Chapter 7

Chapter 7

Farleen


Ilang araw pa lang ako dito sa Amea University, hindi pa ako masyadong sanay sa kung anong tradition ang meron dito o kung anong klaseng paaralan ang pinapasukan ko ngayon pero I used to it. Nakikipagsabayan din naman ako sa kanila, I wore the mini silver crown which represent as a princess, thanks to Maisie pero hindi ko pa rin talaga gets kung bakit kailangan niyang itago na isa siyang Williams.

"You're so pretty with that crown." Puna pa ni Mace sa akin.

Nag-blush pa ako sa sinabi niya, "syempre, it couldn't have done without you."

She smiled, "okay, nandiyan na si Ma'am!" aniya, paglingon ko naman sa pinto ay saktong papasok na ang professor.

Nagsiayos naman kami ng pagkakaupo namin at tiningnan siya, napansin ko lang na wala siyang dalang books maliban sa kanyang LV handbag.

"So, today, the king will visit Amea University."

Everyone gasped, even me. Napakunot lang ang noo ko at pinakinggan ang mga susunod pang sasabihin.

"Prepare yourselves, students. Head to Royal Auditorium at 10 sharp." She said, "I'll be dismissing class early, see you around." She said as she leaves the room.

"Oh my god..." napatingin naman agad ako kay Mace nang marinig ko siyang magsalita. "'Wag na tayong um-attend don, Jayne." She said.

Nalipat naman ang tingin ko kay Koby, "bakit hindi kayo pupunta?" tanong naman ni Koby.

"Because she's afraid to be caught." Agad naman kaming napatingin sa nagsalita, si Henric. Nakangisi ito nang nakatingin sa mga mata ko. May something na kung anong kumukonekta sa aming dalawa pero hindi ko makuha kung ano 'yon.

"What are you saying, commoner?" mataray na tanong ni Maisie kay Henric.

He smirked, "oh, could you please throw out that word, Williams." Aniyang mistulang nang-aasar pa.

Halata namang nagulat si Maisie sa sinabi ni Henric. Tinalikuran na kami ni Henric at tuluyang lumabas ng room. Binalikan ko nang tingin si Maisie at kunot ang mga noo niya. Siguro nagtataka kung paano nalaman ni Henric na isa siyang Williams.

"How did he know?" tanong niya na nakatingin sa sahig.

I hold her shoulder, "and he knows I do not own this crown." I sighed.

"How?" taka niyang tanong sa akin.

"He saw me when Ma'am Danzella walks in front of me." Sabi ko pa sa kanya.

"Paano kung isumbong ka niya kay Ma'am Danzella? Lagot tayo." She took a deep sighed.

"Hindi naman siguro." Sabi ko pa sa kanya.

Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Oo nga, Jayne. You don't really even know that guy, you can't trust him."

I look away, thinking something. Maybe they were right, maybe they were wrong too. Pero I can see Henric is a good guy kahit na ilang beses ko na siyang nahuhuli na nang-i-snatch. So I shrugged answering them, "maybe we can trust him."

"Oh, maybe." Koby smirked.

"Canteen tayo?" yaya naman ni Maisie.

We stood up and brought our bags. Wala nang klase dahil darating mamaya ang king at naghahanda naman ang mga faculties para sa pagdating nito. Hindi ko pa nakikita ang king, I heard of him pero hindi ko pa siya nakikita maski sa mga pictures or any stuff. Amea doesn't have a queen, that's what I know and nothing more.

We head to the canteen as Mace said. Pumila naman kaagad kami sa counter, medyo naiilang lang ako sa tingin ng ibang babae dahil sa suot kong mini silver crown. Dapat hindi ko ipahalata sa kanila na this is not mine and I only wear this because Maisie wants me to have my own confident.

Mayamaya lang ay nakita kong pumasok si Henric ng glass door ng canteen. Sinundan din nila Koby at Maisie ang tingin ko hanggat sa nagtuloy tuloy si Henric papunta sa counter. Nagkatitigan pa kami nito at nginisihan pa ako. Natahimik na lang din ako at walang imik na pinanood ang mga babaeng nagparaya na mauna si Henric sa pila and then there he goes, mabilis na nakabili ng kanyang snacks at naupo sa table na walang nakaupo.

"He's getting on my nerves." Mace grunts as she rolled her eyes to him.

I hold her hand, "easy ka lang, hayaan mo na 'yan."

But then she didn't mind what I said.

