Chapter 39
Chapter 39
Avery
~Jayne's POV
Two midnight na nang matapos ang bridal shower kagabi, mabuti na lang ay walang kaganapan ang nangyari. It was for fun lang talaga. Sa castle ako natulog dahil doon ako dinala ni Maisie, pati si Koby ay dito na rin pinatuloy. Sa sobrang laki ng castle ay maliligaw ka talaga, magkakalayo pa ang mga kwarto ng magkakapatid at sobrang laki ng pasilyo at mga kwarto. Pero mas malaki pa rin ang Amea Kingdom ayon na rin kay Maisie noon.
1pm ang wedding at nagising ako ng 9am. Ewan ko, hindi lang siguro ako sanay sa mga gano'ng klase ng party kaya sobra akong napagod kahit nakatayo lang ako doon at nanonood sa mga nangyayari. Nasa isang guest room ako, malaki siya para sa isang guest ha. May sariling banyo pa ito. Tumungo naman ako doon, parang yun na ang kabuuan ng tinutuluyan namin na apartment noon sa Amea. May bathtub at sauna pa ito. Tumuloy naman ako sa sink at naghilamos at toothbrush naman.
Pagkatapos naman ay napagpasyahan kong lumabas ng kwarto ko pero tinamaan naman kaagad ako ng hiya dahil guest lang kami dito pero sakto naman ng biglang may kumatok sa pinto, I heard Maisie's voice kaya mabilis ko iyong binuksan.
"Great, you're up." aniya, bakas sa mga labi niya ang ngiti. Naalala ko na naman tuloy 'yong nangyari kagabi, tuwang tuwa siya nang makahawak ng abs sa mga stripper kagabi pero gahd, hindi rin ako pinalampas ni Maisie. Tinulak niya pa ako mismo doon at sinayawan pa ako ng dalawang strippers. So awkward tapos masyado pang revealing ang dress ko.
Agad naman niyang hinigit ang kamay ko palabas ng kwarto.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Nakapajama pa si Maisie.
"Sa Dining Hall, nandoon ang mga kapatid ko." aniya.
Mula sa second floor ng castle ay bumaba kami ni Maisie sa elevator at tumungo naman sa Dining Hall. Hanggang 5th floors kasi ang castle, may basement at underground basement pa ito at pagdating naman sa fifth floor ay may floors pa daw iyon. So in total, may 7-10 floors ang castle na ito kaya kailangan talaga ng elevator, matataas ang ceiling ng bawat palapag nito. Kung susumahin sa isang normal na nagtataasang buildings sa mga city ay aabot ito ng 30-40 floors. May tower pa ito, nakakaloka na. Pero paano na lang kaya sa Amea? Limitado lang kasi ang pwede naming puntahan doon kaya hindi ko masyadong nakita ang kabuuan ng palasyo. Nalaman ko lang din naman ito dahil kay Maisie.
Pinagbuksan naman kami ng guards na nakabantay sa tabi ng pinto ng Dining Hall. Pagkapasok namin doon ay bumungad sa akin ang isang mahabang wooden desk at nasa paligid noon ang magkakapatid na Williams. Napunta sa amin ang mga tingin nila nang makita nila kami.
"Jayne!" natanaw ko naman si Koby doon na katabi ni Wilhelm.
Nang makaupo naman kami ay nginitian ko naman ang magkakapatid. Ang gaganda at ang ga-gwapo nila. More like greek gods ang datingan nila sa akin.
"Where's Ingrid and Leonard?" tanong naman ni Maisie.
"Nasa kwarto na nila, naghahanda na para mamaya." sabi naman ng nakakatandang kapatid ni Maisie, si Wilhelm.
"It's only 9, mamayang 1 pa ang kasal."
"Maisie, it's their weddings. Hayaan mo silang ma-excite." Sabi naman ni Laragh sa kanya. "Oh, by the way kumain na kayo." aniya.
Napatingin naman ako sa batang lalaki sa tabi ni Laragah na nakatingin din sa akin.
