Chapter 36
Chapter 36
Believe
The fact na tanggap mo na talaga 'yong nangyari, na hanggang doon lang talaga ang lahat. Na ang royal at isang commoner ay hindi pwedeng magsama. 18 years ago, it was happened that a commoner fell inlove with a prince. Parang new generation lang. Parang sa pagkakataon na pinagkait na talaga sa amin na bawal maging kami. Koby and Emily, a commoner and a royal as well. Koby lose her for that. He left her kasi alam niyang nakatakda si Emily sa isang prinsipe.
There this thing we called, small world. Sobrang liit lang ng mundo na lahat ng taong nakakasalamuha mo ay matagal nang nagkasama. Ako nga lang ata itong hindi pa nahahanap kung ano ako. Tama nga kaya si Maisie na hinding hindi ako makukumpleto kapag hindi ko hinahanap ang tunay kong pamilya?
Pero ano pa kasing sense no'n? Nilayo nila ako sa kanila tapos ako 'tong pilit na ipagsisikan ang sarili ko para tanggapin lang nila. Ayoko 'yon. Parang ginagawa kong patapon ang sarili ko—oo nga pala, matagal na akong patapon. Mabuti na lang sinalo ako ng taong kaya akong buhayin at maging isang tao. At ngayon, wala akong idea kung nasaan siya.
Wala siya sa Amea Kingdom, wala si mama doon.
I left Amea University. Alam na naman ni Maisie ang rason kung bakit pumasok ulit ako doon, they will not refund the tuition they got for me dahil nasa rules and regulation 'yon ng university. Gusto man nila ipagpatuloy ko 'yong pag-aaral ko 'don pero sa anong paraan? Wala na namang sense kung mananatili ako doon.
Maaga akong nagising, humilom na rin naman 'yong kalmot sa ibang parte ng katawan ko dahil sa gel na pinahid dito. Medyo masakit lang ang batok ko dahil sa pagbigla ng sabunot nila sa akin, kulang na lang talaga ay matanggal ang anit ko sa ginawa nila.
Pumasok naman si Maisie ng kwarto ko at nakita niyang nag-aayos ako sa sarili ko.
"Nakahanda na 'yong pagkain sa baba." Aniya.
Nilingon ko naman siya, hindi siya naka-uniform. "Hindi ka papasok?" tanong ko. humarap naman muli ako sa salalim at sinuklay ang brown kong buhay.
"Hindi, nagpaalam na naman ako kay Ma'am Danzella." Aniya. Lumapit naman ito sa akin, kinuha sa akin ang suklay sa kamay ko at siyang nagsuklay nito. Tinalian niya pa ito nang braid. "Ayan, mas maganda ka kapag inayusan."
Napangisi naman ako sa sinabi niya, "parang sinabi mo namang ang dungis ko tingnan kapag hindi nag-ayos sa sarili."
Natawa naman siyang iiling-iling, "hindi 'no. Simple ka lang pero malakas ang dating mo."
"Hmm?"
"Basta!" ngiti pa niya. "Sumunod ka na lang sa baba." Aniya.
Tumango na rin naman ako. Lumabas naman siya ng kwarto ko at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. May kulang ba sa akin? May mali ba sa kung ano ako ngayon? Bakit lahat na lang ng taong minahal ko, lumalayo sa akin. Napabuntong hininga na lang din naman ako. Lumabas na rin naman ako ng kwarto ko at tumungo kaagad sa kusina.
Nadatnan kong inaayos pa ni Maisie ang plates sa mesa. Pansin kong sobra naman iyon dahil dalawa lang kaming nandito ngayon sa mansion.
"Teka, para kanino naman 'yong isa?"
"Hi, Jayne."
"And that's the answer." Ngiti pa ni Maisie.
Lumingon naman ako sa nagsalita at nakita ko si Kayen. Nakangiti siyang bungad sa akin, lumalabas ang dimples nito sa kaliwang pisngi nito. Magkamukha talaga sila ng kuya niya pero masasabi ko talagang mas angat si Bryne sa kanya.
"Napadalaw ka?" tanong ko.
"I've heard what happened to you, kamusta ka na?" aniya.
Lumapit naman siya sa akin, ilang hakbang na lang din ang pagitan naming dalawa. Napaatras naman ang kanang paa ko pero mabilis niya akong kinulong sa mga yakap niya.
"I care about you, Jayne."
"Ah—ouch." Ani ko dahilan para lumayo siya sa akin. Napakunot noo naman siya sa ginawa ko. "Okay na naman ako, Kayen. Thank you."
