Chapter 16
Chapter 16
Hood
Makalipas lang ang kalahatig oras ay dumating na din si mama. May dala dala siyang pasalabong na siya namang pinagsaluhan namin. Puro kwento lang si Damon at hindi naman kami nagsasawang makinig sa kanya. He love his job for being a cop. Noon pa man ng magkakilala na kami, wala pa siyang position noon pero ngayon dahil determinado at alam niya talaga kung para saan 'yong trabaho niya.
"So Damon, how was Halliway?" tanong ni mama. Napatingin naman ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit niya natanong 'yon, nami-miss na ba niya 'yong buhay namin doon? 'Yong nakasayanang routine namin doon? Nagagawa naman namin 'yon dito sa Amea eh, pinagkaiba lang eh 'yong paligid na ginagalawan namin.
Damon shrugged off his shoulder, "still the same, marami pa ring masasamang loob but we, I can handle all of them." Aniya. "Kayo po, how's the Amea?" he asked.
"We're good here, nakakapag-adjust na rin kaming dalawa ni Jayne dito and Amea is a good place though, the villages and some places change."
Napatingin naman ako kay mama, "have you been here, tita?" Damon asked.
Mama shook her head, "no, I just heard it from them." Aniya. "Saan ka pala tutuloy? We can let you stay here." sabi pa ni mama sa kanya.
"May nahanap ako kanina tita sa downtown, siguro kung hindi pa ako nakapagbayad dito talaga ako mag-stay pero bayad na po ang rent ko eh. I'll just visit anyway." Aniya.
"Sayang nga, Dam." Ani mama. "Saglit lang, babalikan ko lang 'yong niluluto ko para makakain na tayo ng hapunan." aniya saka tumuloy si mama sa kusina.
Naiwan naman kaming dalawa ni Damon.
"Dam," pabulong kong tawag sa kanya na agad naman siyang lumingon. "where do we start? This week wala naman akong pasok dahil sa event na mangyayari, samahan mo ako ha." Sabi ko sa kanya.
He nodded, "sure, hindi ko lang talaga sure kung may papatos ba sa plano mo Jayne. Hindi ko alam kung maniniwala sila sayo o hindi pero sa panahon ngayon ang hirap na paniwalaan ng lahat ngayon. And what if you failed the King? Anong gagawin nila sayo kapag pinaasa mo silang hindi naman pala 'yon 'yong anak niyang nawawala. You got in a big trouble, Jayne."
I took a sighed.
"Trouble?" sabay naman kaming napatingin ni Damon kay mama na sumulpot galing sa kusina. "Anong pinag-uusapan niyong dalawa?" pag-usisa pa niya.
"Ah, tita, bago ako umalis sa Halliway, nagkaroon pa ng away ng mga kabataan doon kaya kailangan kong awatin sila, kaya ayun. Muntik na akong hindi makasakay sa ferry." Palusot pa ni Damon kay mama.
Napatango naman si mama ng dahan dahan, "hmm, mga kabataan talaga... tara na sa kusina, Jayne, Damon. Kumain na kayo." aniya.
Natawa na lang din kami ni Damon at pumunta na sa kusina. Kumain na lang kami sa hinanda ni mama. And it never fails me to eat such like this. Lagi akong nabubusog. Pagkatapos naman naming kumain ay nagpaalam na rin si Damon at dadalaw na lang daw ulit bukas o sa susunod na araw. Napag-usapan din naman naming dalawa na kapag uwian ko ay magkita kaming dalawa para mapag-usapan pa namin kung saan hahanapin ang nawawalang anak ng hari. Kung nasa Amea lang ito, mapapadali lang din ang gagawin namin pero kung nasa ibang bansa pa ito. Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sa hari.
Sabay kami ni mama na pumunta ng central kinaumagahan. Dahil maaga pa naman ay tinulungan ko muna siya mag-ayos ng paninda nila sa bakery. Inabutan niya rin ako ng cake pero sabi ko 'wag na lang pero dahil mapilit siya ay kinuha ko pa rin.
Mayamaya ay may bumili, si mama ang lumapit para kunin ang binibili nito pero mayamaya ay nagsisigaw ito ng biglang may lalaking naka-hood ang lumapit sa kanya at pilit na inagaw ang kanyang purse, and he won. Nakatakbo siya ng mabilis at walang nagawa ang ale na bumibili kundi umatras at umiiyak na umalis.
"Madalas na dito 'yan." Utas ni mama.
"Sino ma?" tanong ko.
"'Yong snatcher na 'yon, hindi lang namin ma-tsempuhan dahil ang bilis nitong tumakbo! Minsan nga, naka-uniform pa ito." Aniya.
Nanliit naman ang mata ko sa sinabi ni mama, "uniform ng alin po?"
