Chapter 35
Chapter 35
We Can't Be
"Hey, wake up."
As I opened up my eyes, nasilaw ako sa ilaw na bumungad sa akin pero mabilis rin naman akong nakapag-adjust hanggat sa makita ko nang malinaw ang babaeng nasa harapan ko. Sinamaan ko kaagad siya ng tingin, hindi ko naman maigalaw ang katawan ko, maging ang mga kamay ko dahil nakatali ito sa aking likuran.
"Let me go, Verona."
"Oh, just Verona?" ngisi pa niya. "Get out, nasa castle na tayo." Aniya.
Itinulak niya pa ako palabas ng sasakyan.
"Ipasok niyo na 'yan." Utos ni Verona sa isang royal guards.
Lumapit naman sa akin iyon at hinawakan ako. Hindi naman ako makapiglas dahil masakit ang ilang parte ng katawan ko lalo na 'yong mga kalmot sa braso ko, ngayon ko lang naramdaman 'yong hapdi. I know I shouldn't do this pero this is the only way at ngayon nga nakapasok na ako sa castle. I can be with my mom again.
Dinala naman ako ng guard sa grand hall. Humiwalay si Verona sa amin at hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Sa sobrang laki ng grand hall ay naririnig ko ang sarili kong paghinga. Itinulak ako ng guard hanggat sa sumaludsod ang mukha ko sa sahig. Tiniis ko ang sakit sa katawan ko, makaupo lang ng maayos.
"Jayne Bresett." Agad namang nabaling ang atensyon ko sa nagsalita. Doon ko lang nakita ang ama ni Verona na si Arthwest. Magkasama ang mag-ama at tumungtong sa platform kung nasaan nakapwesto ang thrones.
"Give me back my mom." Nanggigigil kong usal sa kanila. Kulang na lang ay mag-apoy ang paligid sa sobrang init ng tingin ko sa kanilang dalawa. Kung kaya lang ng katawan kong sugurin sila, kanina ko pa nagawa.
Natawa naman si Arthwest habang napangisi si Verona.
"What are you talking about, commoner?"
Napangisi naman ako sa sinabi niya, "don't lie, Arthwest."
Naglakad naman ito palapit sa akin saka siya huminto, "why I'm going to lie when I'm saying the truth?"
Pinilit kong tumayo at gamit ang ulo ko ay nagawa kong itulak ang hari. Natumba si Arthwest sa ginawa ko pero agad namang gumanti si Verona at kanya namang hinila ang buhok ko kinaladkad niya ako. Sinubukan ko siyang sipain at nagawa kong ilayo siya sa akin.
"Nagkamali ka ata ng kinakalaban, commoner." Usal ni Arthwest.
"Banned him on Amea, King." Singhal ni Verona.
"He's not the king." Usal ko pa. Hinihingal na ako, pagod na pagod na ang katawan ko pero hindi ko kailangang sumuko. They have my mom at hindi ako titigil hanggat hindi nila nilalabas si mama.
"We'll come to that, Verona." sabi naman ni Arthwest sa kanyang anak. Muli naman akong hinarap ni Arthwest, "sa tingin mo, anong binabalak mo? Sinubukan mong hamunin si Verona, para saan? Wala ka namang mapapala dito, commoner. But you did something good for me." ngisi pa nito.
Naglakad ito muli palapit sa akin at naglakad paikot.
"Ilabas niyo ang mama ko."
"I don't know what you're saying." Ngisi niya. "If you came here for nothing, you're so unlucky, commoner." Aniya pa. "But hey, you make this whole thing easy for me."
"Anong kinalaman ko sayo!"
"You found the prince, they leave the Amea. I came to the throne then I'm the king." Pagmamalaki pa nito. "Thanks to you, Miss Jayne Bresett."
"You, son of a bitch!" sigaw ko.
"Don't you dare to talk to my father like that, Bresett." Lalapit pa sana si Verona sa akin ngunit pinigilan na siya ni Arthwest.
"Ako ng bahala sa kanya, Verona. You did a great job too, daughter." Aniya.
Napatango na lang din naman si Verona at nagstep backward mula sa kanyang ama.
Humalukipkip si Arthwest sa harapan ko, "I can send you to the prison, commoner, for a lifetime, or banned you to Amea or... I can kill you."
"Do it!" sigaw ko pa.
Tinawanan lang din naman ako ni Arthwest.
"I still have mercy, commoner. I can send you to prison."
"No, she won't." and that voice came out from nowhere.
