Chapter 33
Chapter 33
Best Lady Wins
~Narrator's POV
Inilabas ng ilang royals guards ang kanilang bihag mula sa black limousine. Nakapiring ang kanyang mga mata, nakagapos ng tali ang kanyang mga kamay sa likuran. Tuloy tuloy na pumasok ang ilang royals at dinala ito sa isang bakanteng kwarto ng kanilang tinutuluyan.
"Bitawan niyo ako! Hinding hindi ko man tatanggapin kung sino ang gumawa nito! Pakawalan niyo ako!" sigaw ng babae, patuloy lang siya sa pagpiglas pero hindi niya magawang makatakas dahil tatlong royal guards ang nakahawak sa kanya. She can't ran away.
"King, we found her." ani ng head ng mga royal guards na hawak ng King.
Natulala na lamang ang King habang tinitingnan ang babaeng nakaupo sa silya. Iniwas na lang din niya ang tingin mula doon at inutos na tanggalin ang piring nito sa mata. Tumalikod ang hari mula sa kanya.
Mabilis na nakapag-adjust ang paningin ng babae dahil sa tagal ng pagkakapiring nito. Agad niyang inikot ang ulo at doon niya lang nakuha na pamilyar sa kanya ang lugar na ito. Tandang tanda niya pa noon, 18 years ago.
"H-Hundrei..." nanginginig niyang banggit sa pangalan ng taong nakatalikod sa kanyang harapan.
Napangisi ang hari na dahan dahang lumingon sa kanya, "Eyriel." Nakangiting usal ng hari.
"H-Hindi ko maintindihan, anong kailangan mo sa akin?" naguguluhang tanong ni Eyriel sa hari.
"Remove her straps." Utos ng hari.
Lumapit naman ang ilang royal guards at tinanggal ang pagkakatali nito sa kanya. Tumayo naman si Eyriel at susugurin pa ang hari ngunit mabilis siyang napigilan ng mga guards. Itinaas ng hari ang kanyang kanang kamay na inuutos na bitawan ito. Sumundo naman ang mga ito.
"Kung sa tingin mo naging madali ang lahat para sa akin ang nangyari, hindi!" panunuro pa ni Eyril kay King Hundrei. "Itinapon ako ng ama mo Hundrei, lumayo na rin ako gaya ng utos niya pero ano 'to?! Bumabalik ka para guluhin ang buhay ko?! Ibalik mo ako sa Halliway, Hundrei." Nagtitimpi nitong usal sa hari.
Agad namang hinigit ng hari ang braso ni Eyriel, "Akala mo ba madali para sa akin na ilayo ka sa akin at ang anak ko ng sarili kong ama dahil sa lintik na pagbabawal sa ating dalawa na magkatuluyan. Akala mo ba, madali lang para sa akin na alisin ka sa buhay ko?! Eyriel, sa mga nakalipas na taon, hindi kita kinalimutan! Hindi kita sinukuan pero ikaw na mismo ang lumayo sa akin! Eyriel, magsimula muli tayo."
"Send me back to Halliway, Hundrei." Napapikit na lamang at hingang malalim ang nagawa ni Eyriel.
Inabot ni Hundrei ang balikat ni Eyreil at kanya itong hinila at hinagkan. Kusang tumulo sa mga mata ni Eyriel ang mga luha. Itinulak niya palayo si Hundrei mula sa kanya.
"Hundrei, 18 years was too far to come back. Tama na ang isang pagkakamali."
"But we can make this right." Ani ng Hari. "We still have our son." Napatingin naman si Eyriel sa kanya at halata ang gulat sa kanyang mga mata. "We can be whole again."
Napailing at ngisi na lang si Eyriel, "Those two people on my life 18 years were dead to me." tinalikuran naman ni Eyriel si Hundrei, kanyang niyakap ang sarili. Masyado nang nagiging malamig ang paligid. she stills remember this place 18 years ago. Marami mang pinagbago but still, the memories are still fresh on her mind like it was just happened yesterday.
"Make them alive again, Queen."
Maluha-luhang tiningnan ni Eyriel ang hari, "I-I can't" ngarag niyang tugon sa hari.
Napabuntong hininga na lamang ang hari, "but please let me help me bring back Amea to my hand."
Napaupo na lamang sa sofa si Eyriel. Hindi niya inakala na ang taong gagawa nito sa kanya ay ang taong pinagkatiwalaan niya noon, ang taong minahal niya noon na nagbunga ngunit nauwi sa kaguluhan ang lahat.
Tumayo naman si Eyriel at nilapitan ang hari, "can I see my son?"
Kumurba naman ang labi ng hari sa sinabi ni Eyriel, "sure, lead the way Queen."