"Ng Amea University pero baka namamalikmata lang ako." Aniya.
Napabuntong hininga na lang din naman ako. Hindi ko alam pero si Henric kaagad 'yong pumasok sa isipan ko no'n. Sorry pero minsan ko na kasi siyang nakita dito na nakikisiksik sa bakery. Bakit niya pa kaya 'to ginagawa? Siguro naman may dahilan kung bakit niya ginagawa 'yon diba? Alam kong hindi naman siya masamang tao. May tiwala pa rin ako sa kanya.
Nagpaalam na rin ako kay mama para pumasok. Saglit lang din ng marating ko ang Amea. Nakayuko lang akong pumasok sa hallway ng building namin, ayokong makita nila ako. Ayoko kasi nahihiya ako pero wala naman akong magagawa eh.
Nadatnan ko pagkapasok ko si Henric na may nilalagay na pamilyar na jacket sa loob ng kanyang bag. Nagsalubong naman ang kilay ko sa hinala ko. Nang makita naman niya ako, nginisihan niya lang ako. Agad ko naman siyang nilapitan.
"Ikaw ba 'yon, Henric?" tanong ko sa kanya.
Tamad akong tiningnan nito, "you need something?"
I scoffs, "wow ha, nag-aalinlangan ka pa ngayon. Pa'no mo nagagawa 'yon? Hindi ka ba nakokonsensya sa ginagawa mo?! Henric, stop committing crimes."
"Ano bang pakelam mo?" nanlamig ako sa sinabi niya.
Napailing na lang din ako sa sinabi niya, "hindi ko alam kung anong dahilan mo para gawin 'yon."
"Okay."
Hinablot ko ang balikat niya, "Henric, stop this please."
Pero agad siyang pumiglas sa pagkakahawak ko, "leave me alone, commoner." He hissed.
Nakita kong pumasok si Maisie ng room. Medyo nagulat pa siya sa nasaksihan niya. Kakaunti pa lang din naman kami sa room pero nababalot na agad ako ng wala sa mood. Napaupo na lang ako sa silya ko, naupo naman din si Maisie sa tabi ko.
"Anong nangyayari ha?" tanong ni Maisie sa akin.
Wala akong sagot na binigay kundi iling lang din. Napapansin ko ang pagtingin-tingin niya sa akin pero iniiwas ko na lang din ang tingin ko sa kanya. Wala na akong magagawa kung ganyan si Henric. Hindi ko na siya guguluhin. Kinausap ko lang din naman siya dahil hindi na tama 'yong ginawa niya kanina.
Nagsidatingan naman 'yong mga kaklase ko. Nagkaroon naman kami ng surprise quiz, lahat kami nagulat as in, dahil wala man lang review notes for five minutes dahil agad agad, number one kaagad ang quiz. Pagkatapos din nito ay binigyan na kami ng oras para magpractice sa gagawin naming performance kuno na bukas naman namin gagawin.
"Diba final na gagawin natin 'yong magdadala ng beat box si Koby, I'll go for the guitar tapos ikaw kakanta, Jayne diba?" ani Maisie.
Tumango naman ako sa kanya, "pero you can sing din naman diba? Hindi lang ako, nakakahiya kasi." Sabi ko sa kanya.
"Practice tayo mamaya?" anyaya ni Koby.
"At my house." Ngiti pa ni Maisie.
Tiningnan naman nila ako at hinihintay ang sagot ko. Napangiwi na lang din naman ako at sabay iling, "I can't come, bumisita kasi 'yong kaibigan ko sa Halliway kaya mamaya magkikita kaming dalawa, o kaya bukas agahan na lang din natin para naman kahit paano isang pasada." Suggestion ko naman sa kanila.
"Okay, I'll go for it." Ani Maisie. "Pero Koby, gusto mo mag-practice tayo later para makuha natin 'yong beat para sasabayan na lang tayo ni Jayne." Dagdag pa niya.
Sumang-ayon din naman si Koby, "nandiyan pa ba si Ingrid?" tanong naman ni Koby.
Natawa na lang din naman ako, "you like my sister, do you?" ngisi pa ni Maisie.
Agad namang umiling si Koby, "no? I just find her so attractive." Paliwanag niya pa.
Hindi na naman nagtanong pa si Maisie kay Koby dahil mukhang nakukuha naman nito ang gustong iparating nito.
Nagpractice din naman ako. Kinanta ko 'tong piece na ipe-perform naming tatlo. Napansin ko naman na nasa tabing gilid lang si Henric at mukhang natutulog pa pero hindi naman siya pinapansin ng professor namin. Wala siyang grupo dahil mag-isa siya sa sulok. Nang subukan ko namang tumayo at lumapit sa kanya at bigla namang nagdismissed si ma'am. Napalingon naman siya sa akin at sinakbit ang bag at tuloy tuloy na lumabas ng room.
