Chapter 17

Chapter 17

Waste of time


Nawala si Damon sa paningin ko habang hinahabol ang lalaking naka-hood. Kilala ko naman kung sino 'yon, nakakalungkot lang dahil ginagawa niya pa rin 'yon kahit alam naman niyang may iba pang paraan para iwasan ang gano'n, pero when I tried to talk to him, lagi na lang akong nagiging patapon kapag kaharap ko siya. Iniiwasan niya ako o kaya naman bigla bigla na lang maiinis sa akin. I don't get this guy.

Naupo naman sa gilid ng gather ang babae habang umiiyak. Siguro first time mangyari sa kanya 'yon kaya sobrang trauma ang dinala sa kanya nito.

Mayamaya na lang ay nagulat ako ng may kasama na si Damon. Hawak hawak nito sa likod habang ang mga kamay ng lalaki ay nasa likod na panigurado'y naka-posas. Naka-hood pa rin ito at nakayuko, sinusubukan kong tingnan ang kanyang mga mukha pero iniiwas niya 'yong tingin sa akin.

Lumapit naman si Damon sa babae at inabot nito ang kanyang bag. Nanginginig ang babae kaya naghintay pa sila saglit ng tao na mag-uuwi sa kanya. Lumapit naman sa akin si Damon.

"I should get this guy to the station, babalikan kita, Jayne." Aniya, sabay inalis ang pagkakatakip ng hood nito sa kanyang ulo. Doon na lang tumambad sa akin ang mukha ni Henric, may dugong tumutulo sa kanyang ilong at may putok din sa kanyang labi.

"Henric." Usal ko sa pangalan.

Nagsimula namang magtaka si Damon, "kilala mo 'to?" kunot noo niyang tanong sa akin.

Napatango naman ako, hindi ko inalis ang tingin ko kay Henric habang siya ay nakaiwas lang ang tingin. Ni hindi pa nagtama ang mga mata namin.

"Kaklase ko siya, Damon." Sagot ko sa kanya.

Natawa na lang din naman si Damon, "wait, huhulaan ko. Commoner ang isang 'to 'no?" aniya pa.

"Damon." Saway ko sa kanya.

Natigil din naman siya, "fine, I'll head him up to the station."

"No." usal. Napataas naman ng kilay si Damon sa akin habang napalingon naman si Henric sa akin. naglipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa hanggat sa nahanap ko ang mag salitang sasabihin ko, "spare him, Damon."

But Damon was too fond of being a cop, "hindi mo ba nakikita, Jayne? Kailangan siyang dalhin sa presinto dahil sa ginawa niya. I can't spare him for doing that, I'm a cop, Jayne. You know that."

"In Halliway, Damon but not here." Aniko. "You should let him go, Damon. He's not what you think of, he doesn't deserve to be in that jail. Let his handcuffs unlocked." Utos ko pa sa kanya.

Aangal pa sana si Damon pero wala siyang magagawa. He's only just a visitor to this place. Yes, he has the right to do something right pero this is not the right time to that thing, to do that to a person na alam kong may malalim na dahilan.

"If this is what you want, Jayne. Okay." He said as he let the handcuffs off on his hands.

Hinawakan naman ni Henric ang kanyang kamay. Nilingon niya ako, "thank you." Usal niya. Hindi ko alam kung anong ginawa niya para manginig ng ganito ang sistema ko sa sinabi niya pero tanging tango na lang din ang nasabi ko.

"Hey kid!" tawag pa ni Damon kay Henric. "If you do it on my place, you can't please me even, Jayne. You'll be in jail." He smirked.

Walang sinabi si Henric kundi nagpamulsa na lang at umalis mula sa amin.

"Why so rude to him, Damon?" tanong ko na may pagkakairita kay Damon.

Agad naman niya akong hinila sa ilalim ng poste dahil medyo dumidilim na rin ang paligid at nagsisimula nang mag-ilawan ang ilaw ng mga poste sa paligid.

"He's a good friend, Damon." Sabi ko sabay piglas sa kanyang pagkakahawak sa akin. I grunt, medyo napahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"Well, if he was good to you, then on this place he wasn't." aniya, nag-igting ang mga bagang niya habang nakapameymang siya. Mukhang ngayon lang din nangyari kay Damon na magpalaya ng taong nahuli siya. I can't see Henric on jail. Kahit ilang beses ko ng nakita na nang-snatch siya, hindi pumasok sa isip kong tumakbo sa pulis at isumbong siya.

Hindi tumakbo sa isipan ko 'yon.

"So, what's the plan?" tanong niya sa akin.

