Chapter 45
Chapter 45
Visiting Koby
~Jayne's POV
Nagising na lamang ako sa mahimbing kong pagkakatulog ng maamoy ko ang paligid ko. Nang imulat ko naman ang mga mata ko ay nagulat na lamang ako ng napapaligiran na ako ng usok. Agad naman akong napatakip ng ilong ko, susubukan ko sanang tumayo nang biglang lumitaw sa harapan ko ang apoy na siyang kumalat sa buong kapaligiran ko pa.
"Tulong!" sigaw ko pa, "Henric!"
Inuubo na ako sa usok na nalalahanghap ko, tumatagos pa rin iyon sa mga kamay ko kahit anong takip ang gawin ko.
"Henric!" sigaw ko pa.
Napaluhod na lamang ako sa sobrang hirap na nang paghinga ko. Mas lalong lumalakas ang apoy sa paligid, nagbabagsakan ang ilang kisame. Hindi ko alam kung magagawa nila akong iligtas mula dito, nasa middle tower ang kwarto ko. Sana man lang umabot sila.
Napahiga na lamang ako sa sahig, hindi ko na kaya. Nauubusan na ako ng oxygen sa katawan ko. Kung hahayaan ko lang i-inhale ang usok ay masu-sufocate naman ako at mas delikado kung gano'n.
"Jayne!" mula sa isang boses ay napa-angat ang ulo ko. nagkaroon muli ako ng pag-asa. Paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ko hanggat sa makarating siya sa akin. "Jayne, ilalabas kita dito." Aniya. Kanya akong binuhat na parang bagong kasal. Iniiwasan niyang dumaan sa nasusunog na mga kagamitan.
Nawalan na lang ako ng malay sa mga pangyayaring iyon.
Nagising na lang din ako sa isang kwarto, isang oras makalipas ang nangyari sa kwarto na tinutuluyan ko. Nasa harapan ko ngayon si Henric at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Uupo sana ako ng magsalita siya.
"Oh, ayos ka na ba? Humiga ka na muna." Aniya.
"Okay na naman ako." Ngiti ko pa sa kanya. "Ano ba nangyari doon? Mabuti na lang nagising ako."
Napahugot na lang ng malalim na hininga si Henric bago ako sagutin, "may nagsunog sa kwarto mo Jayne."
Napakunot noo naman ako, "huh? Sino namang gagawa no'n?"
Napailing na lang din ng ulo si Henric, "hindi ko alam pero nakakasigurado kaming sadya ang nangyaring pagsunog sa kwarto mo."
Napabuntong hininga na lang din naman ako. Atleast I'm safe.
Mayamaya lang din ay pumasok si mama kasama ang King.
Mabilis akong dinaluhan ni mama at niyakap na lang. Grabe din siya kung mag-alala. Hinawakan naman nito ang magkabilang pisngi ko at sinuri kung may lapnos o pasa ba akong natamo sa katawan ko.
"Okay ka na ba?" pag-aalala pa niya sa akin.
Tumango naman ako. Binaba naman niya ang kamay niya sa pisngi ko at nakahinga rin siya ng maluwag.
"Isa lang ang nakaksigurong pwedeng gumawa nito." Napalingon naman kaming tatlo sa King at inaabangan ang sunod niyang mga sasabihin.
"Sino Hundrei?" tanong ni mama sa kanyang asawa—actually, they were not married. May anak lang sila, hindi ko alam kung magpapakasal sila or not.
"Si Arthwest." Sagot ng hari.
"Pa'no?" ani Henric. "Nahuli na natin 'yong guards na kampi sa kanya, meron pa bang iba?"
Napatango naman ang hari sa sinabi ni Henric, "posible 'yon Henric, hindi lang ng royal guards na nasa castle ngayon ay kakampi natin. May ilan akong mapagkakatiwalaan pero hindi lahat."
