Chapter 9
Chapter 9
Every letter of your last name
Week-end, naimbitahan kami ni Maisie sa mansion nila. Nagkita kaming dalawa ni Koby sa usual na kitain naming dalawa at sinundo naman kami ng limousine nila Maisie. As for the second time, hindi pa rin nawawala 'yong amazement ko sa mini mansion kuno nila. Sinalubong kami ng dalawang maids at hinatid kami kung nasaan si Maisie at pagtapak namin sa living room ay nakita namin siya doon na nagbabasa sa kanyang romantic novel book.
Agad naman niyang sinara ang libro at tinabi ng makita na kami. Tumayo siya at saka niya kami nilapitan, "good you come early, I prepared lunch for us later." Sabi pa ni Maisie sa aming dalawa saka niya kami niyakap at pinaupo sa sofa.
"Bakit nga pala absent ka kahapon?" tanong ni Koby.
May dumating naman na maids at nilapag ang laman ng kanilang trays na juice at chocolate chips, umalis din naman agad sila.
Kumuha si Maisie bago sagutin si Koby, "you know—"
"A princess duties." Sabay pa namin na sabi ni Koby at natawa na lang din.
Natawa na lang din naman si Maisie sa aming dalawa habang iiling-iling, "yeah, you're right. It's a princess duties." She smiled aniya sabay kuha muli ng chocolate chip sa glass bowl.
"Oo nga pala," napatingin naman kaming dalawa ni Mace kay Koby. "This guy, Henric, knows a lot from you."
Napataas naman ng kilay si Maisie sa sinabi ni Koby. "Ano naman 'yon?"
"She knows you before he came to Amea."
"In short, stalker mo." dagdag ko pa sa sinabi ni Koby.
Hindi naman naalis 'yong pagkakataas ng kilay niya, "I don't care who he was, or kung paano niya ako nalaman basta 'wag na 'wag niya lang akong babanggain. He doesn't know what I can do." aniya.
"Wait, so ibigsabihin totoo nga 'yong sinabi niya na every letters of your last name is the first name of your siblings?" tanong ko pa sa kanya.
Ang tagal pa niyang mag-isip at isang tango lang din ang binigay sa amin, "oo, from the Williams, ako ang letter M doon. Maisie, of course and I'm the second to the last." aniya.
"So si Leonard?" tanong ko pa.
"He's the first L, or in simply he's the third sa aming magkakapatid." Aniya.
Ayun, napuno na kaming tatlo ng kwentuhan at pinahiram ko rin kay Maisie ang notes ko kahapon dahil nga absent siya. Hindi na namin inalam kung anong ginawa niya dahil mukhang personal naman 'yon kaya hindi na namin inabala pa.
After that, we head to the dining area kung saan nag-abala pa si Maisie na magluto ng lunch for us. Sobrang natutuwa kami dahil hindi siya mahirap pakisamahan, ang gaan gaan agad ng pakiramdam ko sa kanya. More like sister na nga ang turingan namin sa isa't isa eh.
Nang maupo naman kami sa isang long table na naglalaman na nang sari-saring pagkain. Kaharap ko si Koby habang si Maisie naman ay nasa right side sa gitna nang table.
"Ingrid?" Napatingin naman kaming dalawa ni Koby kay Maisie dahil sa sinabi nito, nang balingan din naman namin kung saan siya nakatingin ay nakita namin ang isang babae na kasing kamukha na lang din ni Maisie. She's wearing a dress, perfectly fit on her curved body at sa maputi nitong complexion ng skin.
Naka-half smile naman ng tingnan namin si Ingrid, ayon sa pagkakasabi ni Maisie. Nagkatitigan pa kami ng ilang saglit bago siya pumunta sa kinauupuan ni Maisie at nag-akapan ang dalawa.
"Oh guys," she said after losing her hug to Ingrid. Hinarap naman niya kami. "She's my sister, Ingrid Williams." Pagpapakilala niya sa amin.
Agad kaming nginitian ni Ingrid, she's mean to be perfect. Medyo nakakababa tuloy ng self-esteem. Nakipagkamay naman kaming dalawa ni Koby sa kanya. Ang lambot ng mga kamay niya. I never had a hand shake between a Princess before, well except Maisie.
"Nice to meet you, friends of Maisie." She said, ang soft ng voice niya. Parang kapag sumigaw, walang mababasag as in. Ang hinhin niya pero mukhang masungit kapag kinalaban mo.
"Take your seat, sister." Ani Maisie.
Naupo naman ang kapatid nito sa tabi ni Koby. Natatawa na lang din ako sa reaksyon ni Koby tuloy.
"Nakakagulat ka ate, akala ko si ate Laragh 'yong... alam mo na." hand gestures pa ni Maisie na hindi ko naman makuha kung ano 'yon.