"Okay." Maisie said. Mabuti na lang ay nagsalita na rin siya. "Maupo na kayo." aniya.
Tumabi naman ako kay Maisie. Inabot naman sa akin ni Kayen ang rice at inabot ko rin naman ito kay Maisie pagkatapos. Mga tunog lang ng kubyertos namin ang tanging nagbibigay ingay sa paligid namin. Sa bawat pagsubo ko ng pagkain ko ay hindi ko magawang hindi mapatingin sa kanya.
Nang matapos naman akong kumain, inabot ko ang pitchel at nagsalin sa baso ko at uminom naman ako.
"Jayne," panimula niya. Tiningnan ko lang siya. "Would you dare to be with a Smith?"
Halos maibuga ko na ang iniinom kong tubig ng sabihin niya 'yon.
"Hey, you okay?" he asked.
I reach for the napkin at pinunas ko iyon sa bibig ko. Napansin ko naman si Maisie na humahagikgik pero nang samaan ko siya ng tingin ay natahimik ito at inabot niya ang baso niyang may lamang tubig.
Nilingon ko naman muli si Kayen saka ako tumango.
"Sorry..." aniya.
I smiled, "no it's okay."
Napakunot noo naman siya sa sinabi ko. "I guess it's safe to say na mauuna na ako, it's good to have a breakfast with you to guys." Aniya.
"Thank you din, Kayen." Ani Maisie.
Nauna na namang umalis si Kayen.
"Maisie, what were you thinking?"
She grinned, "ah, nothing." Aniya. "Dumalaw lang siya dahil nalaman niya 'yong nangyari sayo. And you know, hindi naman nakakagulat 'yong sinabi niya kanina."
"Mace."
Natawa na lang siya, "I know, Henric is still in your heart." Napabuntong hininga na lang din naman siya. "Kaya tumayo ka na diyan, Jayne. We still have to meet him."
"Mabuti pa nga." Tumayo naman ako at naghanda na muli kami.
Pagkalabas namin ng pinto ay sinalubong na kami ng limousine.
"Princess, saan po tayo?" tanong ng chauffer kay Maisie.
"Sa Fabros Residence."
"Okay, Princess." Aniya at sinarado ang pinto ng limo at pumasok sa drivers seat.
Tahimik lang din naman ako sa buong biyahe namin papunta doon sa bahay nila. Alam kong ito lang ang bahay na uuwian ni Henric dahil mula sa sinabi niya kahapon, maliban sa Amea Kingdom ay ang mga taong nagpalaki sa kanya ang taong uuwian niya.
Nang marating naman namin ang gate ng Fabros Residence. Naramdaman ko ang mga kamay ni Maisie sa ibabaw ng kamay ko saka niya ako nginitian.
Nang tuluyan naman kaming makapasok sa gate ay huminto ang limo sa harapan ng pinto ng mansion nila. Pinagbuksan naman kami ng pinto ng chauffer at lumabas naman kaming dalawa ni Maisie. Sinalubong naman kami ng mag-asawang Fabros.
"Good to see you again, Jayne and Princess." Bati ni sir Randolph sa amin.
Nginitian ko naman sila.
"Likewise." Ani ni Maisie.
"Jayne?" mula sa loob ng mansion ay lumabas doon si Henric. "Anong ginagawa mo dito?"
Hindi ko sinagot ang kanyang tanong kundi agad ko siyang niyakap. Tumulo ang mga luha ko sa higpit ng yakap ko sa kanya. Inangat ko ang mga tingin ko sa kanya. Hinalikan niya ako sa noo at agad niyang niyakap din ako.
"We should get inside." Sabi ni Sir Randolph.
Humiwalay naman kaming dalawa ni Henric sa pagkakayakap naming dalawa. Humawak siya sa balikat ko at sabay kaming pumasok. Tumungo kami sa sala, dumating ang maids at may dala dalang tray at nilapag naman iyon sa center table.
"Jayne," tawag ni Henric sa akin. "Sa labas tayo." Aniya.
Nilingon ko naman si Maisie at tinanguan niya ako. Maging ang mag-asawa ay pumayag kaya tumuloy kami sa kanilang bakuran. Lumapit naman kami sa swimming pool, naupo kami sa gilid at nilublob namin an gaming mga paa doon.
Hinilig ko naman ang ulo ko sa balikat niya habang nakaakbay siya sa akin.
"I never thought that you would be the prince." Sabi ko pa.
"I never like be that person, Jayne." Aniya. Napaangat naman ang ulo mula sa balikat niya at tiningnan siya. Ang tangos ng kanyang mga ilong, mapupungay ang kanyang mga mata na kulay asul. Nilingon naman niya ako, wala akong makita emosyon siya mukha niya. "I just want to be with you."