"Pa'no kapag 'yong pinagkakatiwalaan mo, siya rin pala 'yong traydor." Hindi ko alam pero nasabi ko 'yon. Napatingin na lang tuloy ang hari sa akin.
"Tama si Jayne, Hundrei." Napatingin naman ako kay mama dahil sa pag sang-ayon nito sa sinabi ko. "Hindi rin tayo makaksigurado na mapagkakatiwalaan natin 'yong mga royal guards na sinasabi mo Hundrei."
"Anong gagawin natin sa kanila? Hahayaan na lang ba?" ani Henric.
"May posibilidad na mangyari ulit 'to." Ani ng hari. "Sa safehouse muna kayo Eyriel at Henric."
"Paano ka Hundrei?" si mama.
"Dito lang ako sa castle."
"Delikado, nandiyan pa si Arthwest." Ani mama.
"Kaya nga mas ligtas kayo kung nasa safe house kayo." usal ng hari.
"Pwede bang sumama si Jayne sa amin?" ani Henric.
Tiningnan ko naman si Henric, nginitian naman ako saka binalik ko ang tingin ko sa hari na parang pinag-iisipan pa kung pwede ba akong sumama.
Inunahan ko na naman ang hari sa desisyon niya, "babalik na lang po ako sa North Peeliana."
"Jayne." Ani Henric. Nilingon ko naman siya at kunot na lamang ang mga noo niya. "Pwede ka namang sumama sa amin sa safe house, akong bahala."
I hold his hand and smiled at him, "mas mabuti kung aayusin ko rin muna kung anong meron ako sa North Peeliana, Henric."
Naintindihan naman niya ang sinabi ko. Tinanguan niya ako, "mag-iingat ka palagi." Nabigla na lamang ako ng ikulong niya ako sa mga yakap niya. Hindi ko naman alam kung anong expression ang ilalabas ko gayong nakatingin sa amin ang hari at si mama. Umalis naman si Henric sa pagkakayakap sa akin.
"Jayne..." tawag sa akin ng hari, "we're hoping to see you at his crowning."
I nodded to the king, "yes, I will."
Nang masigurado nilang okay na naman ang lagay ko ay tumungo na kami sa dining hall to eat our lunch. Bantay sarado ng mga royal guards ang paligid lalo na't threaten sila ni Arthwest. Hindi ko alam kung bakit nangyari 'yon at mismo sa kwarto ko pa talaga nangyari. Hindi naman siguro ako ang puntirya nila ano?
Habang kumakain kami ay napag-usapan ang pagpunta ng mag-ina sa safe house mamayang gabi at mamayang gabi na rin ako babalik ng North Peeliana pero binulong ko kay Henric na dadaan pa ako sa Halliway para dalawin si Damon. Sabi niya ay gagawa siya ng paraan para makapunta kami doon.
Pagkataon naming mananghalian ay tumuloy muna ako sa kwarto ni Henric, mas malaki ito kumpara sa tinuluyan ko. Mabuti na nga lang ay hindi natupok ang mga damit ko at naisalba pa ang mga iyon kaya dinala na rin dito sa kwarto ni Henric.
"Sigurado bang babalik ka na sa North Peeliana?" aniya.
Natawa naman ako sa pagkaseryoso niya.
Tinaasan naman niya ako ng kilay, "what's funny?"
Napahagikgik naman ako, "wala ang cute mo lang tingnan."
Napangisi naman siya, "cute lang? Sa pagkakaalam ko, pinanganak akong gwapo." Aniya.
"Sus!" tulak ko pa sa braso niya. "Hangin mo pre."
"Hindi nga, Jayne." Muli na naman siyang bumalik sa pagiging seryoso niya. Kahit natatawa ako ay pinigilan ko na lang din. Inabot naman niya ang kamay ko at pinaglaruan ng daliri niya ang palad ko. "Pwede ka namang sumama sa amin sa safe house."
"Okay lang naman ako doon sa North Peeliana, bakit?"
