Chapter 20
Chapter 20
Annual Gathering
The time has come for me to face reality. Ayoko pa sanang pumunta at ayaw pa akong payagan ni mama dahil hindi pa naman ako fully recovered pero pumunta mismo si Verona sa bahay ko at sinabi sa akin ang mga gagawin ko bukas. Mabuti na lamang ay saktong wala si mama noon nang pumunta si Verona kaya hindi niya alam kung anong gagawin ko ngayon. Hindi ko rin naman binigay sa kanya ang dahilan kung para saan ang suot kong dress.
"Sigurado ka ba talaga sa gagawin mo? Baka mapagod ka lang, magpahinga ka na lang kaya." Pag-aalala pa ni mama.
Niyakap ko na lamang siya, "I'm fine ma, this day is going to be fine." Umalis naman ako sa pagkakayakap sa kanya at nginitian ko siya.
Lumabas na ako ng bahay kung saan naghihintay ang black limousine na pinadala ni Verona para dalhin ako. Kumaway naman ako kay mama habang papasok ako sa loob ng sasakyan.
"Where's the prince?" tanong sa akin ng guard.
"I talk to Princess Verona first." Sabi ko guard at wala na naman itong sinabi.
Huminga ako nang malalim ng simua na itong umandar at tahakin ang daan papunta sa Amea Kingdom. Ang alam ni mama ay pinasundo ako ni Maisie para sa isang party na pupuntahan namin pero 'yon nga kailangan kong itago sa kanya 'yon dahil kapag nalaman naman niya ay hindi niya ako papayagan kaya hinayaan ko na lang na magdesisyon sa sarili ko at kung ano man ang magiging kahahantungan ko sa lugar na 'to.
In 21 royals na pupunta ay dalawang kingdom lang din ang kilala ko. Ang Lambert's at ang Williams's.
Makalipas ang isang oras ay narating ko na ang Amea Kingdom. Kinakabahan ako sa mangyayaring ito. Ako lang ang mag-isang nandito at walang kasama, meron man akong kilala pero hindi ko sila makakasama. Habang papasok ako ng pinto ay agad naman akong dinala nito guest room at naghintay naman ako doon.
Mamayang 12 high noon pa magsisimula ang gathering at nagsisimula pa lang magsipuntahan ang mga royals at nandito na ako ngayon sa loob ng Amea Kingdom. Hindi mapakali ang dibdib ko sa kabang nadarama ko ngayon.
"Oh, hello commoner." Napatingin naman ako sa dumating na si Verona, she's wearing a bloated peach gown with crystals on it and a crown on her head.
Napayuko na lang din naman ako sa kanya.
"So, where's the prince, Bresett?" she asked. Nanatili naman akong nakayuko. Tumawa naman siya. "Alam mo, siguro tinatawag pa rin kitang princess ngayon kung hindi kita nakita kahapon sa parade. I was looking for you at the convoys yesterday and searching for the family from Farleen and I was so sad dahil wala kayo doon tapos makikita lang pala kitang pinapanood ang lahat ng royals na dumadaan sa harap mo, funny isn't?" he smirked. "I was so shocked that you make us believe to your lies, Jayne. Kung hindi ko pa kinonfirm mula kay Ma'am Danzella ay hindi ko pa malalamand and this time, your scholarship is drowning."
Lumapit naman ako sa kanya pero agad niya akong pinigilan. Umatras siya. Napabuntong hininga naman ako. "Hindi ko alam ang gagawin ko dito Princess. Wala akong ideya kung saan ko hahanapin ang prince. Sorry pero wala."
"Hmm... and sorry to say din, Jayne. You'll leave this land so soon."
"Not anymore." Agad naman kaming napatingin sa lalaking pumasok ng guest room and I was so shocked ng makita ko si Henric sa harapan ko. With his white suit and brush up hair, more like a prince.
He look at through my eyes pero agad naglanding 'yon kay Verona.
"Henric, why are you here? How did you enter?" yayakap pa sana si Verona kay Henric pero umatras lang si Henric sa kanya.
"I'm here for Jayne."
"Huh?" natanga kong usal.
"I'm here to show that I'm the prince." Henric said.
Napakunot na lang din naman ang noo ko sa sinabi niya.
"No, you can't. You're a commoner, Henric. You can't be my cousin. You can't be the prince."
