Chapter 38
Chapter 38
Bridal Shower/Bachelor's Night
~Jayne's POV
Matapos kaming ibaba ni Maisie sa Palace ay umalis na rin ang limo at di-diretsyo naman ito sa venue kung saan naman gaganapin ang bachelors night. Hinawakan naman ni Maisie ang kamay ko, huminga pa ng malalim ako na malalim nang makita ang building na napaliligiran ng salamin.
Sinalubong naman kami nang guards ng Palace.
"Second floor, Hall B, Princess." Sabi ng lalaking nasa front desk.
"Thank you." Ngiti pa ni Maisie.
Tumuloy naman kami loob ng Palace, binati naman kami ng lamig ng paligid. Gray carpeted ang floor at punong-puno ng salamin nag paligid na siyang kinarangya ng paligid. Halos nabusog ang mata ko sa nakita ko, may ilang matataas na uri ng tao ang nandito ngayon. Nakakamangha.
"Maisie! Jayne!" napatingin naman kami sa tumawag sa pangalan namin.
Naglakad naman palapit sa amin ang isang babae. Hindi ko siya kilala pero ba't kilala niya ako? Hindi ko pa naman siya nakikita o ano man pero mukha naman siyang pamilyar. Napatingin naman ako kay Maisie at doon ko lang na-gets.
"Laragh." Niyakap naman ni Maisie ang kanyang kapatid.
Pagkatapos umakap sa kapatid ay sa akin naman nabaling ang atensyon nito. Maganda ang kanyang mga ngiti. Mas mature ng kaunti ang features ng mukha niya kaysa kay Maisie. Nagkakaiba lamang sila sa kulay ng mata, hindi ko alam kung bakit gano'n. Ah, okay. One from the Williams genes at ang isa naman ay Hampton genes.
Laragh had gray eyes while Maisie had hazel eyes, like mine.
"Jayne," aniya. Iaabot ko sana ang kamay ko ng bigla niya ako yakapin. Nagulat pa ako sa ginawa niya pero ngiting-ngiti naman si Maisie sa akin. Umalis din naman siya sa pagkakayakap sa akin, "good to see you."
"Likewise." Ngiti ko pa.
"Come with me, may changing room dito saka nandoon na rin 'yong damit na susuotin niyo." Aniya at nilingon naman niya ang damit namin. "Well, kailangan niyo talagang magpalit ng damit. Tara na!" aniya.
Sinundan naman namin ni Maisie ang kapatid nito papunta sa changing room.
"Paano niya ko nakilala?" pabulong ko pang tanong kay Maisie.
"Leonard and Ingrid, duh." Ngisi pa niya sa akin.
"Medyo nakakalito na ah, ang dami niyo pala talaga."
"Sinabi mo pa, hindi mo pa nakikilala 'yong tatlo." Aniya.
"May nabasa na akong articles sa inyo sa internet, kilala ko kayo sa pangalan pero hindi sa mukha at mas lalo palang nakaka-starstruck kapag nakakasalamuha mo na 'yong mga royals na dati lang ay nakikita mo sa pictures pero may tanong ako." Lingon ko pa sa kanya.
"Ano 'yon?" kunot noo pa niya.
"Where's the A?"
"Huh?" parang natanga naman siya sa tanong ko.
"I mean, kasi no'ng nagbabasa ako ng articles and such tungkol sa inyo. Imbis na walong Williams ang makikita ko, bakit pito lang?"
Nginitian niya lang ako, "makikilala mo rin siya."
"Ooh, I like that, may pa-mystery effect pa kayong mga Williams ah."
Napangisi na lang din naman si Maisie sa akin.
"Here we are!" ani Laragh.
Pumasok naman kami sa changing room. Ang isang wall ay puno ng salamin, may dalawang cr's naman at puno upuan naman ang nasa gitna ng changing room. Napapalibutan din ng lockers ang kabilang side na dingding.
Kinuha naman ni Laragh ang mga dresses na nakasabit sa hanger.
