Chapter 6
Chapter 6
Mini Silver Crown
As we head to Maisie's limousine. Ayun, manghang-mangha naman kaming dalawa ni Koby sa ganda ng loob ng limousine niya. Naka-harap ang upuan ni Mace sa amin. May malaking espasyo sa gitnan naming tatlo. Mayamaya ay nagsalin siya sa wine glass at inaboy niya sa amin 'yon.
"Champs?" she asked.
"Hindi talaga ako umiinom, Mace." Pagtanggi ko pa, with matching wave ng hands. Hindi pa kasi talaga ako nakakainom ng kahit anong liquor, pinagbabawalan ako kaya hindi ko alam kung anong lasa niyan kahit sinasabi nilang sa umpisa lang 'yan, ewan ko. Ayokong malasing!
Kinuha naman ni Koby 'yong isang wine glass kay Mace. Tiningnan ko lang sila.
"Just give it a try, Jayne. Hindi naman 'to nakakalasing." Aniya.
Dahan dahan ko namang inabot 'yong wine glass, "sigurado ka ha?" ani ko pa. Tinanguan naman niya ako na parang masasarapan nga talaga ako.
Nilingon ko naman si Koby at iniinom na niya 'yong kanya. Tiningnan ko naman 'yong akin, pinaikot ikot sa wine glass hanggat sa wala na akong nagawa kundi inumin ng isang tungga ang laman ng wine glass ko. Nang maubos ko naman 'yong laman, ayun kung ano anong ekpresyon ang lumabas sa mukha ko. Halo nang tamis at asim eh.
"Did you like it?" ngiti pa ni Mace sa akin.
Tumango na lang din naman ako sa kanya. At saka, mamahalin 'yong champagne na pinainom niya sa akin ah. Masarap pero 'yon nga pagfirst time mo, parang aayawan mo na agad. Atleast, nalasahan ko na rin at alam ko na 'yong feeling nila. Kaloka.
"Malayo pa ba tayo?" tanong ni Koby.
Sumilip naman si Mace sa bintana, "no, we're close..." she said.
Ang sarap pa nang upo namin ni Koby pero makaraan lang ang ilang minuto ay huminto na ang limousine, akala ko may traffic or mga dumadaan. Pero naalala ko nga pala, no heavy traffics held in Amea. Most of used cars dito ay Limousine o kaya high class cars, Porsche, Chevrolet, some thing like that.
"Wer're here!" sa pagkasabi ni Maisie no'n ay mabilis kaming napasilip ni Koby sa tabi ng bintana ko at halos mapanganga naman kami nang makita ko ang tinitirhan ni Maisie. Kaloka, talong-talo ang apartment namin dito!
Nang huminto ang limousine sa front door ng bahay mansion nila Maisie.
"You're a real princess, Mace. You own this mansion." Manghang-mangha ko pa na nililibot ang paningin sa kabuuan nang mansion nila Mace. Ang gara, nasa labas pa kaming kami ngayon ah? Tindi!
"No, it's her castle." Ani pa ni Koby.
Natawa na lang si Maisie sa aming dalawa ni Koby, "Well, this isn't a mansion, definitely not a castle, a mini mansion just for you to know." She said.
"Eh?" gulat ko pa. As in, mini pa baa ng dating nito sa kanya?
She shrugged, "yeah, you think its but nah, our castle in North Peeliana is bigger than a mansion, just like Amea Castle." She said. "Tara na sa loob." Aniya.
Pumasok naman kaming tatlo sa loob ng mini kuno mansion nila, sinalubong naman kami ng mga maids nila at kinuha 'yong mga bitbit namin at nilagay nila sa isang tabi at sinundan lang namin si Maisie papunta sa living room nila. At halos malula naman kami dahil 'yong chandelier talaga sa gitna ng living ang una kong napansin. Maswerte nga talaga kapag may lahi kang royal at kinikilala sa buong mundo.
