Chapter 15
Chapter 15
Help me
"Anong kinalaman ni Henric dito?" takang tanong ni Maisie sa akin.
"Oo nga, tingnan mo. Mukha ba 'yang nawawalang prinsipe?" dagdag pa ni Koby.
Napakibit balikat na lang din naman ako sa sinabi niya, "if ever, he can help us. He can help me." Sabi ko pa. "Actually, the first time I saw him. Iba na kaagad 'yong dating niya sa akin, 'yon nga lang sobrang pangit ng pagkakakilala ko sa kanya but I know he did it for something."
"Ano ba 'yon?" tanong naman ni Maisie sa akin.
I just smiled, "I'll try to talk to him." Sabi ko sa kanya. "He once rejected me pero siguro this time, hindi na. I know there's something na magpapalambot sa puso niya." Determinado ko pang sabi sa kanila.
Dumating naman ang professor namin at nagdiscuss lang siya. Sa susunod na araw ay magkakaroon kami ng presentation at kung ano daw ang trip naming gawin ay bahal na kami kung anong gagawin namin. It can be a solo or group, kami na rin daw bahala kaya naman kaming tatlo kaagad ang magkagrupo at napag-usapan naman namin na kakanta na lang kaming tatlo at siguro most of the group ay gano'n ang gagawin.
Pagkatapos ng klase ay pumunta naman kaming canteen pero bago kami makarating doon ay nakasalubong naman namin si Ma'am Danzella, hindi ko alam kung paano siya titingnan sa kanyang mga mata. Nahihiya ako. Hindi na rin suot-suot ni Koby 'yong silver ring niya dahil hindi rin naman nahahalata sa kanya kapag suot niya ito.
"Princess Williams, can you join with me at the office?" ani Ma'am Danzella kay Maisie.
Tumango naman si Maisie, "yes po ma'am." Tumingin naman si Maisie sa amin, "mauna na kayo doon, susunod na lang ako." Aniya.
Nang umalis na sila ay naglakad na rin kami papunta sa canteen. Alam kong pagsasabihan din ni Ma'am Danzella si Maisie pero siguro hindi na katulad sa akin no'n, I have my ways naman and kung maging successful naman itong plano ko para hindi maalis ang scholarship ay magiging okay na ulit ang lahat. Ayoko na magpretend na isa akong royals, I lied to myself. I lied for who I am. Dapat nga pinagmamalaki ko na isa akong commoner na nagkaroon ng chance na makapasok sa isang prestigious school.
Dumiretsyo naman kaming dalawa ni Koby sa canteen. Agad kaming napalinga upang maghanap ng vacant table dahil maraming estudyante ang break ngayon.
"Sige, maghahanap lang ako ng table natin. Bili ka na 'don." Sabi ko sa kanya nang makita kong humahaba ang pila sa counter.
"Okay, treat ko muna." Aniya.
"No, ito ID ko." sabi ko pero sabi niya next time na lang daw kaya 'wag na daw. Pumunta naman siya sa pila sa counter at naghanap naman ng vacant tables.
Makailang minuto ay tatlong magkakaibigan ang tumayo, dali dali naman agad akong pumunta sa table nila at swerte dahil nauna ako. Naupo naman ako at hinintay ko si Koby at Maisie na dumating. Minsan ang crowded talaga ng canteen dito kaya minsan 'yong iba hindi na bumibili dito, lumalabas na lang para doon bumili.
Medyo mahaba-haba pa ang pila ni Koby sa counter at patuloy din 'yong humahaba. Sari saring mukha at katayuan sa buhay ang mga estudyante dito sa Amea University. You can see different faces everyday at masisigurado mo talagang may inaalagaan silang pangalan. Kung minsan, nagiging agaw pansin ang group of royal guys na siyang nagiging agaw atensyon sa bawat isa pero for them, it's normal na sundan ka ng tingin. Syempre sikat sila at talagang tinitingala.
Nagulat na lang din ako ng biglang bumulaga sa harapan ko si Maisie. Naupo naman siya sa kaharap kong upuan.
"What happened there?" tanong ko sa kanya, napansin ko naman sa ulo niya ang kanyang mini silver crown.
She shrugged, "I got a first offense pero don't worry kaya ko naman sarili ko." aniya. "Saka Ma'am Danzella used to said na 'wag ko na daw uulitin 'yon, this crown symbolizes where I came from, for who I am. Kaya ayan, bago ako lumabas ng office niya. Pinasuot niya sa akin ito. Hindi lang ako sanay dahil I never wear it no'ng binigay sa akin." aniya. "Where's Koby?"