Inabot naman niya sa akin ang isang purple white ombre dress na off shoulder habang binigay naman niya kay Maisie ang isang plain peach dress na longsleeve at hanggang tuhod. Kung siyang kina-conservative ng suot, sa akin namang kinabulgar. Nakakaloka.
"So plain, Laragh. Wala na bang iba?"
"What? Plain?" tawa pa ni Laragh. "That dress cost half a million, Mace. 'Wag ka nang choosy, ako pa pumili niyan for you."
"Okay, fine." Maisie rolled her eyes.
"Parang hindi naman bagay 'to sa akin." nilapat ko pa ang dress sa katawan ko at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko alam kung babagay ba sa akin ang damit na 'to.
"We can change dresses, Jayne." Ngisi pa ni Maisie.
"Sige."
"No." ani Laragh. "No changing of dresses, sige na magpalit na kayo." aniya. "Balikan ko na lang kayo, inform ko si Ingrid na nandito na kayo."
"Sige." Ani Maisie.
Lumabas naman si Laragh.
"Sino ba mas matanda sa inyo?" tanong ko pa.
"Siya, pero mas maganda naman ako diba?" hagikgik pa niya.
Sinuot naman namin ang binigay na dress ni Laragh sa amin. At hindi nga ako binigo ng dress na 'to, fit na fit lang sa bewang ko at hindi laylay sa braso ko.
"Wow," napatingin naman ako kay Maisie at hindi talaga ako nagsasawa na tingnan siya. She can be the perfect princess na magdedescribe sa isang princess. "That's so revealing, Jayne! Sabi ko sayo dapat palit na lang tayo eh!"
Naparoll eyes at tawa na lang din ako sa sinab niya. Akala ko pa naman kung anong compliment ang sasabihin niya sa akin pero wala pala.
"I hope this dress won't fail me tonight." Ani ko pa. umikot-ikot pa ako para lang makita ko ang kabuuan ko sa salamin.
Mayamaya lang ay pumasko muli si Laragh, "tapos na ba kayo? Tara na, hinahanap na kayo doon sa taas." Aniya.
Tumango na rin naman kami. Lumabas na rin naman kami ng changing room at sumunod kay Laragh sa second floor. Dumiretsyo naman kami sa Hall B kung saan nandoon ang bridal shower. Hinawi naman namin ang kurtina na nagtatakip sa daanan. Dim ang lights pero maaninag naman ang isang maliit na platform kung nasaan nandoon ang dalawang bride to be.
Tuluyan naman kaming pumasok sa loob. Lahat ng makasalubong namin ay binabati si Maisie. Napapayuko na lang din naman ako. Nang makita naman kami ng dalawang brides ay bumaba ito sa platform at nilapitan kaming dalawa ni Maisie.
"Glad that you came." Yakap naman ni Ingrid sa aming dalawa ni Maisie.
"Congrats." Ngiti ko pa sa kanila.
"Thank you." Usal nilang dalawa.
"Kasama niyo ba si Koby?" tanong naman ni Emily.
"Ah, oo, nandoon siya ngayon sa Bachelors party kasama si Wilhelm." Ani naman ni Maisie.
Napatango na lang din naman si Emily.
Naging busy naman ang dalawang bride dahil sa mga bisita. Napansin ko naman si Maisie na parang may hinahanap.
"Huy, sinong hinahanap mo?"
"Queen." Sagot naman nito sa akin. "Laragh!" tawag niya sa kapatid niya.
Lumapit naman sa amin si Laragh at huminto naman ang isnag waiter sa harapan namin at mula sa tray na hawak no'n ay ibinigay nito ang wine glass sa amin. "Don't worry, alcohol free ang mga 'yan." Aniya.
"Laragh, ang Queen?"
"Hmm," aniya. "She couldn't come."
"Bakit naman?"
"Queen don't like parties." Ngisi pa niya. "Wait lang, may kakausapin pa ako." Aniya saka bumalik sa kinakausap niya kanina.
Mayamaya lamang ay mas lalong nag-dim ang lights. Mas lalo namang humigpit ang hawak ko kay Maisie. Nagtitilian naman ang mga guests, hindi ko naman alam kung anong meron.