"Oh, he's Sandro." Sabi naman ni Maisie sa akin. "He's the youngest, four years old." Aniya.
Nginitian ko naman siya, he smiled back at bumalik naman sa pagkain niya.
"Oh, hey!" napatingin naman ako sa nagsalita. I never met him before, lumapit naman ito sa akin at niyakap ako, pagkatapos ay humiwalay na siya. "I'm Immanuel." Aniya.
"Nice to meet you, Jayne."
"I know." Aniya. Bumalik din naman ito sa kanyang pagkakaupo.
Sinaluhan ko naman ang Williams Sibling. Napansin ko naman si Koby na parang ang bilis makasundo ang mga Williams pero ako ito, parang nasa isang sulok at nahihiya ang iangat ang kutsara na hawak ko.
"Jayne? May problema ba?" tanong ni Maisie sa akin.
Nginitian ko naman siya, "wala naman."
Tumango naman siya, "kain ka lang, feel at home."
Kumain na naman ako. Parang nagiging magka-away ang lahat dahil sa pagkain lang ang nakatuon ang lahat pero nang matapos ang lahat ay doon na nagsimulang mag-usap usap ang lahat.
"Brother, where's your daughter?"
"May anak na siya?" bulong ko pa kay Maisie. Medyo nakakagulat lang dahil akala ko single pa siya, sayang. Chos!
"Yes." Ani naman ni Maisie.
"They were on their room, tulog pa si Emma."
"Emma?"
Napatingin naman silang lahat sa akin.
"Yes, my daughter, Jayne." Aniya. "You'll meet them later." Aniya.
Napangiwi na lang din naman ako.
"So, how are you?" muli naman akong napatingin kay Immanuel.
Napatango naman ako sa kanya, "I'm okay, good, fine."
Pansin ko namang natawa si Maisie sa tabi ko kay siniko ko siya pero hindi pa rin siya tumitigil.
"So you're staying with us?" napakunot noo naman ako sa sinabi ni Immanuel. "No, I mean, in North Peeliana. You'll gonna stay here."
"Immanuel." Saway naman sa kanya ni Wilhelm.
"What? I'm just asking her."
"Hindi, okay lang naman." Sabi ko pa. "No... I'm going back to Halliway after the wedding."
Natahimik naman sila sa sinabi ko. Ewan ko kung anong meron, nang tingnan ko naman si Koby ay napakibit balikat na lang din naman ito sa akin. Nang tingnan ko naman sila isa-isa, magkakamukha. Nagkakaiba lang talaga sila sa kulay ng mata. Kundi hazel eyes ay gray naman ang iba.
"Jayne, anong ginagawa mo?" tanong ni Maisie sa akin.
"Kulang kayo." sabi ko sa kanya.
"Wala kasi dito si Leonard at Ingrid, why?"
"No, except sa kanila. 8 kayo diba?" she nodded, "binilang ko kayong nandito, 5 plus the two of them. Nasaan 'yong isa?"
"Ahm..." napatingin pa siya kay Wilhelm at binalik ang tingin sa akin. "I guess she's still sleeping."
"She? So she's a girl."
"Yes!" ani Maisie.
"By the way where's the king and queen? Ngayon ko lang narealize na hindi pala natin sila kasabay." Ani Maisie.
"They're busy, tinutulungan ang ibang tao sa wedding na gaganapin." Sagot naman ni Laragh.
Napatango na lang din nman si Maisie.
Mayamaya lang din ay nagsi-alisan na kaming lahat sa Dinig Hall at nagsipuntahan na sa mga mga designated rooms kung saan mag-aayos na for the wedding. Mabilis lang din ang oras kaya mabuti na 'yong nakahanda na. nadaanan namin kanina 'yong Grand Hall kung saan gaganapin ang wedding. The white and pink motif of the wedding is perfectly suit on this kind of double wedding.
Kaming mga girls ay tumuloy naman sa isang kung nasaan naghihintay na sa amin ang mga mag-aayos sa amin. Pinaligo muna kaming lahat. Binigyan kami ng bathrobe at iyon muna ang pinasuot sa aming lahat. May tag-iisang make-up artist at hair dresser ang nakatoka sa akin at alam kong hindi ako bibiguin nito.