"Then I'm going to be the turn-out prince just for to save Jayne's scholarship. I can pretend until you found the real prince. I'm willing to take the risk just for her." aniya. Mukhang determinado siya sa sinabi niya. Ni parang hindi man lang niya pinag-isipan lahat ng magiging kalalabasan if gawin niya 'yon. Dumating na ako sa puntong 'yon na maghanap ng ibang tao pero alam ko kung anong magiging resulta no'n kaya hindi ako sumugal pero Henric did it.
"Hindi mo na naman dapat gawin 'to, Henric."
"Yes, you shouldn't! Dahil kung hindi, ikukulong ka lang nila!" dagdag ni Verona.
"And I don't care, me be the turn-out prince."
"Henric, no." Matigas na sabi ni Verona.
Tiningnan ko lang siya, hindi ko inasahan na gagawin niya 'to. Hindi pumasok sa isipan kong siya ang gagawa nito. Oo, naisip ko si Henric noon pero dahil sa patuloy na pagtaboy niya sa akin noon alam kong wala na siyang magagawa dito pero ngayon, nasa harapan ko siya at nagsasabing magiging prince.
Mayamaya lang ay may dumating na iang gwardiya.
"What?" tanong ni Verona.
"The King wants to know if the prince is here, so he can prepare for the event later." Sabi nang nasa gitnang guard.
"No—"
"I'm here." Lumapit mula doon si Henric.
"Come with us." The guard said.
"Wait!" tawag pansin ko pa sa kanila. Muli namang lumingon si Henric sa akin. nilapitan ko naman si Henric. "You don't have to do this for me, Henric."
He shook his head, "this is the only way, commoner."
I hold his hand, "there is another way, Henric."
He sighed, "I have my own decision, Jayne..."
"And you're decision could affect for who I am."
"And so am I." he said.
"We have to go, sir." The guard said.
"Coming."
Lumabas na sila nang guest room. Nagpakawala na lang din naman ako ng hininga. Hindi ko alam na magiging ganito ang kalabasan ng lahat ng ito. Hindi ko inaasahan na darating si Henric para isalba ang scholarship ko. And what if they found out na nagpe-pretend lang si Henric na maging prince? Sinong malalagot sa aming dalawa? O kung sino talaga ang nagpasimuno nito?
"You should pay for this, Bresett." Galit na sabi ni Verona at tuluyang lumabas ng guest room.
Mamayang saglit ay lumabas na rin ako para pumunta na sa grand hall kung saan gaganapin ang Annual Gathering. Isang malaking espasyo ang nasa gitna kung at nandoon din ang red carpet. Naka-paikot naman ang mga silya for other royals at nakahiwalay ang upuan ng ilang guests kabilang na ako doon. Nasa harapan ang thrones kung saan nakaupo ang Amea Royals. Naupo na naman ako sa upuan ko at ang iba sa mga kasamahan ko ay mga journalist.
Nagsimula na ring maglakad at pumasok sa grand hall ang bawat royals. Nang pang-siyam na pumasok ang Williams ay nginitian naman ko ni Maisie, kasama ang kapatid niyang si Ingrid at Leonard. Dumirestyo naman sila sa upuan nila.
"Jayne!" napatingin naman ako sa lalaking tumawag ng pangalan ko.
Nakita ko naman si Koby na naka-black suit na palapit sa akin, nakita ko naman ang mga kaibigan niyang sina Danjan at Sebs na nagdala sa kanya dito.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
He shrugged, "I just want to see her."
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, "who?"
"Her." napatingin naman muli ako sa red carpet at doon ko nakita ang kanilang family. "The Kauffman. Princess Emily Kauffman." He said. Nang mapadapo ang tingin ni Princess Emily sa amin ay medyo nagulat pa ito nang makita si Koby pero agad niyang iniwas ang kanyang tingin.
"Would you tell me something about you and her?" I asked.
He smirked, "maybe not now, soon you'll know."
"Sabi mo 'yan ah!" ani ko pa.
Tinawanan na lang din naman ako ni Koby.
Mayamaya lang din ay pumasok na ang Lambert Family. Nagpalakpakan ang lahat maging ang mga royals sa pagpasok ng Amea Royals. Tuloy tuloy naman sila sa kanilang thrones. Hinintay ko naman na sumunod si Henric doon pero wala siya doon. Kinabahan naman ako sa mga iniisip ko. What if, nalaman na nila? Kailangan ko na sigurong umalis dito dahil ako pa ang mapapahamak at mapapahiya sa harap ng maraming tao.