She rolled her eyes, "Laragh is busy. Busy decorating her garden." She sighed. "Saka okay lang naman sa akin na magkasama tayo right? Then we'll have more time to bond to each other." She said.
"Yeah, kamusta na pala ang Queen?" tanong naman ni Maisie, the queen is her mother, absolutely. It is a respect kasi.
"You know, we better to eat now... mamaya na 'yan Mace." Aniya.
Ayun, sinimulan na naming kumain. Kung sa first impression ay aakalain mong masungit ang kapatid ni Maisie pero hindi. Madali din siyang pakisamahan. Magkapatid nga talaga sila. Gusto ko rin tuloy makita 'yong buong Williams in person. Walo silang magkakapatid pero anim pa lang sa kanila ang nakikita ko, though sa internet lang nakita 'yon.
Pagkatapon naming kumain ay naiwan muna kami sa living room dahil dinala muna ni Maisie ang kanyang kapatid sa isang room kung saan ito matutulog. Nabanggit din ni Ingrid kanina na mag-stay siya dito sa Amea to help Maisie on her duties kaya ayun daw ang pinunta niya dito.
"She's damn pretty." Koby hissed.
Natawa na lang ako sa kanya, "but she's a princess, Koby."
He smirked then shook his head, "ano bang mali 'don?"
Napakunot noo naman ako sa tanong niya. "Saan?"
"Na mapalit ang isang katulad ko sa isang royals? Bakit ba ang big deal masyado no'n?" aniya.
I shrugged kasi hindi ko naman talaga alam kung anong sagot sa tanong, "malay mo, it's because it's a rule for them to be with a royal blood pero siguro, kung wala namang against ang kingdom doon, why not diba?" sabi ko pa sa kanya.
Mayamaya ay binalikan na kami ni Maisie, iniwan daw muna niya si Ingrid sa kwarto dahil nag-aayos din ito ng gamit niya.
"Mace, tinatanong pala ni Koby kung may boyfriend na daw ba si Ingrid." Bigla kong sabi kay Maisie, natawa na lang siya habang si Koby naman ay nagulat sa sinabi ko.
Inilingan naman ako ni Maisie, "sa pagkakaalam ko, wala eh." Aniya. "Pero noong nasa North Peeliana pa ako, maraming umaaligid sa kanya 'yon nga lang, wala siyang pakelam. Kingdom first before someone ang motto niya sa buhay."
Tinapik ko na lang ang balikat ni Koby na agad naman niyang hinawi. Natawa na lang din kaming dalawa ni Mace sa kanya.
Hindi na rin naman kami masyadong nagtagal pa sa bahay nila Maisie kaya nagpaalam na kami sa kanya. Syempre, nandiyan 'yong ate niya at sabi niya rin ay may gagawin sila kaya sa ibang araw na lang daw ulit or kapag may pagkakataon daw ay bibisita kami sa North Peeliana Kingdom kung saan sila nanggaling.
Naghiwalay kami ni Koby ng daan dahil may dadaan pa daw siya at kasama niya 'yong mga kaibigan niya. Niyayaya niya pa nga ako pero tumanggi na ako dahil kailangan ko na ring umuwi ng bahay. Habang naglalakad ako pauwi ay agad na napukaw nang atensyon ko si Henric, hindi kalayuan ay nakikipagsiksikan siya sa mga taong bumibili sa isang bakery.
Dahan dahan lang akong naglakad hanggat sa magtama ang mga mata namin. Nakita na niya ako. At doon, hindi ko alam pero ang bilis ng kamay ni Henric na parang isang iglap lang ay nasa kamay na niya 'yong coin purse ng isang matandang babae. Agad naman itong tumakbo, hindi na ako nag-alangan pa kundi hinabol ko siya.
"Henric!" tawag ko sa kanya.
Sa paghabol ko sa kanya ay bigla siyang lumiko sa isang eskinita, napalunok na lang ako ng laway dahil mukhang nilamon siya ng dilim ng eskinitang iyon. Napabuntong hininga na lang din ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang gawin 'yon. Sa paraang iyon, hindi siya agad agad makakapasok ng Amea University kung wala siyang malaking halaga and without any school scholarship.
Hmm, there's something about Henric. Ang mysterious tuloy ng dating niya sa akin, more like the first day I saw him. May kakaiba na kaagad. Sayang ang kagwapuhan.
Umuwi na lang din, saglit lang din ng makarating na ako sa apartment namin. Agad ko namang hinahanap si mama sa loob pero walang sumasagot sa akin, lahat ng pwedeng mapagtaguan ay chineck ko na at wala si mama doon. Natigil lamang ako sa paghahanap ko nang dahan dahang bumukas ang pinto. Agad ko namang kinuha ang walis tambo at hinahanda sa kung sino man ang papasok na ito.