~Jayne's POV
Coming back on Amea University was never the same feeling I've been here for the first time. Kung noon, excited akong pumasok dahil isa ito sa mga kilalang university kahit saan ka man pumunta. Only few can study here at naging mapalad ako noon pero sa pagkakataon ngayon, I have a plan to take. This is just temporary.
Sabay kaming pumasok ni Maisie as usual. Pagkapasok namin ng room ay hindi gano'n katulad ng dati, ngayon na wala na si Koby ay hindi na magiging normal ito tulad ng dati.
"You know, we can have Koby, we can shoul—"
Tiningnan ko naman siya, "you're so generous Maisie, don't give too much trust. Every one doesn't deserve to trust them." I said. "Wait, I'm going to ask this, why you trust me so much that you may havee been known me for a long time."
Napataas naman ng kilay si Maisie, "ba't mo naman natanong 'yan?"
Napakibit balikat lang din ako, "'cause you treated me like I'm part of your family when it's not." Tawa ko pa. "Nga pala, this was just temporary."
Napakunot noo naman siya sa sinabi ko, "why? Hindi mo tatapusin ang school year?" aniya.
I shrugged, "hindi ko alam, I only did this dahil gusto kong makapasok sa castle." Tinitigan niya lang naman ako, "oh, don't worry, babayaran ko naman kayo but not this time, I'm short." Ngiwi ko pa sa kanya.
Hinawakan naman niya ang braso ko, "no, it's okay. I understand."
'Yong ibang kaklase ko ay gulat at nagtataka dahil nandito ako ngayon sa klase na alam naman nilang inalis na ang scholarships ng mga commoners pero hindi na naman nila kailangang malaman kung paano ulit ako nakapasok dito. They're not my business.
Pumasok naman ang professor namin. Naupo naman ako sa upuan ko.
"Good morning class," nilibot nito ang tingin sa amin hanggat sa napadpad iyon sa akin. nanlaki pa ang mga mata niya ng makita ako. "Ah, I'm sorry, Jayne, how did you get here?" taka nitong tanong sa akin.
Tumayo naman ako at nginitian siya, "I'm back, Miss Bresett."
"Ah—eh—huh?"
Napangisi na lang din naman ako, "Ma'am Zham, I got change my form. From a commoner to a high class student."
I can hear their murmurs pero hindi ko na lang din iyon pinansin.
Napatango na lang din naman at binigyan ako ng ngiti, "good to hear that, Miss Bresett. Take your seat."
Naupo naman ako sa upuan ko at tiningnan ang ilan kong mga kaklase. 'Yong iba ay halatang pinagbubulungan ako pero hinayaan ko na lang din naman sila. Hindi na naman ako magtatagal dito, pumasok lang ulit ako dito dahil may kailangan akong gawin.
Pagkatapos ng first subject ay tumuloy kaming dalawa ni Maisie sa canteen.
"Ano nang gagawin mo pagkatapos mong makapasok sa Amea Castle at mabalik ang mama?" tanong ni Maisie.
Naupo naman kami sa isang bakanteng table at nilapag ang tray na pinagbilhan namin ng pagkain.
Napakibit balikat na lang din naman ako kay Maisie, "hindi ko alam, basta ngayon sinisigurado ko lang is 'yong safety ni mama. I want to get her back. Nami-miss ko na siya."
"Miss ka na rin namin."
"Huh?" taas kilay ko pang usal sa kanya.
Agad naman siyang napailing, "wala, sabi miss ka na rin niya panigurado."
Napatango na lang din naman ako, "I know."
"So, news is right." Napatigil naman kami sa pagkain ng dumating ang babaeng matagal ko ng inaabangan na makita ulit. Nakahalukipkip at nakataas ang kilay nitong nitong sa akin. "How come na nakapasok ka ulit ng Amea University, commoner?"
I look at her, raised my brow then back at my food.
Kinalampag naman niya ang table namin at natapon ang juices namin sa lamesa. Ibinagsak ko rin ang kamay ko sa table at halos lahat ng nasa paligid namin ay nagulat sa ginawa ko. Wow ha, ako pa talaga ang agaw atensyon dito?
"Ano pang pake mo, Verona!"
Marami nang nagulat dahil tinawag ko lang siya sa pangalan niya.
"Don't you dare call me like that." Panunuro pa nito sa akin.
"Then what will I call you, The Slut Verona?"
Then she gave me a slap, "how dare you!"
"Oh, Verona, I'm just giving back what you did." Ngisi ko pa sa kanya. "Tomorrow, at noon. Bring your sorority, may the best lady wins."
"Jayne!" ani Maisie.
But I smiled to her, I know this means to me pero hindi ko na 'to papakawalan.