Tinuro ko naman si Koby na nasa harap na nang counter. Lumingon siya sa amin at sinenyasang siya na muna bahala sa pagkain din ni Maisie. Wala na naman kasi kaming magagawa dahil nakabili na siya.
Mayamaya ay may lalaking tumapat sa table namin, may hawak siyang tray.
"Can I sit?" napatingala naman kami para tingnan siya, napalunok na lang din ako ng laway ko ng nakatingin siya sa akin at naghihintay na magsabing oo.
"Uy, Jayne." Pabulong pang sabi ni Maisie sa akin.
Agad ko naman siyang tinanguan, "sure, you can." Ngiti ko pa sa kanya. tumabi naman siya kay Maisie at parang naging invisible kami kaagad sa kanya nang simulant niyang kainin ang binili niyang coke in can at pizza, like the usual. Hindi kaya mapurga siya 'don?
Dumating din naman si Koby at nakataas pa ang kilay nang makitang kasama namin si Henric sa table. Nilapag naman niya ang table. Tiningnan lang siya ni Henric pero bumalik ulit sa pagtuon ng kanyang kinakain.
Nilapag naman ni Koby ang tray at inabot naman nito sa aming ang mga binili niya. Sandwich at juice lang sapat na.
Habang kumakain naman kami, hindi ko naman maiwasan na mapatingin kay Henric. Napapansin naman nila Maisie 'yon. Kung ano-ano kasing tumatakbo sa isipan ko pero kahit anong gawin ko, si Henric talaga ang lalaking naiisip ko na pwedeng maging prinsipe. Na pwedeng iharap sa hari. Oo, maraming lalaking royals na nag-aaral dito sa Amea University pero lahat sila ay may dala-dalang pangalan at kilala sila kaya imposible na sila ang maging kakalabasang prinsipe ng Amea.
Hindi ako kampante pero wala namang masama kung susubukan, if this whole thing turned out to be failed. Wala na akong magagawa, we'll go back to Halliway.
"Ah, Koby diba may pupuntahan pa tayo?" ani ni Maisie nang maubos niya ang pagkain niya.
Agad namang tumango si Koby sa kanya, "ah, oo nga pala!"
"Maisie? Saan kayo pupunta?" tanong ko sa kanila.
Hindi niya ako sinagot pero nginuso niya ako kay Henric na patapos na rin sa kinakain niya. Alam kong sinesenyasan niya akong kausapin ko si Henric o mag-usap kami para tulungan ako. Sumakay na lang din naman ako sa trip nilang dalawa at umalis, nagba-bye pa si Maisie kay Henric pero tingin lang din ang binigay nito.
Nang maiwan naman kaming dalawa ay agad kong kinuha at ininom ang natitirang laman ng juice ko. Ngayon ko lang naramdaman 'tong feeling na 'to, kinakabahan ako na ewan. Kung anong kumakalabog sa dibdib ko at paikut-ikot sa tiyan. Minsan na kaming nagkausap pero ngayon wala akong mailabas na salita para simulang kausapin siya.
Nang matapos siya ay kanyang tinungga ang inumin niya at pinunasan ang bibig. Kanyang kinuha ang bag at aakmang tatayo na pero agad ko siyang pinigilan.
"Henric, s-saglit." Why to stutter, Jayne? Kainis!
Nilingon naman niya akong nakataas ang kilay. Parang labag pa sa loob niyang lingunin ako. "What?"
"Can I have second, please?" I said.
He took a sighed then he took his sit. Umayos din naman ako ng pagkakaupo. I cleared my throat and look through his face. Ito na naman ako, nabato na naman ang mga mata ko sa kanya. Medyo nawawala na 'yong pasa sa tabi ng labi niya pero still, I'm craving to know what happened to him.
"Could you please stop staring at me?" ngisi pa nito.
Agad naman akong napayuko sa sinabi niya. Really? Nakatitig ba ako sa kanya?
I shook my head and look at him again, "sorry," and I breathed heavily. "could you help me?"
He smirked.
"Please?"
"Is this all about finding your lost prince?" he asked, "how many times will I say na ayoko. I can't help you, okay?" he said.