"Pwedeng sumama na lang sa'yo 'don?" aniya.
Inabot ko 'yong ilong niya at pinisil ko 'yon. Agad naman niyang tinaboy ang kamay ko mula sa ilong niya at hinimas niya iyon. Namumula na tuloy.
"Masakit." Aniya.
Napahagikgik na lang din naman ako sa kanya.
"Magkikita pa naman tayo sa crowning mo eh." Sabi ko pa sa kanya.
Umayos naman siya ng pagkakaupo sa kama, inakbayan naman niya ako.
"Iba pa rin 'yong araw araw kitang nakikita at nakakasama." Aniya. "At first, I never thought that this would come, na sobra sobra akong ma-a-attach sayo. No'ng mga araw na nasa safe house ako, lagi na lang kitang iniisip." Aniya. "Alam mo ba..." tiningnan ko naman siya, ang gwapo niya sa side view. Ang kanyang jawline at nagniningning na asul na mga mata at matangos na ilong.
Tiningnan din naman niya. nahuli niya tuloy na nakatitig ako sa kanya. Pero nginitian ko lang siya.
"Ano 'yon, Henric?"
"Ayaw sayo ng King para sa akin noon dahil isa ka lang daw commoner."
Napatango naman ako sa sinabi niya, "I get it, alam ko namang tradisyon na sa mga royals na royal to royal lang ang marriage na mangyayari sa inyo eh."
"But you're not a commoner."
Napangiti naman ako, "I'm lucky."
"I guess that..."
"Guess what?"
"We're meant to be."
Natawa naman ako sa sinabi niya, "you're so corny as it is, Henric." Tawa ko pa.
Napangisi na lang din naman siya, "I don't know what to say pero ito talaga ata nangyayari kapag inlove ka."
"When the time comes Henric, we can build our own kingdom."
Napataas naman siya ng kilay sa sinabi ko, "then what we should call to it?"
Natawa naman ako sa naisip ko.
"Tss, spill it Jayne."
' Napahagikgik pa ako bago ko sabihin iyon, "Farleen... The Land of Farleen."
"Wait..." aniya.
"Ano?" hagikgik ko pa.
"'Yon 'yong sinabi mong kingdom noon diba?"
Nakangisi akong tumango naman sa kanya.
Pinisil na lamang niya ang magkabilang pisngi ko at ginantihan ko naman siya ng kiliti sa tagiliran niya hanggat sa hindi na kami naawat sa kakulitan namin dalawa. Nauwi naman iyon sa pagtulong ni Henric sa pag-ayos ng mga gamit ko.
Bago man kami umalis ay nagpasama naman ako kay Henric na kitain muna si Koby. Ayaw pa sana kami payagan ng hari dahil delikado nga kung lalabas pa kami ng castle pero sa huli ay pumayag naman ito pero sa kondisyong may dalawang royal guards na magbabantay sa amin.
Sumakay kami sa limousine na siyang nagdala sa amin sa bahay ni Koby.
Ilang katok pa ang ginawa ko bago kami pagbuksan ni Koby ng pinto. Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay nakita naman namin doon si Kayen.
"Anong ginagawa mo dito, Kayen?" tanong ko sa kanya.
"Visiting Koby." Sagot ni Kayen sa akin. "Oh, you're with your future husband." Pagtukoy naman niya kay Henric na nasa tabi ko.
Napangiwi na lang din naman ako sa sinabi niya. Pinaupo naman kami ni Koby sa sofa, katabi ko si Kayen. Napansin ko naman ang ilang chocolates at dalawang box ng pizza sa center table. Hindi naman ako inatake ng gutom, napansin ko lang talaga.
"Ba't kayo nabisita Jayne? Saka kala ko nasa Halliway ka?"
Napabuntong hininga naman ako, "nagkita kami ni mama doon kaya sinama na rin niya ako dito sa Amea. Saka babalik din ako sa Halliway dahil dadalawin ko si Damon."