Napabuntong hininga na lang ako. Mabuti na lang good timing si ma'am at napigilan ko ang sarili ko na lumapit muli kay Henric.
Pagkalabas naman namin ng room ay biglang bumungad sa amin si Verona.
"Can I talk to you... for a second." Irap pa niya.
Nilingon ko naman ang dalawa at sinabi kong susunod na lang din ako sa kanila.
Dinala naman ako ni Verona malapit sa mini garden ng university.
"Ano ba 'yon, Verona?" tanong ko sa kanya.
Humalukipkip naman ito sabay taas ng kanyang kilay, "the king talk to me earlier, bring his son to this Sunday. Where the last day of the annual gathering. He will introduced him to the other royals..." she smirked, "on on the representatives of the other kingdom." She uses her evil smile again, "have you found him? 'Wag mong paasahin ang king, this is the first time when someone give a news about him." She curled her hair on her finger, "oh well, goodluck." She said then leaves me.
Napabuntong hininga na lang din ako. Mas lalo akong kinabahan sa mangyayari, umaasa ang king na ang makakaharap niya ay ang nawawalang anak niya at sa kondisyon ko ngayon, hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang isang 'yon. Hindi ko namalayan na bumulagta ako sa dinadaanan ko, napatid ako sa sarili kong paa dahil sa dami ng iniisip ko.
"Girls sucks at daydreaming." Sabi ng isang lalaki na tinulungan akong makatayo. Doon ko lang din siya nakilala, napatulala ako sa mukha niya. "Are you out of yourself, commoner?"
I shook my head, "no, no. T-thank you Henric." I stuttered so much.
He just smirk saka niya ako tinalikuran.
"And Henric..." tumigil siya sa paglalakad at bahagyang nilingon ako, "I'm not daydreaming." Muli niya akong nginisihan at tuloy siyang umalis hanggat sa mawala sa paningin ko.
Tinuloy ko ang canteen at nagulat naman ako ng may binili na sila na pagkain sa akin. Nagpasalamat naman ako sa kanila pero this was Maisie's treat kaya ayos lang daw.
"Anong pinag-usapan niyo ni Verona?" tanong pa ni Maisie.
"Tungkol na naman 'don, as usual. At ang mas malala pa eh, on the last day of annual gathering ay doon ihaharap ng hari ang kanyang nawawalang anak. And I'm so drained here, hindi ko na alam kung anong gagawin ko."
"By the way, diba sabi ko tutulungan din kita." Ani Maisie.
"Tapos?"
She shook her head, "wala, wala silang alam at idea kung saan mahahanap 'to."
"Ah, Jayne, meron ka bang alam na pwede nating makilala ang prince? For example kung may balat ba ito sa katawan dahil most of the royals ay may gano'n like Maisie, diba?" ani Koby.
Tumango naman si Maisie, "yah, I've got some on my back." She said.
"Oh diba, oh kaya kulay ng balat o kung saan ito dinala noon. May alam ka ba?" tanong pa ni Koby.
Napabuntong hininga naman ako sabay iling. "Wala, ni kahit isa, wala akong alam."
"'Yon lang din sana ang paraan." Ani Koby.
Natahimik na lang naman kaming tatlo. Hindi ako mapakali, sa nalalapit na annual gathering ay parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Anong gagawin ko?
Magkasabay sila Maisie at Koby na umuwi dahil magpa-practice sila sa mansion nila Maisie for our presentation tomorrow. Keri ko na lang din naman 'yong pagkanta kaya hindi ko na papagurin ang sarili ko. Lumabas na din naman ako ng Amea University at pinuntahan ang meeting place namin ni Damon.
"Dam!" agad namang tumingin ito nang tawagin ko siya. "Kanina ka pa ba dito?" tanong ko sa kanya.
Umiling naman siya, "hindi naman, kakarating ko lang din." Ngiti pa niya sa akin. "Oh, bakit parang nabagsakan ng langit at lupa 'yang mukha mo?" taka niyang tanong sa akin.
Napabuntong hininga na lang din naman ako. "Mas malaki na ang problema ko ngayon."
"Snatcher!" agad naman kaming napalingon sa isang babae na biglang sumigaw. Agad namang napunta ang mga mata namin ni Damon sa lalaking tumatakbo palayo dala dala ang nakuha nitong bag. Nakilala ko kaagad ito dahil sa suot niyang hood.
"Jayne, babalik ako." Aniya at mabilis na sinundan ang snatcher.
Napaupo na lang ako sa isang tabi at nagpakawala ng malalim na hininga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top