Nanatiling nakatayo si King Hundrei Lambert sa harap ng maraming tao.
"Thank you for your presence here at Amea. As we all know that we used to do this annually that we called the annual gathering. As we will give some informations on our respective royal lands. I'm proud to say that today, on the annual gathering. The lost prince of amea is come back. My son is come back for his throne."
Lahat ay nagulat sa sinabi ng king.
"Jayne?" ani Koby.
Nilingon ko naman siya, "what did you do? How did you find the prince?"
I shook my head, "I didn't." napapikit na lang din ako ng mata ko.
"Then who is it?"
I took a deep breathed, "it's Henric."
"What?" gulat niya. Halos napatingin pa sa amin 'yong ibang journalist dahil sa rekasyon ni Koby pero binalik nila ang kanilang atensyon sa hari.
"We will meet the prince, later." The king said.
Kita ko mula sa kinauupuan ko ang mukha ni Verona. Hindi siya naging sang-ayon sa kagustuhan ni Henric na maging turn-out prince dahil in the first place, hindi niya alam kung anong mangyayari saka alam ko rin ang dahilan ni Verona kung bakit ayaw niyang si Henric 'yon. It's because she likes Henric, that's it.
Napuno pa rin ng usapan ang buong paligid at lahat ay excited na makita ang prince... na hindi naman talaga.
Nag-usap-usap ang bawat kaharian sa mga balitang kanilang dala. Kung ano ano lang iyon at mukhang sa kanila lang din mahahalaga kaya hindi ko na pinagtuunan ng pansin pero kaming lahat ay napukaw ang atensyon sa isang royal family na nagtanong.
"King, may I know where's your wife lives now or we should say, the Queen of Amea?"
Maraming naging tanong ang ilang kaya naman sinagot din iyon ng hari.
"I know where she is now, but I'm not going after her. Is that okay?" the King said.
Mayamaya lang din ay nagready na ang lahat sa pagdating ni Henric. Hindi ko alam kung anong mangyayari. Kung anong magiging reaksyon ng bawat isa kapag nakita na nila si Henric.
"Okay ka lang ba, Jayne?" tanong ni Koby sa akin.
Umiling ako, "sa totoo lang, hindi."
Nagmarcha papasok ang mag royal guards at sa huling command na sinabi ng pinuno ng royal guards ay pumasok na nang grand hall si Henric. Lahat ay nabigla nang makita siya, lahat ay napauwan ang bibig ng makita siyang pumasok sa pintuang iyon. Mula sa suot niya kaninang simpleng white suit ay napalitan ng white and gold penguin tuxedo.
Napatingin naman ako kay Maisie at nagulat siya nang makita si Henric na naglalakad sa red carpet papunta sa hari. Napabuntong hininga na lang din ako dahil wala na akong magagawa, nandiyan na si Henric. Nakilala na nang buong kilalang mga tao.
Nang makalapit naman si Henric sa hari ay nagyakapan ang dalawa. Kita ko ang banas na banas na mukha ni Verona pero pinilit niya pa ring tanggapin ang yakap ni Henric sa kanya.
"I, King of Amea, introduce you the prince of Amea... Henric Lambert."
So from being a Fabros, he's now a Lambert.
"Ah, King!" isa mula sa mga royals ang nagtaas ng kamay. Binigyan naman siya nang atensyon, "why would we believe that he is the real prince? We've all known that he's lost for about 18 years. Can you prove something to make us believe?"
Napalunok na lang din naman ako ng laway ko.
"I can. We can." Ani ng Hari.
Mula sa malayo ay nagtama ang mga mata namin ni Henric. Hindi ko alam kung anong gusto niyang iparating sa akin pero kinakabahan ako dahil ngayon kung malamang nagpe-pretend lang pala si Henric ay lagot na siya. Hindi lang naman siya, pati ako.
Tinanggal naman ni Henric ang kanyang peguin suit. Gano'n din ang hari.
"This is my birthmark." Ipinakita ng hari ang kanyang birthmark sa kanyang top shoulder. "This could tell if we're in front of the prince, and he're pretending to be. He's banned to this place."
I knew it!
Nang itinaas na ni Henric ang kanyang white longsleeves. Everyone gasped when we saw the same birthmark on their top shoulders.
"Pa'no nangyari 'yon?" takang tanong ni Koby.
Napailing na lang ako, "hindi ko alam..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top