"Leave this kingdom, Arthwest." Isang pamilyar na boses na naman ang narinig ko.
Dahan dahan akong lumingon mula sa aking likuran. Nakita ko doon ang dalawang taong, alam kong magliligtas sa akin dito.
"Henric..." usal ko nang magtama ang mga mata namin.
"Jayne." Tatakbo na sana si Henric palapit sa akin ng bigla akong hilain ni Arthwest at itutok sa leeg ko ang isang swiss knife. "Leave her, Arthwest."
"Oh, here comes the King and the Prince. What would you gonna do? Bring me down?" ngisi pa ni Arthwest. "Guards!" ilang guards ang nagsilapitan kay Arthwest at pumwesto ito sa kanyang likuran. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko doon si Sebastian, Danjan at si Koby.
Tiningnan niya ako pero mabilis niyang iniwas ang mga iyon mula sa akin.
How could you, Koby?
"You're not the only one prepared for this fight, brother." Ani ni King Hundrei. "Come out!" sigaw ng hari. Mula sa entrada ng grand hall ay pumasok ay mga dalang royals guards ni King Hundrei. "Hand her over, Arthwest."
"Then what?" ani pa ni Arthwest. "You'll try to bring back your Amea. Not what you think, this land is mine now. I'm the king."
"Amea was never been yours, Arthwest." Ani King Hundrei. "And you were not even once a king."
"Leave this kingdom, or I'll kill this young lady."
"You can't." I smirked.
Agad akong inapakan ang paa ni Arthwest gawa para mabitawan niya ako. Mabilis akong hinagkan ni Henric at hindi na ako pinakawalan doon.
"Kill them all!" sigaw ni Arthwest at sumugod ang kanyang mga guards sa mga royals guards na dala ni King Hundrei. Mabilis na nagpalitan ng espada ang bawat isa.
Nakita kong tumakas ang mag-ama pero agad silang sinundan ni King Hundrei. Inilayo naman ako ni Henric sa mga guards na naglalaban.
"Teka lang, Henric, nandoon si Koby." Sabi ko.
Pero patuloy lang kami sa paglayo sa grand hall, "delikado na, Jayne."
Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang lahat. Na mapapahamak ang mga malalapit na tao sa buhay ko. I never want to have this kind of life, simula nang umapak ako sa Amea. Gumulo na ang buhay ko.
"Hush, stop crying..." he cupped my face with his hands.
Nakatitig ang mga luhaang mata ko sa kanyang mga asul na mata.
"I'm back for you."
Niyakap ko na lamang siya. Nakadagan lamang ang ulo ko sa kanyang dibdib at kanya rin naman akong hinagkan. Ang init ng kanyang mga yakap. Pakiramdam ko, lahat ng sakit ng katawan na natamo ko kanina ay nawala sa paglapat ng balat niya sa akin.
Umalis naman ako sa pagkakayakap sa kanya, "akala ko hindi na kita makikita pa."
"Pwede ba 'yon?" ngisi pa niya. "I never thought that you would be so important to me. You gave a hope on me, Jayne."
I smiled but then his face is slowly coming into mine. I just closed my eyes and wait for his lips touches mine. I don't know how it last long pero pagmulat ko ng mga mata ko, ramdam ko na si Henric na ang lalaking alam kong hindi ako iiwan.
"I missed you, Jayne. For all the days I've been locked on a room. Ikaw lang ang tumatakbo sa isip ko. It sucks to say but yes, I'm inlove with you."
I just bit my lip and bowed my head.
"Hey..." he lit up my chin and look at his face again. "what's the problem?"
"Prince..." I said.
His head come on a creased.
"Prince Henric Lambert."
Natawa naman siya sa sinabi ko, "y-yeah, it's hard to explain but yes..."
I nodded, "I know."
He smirked, "Jayne? Sabihin mo, may problema ba?"
I step backward na loosely held his hands. Tiningnan niya lang ako sa ginawa ko.
"Jayne?" taka pa niya.
"We can't be together, Henric. We can't be."
"Yes, she's right!" Napatingin naman kami sa nagsalita. Lumapit naman sa amin si King Hundrei. "Henric, you're a prince... you can't be with a commoner."
"Yes, I can! Just like what you did 18 years ago." Ani Henric.
"Then don't do it, Henric."
"Damn! Ginawa ko na ang gusto mo, we can have this kingdom again! But you won't let me to be with her?"
King Hundrei reached Henric's shoulder, "leave her heart, alone, son."
"H-Henric..." I reach him. "King was right. I love you but we can't be together."