Magkatabi naman kaming tatlo habang inaayusan. Mabilis na tumakbo ang oras at buhok pa lang namin ang naaayos, mabilis naman nilang sinunod ang make-ups namin. Dahil white gown ang susuotin ko ay binagay na lang sa akin ang make-up na ginamit. Light make up lang. Nang matapos kaming ayusan ay inabot na sa amin ang mga gowns namin. Magkakapareho lang din pala kaming puti ang mga susuotin.
Nang masuot ko naman ang white ivory sleeve backless gown na it. Perfectly fit on me. Mula sa braid kong buhok at sa pak na pak kong red lips ay akala mo ako pa ang may wedding.
Pasado alas dose ng matapos kaming tatlo sa pag-aayos. Napagpasyahan naman naming pumunta sa boys room kung saan nag-aayos silang apat. Pagkapasok naman namin sa loob ay nagulat kami na mga naka-boxers pa ang mga ito at tila wala pang pang-itaas.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Wilhelm.
Napalunok naman ako ng laway nang makita ko ang perpektong walong abs nito at ang v-line. Agad ko namang nilihis ang tingin ko. Bakit ba ganito kaperfect masyado ang Williams.
"And what do you think you're doing? Hindi pa kayo nag-aayos!" sabi naman ni Laragh sa mga lalaki.
"We just have to suit up, do our hair and that!" ani Wilhelm.
Napansin ko naman si Koby sa gilid na nakaupo lang, siya lang ang naka-tshirt sa kanilang mga lalaki dahil pati si Sandro ay nakabrief lang din.
Napabuntong hininga naman si Maisie, "we'll wait you guys down."
Tinanguan naman kami ni Wilhelm at lumabas na kami ng kwarto niya.
"Oooh, that guy on a shirt." Tiningnan naman namin si Laragh.
"Oh, what's with Koby?" tanong ni Maisie.
"So, his name is Koby?" aniya.
Tumango naman si Maisie, "yes, why."
"I like him tho." She grinned. "Joke." Hagikgik pa niya.
Tumuloy na rin naman kami sa Grand Hall at binati ang ilang bisita na nagdaratingan na. Even the guests ay mismo ang royals ang nagpagawa ng kanilang mga suits and gown para hindi na sila mahirapan pa sa susuotin nila.
Dumating na rin naman ang ilang royals na imbitado at ibang guests na nagmula pa sa Raquea. Bumaba na rin naman ang kalalakihan at ang perfect nilang tingnan sa suot nilang white suit at black slacks. Even Koby, ang gwapo niya.
Dumating na rin naman si Kayen, kapatid ni Bryne. At ang iba pang Smith's. Hindi ko alam kung bakit sa akin siya dumiretsyo. Medyo akward lang.
Pumatak ang ala una, ready na ang lahat. Mula sa aming mga abay ay pumwesto na rin kami sa mga upuan namin. Sa magkabilang pwesto ay nandoon si Bryne Smith at si Leonard Williams. Pansin ko naman ang kaba nila at alam kong hinihintay nila ang araw na ito. Nangingibabaw silang dalawa sa suot nilang gray suits.
Lahat kami ay nakatuon sa pinto kung saan papasok ang dalawang brides.
"Go, kuya!" chineer pa ni Maisie ang kanyang kapatid.
Napangiti na lang din naman si Leonard at bumalik muli sa kaba ang kanyang pakiramdam.
Tuluyang bumukas ang pinto, mula doon ay lumitaw ang dalawang brides. They gown was perfect. Nagcocompliment mula doon ang pink at white nito. Ang ganda sa mata. Sabay silang naglakad sa red carpet. Kasama naman ni Ingrid ang King habang kasama naman niya ang King ng Raquea.
Nang marating nila ang kanilang mga grooms ay tumungtong naman sila sa isang platform at doon nagsimula ang seremonya.
