Chapter 8
Chapter 8
Don't worry
"Don't... don't... don't me. Hindi pa ako handa!" nakapikit kong utas sa kanya habang ang dalawang braso ko ay naka-ekis sa dibdib ko.
"What?!" iritado pa nitong sagot sa akin. Naramdaman ko na din ang magaan na pag-alis ng kamay niya sa braso ko. Dahan dahan ko namang minulat ang mga mata ko at doon ko lang nakilala kung sino ang humila sa akin.
"H-Henric?" utal ko pang banggit ng pangalan niya. Hindi ko masyadong maaninag ang buo niyang mukha dahil masyadong madilim ang eskinita na ito.
"You have some money?" when he ask those questions napaatras na lang din kaagad ako sa kanya.
"Wait, let me ask you, sinusundan mo ba ako?" taas kilay ko pang tanong sa kanya.
I heard his deep breath, "yes, and I'm asking you if you have some money."
"Why?" natatawa ko pang tanong sa kanya. "Naubos na ba 'yong mga na-snatch mo? Don't me Henric." Ngisi ko pa.
Tinalikuran ko na rin siya at sinimulan ko nang maglakad pero mabilis naman niya akong nabahol at hinawakan ulit sa braso ko. Nilingon ko muli siya, pumipiglas naman ako sa pagkakahawak niya sa braso ko.
"Bakit ba?!" irap ko pa sa kanya.
"Okay, I drop my wallet somewhere and I don't know where it was."
Napangisi na lang din ako sa sinabi niya, "karma hits you agad, 'no?"
Pero napalunok na lang din ang nang makita ko mula sa liwanag ang matatalim niyang tingin sa akin na hindi siya natutuwa siya sa birong ginawa ko.
"Please, I need more than a penny."
"For what ba?" buntong hininga ko pa. Wala naman akong magagawa pa. Hindi rin ako titigilan nitong lalaking 'to. Bakit kasi nagpahuli pa ako at pinauna ko pa si Koby? Medyo nakakatakot si Henric, don't mess with him.
"I promise my little sister to bring home her some cake and I've lost my wallet." He said.
Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi pero wala rin akong nagawa, nahulog din ako sa tono ng pananalita niya. I gave him some money kahit na labag sa laman ng wallet ko, binigay ko pa rin iyon sa akin.
"Don't worry I'll pay you soon." He said patting my shoulder at tumakbo na siya. Naiwan naman ako sa loob ng eskinita. Nang makarinig naman ako ng kaluskos sa paligid ko ay mabilis din akong kumaripas ng takbo.
Tinahak ko na ang daan ko papunta sa apartment namin at saglit lang din ay narating ko na iyon. Mabilis naman akong nagpalit ng damit at nagpahinga sa sofa.
"Oh, nandiyan ka na pala, hindi kita nakita." Ani mama, hawak hawak ang isang vacuum cleaner.
"Kakauwi ko lang din po." Ngiti ko pa sa kanya. "Nga pala ma, the king visited the Amea." When I said those words parang natigilan pa si mama sa ginagawa niya kaya naman napakunot noo ako pero hindi ko na rin iyon pinansin. "Mag-e-18 years na daw kasi—"
"The lost prince of Amea?" she said.
"Alam mo tungkol don ma?" kunot noo ko pa sa kanya.
Pero agad naman niyang pinagpatuloy ang paglilinis, "hindi pero naririnig ko lang diyan sa labas 'yong tungkol sa nawawalang anak ng King." Aniya.
Napatango na lang din naman ako. "Ah, pero ma, ang bata pa pala ng King."
Agad namang napatingin sa akin si mama, "anong hitsura?"
"Mestiso, matangos ang ilong at looking young pa rin. Nakakalungkot lang dahil wala na nga siyang queen, nawawala pa 'yong anak niya. This Amea looks so hopeless when it comes to the royals." I sighed.
Hindi ko rin namalayan ay wala na pala si mama sa harapan ko at narinig ko na lang ang tunog ng vacuum cleaner sa loob ng kwarto namin. Kinuha ko na lang din naman ang rule book at pinagbabasa ang ilan sa mga nakaligtaan kong basahin.
Kinabukasan ay mabilis kong inasikaso ang sarili ko at pumasok sa Amea University. Hindi na kami nagkakasabay ni Koby pumasok kaya hindi na rin kami naghihintayan pa. Pagkapasok ko ng gate ng Amea ay agad ko nang sinuot ang mini silver crown ko at naglakad papunta sa hallway ng building namin.
Pagkapasok ko ng room ay napansin kong kakaunti pa lamang sila na nasa loob. Wala pa si Koby at Maisie maging si Henric ay wala pa doon.