Naupo naman kaming dalawa ni Koby sa isang mahabang sofa. Para kaming baliw dahil sinisiksik namin ang dalawa eh ang laki laki ng space pero nakakahiya naman kasi. Never in my life na nakapasok ako sa ganitong kagarang bahay or in other words, mansion!
"'Yong totoo Maisie, nagkikita pa ba kayong lahat dito?" sabi ko pa, kasi kung lilibutin mo man ang mini mansion nila, pwede kang maligaw. Ngayon pa nga lang eh, nakakaligaw na.
Napailing habang tumatawa si Mace sa amin, "actually, ako lang at ang mga maids ko ang nakatira dito."
"What?!" sabay pa kaming dalawa ni Koby sa pagsabi no'n. Nakakagulat naman kasi, sa laki ng bahay na tinutuluyan niya tapos siya at mga maids lang din ang nakatira.
"Hindi ka ba nalulungkot?" tanong ko pa.
"Oo nga, ikaw lang mag-isa, ang boring kaya no'n!" dagdag pa ni Koby.
She shook her head, "not at all, Koby. I was here months ago pa kaya medyo nakaka-adjust na rin ako na ako lang ang mag-isa. Saka nandiyan naman 'yong maids to help me. Busy sila sa North Peeliana, alam mo naman... Williams are some of the popular names here on earth." Buntong hininga pa niya.
"Princess!" isang lalaki naman ang lumapit sa amin. "Sorry to disturb you pero dumating po ang inyong kapatid."
Napakunot noo naman ng noo si Maisie. Nakakahiya 'yon ah, we call her as Maisie lang pero princess ang tawag sa kanya dito. Pero she preferred calling on her name kaysa sa princess, lalo na sa University.
"Sino?" takang tanong ni Maisie. Hindi niya siguro talaga alam na may bisita siya, or unwanted visitor 'yon ni Maisie?
"Your brother, Princess. Prince Leonard."
She gasped as she stood from the sofa, "how he didn't even said!" aniya, hinarap naman niya kaming dalawa ni Koby. "Wait, babalikan ko kayo."
"No, you don't need, little sister."
Sabay sabay naman kaming napalingon sa nagsalitang boses ng lalaki, from his clothes to his gestures. You woudnlt even hesitate to think na isa nga talaga siyang prinispe. Nilapitan naman siya ni Mace. 'Yong akala ko na magyayakapan ang magkapatid, 'ayun binatukan ni Mace ang kapatid niya. Agad naman niya itong hinawakan sa braso at dadalhin palabas ng libing room pero agad namang pumiglas si Prince Leonard.
"Oh, hindi mo ba ako papakilala sa friends mo?"
"Shut up, brother!" at hinigit na ni Maisie palabas ang kapatid niya.
"Oh...my...gash!" ang higpit ng pagkakahawak ko sa uniform ni Koby at halos kumawala naman ang kilig ko. "Nakita mo? Ang gwapo gwapo niya talaga!"
"Wait, 'yong uniform ko! Mahal 'yan!" aniya habang inaalis ang kamay ko sa uniform niya. "Saka kilala mo 'yon?" taas kilay niyang tanong sa akin.
I sighed and rolled my eyes, "Williams sila, right?" he slowly nodded to me. "I followed The Williams." I grinned.
"Baliw." Ngisi pa ni Koby.
"Oy hindi ah!" palo ko pa sa braso niya. "Hindi ka lang kasi marunong um-appreciate ng kagwapuhan."
He look at me with his brow raised, "hindi pa ba ako sapat?" half-smile pa niya.
Mayamaya din ay bumalik na ang magkapatid. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, magkapatid na magkapatid nga silang dalawa, magkamukhang magkamukha niya.
"Oh, he's my brother." Pagpapakilala ni Maisie sa amin sa kapatid niya. "Leonard."