Nagpalakpakan kaming lahat ng ma-pronounce na silang husband and wife. Nagkaroon naman ng picture taking ang royals at ang mga bagong kasal. Pagkatapos naman ay dumiretsyo sa garden ng Castle kung nasaan ang reception ng kasal.
Nahiwalay naman ako kay Maisie dahil masyado siyang busy syempre dahil dalawang Williams ang kinasal. Nilapitan naman ako ni Koby.
"Jayne."
"Ano?" sabi ko.
Pero agad naman niya akong inilingan, "wala, hehe." Ngiwi pa niya. "Saglit lang, pupuntahan ko lang si Kayen."
"Sige." Sabi ko pa.
Tumayo rin naman ako kumuha ng cupcakes sa long table kung nasaan ang mga foods. Naumay din naman kaagad ako dahil sobrang tamis. Maraming tao, royals, high class persons. Lahat sila hindi ko kilala.
With this gown, I feel like I own this wedding. Just kidding.
"Avery?"
Nagpalinga-linga lang din naman ako sa paligid. You can't see a commoner here in this place, puro high class family at royals ang mga imbitado. I'm just the only who came here as a commoner. But I'm glad to see the wedding of the Williams I and L. Ingrid and Bryne Smith, and Leonard and Emily Kauffman.
"Avery!"
Someone caught me up. Mabilis naman akong napalingon sa kanya.
"Queen?" usal ko.
Nakatitig lang ito sa aking mukha. Her hands are cupping my face.
"Avery."
Mabilis din naman akong napalayo sa kanya.
"Ay, sorry po. Hindi po ako si Avery. I'm Jayne po." Pagpapakilala ko pa.
"I know but you're not Jayne." She said, her eyes are starting to flow some tears to her cheeks. "You're A from the Williams."
Napailing na lang din ulit ako, sinubukan pa niya akong hawakan pero napalayo na lang din kaagad ako. Hindi ko siya maintindihan pero hindi ko inakala na ganito ako kalapit sa Queen ngayon.
"Sorry, but I'm not Queen."
"Yes, you are." Pagpupumilit pa nito sa akin. "You're birthmark says it all, Avery."
"Queen!" napalingon naman kami sa kadarating na sina Ingrid, Leonard at Maisie.
"You found her, Maisie. You found your sister." Ani Queen.
Napatingin naman ako kay Maisie na hindi ko makuha ang expression ng mukha. "Queen, this is not the right time for her. "
"Yes, it is, Maisie." Muli naman akong nilingon ng Queen. "Avery, I missed you so much." She hugged me, napatingin naman ako sa tatlong magkakapatid pero mukhang hindi naman nila alam ang gagawin sa nakikita nila. So I pushed her away from me, "sorry, I got so emotional." Queen said wiping her tears away.
"Queen, I'm sorry. Maybe it's a mistake."
"No, it wasn't a mistake Avery. You have the birthmark. You are my daughter."
"No, I'm not." Sagot ko.
"Jayne." Ani Maisie.
"No, sorry Queen but you're not my mother. Eyriel Bresett is my mother."
"I know." She said. I got my head on creased. "It's a long story to be told but I knew your mother when you're not even born yet. She's my friend, she's from Amea. The Queen of Amea."
Natawa na lang din naman ako sa sinabi ng Queen, "but you got me wrong Queen. I'm not your daughter. I'm just a commoner. My mother is not a Queen."
"You may not believe what I'm saying but I know in yourself that you're craving from where your real families are. And here we are, in front of you. You know that you were an adoptive right?"
Hindi ako nakasagot sa tanong niya.
"You're my daughter. The A from the Williams."
"I'm sorry, Maisie, Leonard and Ingrid. I have to go."
"Wait, Jayne." Pigil pa ni Maisie sa akin.
"Mace, what are the Queen said?"
She bowed her head, "I'm sorry that I lied to you."
Napaanga na lang din naman ako.
"I'm sorry that you know nothing. I'm sorry for hiding you into this but our mother said is true. You're Avery Williams."
I smirked and shook my head, "this is a mistake." I let her go. "Don't follow me."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top