I'm out of plan right now. Hindi ko talaga alam kung saan magsisimula dahil ngayon wala pa rin akong idea kung anong gagawin ko. Kung anong mangyayari sa akin kapag kaharap ko na ang hari at walang maiharap sa kanya. Siguro, kailangan ko na rin ihanda 'yong sarili ko sa pagbabalik namin sa Halliway.

"What are we gonna do? Nalalapit na 'yong annual gathering?"

I lit up my head, "I think he can help us."

"Who's he?" kunot noo niyang tanong.

I took a deep breath, "him, the guy you spare. Henric Fabros."

He sighed, "ano namang magagawa niya?" aniya.

Hindi ko naman nasagot ang tanong niya nang mabaling ang mga mata ko sa isang lalaki na naglalakad. Nakilala ko naman agad ito kaya tinawag ko ang pangalan niya.

"Koby!" kaway ko pa sa kanya.

Nilingon naman ako nito pero galit at mabilis ding inalis ang tingin sa akin. Mabilis din ang kanyang paglalakad kaya mabilis din siyang nawala sa paningin ko. Sa pagkakaalam ko ay dapat nasa mansion siya nila ni Maisie ngayon at nagpa-practice for our performance tomorrow? Bakit ang sama ng mukha ni Koby?

"Sino 'yon?" usisa naman ni Damon.

Tiningnan ko naman siya, medyo nawala na rin 'yong pagka-bad mood ni Damon sa nangyari kanina. Dapat nga magpalipas at magliwaliw muna siya dito sa Amea dahil tiyak na pagbalik niya ng Halliway ay balik trabaho na naman siya.

"Si Koby Keithly, kaibigan at kaklase ko sa Amea University. Katulad ko, isa rin siyang commoner." Ngiti ko pa sa kanya. "At ngayon Damon, simulan na natin ang paghahanap sa lost prince."

"Lost prince or finding out someone who can pretend the prince?"

Napataas naman ako ng kilay sa kanya, "no, Dam, hindi pwede. I tried to think of it pero hindi 'yon lulusot. Malalaman din nila na hindi pala 'yon ang prince and if we failed doing this, at isipin nilang niloloko at pinaglalaruan natin sila. They can ban us to this place." Sabi ko pa sa kanya.

Napabuntong hininga na lang din siya, "then where do we start?"

"We'll have to take a walk, Damon."

"Okay."

Naglakad lakad naman kaming dalawa. Nang mapadaan naman kami sa bakery ay wala na doon si mama at panigurado ay nakauwi na ito. Tahimik lang kaming dalawa ni Damon, kapag may nakakasalubong naman kaming tao ay sinusuri namin ito kung maaaring siya na 'yong nawawalang prince. Sa paglalakad namin ay dinala kami nang mga paa namin mula sa kanya.

Nakatingin lang ito sa amin, nakaupo sa gilid at umiinom ng alak.

"I never knew na umiinom ka pala." Sabi ko sa kanya.

"You don't care at all." Aniya sabay tungga sa boteng iniinom niya.

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para agawi 'yon sa akin at nang nabitawan ko ay nabasag ang boteng iyon mula sa kamay ko. Tumayo naman siya, ang sama ng mga tingin niya sa akin. Humarang naman si Damon sa harapan ko dahil mukhang may balak na gawin si Henric.

"Move backward, kid." Usal ni Damon.

He smirked, "you come here then what are you doing? Leave!" medyo nagulat pa ako sa pagsigaw nito. Aamba pa sana si Damon na susuntukin si Henric pero pinigilan ko siya at hindi na niya tinuloy.

"Henric, can I talk to you for a minute?" malumanay kong sabi sa kanya.

"A talk with you is just a waste of time." Aniya.

Dahan dahan naman akong lumapit sa kanya. Pipigilan pa sana ako ni Damon pero inalis ko 'yong mga kamay niya sa braso ko. Lumapit naman ako kay Henric, dahan dahan kong inabot ang kanyang kamay. Agad niyang binawi ang kanyang kamay kaya hindi na ako nagsubok na gawin pa ulit 'yon.

"What do you want?" he asked. The tone of his voice seems so weak and lost.

"Everytime I see you, there's come a time na gustong gusto kita kausapin pero alam kong pagtatabuyan mo lang ulit ako. Pero naniniwala akong hindi ka naman ganyan eh, may dahilan kung bakit ginagawa mo 'yon."

"If this topic, you want to about talk with me, you're not part of it."