"Hey, where's the respect there? I'm Prince Leonard." He offer his hands, "but you can call me, Prince Leo." He said.
I shook his hands, "I'm Jayne..."
"Koby, bro." he said as they shook their hands.
"Brother, bakit hindi ka man lang nagsabi na pupunta dito? Sana napagluto kita ng dinner." Sabi pa ni Mace.
"So sweet, little sister."
"I'm not your little sister, okay?" aniya pa.
Leo shrugged off his shoulder, "okay, fine, pero hindi ako magtatagal dito. The Queen wants to see you if you're okay and well on your studies on Amea University."
"Then?" her forehead creased.
"Sail to Raquea." He said.
"Raquea?" napatingin naman kami kay Koby nang magsalita.
"Problem, bro?" Leo asked.
Napangiwi na lang din si Koby at umiling.
"Okay, I guess we call it a visit now." He said.
"Wait, aalis ka na... agad?"
Niyakap na lamang ni Leo ang kanyang kapatid at nagpaalam na rin sa amin ito. Naiwan naman ulit kaming tatlo.
"Sa kwarto tayo." Ani Mace.
Pumunta naman kami ng kwarto ni Maisie, as expected dahil siya lang ang nakatira sa sinasabi niyang mini mansion ay sobrang laki naman ng kwarto niya. Queen size bed ang kama niya, so many luxury things sa paligid at mamahalin talaga ang lahat. Pinakita niya ang walk-in closets niya at banyo niya na halos kalaki na nang space namin sa apartment.
This is what you call life of a princess.
"Anong gagawin ng kapatid mo sa Raquea?" tanong ni Koby.
"Will pay a visit for his princess." Maisie said.
Nanlaki naman ang mata ni Koby sa sinabi ni Maisie. "Princess Emily?" he asked.
Maisie nod, smilingly. "Why Koby? Saka bakit parang nagulat ka naman na sinabi ni kuya 'yon kanina?" takang tanong ni Maisie.
He just shrugged, "nothing big deal but I came from Raquea." He said.
"Eh, anong ginagawa mo sa Halliway?" tanong ko naman sa kanya.
"I was just... ah, I left Raquea 'cause of something I have to do."
"Huh?" natanga naman kaming dalawa ni Maisie sa sinabi ni Koby.
"So anong pino-point mo?" tanong ko oa.
"We fall in love, so I left." When he said those words, napahugot na lang siya nang malalim na hininga.
"With whom, Koby?" Mace asked.
"With her, Princess Emily."
"How?" tanong ko pa. Nagiging interesting tuloy 'yong kwento ni Koby ngayon. I didn't know na galing pala siya ng Raquea. Isa rin sa mga kilalang bansa.
He just shook his head, "nevermind guys, hayaan niyo na lang 'yon." then he flash his smile.
Mayamaya lang ay pumasok ang isa sa maid ni Mace at may dala dala itong tray na may pagkain. Kumain naman kami ng bake macaroni, kung ito lang kuntento na ako at hindi ko na kailangan ng malaking bahay pero 'yon nga, hindi mo pa rin maaalis sa isip ko na, malayo talaga ang agwat naming dalawa.
"Wait, Jayne, may ibibigay ako sayo." Aniya at may hinalukay sa bag niya.
Pagkatapos ay hinigit naman ako ni Mace at dinala sa harapan ng salamin at pinaupo ako sa harapan nito.
"Ano ba kasing gagawin mo? Ma-make-up-an mo ba ako?"
Natawa naman siya, "no," at inayos niya ang buhok ko at may pinatong siya. "This, I want it you to have this." she said.
"Hala, hindi, Mace!" sabi ko pa. Aalisin ko na sana 'yon sa ulo ko pero pinigilan niya ako.
"Please have my silver crown." She said. Nakatingin lang ako sa salamin at suot suot ang mini silver crown ni Maisie.
"Hindi talaga Maisie, hindi ko matatanggap." Sabi ko pa sa kanya.