At nang tuluyan naman itong bumukas. Aamba na sana ako ng makita ko si mama na may dala-dalang basket. Nagulat pa si mama sa akin dahil may hawak pa akong walis. Agad ko naman iyong tinabi at tinulungan siya sa hawak niyang basket.
"Anong akala mo sa akin, Jayne?" natatawang tanong ni mama sa akin.
Napangiwi at kamot na lang din ako sa ulo ko, "kasi naman eh, hindi ko naman kasi alam na umalis ka pala." Ani ko saka baling ko sa laman ng basket na dala dala niya. "Saka bakit may dala kang mga tinapay?" tanong ko pa.
"Sinubukan ko kasing maghanap ng mapag-aabalahan dito, nag-try ako sa bakery malapit lang diyan at kinuha nila ako tindera kaya ayun." Aniya. "Saka nagkagulo pa kanina dahil may nawalan pa ng wallet. May dumukot ata." Aniya.
Naalala ko naman bigla si Henric sa sinabi niya. So, ibigsabihin sa bakery na iyon ay nandoon din si mama kanina. Bakit hindi ko iyon napansin? Siguro dahil busy siya at nakapokus ang atensyon ko sa ibang tao. Siguro nga.
"Eh, para saan po 'yang mga tinapay?" tanong ko pa.
"Bigay ng may-ari ng bakery na 'yon, tuwing gabi ay nagbibigay siya ng tinapay sa mga nagta-trabaho sa kanya at ito 'yon." aniya.
"Ma, hindi mo naman kailangan mag-ganyan pa eh." Sabi ko pa.
Napabuntong hininga naman si mama, "okay lang 'yan, 'wag ka nang mag-alala sa akin. Ayoko naman na buong araw nandito lang ako sa bahay. Kailangan ko rin naman magbanat banat ng buto." Aniya ng nakangiti.
Wala na rin naman akong magagawa kung 'yon ang gusto ni mama.
--
Matapos ang week-end ay balik Amea University na naman ako. Pagkalabas ko ng apartment ay nagtaka ako dahil ang daming tao sa paligid at 'yong iba ay busy sa pagsasabit ng banderitas. Anong meron? May event bang mangyayari?
Nilakad ko na ang papunta Amea University, sa tuwing makakakita ako ng limousine ay napapatago na lang ako dahil baka makilala nila ako. Pero merong isang itim na limousine ang hindi ako tinitigilan at kanina pa ako binubusinahan.
Binilisan ko na lang din ang lakad ko. Malapit ka na lang din naman, Jayne. Kaya mo 'yan.
"Jayne!" at sa pagtawag ng pangalan kong iyon ay nawala ako sa konsetrasyon ko sa paglalakad at nilingon ang babaeng tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Maisie sa loob ng itim na limousine. "Sabay ka na!" aniya.
Napailing naman ako, "hindi, 'wag na, kaya ko naman." Sabi ko pa.
Pero lumabas pa siya ng limousine saka hinigit ako palapit sa sasakyan, "ano ka ba! Parang magkaiba naman 'tong pupuntahan natin, sumabay ka na." aniya.
"S-sige..." wala akong nagawa kundi ang pumasok sa loob ng limousine niya.
Nang makaayos naman kaming dalawa ay umandar na muli ang sasakyan.
"Hindi mo suot?" tanong niya sa akin.
"Ay," agad ko naman iyong kinuha sa bag ko. Kinuha niya iyon at siya na ang nagsuot noon para sa akin. "Sinusuot ko lang kasi 'yan kapag nasa loob na ako ng University." Sabi ko pa sa kanya.
"Okay lang 'yan, ayan, perfect!" aniya.
"Kamusta pala ate Ingrid mo?" tanong ko pa sa kanya.
"Ayun, magtatagal ata talaga siya diyan." Sabi pa ni Maisie.
"Edi maganda, may kasama ka na sa mini mansion niyo." Ngisi ko pa.
Napakibit balikat na lang din naman siya, "mas maganda kasi kung buo kaming lahat." Aniya sabay buntong hininga. Napataas na lang din ako ng kilay sa sinabi niya.
Ilang saglit lang din ay nakapasok na kami sa loob ng Amea University at hininto na ito. Nauna naman akong lumabas, kasunod ni Maisie. Iilan pa lang din naman ang estudyante kaya okay lang. Tinahak na din namin ang hallway ng building namin.
"Hey Miss Williams." Natigil naman si Maisie nang biglang dumaan si Henric sa tabi namin at tuloy tuloy na pumasok sa loob ng room namin.
Hinawakan ko naman ang kamay ni Maisie.
"Hayaan mo na lang siya..." buntong hininga ko pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top