Prologue

"Magbreak nalang tayo kung puro nalang tayo ganito" sabi ko sa kanya at yumuko. Nahihiya ako sa kanya dahil sa sinabi ko

"Alam mo namang minahal kita diba? Mahal kita pero yung relasyon natin na 'to, hindi na nagwowork. Ni wala ka ng oras para sakin. May nagawa ba ako mali sayo? Sabihin mo" hinawakan niya ako sa braso. Inangat ko ulo ko at nakita ko siyang umiiyak. It happened again. Nakasakit nanaman ako.

"Ano na? Alam kong busy ka pero pucha iniintindi kita lagi. Ako ba nagawa mong intindihin? Time lang Ash yung kailangan ko sayo. Yun lang hindi mo pa mabigay?" humagulgul na siya ng iyak. Ilang beses na akong iniyakan ng lalaki. Ano ba meron sakin at ganito ako? 

"Im sorry, Carl" is all I said at yumuko ulit. May nagmamahal sakin parin tini-take for granted ko lang. 

"Okay. So this is goodbye na." Napatingin ako bigla sa kanya, nagulat ako sa sinabi niya. Umiiyak parin siya. Ang bigat sa pakiramdam

"Thank you for being part of my life Ashley. A happy memory, a good laugh, a tear or two. I won't ever forget you" Nakangiti siya ng sinabi niya sakin yan. Nagawa niya pang ngumiti sa sitwasyon ngayon, siguro eto narin ang dahilan kung bakit ako napasagot ni Carl.

Masayahin siyang tao pero nagbago yun simula ng nawawalan na ako ng oras sa kanya. Simula nung nagkakalabuan na relasyon namin. Kahit mga kaibigan niya nanibago sa kinikilos niya, alam ko kasi naging kaclose ko na rin yung mga kaibigan niya at ganun din siya sa akin.

Sabi nga nila 'People will always notice the change in your attitude towards them but fail to notice it's their behavior that made you change'. 5 months palang kami ni Carl pero nawalan ako bigla ng spark sa kanya.

Tumalikod siya sa akin at aakmang aalis na sana pero hinawakan ko kamay niya

"Thank you, Carl. Being single doesn't suck. It can be fun sometimes, but its lonely." humarap siya sa akin. Tumingin siya sa mga mata ko at ngumiti. Puro lungkot ang nakikita ko sa mata niya. What have I done? This guy is amazing pero hindi siya para sa akin. Alam kong may magmamahal sa kanya

"I know pero sabi nga nila 'any independent and strong person will learn how to be alone. But it's nice to have someone around to share your life with. It's a gift of life that's hard to find.' Aalis na ako Ash. Sasama ako sa parents ko sa Australia. Dun na muna ako para madali kitang makalimutan" Ouch! Tagos yung sinabi niya ah pero kahit na, i deserve it naman. 

Pinat niya ulo ko at ngumiti. Yung ngiting halatang pilit. I'll miss him. Aalis na sana siya ulit pero niyakap ko siya. Yung yakap na mahigpit at totoo.

"Sabihin mo lang kung mahal mo ako ulit, babalik ako sayo Ash." sabi niya at niyakap niya rin ako ng mahigpit. Pinalo ko ng mahina yung braso niya.

"Gusto ko lang namang ipahiwatig na minahal kita Carl. You're an amazing man pero hindi ako yung someone nayun para sumali sa mundo mo, sa life mo. Naiisip ko rin na mas makakadali sa'yo maka move on if nagkaka mabutihan tayong dalawa." Umalis ako sa pagkakayakap namin at hinalikan ko siya sa cheeks. Nakita ko siyang nagblush at ang gwapo talaga niya kapag nangyayari sa kanya yun

"Salamat, Ash. You have changed my life for the better in so many waysNgumiti siya sakin. Totoong ngiti na yung nakikita ko sa kanya. Ngumiti rin ako sa kanya. Pinat niya ulit ulo ko at umalis na.

Kaninang malungkot at mabigat kong pakiramdam, ngayon e nakakahinga na ako ng maluwang. Isang lalaki nanaman ang napaiyak ko. Ano nanaman kayang karma ang matatanggap ko? Bakit ganito ba buhay ko? Bakit ang dami kong nasasaktan? Nagmamahal naman ako pero may limit. 

Ako nga pala si Ashley Bautista. 17 years old. Marunong naman ako magmahal pero umaabot sa level na nawawala agad. Tudo tudo ako magmahal pero siguro sa una lang. Wish ko yung may kasama ako hanggang tumanda kami, nagmamahalan parin kami. I mean, ako, sana may makasama ako hanggang sa pagtanda ko na mahal na mahal ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top