"Oh, the highlight of the bridal shower." Ani Maisie.
Napataas na lang din naman ako ng kilay sa sinabi niya.
Pinipilit kong makita kung anong nangyayari sa kabila ng kadiliman sa paligid hanggat sa lumitaw sina Emily at Ingrid center platform na mga nakapiring. Naupo sila sa isang stool at napadilat na lamang ako nang biglang naging seducing ang background song kasabay sa hiyawan ng mga tao.
"Maisie, ano bang nangyayari?" nanginginig kong tanong sa kanya pero nang tingnan ko siya, ang laki ng ngiti ni Maisie.
Ohmygod, ano ba 'tong pinasok namin? Bridal shower ba talaga 'to?
Nang ibalik ko ang tingin sa center platform ay ilang kalalakihan naman ang mga sumasayaw doon. Tinanggal na rin nina Ingrid at Emily ang kanilang blindfolds. Nagulat pa si Emily sa nakita niya pero opposite naman iyon sa reaction ni Ingrid. She touched those burning abs.
"Gahd, Maisie." nilingon ko siya.
"I can't wait to my bridal shower." Usal niya.
Napangiwi na lang din naman ako sa sinabi niya.
Mas naging wild naman ang guests at maging ang mga stripper na sabi ni Maisie ay kilala daw talaga at mga tinanyagang highest paid male models. Mas bumilis ang kabog ng dibdib ko ng hatakin ako ni Maisie sa kumpol ng mga alon.
"Maisie, huhuhu, tama na." pagmakakaawa ko pa.
"This is just a one night, Jayne. Sulitin mo nang makahawak ng abs." aniya.
"Gaga ka talaga!" iiling iling ko pang tugon sa kanya.
This bridal shower is so wild and hot, huhuhu.
~Koby's POV
Matapos namin ibaba sina Maisie at Jayne sa Palace ay dumiretsyo naman kami ni Wilhelm Williams sa Barliana kung saan gaganapin ang Bachelors night. Saglit lang din naman ng makarating kami doon, dinala pa ako ni Wilhelm sa changing room at pinagpalit ako ng suit. Bago pa ipasuot ang suit sa akin ay may inabot itong boxer brief sa akin at sando.
"Hindi ko alam kung bakit ako pa nagbibigay nito sayo, it sucks." He hissed. "Basta bilisan mo, after the formal part ay susunod na ang wild part. Hintayin na lang kita sa labas."
Tumango naman ako sa kanya.
Hinubad ko ang lahat ng suot ko at pinalitan ng mga damit na inabot sa akin ni Wilhelm. Fitted naman sa akin ang boxer brief na binigay nito at sakto lang ang sando na binigay nito. First time ko sa isang bachelors party ng mga royals at hindi ko alam kung anong magiging ending nito.
Pagkatapos kong ayusin ang tie ko ay lumabas na rin ako. Nakita kong naghihintay lang si Wilhelm sa akin, nang makita na naman niya ako ay naglakad na rin ito at sinundan ako. Hindi maluwag at masikip ang suit na binigay sa akin, sakto lang sa akin.
Dumiretsyo na kami sa Barliana. Sinalubong naman kami ni Leonard, kapatid ni Wilhelm. Tinanguan ko siya at binati. Tumuloy naman kami sa loob. Marami ring imbitado pero lahat 'yon ay hindi ko naman kilala. Mukhang mga high class person naman ang nandito o di kaya naman ay part of royal family.
"Koby!" napatingin naman ako sa tumawag ng pangalan ko. Medyo nakakagulat lang dahil wala namang nakakakilala dito sa akin maliban kay Bryne, Leonard at Wilhelm. "Good that you're here." Aniya.
"Thank you, Kayen." Tango ko pa.
"Enjoy the night." Aniya.
"Sige."
Mas lumakas naman ang tugtogan. Puro inuman ang nasisilayan ko sa imbitado. Ano kayang nangyayari ngayon sa bridal shower? Ano kayang ginagawa ni Emily ngayon?