I sighed, I reach his arm pero agad niyang nilayo iyon mula sa akin. Nagkatitingan kami, kitang kita ko ang mga asul niyang mata at hulma ng kanyang panga. "I came here not to hurt you, not to feel you burden pero alam kong kaya mo akong tulungan."

His eyes begin to narrowed, parang sinusuri niya ako sa mga titig niya. "On what?"

"The—"

"Lost prince." Siya na ang nagtuloy ng sasabihin ko. Ngumisi lang siya at umiling-iling, "hanggang ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi kita tutulungan, na wala akong magagawa para diyan and the first place, that's not my business. I have my own problem, I take care of it and you should take care of yours, commoner." He said, leaving us alone.

Lumapit naman sa akin si Damon, "dapat inisip mo pa na no'ng umpisa pa lang Jayne na wala talaga siyang matutulong sayo. We wasted our time on him." Aniya.

Napagusapan namin ni Damon na ituloy na lang bukas ang paghahanap namin sa lost prince, hindi pa rin ako kampante. Hindi maalis sa dibdib ko 'yong kaba. Bilang na lang din ang araw at hindi ko alam kung anong gagawin ko. I can't face the king.

Hinatid ako ni Damon sa bahay pero hindi siya pinaalis ni mama at maghapunan na lang muna at pagkatapos no'n ay umuwi na siya.

"How's school, Jayne?"

"Ma, what you know about Amea?" tanong ko sa kanya.

Napakunot noo na lang din naman si mama sa tanong ko, "Amea is good place to live, Jayne. Bakit mo naman natanong?"

"D'you know something about the lost prince of Amea?" tanong ko sa kanya, pansin ko ang pagbabago ng expression ng mukha ni mama sa sinabi ko pero pinagpatuloy ko pa rin. "or some of history?"

She shook her head, "wala, I never been in this place before kaya wala akong alam. Kung meron man, nagpasaling-dila na lang 'yon or in short, chismis na lang. Hindi ba sinasabi sa inyo 'yan sa klase niyo?"

Umiling naman ako, "never."

"Hmm... masyado kasing private ang Amea kaya minsan ang ganyang mga facts hindi na nila nilalabas."

"Facts?" taka kong tanong kay mama. "Ibigsabihin, may totoo at hindi?"

Umiling si mama sa akin, "hindi ko sigurado, Jayne."

"Pero ma, noong nasa Halliway pa tayo, may kwento ka laging kinukwento sa mga street children noon diba? Narinig ko na 'yon isang beses pero hindi buo. Ma, pwede pakwento sa akin 'yon?" aniko pa.

"Those are children stories, Jayne. I always have the fond of making stories to entertain them, to make them escape for reality they have been." She said.

I just nodded, more of nonsense stories. Natulog na rin naman ako malipas ang ilang oras. Agad akong napabangon sa kalaliman ng gabi ng bigla akong managinip ng kung ano ano. I feel like I was falling. Not from the usual, cliff, river or anything. I saw myself, kissing Henric.

Ang bilis ng kabog ng dibdib ko nang pumasok sa klase. Doon ko lang din naalala ang performance namin na nawala na sa isip ko. Mabuti na lang ay maagang dumating si Maisie at Koby at hinihintay na lang pala nila ako.

"Gahd, buti nandito ka na. Hindi naman kami nakapag-practice kagabi dahil kay Koby."

"Ako pa talaga ha?" inis na sabi ni Koby.

Napakunot noo naman ako, "ano bang meron Koby? Nakita kita kagabi and for sure, nakita mo rin ako dahil tinawag pa kita. Anong nangyari?" tanong ko pa.

Hindi naman niya ako sinagot kundi lumayo siya at pumunta sa beat box niya. Tiningnan ko naman si Maisie.

"Well, my brother, Leonard just got arrived at home para sa annual gathering and he came with some visitor, Princess Emily." Aniya.

"His—"

"Sa tingin niyo ba hindi ko kayo naririnig?" ani Koby. "C'mon, let's practice."

Natawa na lang din naman si Maisie, " and he had a double kill."

"Why?" I asked.

"Ingrid appeared yesterday with Bryne as her boyfriend." Napa-anga na lang din ako sa sinabi niya. "And you would know how we ended up awkward that night, we'll talk it later." Ngisi pa ni Maisie. "But for now, practice for our performance." Aniya at kinuha ang gitarang dala niya.

Susunod na sana ako sa kanilang dalawa nang biglang pumasok si Henric ng room. Agad akong nabato sa kinatatayuan, lahat ng panaginip ko nag-flashback sa isip ko. It can't be real. He's too jerk. I can't fall for him but I'm fragile and I think he got me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top