"Sucks, I'm going home." Naglakad palayo si Henric sa amin.
Tinawag siya ni King Hundrei. "This is your home, Henric. Saan ka pupunta?"
"The place I knew." He said.
Susundan ko pa sana si Henric nang pigilan ako ni King Hundrei, "leave him alone, Jayne."
I sighed and gave him a nod, "it's for the best, right."
"Thank you." He said as he leave me alone.
Tiningnan ko lang na makalayo si King Hundrei sa akin. Sunod na dumaan sa harapan ko ay si Arthwest na nakatali ang mga kamay. Matalim ang mga tingin nito sa akin pero alam ko na naman kung saan nila ito dadalhin.
"Jayne!" napatingin naman ako sa tumawag sa akin. patakbong palapit si Koby sa akin. "Nasaan na sila?"
Napakibit balikat na lang din naman ako sa kanya.
"Okay ka lang ba?"
Hindi ko siya sinagot, tiningnan ko lang siya.
"Jayne, iuuwi na kita."
"Koby, bakit?" matigas kong tugon sa kanya, pumiglas ako sa pagkakahawak niya sa braso ko. "Ano sa tingin mo 'yong ginagawa mo, Koby?"
"J-Jayne, magpapaliwanag ako."
"You may have killed, Koby. Alam mo ba 'yon?" sabi ko pa sa kanya. "Hindi ko alam kung paano mo nagawa 'to. Ay oo nga pala, nandiyan sina Sebs at Dan. Koby, hindi ko inaasahan na sa kalaban ka pa talaga kakampi."
"I was never with them, Jayne."
Napangisi na lang din namana ako sa sinabi niya.
"Para mo na ring sinabi Koby na hindi ka naging totoo sa akin." tinalikuran ko na siya at nagsimula na akong maglakad. "Please... don't talk me, ever."
"Jayne..." muli niyang pagtawag sa akin.
Napailing na lang din naman ako sa kanya.
Mula sa Amea Kingdom ay nilakad ko hanggang sa Williams Mansion. Sinalubong ako ni Maisie at sobrang nag-alala nang makita ako sa kalagayan ko. Dinala niya ako sa sala, tumawag siya ng private doctor.
"Jayne, are you okay?" aniya.
Wala naman akong sagot sa kanya, nanahimik lang ako.
Mayamaya lang ay dumating na ang doctor. Dinala na ako sa kwarto ko para maging maayos na ang paghiga ko. Kinonsulta ako at dahil sa mga natamo kong pasa, kalmot ay kailangan ko talagang magpahinga dahil sa sakit ng katawan ko. Pinainom na rin ako ng gamot at pinahiran ng liquid gel ang mga sugat ko upang humilom na ang mga ito. Umalis din naman agad ang doctor matapos akong gamutin.
"Jayne, sana hindi mo na lang ginawa 'yon."
"Sana nga..." nanghihina kong boses na tugon sa kanya.
"Kaya mo pa ba?"
Napatango naman ako sa kanya, kahit gusto ko nang magpahinga baka sakaling kapag pumikit naman ako. Maalala ko na naman ang nangyari kanina.
"Nasaan ang mama mo? Hawak ba nila?"
Napailing naman ako. Doon na naman nagsimulang tumulo ang mga luha ko.
"Wala siya doon, Maisie. Wala siya doon." Niyakap na lamang niya ako.
Hindi ko mapigilan nag umiyak. Ginawa ko naman ang lahat pero hindi pa rin pala sapat para bumalik sa akin 'yong mga taong noon nasa tabi ko lang.
"Jayne... I want you to know the truth pero..."
"Ano 'yon Maisie?" tanong ko sa kanya.
"You need to rest, Jayne. Magpahinga ka muna."
I nodded. Inayos naman ni Maisie ang unan ko at ang kumot sa akin. Lalabas na nang kwarto si Maisie ng tawagin ko ulit siya.
"Ano 'yon Jayne?"
"Samahan mo ko bukas."
"Jayne, magpahinga ka muna." Aniya.
"Maisie."
She lose a sighed, "okay, and now you must take a rest." She left the room.
The room remained silent and cold. I felt the pain in every part of my body at hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi ngayong araw. I pushed myself dahil ginawa kong pain ang sarili ko para lang makapasok ng Amea Kingdom at wala naman akong napala pero isang tao naman ang bumalik.
Bumalik siya pero hindi dahil sa akin.
Bumalik siya para umupo sa kanyang trono.
He's a prince, and I'm only a commoner.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top