"Hey, Bresett!" sa pagtawag ng pangalan ko ay mabilis na naglanding ang paningin ko sa dalawang lalaki na nagtatawanan pa. Tinaasan ko naman sila ng kilay. "Will you be my girl?" he smirked.
"Hey, bro, she's mine." Usal naman ng katabi nito.
They weren't prince dahil wala silang silver ring na suot so isa sila sa mga mayayamang afford na makapag-aral dito. Hindi sila tinatawag na commoner kapag wala kang royal blood pero isa sila sa mga high class students which means nabibilang sila sa rich family from which country where they belong.
"Excuse me, I don't used to talk to you guys, a lower class of shits." Ngisi ko pa sa kanila.
"Whatever, princess." He smirked at hindi na nila ako pinansin.
Nang makaupo naman ako ay nabaling naman ang atensyon ko sa lalaking kakapasok pa lamang ng room at si Henric 'yon. Mukhang nakita niya pa 'yong nangyari between me and those guys at 'yong mga sinabi ko. Halata kasi sa kanya ang namumuong ngisi nito sa labi niya. Hindi ko alam kung magiging komportable ba ako sa kanya o hindi. Minsan kasi ang sungit niya na tipong kapag hinawakan mo lang sa braso, aambahan ka na nang suntok. Pero when he follow me yesterday, mabait naman si Henric.
Nakita ko siyang iniwan lang sa upuan niya ang bag niya at lumabas muli ng room. Nagdalawang isip pa ako kung susundan ko o hindi pero kusang umangat ang pwet ko at naglakad ang mga paa ko palabas ng room at sinundan ko siya. Hindi pa naman siya kalayuan kaya nahabol ko siya.
Nang makasabay ko na siya sa paglalakad ay hindi man lang niya ako nililingon, nakatingin pa rin siya sa dinadaanan niya.
I cleared my throat, "H-Henric..." usal ko sa pangalan niya.
"Hmm?" hindi ko alam pero parang kumawala naman 'yong sistema ko sa ginawa niya. Nilingon niya ako ako sabay taas ng kilay.
"Ah, eh, kamusta pala kagabi, nakabili ka ba para sa kapatid mo?" tanong ko pa sa kanya.
Nginisihan lang niya ako at walang ibang sagot sa akin.
"Okay, pero naalala ko lang, salamat pala doon sa pagbigay mo ng pizza sa tabi ko noong nakaraang araw." Sabi ko pa sa kanya.
Hindi pa rin naaalis sa labi niya 'yong ngisi niya, hindi ko alam pero mas nakukuha ko siyang titigan doon. Mas guma-gwapo siya sa paningin ko. Ay leche bakit ko ba naiisip 'to ngayon?
"Tss, don't worry, sa allowance mo din naman galing 'yong pinambili ko no'n." sa pagkasabi niya no'n ay para akong natanga. Naalala ko na nasa kanya pala 'yong ID ko noon pero kahit na, nag-alala pa rin siya sa akin kahit anong isipin ko.
Mayamaya lang ay nahinto kami sa isang pintuan, sa pagkakataong ito ay hinarap na niya ako at tinitigan sa mga mata ko.
"B-bakit?" nauutal kong tanong sa kanya. Ewan ko, kinakabahan ako na ewan. Iba kasi siya kung makatingin eh.
"Hanggang sa loob din ba sasamahan mo ko?" ngisi pa niya.
Hanggat sa na-realize ko na nasa boys cr na kami. Agad akong napalunok ng laway sa sinabi niya.
"Ay hindi, sige babalik na ako ng room." Ani ko sabay takbo ng mabilis papunta sa room. Mabuti na lang ay walang estudyante ang naglalakad sa hallway kundi pagtatawanan lang nila ako.
Pagkarating ko naman sa room ay saktong kadarating lang din pala ni Koby pero pansin kong bakante pa rin ang silya na kinauupuan ni Maisie.
"Wala pa si Mace?" tanong ko kay Koby.
"Sa tingin mo kung nandito na siya, hahanapin ba natin?" pamimilosopo pa ni Koby sa akin.
"Late lang siguro 'yon." sabi ko pa.
"Oh baka may princ—" agad ko namang tinakpan ang bibig ni Koby dahil baka marinig pa ng iba naming kaklase na si Maisie ay isang princess na karamihan ay alam na isa lang siyang high class student. Inalis ko rin naman 'yong kamay ko sa kanya, "teka, saan ka ba galing?"
"Sa CR."
"Ano?" aniya na ikinabigla ko naman, napatingin pa 'yong iba naming kaklase pero agad silang umiwas ng tingin. Alam kong wala silang pake sa amin.