"Anong nangyari sa kanya?" aniya.
"Inaagaw kasi ni Damon 'yong baril don sa nagpaputok pero siya 'yong nadali. Tinawagan ako ng head chief ni Damon at binalitang wala na siya..."
Hinagod na lamang ni Henric ang likod ko.
"Isa pa pala, Koby."
"Ano 'yon?" aniya. Kinuha naman niya 'yong monoblock at tumabi malapit kay Kayen. Napataas naman ako ng kilay, kailan pa sila naging ganito ka-close?
"Tungkol kila Sebs at Dan, alam mo na ba nangyari sa kanila?"
Inilingan naman niya ako, "bakit, anong nangyari?" aniya.
So, kinuwento ko naman sa kanya 'yong mga nangyari sa castle. Kinagulat naman niya 'yon dahil hindi niya inaasahan na magagawa nila Sebs at Dan iyon. Simula daw kasi ng mapasok sa pagiging royals guards ang dalawa ay hindi na sila umuuwi dito sa tinutuluyan at mas minamahal nila ang trabahong iyon kaya no'ng napilitan si Koby na maging isang royal guard ay sumuko kaagad ito at tinaboy ng mga kaibigan.
"Bakit naman nila nagawa 'yon sayo, kaibigan ka nila pero sila 'yong nang-iwan?"
Napakibit balikat na lang din naman si Koby, "hindi ko rin alam."
"Babe." Nanlaki naman ang mata namin ni Henric ng tawagin ni Kayen si Koby ng babe.
"Wait? Sinong tinawag mong babe, Kayen?" taas kilay ko pang tanong sa kanya.
"Baliw 'yan." Ngiwi pa ni Koby.
Napangisi naman si Kayen, "him." Aniya patukoy kay Koby.
"What the fuck!" usal ni Henric.
Hindi naman ako makapaniwala.
"So kayo?" tanong ko pa sa kanilang dalawa.
"We're going on to that, Jayne." Ani Koby.
Hindi ko naman kung anong ire-react ko. Natatatawa ako na ewan.
"Pa'ano nangyari, Koby?" tanong ko pa.
"Long story pero naramdaman ko 'to no'ng bachelor party sa North Peeliana. Hindi ko maiwasang isipin ang mga katawan nina Bryne at Leonard."
"God! Kaya pala tinaboy ka ng mga kaibigan mo kasi pinagnanasahan mo rin sila?" ani Henric.
"Hoy hindi naman, grabe ka Henric." Ngisi pa ni Koby. "Kaibigan ko lang ang mga 'yon pero iba ang dating kay Kayen."
Napangisi na lang din naman ako, "I'm happy for you guys."
Napakunot noo naman si Koby, "seryoso ka?" aniya.
Tumango naman ako.
Mayamaya lang ay biglang lumapit sa kanya si Kayen at hinalikan ito sa lips.
Bigla namang hinarang ni Henric ang mga mata ko. "Shit, 'wag naman sa harap namin! Kadiri!" iritang sabi ni Henric.
Natatawa na lang din naman ako.
Atleast hindi na kailangan pang itago ni Koby 'yon sa sarili niya.
Matapos ang isang oras naming usapan ay napagpasyahan na rin naming bumalik na nang limo.
"Prince, sabi ni King Hundrei ay idiretsyo na kayo sa pier." Ani ng chauffer
"Sige." Ani Henric.
Tumuloy na rin naman ang limo papunta sa pier.
"Hindi ko inaasahan 'yong kay Koby ah." Ngisi pa ni Henric.
"Mas hindi ka maniniwala sa akin na pinagnasahan ko 'yong abs ng kapatid ko." hagikgik ko pa. "Don't worry, Henric. Mag-topless ka rin kasi para ikaw naman ang pagnasahan ko. Joke!" tawa ko pa.
Ngisinihan ko na lang siya, "I never thought that I would love a girl like you."
I smirked, "me too, Hen."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top