Hinawakan ko naman ang pisngi niya pero agad ko din iyong binitawan.
Napayuko na lamang ako.
"Jayne," he lit up my head at kanyang hinarap 'yon sa kanya. "Why?"
"I'm afraid..."
Napangisi naman siya, "don't." aniya. "I'm here with you."
Napailing naman ako sa sinabi niya, "We can't be together, Henric. Sa totoo lang, gustong-gusto kita makasama pero hindi naman natin magagawa 'yon dahil bawal, bawal maging tayo."
Napangisi naman siya. "So you think na dahil sa pagiging commoner mo at royal ko ay itataboy na kita palayo sa akin. Hindi gano'n kadali 'yon Jayne. I do love you pero handa akong baliin ang tradisyong iyon, makasama lang kita."
"You don't understand, Henric."
"Then what's the point of visiting me here, Jayne?" tumaas ang tono ng boses niya. tumayo na siya, sinundan ko lang siya ng tingin. "Jayne, I can break those rules for you. Damn, how could you do that? I can take an oath for you."
Tumayo naman ako sa pagkakaupo ko, "you don't an oath, Henric. Amea needs you on the throne."
He smirked, tinalikuran naman niya ako. "Sana naririnig mo 'yong mga sinasabi mo ngayon Jayne. Nandito na ako."
Napatango naman ako sa kanya, "bumalik ka nga Henric, hindi nga lang para sa akin."
Lumapit naman siya sa akin at agad niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Jayne!" namumula ang mga mata niyang nakatingin sa akin, kunti na lamang ay alam kong may tutulo nang mga luha doon sa mga asul niyang mata. "Jayne, for all this time, I followed you. I'm always after you. I don't hate you at all, Jayne. At Amea University, sa totoo lang natutuwa ako kapag nakakausap kita. Kapag nakakasama kita kasi alam kong totoo 'yong nararamdaman ko sayo, Jayne. Mahal kita, ilang beses ko pa ba uulitin 'yon para maintindihan mo?"
"Henric, nasasaktan na ako." Sa sinabi kong iyon ay tuluyang gumaan ang mga kamay niya sa akin, muli niya akong niyakap. Kumawala na ang mga luha ko sa mata ko. Hindi ko na napigilan dahil kahit ganito 'yong mangyari sa amin ni Henric, atleast dumating siya sa buhay ko.
"You can be a princess, Jayne. You can be my Queen." His voice were so ture.
"I can't."
"Yes, you can." Napatingin naman kami sa nagsalita.
We saw Maisie. She smiled at us, lumapit naman ito sa amin.
"Mace, I'm just a commoner."
"Believe, Jayne."
Napailing naman ako sa sinabi niya, "there's nothing can do to make this things change, Maisie. Henric is meant to the throne at ako? Isang commoner lang ako."
Inabot naman ni Maisie ang balikat ko, "Jayne..."
Inalis ko naman 'yong kamay niya sa balikat ko. "Pero I think this is the end for everything, Henric. Thank you..."
"Jayne..." he said, ayaw niyang pakawalan ang mga kamay ko.
Pero pinilit kong kumawala doon and look at his face. I can see the tears on his eyes, "goodbye Henric, see you soon..."
"Don't."
"I have to."
Sinundan ako ni Maisie hanggat sa makabalik kami sa limo. Niyakap na lamang niya ako. Tama naman 'yong ginawa ko. Ang pakawalan na nang tuluyan si Henric sa buhay ko. Kahit may paraan para maging kami, ayoko namang gawin niya lang 'yon para sa akin. He's lost for about 18 years at ngayon na naibalik na ang prince ng Amea, ayokong ilayo na sa kanila ang matagal na dapat na nandoon.
Umalis naman ako sa pagkakayakap kay Maisie.
"I'm going back to Halliway after the wedding, Maisie."
"Your mom?" she asked.
Napakibit balikat na lang din ako sa sinabi niya, "you can stay with us, Jayne."
"Or maybe starting a new life in Halliway." Sabi ko pa sa kanya.
Napabuntong hininga naman si Maisie, "somethings have to change."
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, "anong ibig mong sabihin?"
Nginitian niya lang ako, "you'll stay and you'll be with Henric."
"Maisie."
"Jayne," aniya. "Believe."
Dahan dahan akong napatango sa sinabi niya. Pinunasan naman niya ang pisngi ko at umandar na muli ang limo. Hindi ko alam kung ano 'yong ibigsabihin ni Maisie doon. But I'll be going back on Halliway. Finding who I really am.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top