Tatayo na sana siya pero hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa mesa, "this is not a favor or anything else, just help me. My scholarship is part of this. If I failed, my scholarship will be remove and so I leave this university, this place. I'm going back to Halliway." I sighed, "and... you said, you can't. I understand. Tha—" hindi ko pa man tapos ang sasabihin ko ng bigla siyang umalis. Sinundan ko na lang din siya palabas ng canteen. "Thank you." I sighed.
Kinuha ko na lang din ang gamit ko at lumabas ng canteen. Agad akong sinalubong ng dalawa ng tanong.
"Nakapag-usap ba kayong dalawa?" usisa agad ni Maisie.
"Oo nga, parang badtrip 'yong mukha pagkalabas eh." Sabi naman ni Koby.
Napabagsak na lang din naman ang balikat ko, "he can't help me, so I'll find someone who can help me. Who can find the prince of Amea."
Nalungkot naman ang dalawa sa sinabi ko, "if I know anything about this prince, siguro natulungan na kita Jayne pero wala eh. I'm new to this place at wala akong masyadong alam sa history ng family nila, so I can't but your my friend so I'll try my best." She said.
"Thank you, Princess." Ngiti ko pa sa kanya.
Natawa na lang din naman siya, "hindi ako sanay." Tawa pa niya.
The day end so naturally puro discussion lang din ang nangyari sa ibang subjects namin pero dahil nalalapit na ang Annual Gathering ay magkakaroon kami ng three days vacation para naman makasabay kami sa gaganaping event lalo na sa pnaka-last day ng Annual Gathering ay nandoon na lahat ng representatives ng every kingdom para sa kung ano mang ganap ang gagawin nila. Wala akong alam doon dahil hindi naman sinabi sa amin 'yon.
Pagkauwi ko sa bahay ay may isang pamilyar na lalaki sa akin ang nakita ko. Nang lumingon naman ito sa akin ay doon ko lang ito nakilala.
"Dam!" sigaw ko sa tuwa ng makita ko siya. Napatakbo naman ako sa kanya at niyakap ko siya. "Nakakagulat ka naman! Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka pala dito!" sabi ko sa kanya.
Umalis naman siya sa higpit ng pagkakayakap ko. Ang laki din ng ngiti ni Damon. "Well, this is a surprise visit for you anyway." Aniya.
"And you surprised me," tawa ko pa. "Kailan ka dumating? Kanina ka pa ba dito? Pa'no mo nalaman na dito kami nakatira?" sunod sunod na tanong ko sa kanya.
Natawa na lang din siya dahil sa dami ng tanong ko sa kanya, "well, I came this morning at ayun pumunta ako ng hindi ko man lang alam kung nasaan kayo nakatira kaya naglibot libot na lang ako hanggat sa napadaan ako sa central at nakita ko doon ang mama mo. I never thought she can handle herself, like that." Aniya.
Napangisi na lang din naman ako. "Atleast you found our home." Sabi ko sa kanya.
Tiningnan naman niya ako, 'yong suot suot ko. "Iba na talaga kapag mayaman!" aniya.
"Oops!" aniko. "Sinong mayaman, Damon?" iiling iling ko pa. "Tara nga sa loob." Anyaya ko sa kanya at pumasok kami sa loob ng apartment. "Damon, are you here just for a visit?" tanong ko pa sa kanya.
He nodded raising his brow, "yah, a visit. Why?"
"How old are you anyway?" tanong ko pa sa kanya.
Natawa naman siya pero nanatili akong seryoso kaya naman natigil din siya sa pagtawa, "23, ba't mo natanong?"
Napabuntong hininga naman ako at napaupo sa sofa.
"Do you want to be prince?" sabay lingon ko sa kanya.
His eyes became narrowed, "I don't get why do you asked some kind of question like this, Jayne? Is there a problem?"
I just look at his eyes, never answered his questions. "Do you want to have a royal life, to be a prince?"
He scoffs then shook his head, he laughs as from what I said, "I don't get you, Jayne. Is there something bugging you?" umupo naman siya sa tabi ko.
"If I failed doing this, I might lost my scholarship then have to sail back to Halliway." I look at him, "I promised to the King of Amea to bring him, his lost son, the lost prince of Amea. Could you help me? Could you be the prince? Save me from this, Damon. I know you can." I took his hand and hold it tight. Namumuo na ang mga luha sa mata ko at hindi nga ako nagkamali dahil nag-unahan na ang mga ito na tumulo. Niyakap na lamang ako ni Damon. "Help me, please."
"Hush, Jayne... I can help you to find the prince. But I can't be the prince."
My tears shed down. "T-thank you... Dam."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top