Nang nmapunta na rin naman kami sa harapan ng counter ay bumili na kami ng snacks namin. I bought myself a sandwich and a juice while bought themselves some cookies and chips. Tumuloy din naman kaagad kaming tatlo sa bakanteng table few tables away from Henric na pinagtutuunan nang pansin ang kanyang pagkain.

Nang makaupo naman kami at inalis ang tray sa table namin.

"Ay Koby, you still have something to tell us diba?" Maisie grinned.

Napataas naman ng kilay si Koby at nagpalipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Mace. "ano naman sasabihin ko?" tanong pa niya, mukhang hindi niya nakuha 'yong tanong ni Maisie.

"About her." Maisie said.

"Her?" takang sabi pa ni Koby sabay kunot noo.

"About Princess Emily." I said grinning.

"Oh." Napaayos na lang sa pagkakaupo si Koby. Nase-sense kong ayaw niyang pag-usapan pero kinukulit pa rin siya ni Maisie.

"Spill something Koby, please? Kahit kaunti lang!" pagmamakaawa pa ni Maisie kay Koby.

Koby took a deep sighed, "she's nothing more than special."

"But she's a princess." Maisie said.

"I—" before Koby answer Maisie's question, tatlong babae ang lumapit sa aming tatlo and when I look at them, nagsalubong na lang din ang kilay ko nang makita ko na naman silang dalawa.

"Diba dapat nasa Castle ka or anywhere dahil pupunta ang King?" sabi pa ni Maisie kay Verona.

But then Verona rolled her eyes, "does it matter to me? I know the king, he's my uncle, my father's brother." She said.

"But still you need to respect and prepare, he's still a king you know." Sagot ko naman sa kanya.

Nang balingan naman niya ako ng tingin, imbis na sa mukha ko siya titingin ay sa ulo ko napunta ang mga mata niya. Kung nasaan, suot suot ko ang mini silver crown ni Maisie.

"I didn't know na isa ka palang princess." Verona said saka siya tumawa, "bakit ngayon ko lang din nakita 'yan sayo? Ayaw mo siguro isuot dahil nahihiya kang ipagmalaki ang kingdom niyo." She smirked.

Tila nabato lang ako sa kinauupuan ko, sa gilid ng mata ko ay nakikita ko si Maisie at Koby na wala ring imik kaya hinayaan ko na lang ang sarili ko na tingnan si Verona.

"So where do you come from?" Verona asked, parang sinusuri niya talaga ako ayon sa malikot niyang palipat lipat ng tingin ng mata niya.

"I-Im—"

"She's from Farleen."

"Farleen?" sabay sabay na sabi ni Verona at ng mga kaibigan nitong babae. Nilingon ko naman si Maisie at dinilatan na lang ako ng mata na parang sinasabi niyang makisakay na lang din ako sa sinabi niya.

"Yes, Farleen!" confident kong sagot kay Verona.

"I didn't even heard that kingdom before." Aniya.

Napalunok naman ako ng laway sa sinabi niya, "well, maybe, you don't anything but Amea, right?" I smirked. Namilog ang bibig niya nang sabihin ko iyon sa kanya, halatang nabigla sa sinabi ko pero sa nakikita ko naman, Verona Lambert don't know anything but being a Lambert.

"This is not the last time, princess of fa—whatever!" she rolled her eyes, leaving the three of us.

Napuno na lang din naman kaming tatlo nang tawa dahil for the first time ay naasar namin si Verona. Hindi ko rin alam kung bakit takot na takot ang ibang studyante diyan kay Verona, she's just a relative, a Lambert pero hindi but she didn't rule this kingdom, this school and all of us kaya hindi kami magpapatibag diyan kay Verona. She can mess with everyone but not on me.

Nabaling naman ang tingin ko sa table na hindi kalayuan sa amin at natigil naman ako sa paghagikgik ko nang makita kong nakatingin siya sa amin. Nginisihan niya ako at kinuha niya ang kanyang gamit at tumayo na sa kanyang kinauupuan.

"Jayne?" Maisie waved her hand in front of my face.

Mabilis naman akong napailing sa ginawa niya.

"Sino ba kasing tinitingnan mo?" ani pa ni Koby.

Nang lumingon naman sila sa direksyon kung saan ako nakatingin kanina ay doon lang sila napatango nang makita nila si Henric palabas ng canteen.

Mabilis namang tumihin sa akin si Maisie. "You like him?" medyo bakas pa sa tono ng pananalita ni Maisie ang pagkasura.

Mabilis ko naman siyang inilingan, "no way, why would I?" ngiwi ko pa.