"Hindi kasi, ano, basta." Sabi ko nang saktong pagpasok ni Henric ng room ay kasunod lamang din nito ang professor namin kaya nagsi-ayos na rin kami ng pagkakaupo namin.
Nagdiscuss lang ang professor namin at kung ano-anong history ng Amea pero mas naging interasado ang lahat ng may isa sa aming kaklase ang nagtanong tungkol sa unrequited love ng isang commoner at ng isang royal.
"Ma'am, sino po ba 'yong royal at commoner na tinutukoy don?" tanong pa ng isa kong kaklase.
Lahat ay nakatutok ang mga mata at tenga sa professor namin.
"It's on the rule kasi from the Amea Kingdom or any kingdom na piliing maging asawa ang isang commoner. I do not know all of the story pero the it happens, the royal is the king and the commoner is somewhere living dead or alive now." She said.
"Why not marry a commoner?" nagtinginan ang lahat kay Henric na isang commoner.
"There's a simple answer for that Mr. Fabros. She's not a royal." And when she said those words, nilinis na niya ang table niya. "Okay, dismiss." At tuluyang lumabas ng room ang prof.
Napabuntong hininga naman ako. "Bakit kaya wala si Maisie?"
"Siguro may inasikaso diba?" ani pa ni Koby.
Napakibit balikat na lang din ako at tumungo muli kami sa canteen. Pumila kaming dalawa at naghanap ng bakanteng mauupuan dahil ang daming estudyante kaya mabuti ay may natsempuhan kaming dalawa ni Koby.
"Nga pala, ano na nanyari kila Sebs at Dan?" tanong ko pa habang umiinom sa binili kong frappe.
"Ayun, umaasa pa rin silang makakapasok sa Amea Kingdom." Sagot naman ni Koby sa akin. "Bakit nami-miss mo na ba sila?"
Napangisi naman ako sa sinabi niya, "hindi naman, pero oo, 'yong last time kasi umalis kaagad ako. Ulitin natin, next time?" sabi ko pa.
"Later, gusto mo? Week end naman bukas eh." Aniya pa.
Wala naman akong nagawa kundi um-oo na lang din sa kanya. Gusto ko rin kasing makilala pa ang mga kaibigan niya.
Mayamaya lang ay biglang may tray na lumapag sa table namin at nagulat kami ng tumambad sa amin si Henric at sinimulang kainin ang kanyang all time favorite vegetarian pizza. How did I know it? 'Yon ang madalas niyang bilhing snack eh.
"Oh, sorry, can I sit?" aniya nang mapansing nakatingin kami sa kanya.
Inayos ko ang pagkakaupo ko at nginitian ko siya, "yes, ofcourse." Sabi ko pa. napanisn ko rin kasing wala nang bakanteng upuan kaya ayun tahimik kaming naubos ang pagkain namin.
"Henric." Simula ko, nilingon naman niya ako habang pinupunasan ng tissue ang kanyang bibig.
"Hmm?"
"Paano mo nalaman na isang Williams si Maisie?" tanong ko pa sa kanya.
He smirked, "you know internet?"
I nodded, "oh anong meron."
"They are very influential pero madalang lang ilabas M sa media at lalo na 'yong A, I never saw her or... him."
"So paano mo nga nalaman?" tanong pa ni Koby.
Mukhang hindi naman nasisiyahan si Henric sa mga tinatanong namin sa kanya, "Maisie is a Williams. M from the Williams si Maisie, get it?"
Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Koby sa sinabi ni Henric. Wala kaming idea sa sinasabi niya kaya hindi namin siya naiintindihan.
"Oh god, ask your friend if you still don't get it." He said at tumayo na, "I gotta go." Aniya at naiwan kaming dalawa ni Koby sa table namin.
Bago kami tumuloy sa susunod naming klase ay dumaan muna kami ng locker namin at kinuha ang libro ko doon na kailangan ko pero papaalis na kami ng makita namin si Verona kasama ang mga kaibigan nito.
"So where's the other girl?" mataray na tanong ni Verona.
Hindi ko naman siya sinagot.
She steps forward palapit sa amin, "I saw you earlier with Henric, gusto mo ba siya?" pinasadahan niya ako ng tingin pero hindi ako makatingin sa mga mata niya kaya iling na lang din ang nagawa ko sa kanya. "You're hiding something princess..." she smirked. "Leave Henric alone." Bulong pa nito sa akin.
Napalunok na lang din naman ako ng laway ko sa sinabi niya at umalis silang magkakaibigan na nagtatawanan.
"Anong binulong niya sayo?" tanong ni Koby sa akin.
Inilingan ko naman siya, "wala, hindi importante..." ani ko pa at naglakad na kami papunta sa susunod naming klase.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top