"Hey." Lumapit naman sa akin si Leonard.
"Advance congratulations sa inyo ni Emily." Sabi ko pa.
"Thank you, Koby." Aniya. "Kasama mo ba sila kanina?"
Tumango naman ako, "Oo, nandoon na sila sa Palace."
"Okay." aniya. "Koby, may itatanong lang ako."
"Ano 'yon?"
"Mahal mo pa ba si Emily?"
Napangisi naman ako sa sinabi niya, ininom ko ang baso na nasa harapan ko. Mabilis na gumihit ang alak sa lalamunan ko. "Malakas ba tama ng mga alak dito?"
Tumango naman siya, "yep. Sa kabila, alcohol free sila. Syempre, we're dudes." Aniya. Bigla naman siyang bumalik sa pagkaseryoso niya, "sagutin mo lang 'yong tanong ko."
"Oo no'ng nakita ko ulit siya pero Prince—"
"Leo na lang." aniya.
"Tanggap ko na naman noon simula nang malaman kong nakatakda ka na kay Emily. We loved each other pero nagparaya na ako, mahal ko siya kaya pinakawalan ko." sabi ko sa kanya. "Alam kong mas deserve ka niya, ikaw kaya mo siyang ipagmalaki at buhayin sa abot ng makakaya mo." tinapik ko naman ang balikat niya, "she's lucky to you, Leonard."
"Thank you."
"Prince Leonard!" may tumawag naman sa kanyang bisita.
"Wait lang." aniya at pumunta doon sa tumawag sa kanya.
Mayamaya lang ay lumapit naman sa akin si Bryne, Ingrid's soon to be husband.
"You're alone." Aniya, inabot naman nito sa akin ang baso na may lamang transparent na alak. Ininom ko rin naman iyon, hindi naman masyadong malakas ito pero masarap.
"Congrats, bro." tapik ko pa sa balikat niya.
"Thanks." Aniya. "Enjoy the night, okay?" aniya.
Tumango naman ako.
Mayamaya lamang ng pumatak ang alas onse ay mas dumilim ang paligid. Lumapit naman sa akin si Wilhelm at sinabihan ako na, "remove the suit." Aniya.
Napakunot noo na lang din naman. Napansin ko naman ang ibang guests na naghuhubad na lang ng kani-kanilang suits sa pwesto nila at ang tanging natira lamang sa kanila ay sando, brief o kaya naman boxers nila. Doon ko naman nagets kung bakit inabutan pa ako ni Wilhelm no'n.
"What, Koby? Di ka pa ba magpapalit?" nilapitan ako ni Kayen na ngayon ay nakasando at boxers na lang din.
"Do I have to?"
"Yeah, dude. This is going to be fun." Aniya sabay ngisi.
Mayamaya lang ay may pumasok sa loob ng mga ilang babae. Nakita ko naman sa gitna sina Leonard at Bryne na nakaupo sa silya at nakatali ang mga kamay sa likod nito. Tila ang naging saplot na lamang ng mga babaeng iyon ay ang bra at thongs. Mayamaya lamang ay may lumapit sa akin. Nagkalat na sila sa loob ng bar.
Lalayo pa sana ako pero, dude this is bachelors party. Wala na akong nagawa kundi siya na mismo ang nag-alis ng suit ko at ang tanging tinira na lamang nito sa akin ay ang boxer brief ko. Hindi ako naorient na malamig pala dito!
Sigaw ng mga kalalakihan ang naririnig ko sa paligid. Nang umalis naman sa akin ang babaeng iyon at lumipat sa iba ay pinulot ko ang sando ko at siyang sinuot. Pinanood ko na lamang ang nangyayari sa gitna. Tanging saplot na lamang ni Bryne ay ang kanyang brief at boxers naman ang kay Leonard. Tumapon ang tingin ko kanilang mga katawan na napuno na nang oil. Iniwas ko naman kaagad ang tingin ko.
Shit, ano ba 'tong nangyayari sa akin? Bakit ako nakatitig sa kanilang dalawa?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top