Inalis ko naman siya sa ulo, "hindi ko na rin 'yan tatanggapin kapag binalik mo sa akin."
"Mace, okay lang naman sa akin eh."
"Hindi kaya, Jayne." Napatingin naman kami kay Koby na may sinusukat sa kanyang daliri at nanlaki naman ang mata namin nang makita iyon sa kanya.
"Saan mo nakuha 'yan?" tanong ni Koby.
"Oy hindi ko kinuha 'to ah!" depensa niya agad sa sarili niya, "someone drop it off kaya kinuha ko na lang din." Aniya. "Saka walang masama kung susuotin ko 'to sa Univesity eh, they will treat us prince and princess Jayne." Ngisi pa ni Koby.
"Koby got my point." Mace grinned.
"Pero kasi Maisie, sayo 'yan eh, title 'yan as you have your royals related."
She hold my both shoulders, "I don't care about the titles, as long as my friends have their confidence to come along, gagawin ko."
"Kasi..."
"Jayne." Aniya, kinuha niya sa kamay ko 'yong silver crown at sinuot muli sa ulo ko.
"The rule book, remember, nakalagay doon na for exclusive royal related lang ang pwedeng magsuot ng silver crown at silver ring inside the university."
"'Wag ka lang papahuli kay Ma'am Danzella." Ngisi pa niya sa akin. "you can have it, Jayne. Hayaan mo, akong bahala sayo."
I sighed and make a curve on my lips, "okay, thank you."
--
As I wear the mini silver crown in front of the mirror, I see myself as a princess pero alam ko namang hindi mangyayari 'yon.
"Jayne, ano 'yan?" napalingon naman kaagad ako nang makita ko si mama na lumapit sa akin. "Crown?"
I nodded, "opo, my friend, Maisie gave it to me."
"Oh, she's a princess?" she asked.
I nodded, "Yes, a Williams."
Sa pagkasabi ko no'n tinanguan na lang din naman niya ako, "just keep yourself out of trouble okay?"
I nodded, "yes ma, papasok na po ako."
I leave the apartment at nilakad muli ang street kung saan few blocks away lang ang Amea University. Hindi ko makakasabay si Koby dahil male-late daw siya kaya mauna na lang daw akong pumasok kaya naman dire-direstyo na lang ako.
Nang makapasok na ako sa gate ng Amea University ay agad ko namang sinuot ang mini silver crown ko. As what Mace said to me, kailangan daw ay makita niyang suot suot ko 'yon pagpasok ko sa university. Pero hindi sa kalayuan ay nakita ko si Ma'am Danzella kaya mabilis ko naman itog tinanggal at tinago sa loob ng coat ko.
Nilapitan pa ako nito, "oh, good morning Miss Bresett." She smiled.
"Good morning din po."
"Are you in a hurry? Para ka rin kasing nakakita ng multo?" aniya.
Napangiwi naman ako sa kanya at inilingan, "ah, wala po."
"Okay, lead your way. See you around."
"Sige po ma'am." As soon as she leave, tiningnan ko pa ulit kung nandiyan pa siya pero nang wala na, sinuot ko muli ang mini silver crown ko at naglakad na papasok ng hallway ng building kung nasaan ang room ko.
"I saw what you did there." Biglang sulpot ni Henric sa tabi ko, nginisihan pa ako nito. Sinamaan ko lang din siya ng tingin. "A commoner with a crown? Kanino mo na-snatch 'yan?"
I grunt, "hindi ko ini-snatch 'yan!" I yell.
Pero nginisihan niya lang ako.
Huminga pa ako nang malalim bago ako tuluyang pumasok ng room. Ngiting ngiti naman si Maisie nang makitang suot suot ko ang mini silver crown. Pero agad naman akong napatanong sa sarili ko, tama ba 'tong ginagawa ko? Breaking the rules?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top