"Wow, I never see the new Jayne, huh." Ngisi pa ni Verona. "You won't like my revenge, Bresett. You'll go down." Aniya.
Umalis silang tumatawa na parang mga sinapian. Muli namang bumalik sa normal ang paligid at nawala ang tensyon. Muli naman akong bumalik sa pagkakaupo ko.
Pinandilatan naman ako ni Maisie, "what do you think you're doing?" aniya.
I sighed, "I have the best plan, Maisie. Watch me tomorrow."
"Jayne," buntong hininga pa niya. "Hindi ko alam kung ano nang tumatakbo sa isip mo. Yes, you do it for your mom pero hindi mo naman iniisip 'yong sarili mo. Hindi mo alam na may mga taong naghihintay pa sa pagbabalik mo."
"No one was left on me, Maisie. Just my mom." I said.
"Okay..." he sighed. "Oh, by the way we have an appointment later." Aniya.
"Saan naman?"
"Magsusukat na tayo ng gowns for the wedding of Ingrid and Leo." Ngiti pa niya. "They would love you to come dahil part ka na nang family, tho you always said friends are family." Ngiwi pa niya. "Okay, really... mamaya na 'yon."
"Okay." ngisi ko pa.
After class, pinatawag pa ako ni Ma'am Danzella kaya naman pumunta pa ako ng office niya. Kailangan ko na rin magmadali dahil naghihintay na 'yong limousine at kailangan pa namin umalis ni Maisie.
Nang makapasok naman ako sa loob ng office ay kitang kita ko ang salubong na kilay ni Ma'am.
"Sup?"
"Miss Bresett." Aniya.
"Yes, ma'am?"
"What are you doing here on Amea? Making a riot?"
Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya, "no, did I?"
"I heard that you make Verona into a fight tomorrow. How could you do that?"
I shrugged, "she started it ma'am."
"If only I can kick your ass out."
"I'm not a commoner anymore ma'am, thanks for having me here." I said as I leave the office.
Dumiretsyo naman ako kay Maisie kung saan hinihintay na niya ako.
"Okay, what happened there?" tanong niya.
I smirked, "well, she knew na magkakaroon kami ng away ni Verona bukas. Ooooh, like a sparring." I grinned.
"I don't like that smiled." Aniya. "Sige na, pumasok ka na sa loob. Hinihintay na tayo doon."
Pumasok naman ako sa limousine. Kinuha ko naman 'yong wine glass na nakasabit sa gilid at kinuha ang isang champagne sa gilid din. Nagsalin naman ako sa baso ko, niyaya ko pa si Maisie pero tinangihan naman niya ako.
Mabilis din kaming nakarating sa dresser na magsusukat ng gown for us.
"Ano bang motif?" tanong ko kay Maisie.
"From what Leonard said, white and pink." Aniya.
"Oh, there you are guys." Lumabas si Leonard sa isang pintuan at nilapitan kami. He gave a kiss on a cheeks.
"Where's Emily?' Maisie asked.
"She got back to Raquea and sa wedding na ulit kami magkikita."
"Ooh, that's a long day to resist." Ani Maisie.
"I know." Leo giggled.
Nilapitan naman kami ng dresser na magsusukat sa aming dalawa ni Maisie. "Next?" aniya.
"Oh, she." Turo ko pa kay Maisie pero siya namang nginitian ako at ako 'yong hinigit papasok sa loob ng pinto.
There's a three length glasses in front of me at ipinuwesto naman ako doon sa gitna noon. Sinumulan naman niya akong sukatan.
"So, you'll wear a white gown, would you prefer backless or have sleeves on it?"
"Ahmm."
"Yes, both! Good for you." Napataas kilay na lang din naman ako sa kanya. Nang matapos naman niyang ilista ang nasukat niya sa akin. "You're too beautiful, Princess."
Agad namang napawagayway ang kamay ko sa sinabi niya, "oh, no. I'm not a princess, I'm just their friend." Sabi ko pa.
"Oh, lucky." Aniya pa. "The gown will be finished as soon as possible."
"Thank you." Sabi ko pa.
Sabay naman kaming lumabas at si Maisie naman ang sunod niyang pinapasok sa loob.
"I'm excited for the both of you, Leo." Sabi ko pa sa kanya.
Nginitian naman niya ako, "I will much more excited if you come back home."
"Eh?"
Natawa na lang din naman ito, "wala, sabi ko nagugutom na ako kaya gusto ko nang umuwi or will try to have a ride a malapit na restaurant." Aniya.
Napatango naman ako, "good idea." Aniko. "Nga pala, Leo."
"Yeah?"
"Jayveegot talked to me."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top