Why are you telling this to me? I-I don't want to know," He just shrugged his shoulder.
"I know that you deserve to know." He sighed.
"Wala ka bang trabaho?" I suddenly asked out of nowhere. Syempre, lagi na lang siyang naiiwan dito sa tuwing aalis ang ex-tatay kong bakla.
"Nagleave muna ako ng ilang buwan para may makasama ka dito sa bahay. Gusto ko sanang si Papa mo na lang ang magleave pero tumanggi siya dahil aniya kapag dalawa lang daw kayong natira dito sa bahay ay parang wala ka rin daw kasama."
"Tsk..." Napasinghal na lang ako.
Makalipas ang ilang minutong katahimikan ay nagsalita na naman siya.
"They're both drunk ng magawa ka at nagulat na lang sila na iisa silang kama at nung mga panahong yun ay kami na ng papa mo. His family was so happy after they learned na nabuo ka at ganoon din naman sila."
"Paano ka nun?"
"Uyy, concerned siya." Tukso niya pero tinignan ko lang siya ng ba
langko kaya umayos siya. "Sinabi ko sa Papa mo na maghiwalay na kami at mas pagtuunan ng pansin kayo ng Mama mo, but he pleaded na mag-iistay siya sa tabi ko kahit anong tanggi ko na mas naging dahilan kung bakit mas minahal ko pa siya ng lubusan. The unexpected part was, he announced on front of his family of who he really is... na bakla nga siya na sinupurtahan ng Mama mo ng mga araw na yun at ang natanggap niya lang ay masasakit na salita, disappoinment to the point na binitawan na siya ng pamilya niya. He was so hurt at that time and at the same time, your mom set him free na kahit alam kong mahal talaga ng Mama mo ang Papa mo simula pa lang, na kahit ganon siya, na bakla siya ay pinalaya niya ng kusa para bumalik sa akin. Your Mom knows about our relationship and she's willing to sacrifice her love's happiness, even if, in the end , it will hurt more."
"But still, he left us and my Mom suffer--"
"No, he didn't left you. Lagi siyang nagpapadala sa inyo at bumibisita ng palihim na kahit gusto kaniyang makita. Nagbibigay rin siya ng tulong para sa pambili ng gamot ng Mama mo at pambayad sa inuupahan niyong tirahan, but your Mom didn't use it. Kasi sabi niya 'Mas magagamit mo raw yun sa tamang panahon'." Namalayan ko na lang na umiiyak na naman ako. "Napakabuti ng puso ng Mama mo na kahit anong hirap at sakit na dinaramdam niya ay pilit siyang lumaban para lang sayo. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit mas pinili niyang huwag gamitin ang mga perang yun. It's for her own good, also." I knew the answer to his question. It is because, my Mom will never accept a things na hindi niya pinaghirapan. Kahit ako ngang anak niya na bibili lang ng gamot niya ay gusto niya pang pigilan at sasabihin ibili ko na lang daw ng gamit ko. "Did you know that your Mom was a lesbian?" Napapitlag ang tainga ko sa narinig.
"What? Don't tell me, tomboy ang Mama ko?" He laughed.
"Yes," so all along, tomboy at bakla ang magulang ko. "No, I was just joking. Di ka naman mabiro." Bawi niya na ikinahinga ko ng maluwag.
"We're not close enough for you to cracked a joke on me," seryosong aniko pero di niya na ako sinumbatan.
Biglang nag-ring ang cellphone niya kaya napatingin ako roon. He answered the call at lumayo ng konti.
"WHAT?! Nasa hospital ngayon si Calix?!" Anito na ikinagulat ko at nalaman na lang ang sariling tumatakbo sa loob ng hospital at hinahalungkat ang bawat kurtianng puti.
"Please Calvin, calm down... Magtanong tayo sa mga nurse kung nasaan siyang kuwarto, okay?" Aniya pero wala doon ang isip ko. Dahil marami na namang posibilidad ang umiikot dito. Paano kung iwan niya rin ako? Paano na ako? Makakaya ko banag mabuhay ng mag-isa? "Dont think negative thoughts, you're father will never you again." Pagpapakalma niya sakin pero parang walang talab dahil ang bilis ng tibok ng puso ko at ang mas nakakagulat ay dumadaloy na naman ang mga luha sa aking mga mata hanggang napahagulgol na ako.
"Oh Theo, why are you he--" napatigil siya ng makitang basa ang mukha ko ng luha. Agad ko siyang sinunggaban ng yakap na hindi na pinapansin kung saan ang tama niya na agad niya namang binalisan ng yakap pabalik. "Nagalusan lang ako ng konti dahil may nakabangga sa akin ng hindi sadya ng papalabas na ako ng kompanya pero the one who bumped at me insist na ipagamot ko ang gasgas sa palad kaya ako nandito pero di ko naman inaasahan na magiging ganito ang ending kaya nagpapasalamat ako sa nangyari." Tumatawang umiiyak na aniya habang yakap ako na kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid. Tumingin ako sa kasama ko at sinenyasang sumama sa group hug na hindi naman tumanggi.
"I dedicated my latin honor to my dearest Mother who already passed away and to my dearest Dads na hindi ako pinabayaan na halos ipabasa na sa akin lahat ng laman ng library namin sa bahay." Saad ko sa mga guest, magulang, at kapuwa magtatapos kaya nagtawanan silang lahat. "We've been through a lot as a family and now, sabay-sabay naming natutunan ang mga bagay-bagay. Thank you for everything po." Nakita ko pang nagpunas ng luha si Dad Theo (yun daw dapat ang itawag ko sa kaniya) habang yakap ni Papa. "Once again, I'm Calvin Diaz, your Summa Cum Laude Batch 2020-2021."
All these years passed by their side, I learned that, having a same sex parents who handling you were not bad at all, dahil kaya rin nilang ibigay kung anong kayang ibigay ng ibang magulang datapwat, ang magulang ay walang pinipiling kasarian. Kung kaya mo, kaya mo.
Many people saying na hindi nila kayang magpalaki ng isang bata dahil alam raw lang nila ay lumandi sa gabi at may puntong baka magaya pa raw ang bata sa kanila paglaki lalo na ang lalaking bata dahil sa nasisilayang kabaklaan nila. Hindi daw nila kayang magpalaki ng matinong bata dahil bakla raw nga sila. Maraming taong pumupuna sa kung ano talaga sila, because they're just judging the book by its cover without knowing their true feelings that they have.
Sex isn't the basis of being a good parent. It's in the mind and heart of the person na willing ibigay ang kayang ibigay para maging tamang magulang o sabihin nating sakto dahil kagaya nga sa sinasabi ng karamihan na 'no one's perfect' nagkakamali tayong lahat.
The End
© H Y U J I N Z Z
#WattpadAthonChallenge2021
#SEPTEMBER 2021_WINNER
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top