"Pero the way you look at him, may something." Dagdag pa ni Maisie.

"Baliw, adik, bahala kayo sa buhay niyo!" hagikgik ko pa at saka kinain ko pinagpatuloy ang pagkain ko.

Nang matapos naman kaming kumain ay lumabas na kami ng canteen. Pinagbawalan na ding mag-gala gala ang mga estudyante sa university dahil darating nga ang king at kailangan maging maayos ang pagbisita niya mamaya. So ayun pinadiretsyo na kaming tatlo sa royal auditorium kung saan gaganapin ang event na 'yon.

Pagpasok namin ng royal auditorium ay nasa loob na rin ang ilang estudyante. Nakita naman namin si Verona na nakaupo sa front seat which exclusive for them royals. Naupo naman kaming tatlo sa cinema style chairs. Patuloy pa rin naman ang pagdating ng mga estudyante na gustong makita ang King.

Mayamaya lang din ay nakita ko na si Henric, sa pinadulong row siya umupo at nagpangalumbaba lang. Everyone knows that he's only a commoner without any scholarships kaya nagtataka ang ilan kung paano nakapasok ang isang tulad niya sa Amea University. Ako rin, nagtataka eh. For sure, hindi naman nanggagaling 'yon sa mga nakuha niyang wallet dahil masyadong mahal ang tuition at any stuff dito sa Amea University.

Thirty minutes after ay dumating na rin ang King. Ang iba ay napuno nang excitement ang mga mukha at ang iba naman ay hindi alam ang gagawin. Para sa akin, parang wala lang. Walang excitement o kung ano man. Nang makita na namin ang King ay halos magningning ang mga mata namin ng makita namin siya. As we thought ay matanda na ang King, maputi na ang buhok at mataba pero nagkamali pala kami. His hair were golden brown, he's white suit make his skin complexion more stunning as white at ang tangos din ng ilong nito. More like mid 30's lang siya.

Nang mapunta naman siya sa front seat which is sinalubong siya ni Verona, his niece.

Mayamaya lang ay pumunta na ito sa stage kung saan ay nakita na naming lahat. Matangkad siya, ang ganda niya dalhin ang suit niya. Haring-hari ang dating niya.

"Good day Amea Students, I'm glad to know that all of you chose Amea University as your school." Hindi ko na pinakinggan pa kung anong sinasabi ng King dahil na rin natuon ang atensyon ko sa pagkaing kinubli ni Koby sa kanyang bag at ayun, kumain na lang kaming tatlo kaysa makinig sa sinasabi ng King.

Pero muling natuon ang atensyon ko sa pakikinig ng may sabihin ito tungkol sa kanyang anak.

"As all Amea know, 18 years of my son will come soon. May everyone know what happened to Amea few years ago but then, I'm hoping for this chance to find my son, to find the lost prince of Amea." He said.

"Lost prince?" taka kong tanong.

"You don't know?" tinaasan ako ng kilay ni Maisie sa tanong ko.

"Ako rin, hindi ko din alam." Sabi din ni Koby.

"It's unrequited love between a commoner and a royal..." sa sinasabi naman ni Maisie ay biglang lumutang ang utak ko at biglang pumasok sa akin ang mga kinukwento ni mama sa akin. Pero baka, coincidence lang 'yong kinukwento ni mama at ni Maisie diba? Siguro nga.

"So, nasaan na 'yong prince?" tanong ni Koby na nagbalik sa katinuan ko na makinig sa pag-uusap nilang dalawa.

Mace shrugged, "I don't know, Amea had this privacy but still, they didn't found the prince. He still lost and nowhere to be found." She said.

So ayun, bumalik kami sa pakikinig sa King at saglit lang din ay umakyat si Verona sa stage at siya naman ang humarap sa mic para magsalita.

"As a Lambert and relative to the royals and Amea, we will help the king to find his son, the lost prince of Amea, I hope this can be help. If you know something, please, tell it to us." She said and leave the stage.

Natapos ang visitation ng King at napuno na nang usap-usapan ang paligid kung saan nila makikita ang lost prince at ano na kayang nangyari doon. Pagkatapos no'n ay nauwi na rin kaming lahat. Hindi naman napansin ng iba na tinanggal ko ang aking mini silver crown at naglakad na palabas ng Amea University.

Habang tinatahak ko ang daan ay may naramdaman akong humawak sa braso ko at agad akong hinila nito sa madilim at makipot na eskinita.

"Don't... don't... don't me, hindi pa ako handa!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top