The Trip

"Ynoh, naka-ready na ba ung mga gagamitin natin?"


"Oo, nasa van na lahat."


"Tara na guys. Ready na pala lahat." bumaling ako sa barkada na prenteng pretente pa din sa pag kaka-upo. Ala-una na ng madaling araw, limang oras daw kasi ang byahe namin papuntang Quezon. Para pag karating doon, makapag pahinga pa kami sandali. Ito ang unang trip naming mag babarkada, dahil nga busy sa mga trabaho. Mag babarkada kami simula pa high school, hanggang noong mag college kami. Pupunta kami sa isang beach resort, na sa internet lang namin nakita. Maganda naman doon at hindi ganun ka-tao. Limitado lang kasi ang tinatanggap nila kada araw. "Tutunganga na lang ba kayo dyan? wala bang gustong kumilos sa inyo?" seriously, bakit nakaupo lang sila, may kulang pa ba?

"Jessy, wala pa si--"

"Andito na kami!! Sorry guys kung medyo natagalan ah. Sinundo ko pa kasi si Erika." bakit ba hindi ko naisip na kasama nga pala ang ex ko dito? Shit!! I almost forgot na sa barkadahan pala kami nag simula. 

"Kumpleto nanaman siguro ang lahat? Pwede na ba kayong mag si tayo dyan at sumakay sa van?" 

"Ang sungit mo Jessy, meron ka ba ngaun? panu ka nyan makakapag swimming?" tumawa ang lahat sa sinabi ni Nicolo.

"Shut up!" nauna na kong sumakay sa van. Gusto ko muna sanang makapag isa, pero imposible. Kasama ko lang naman ang ex ko na kasama ang girlfriend nya. I may be sound bitter, but, well, it's effin true. Tumabi sakin si  Levi. We all know, from the start, may gusto na sakin to. Hindi nga lang makaporma dahil kay Jiggy, ex ko. Sumakay na din si Nicolo sa tabi ni Levi, si Ynoh naman, nasa may driver's seat, sa tabi nito, si Sandy, girlfriend nya. Nakaupo na sa first row sina Maureen, Jhoi, at ang boyfriend nya na si Macky. Sa second row naman kami nila Levi at Nicolo. Sa last row naman si Erika, Jiggy, at ang crush ni Maureen na si Luke. 

Sinimulan ng paandarin ni Ynoh ang van, tahimik nga ang lahat eh. At alam ko naman ang dahilan. 

Dahil samin ni Jiggy. Sabi nga nila nila bagay na bagay daw kami, dahil sa name namin, Jiggy and Jessy, akala ko nga rin. Pero may hangganan talaga samin ang lahat. Hindi ko alam kung sino ang may kasalanan sa pag hihiwalay namin dalawa. Basta, ang alam ko lang, after 4 months nung nag  break kami, may Erika na sya.

Kinuha ko na lang ung earphones ko at nakinig ng music. At sila naman, nag simula ng mag kulitan. 

*CREEEEEEEK*

"Aaaww, ano ba Ynoh, mag dahan dahan ka naman kasi." narinig kong sabi ni Sandy. 

"May nasagasaan ata ako?" takot na takot na sabi ni Ynoh, at syempre lahat kami nagulat, bumaba ito at sinundan nila Nicolo, Levi, at Macky, tinignan ko ang cellphone ko, 2:53 am na, malayo na rin siguro ang nararating namin, marami na din kasing puno sa paligid. At pumapasok ang malamig na simoy ng hangin sa nakaawang na pintuan ng van. 

Maya maya din ay pumasok na sila.

"Oh ano? meron ba?" tanong ni Jhoi kay Macky. Lumingon ako, at sana, hindi na lang. Naka akbay kasi si Jiggy kay Erika, nakasandal naman eto sa balikat ni Jiggy. Nagkatitigan kami sandali, pero bumaling din naman ako agad kay Levi na nag salita.

"Wala naman, siguro pusa lang o kaya aso ung dumaan." binaling ko na ung tingin ko sa may bintana.....

"Aaaaaahhh!!!!" lahat sila nataranta sa pag sigaw ko, ang lakas lakas ng tibok ng puso ko, pinag pawisan ata ako dun. 

"Jey. Bakit? anong problema? bakit ka sumigaw?" Lahat sila tinanong ako kung bakit, at lahat din sila natahimik nung nag salita si Jiggy. Hindi ko pinansin ang pag tatanong nya--nila, dahil nasa labas pa rin ng bintana ang atensyon ko.. 

 Dali dali kong binuksan ang bintana...

"Lola, ano po ang ginagawa nyo dyan? Madaling araw na po ah?"  tinanong ko ung matanda na nakalahad ang kamay sa harapan ko na parang nanlilimos. 

"Mag iingat kayo sa pupuntahan nyo.. Pahingi naman akong pag kain." kahit na natakot ako at nagulat sa itsura ni Lola. 

"Ah, sige po. Teka lang po, kukuha ako." Yumuko ako para kunin ang bag ko sa may paanan,  may sandwich kasi ako dun. Umilaw ang cellphone ko, at nakita ko ang oras. 3:13 am. Bago pa ako tumunghay ulit para iabot ang sandwich kay lola..

"Ynoh, tara na, ano ba!!!" sumibad na ang van. 

"Ano ba Sandy.. Ynoh? bakit nyo naman ginawa un?" humawak sa braso ko si Levi, at dahan dahang pinipisil ito. Tumingin naman sakin ni Sandy na parang hindi makapaniwala.

"Here she goes again." bulong ni Maureen, na narinig ko naman. 

"Ano bang problema nyo?" naiirita kong tanong sa kanila. "Kabastusan ang ginawa nyo, hindi nyo ba alam? nanghihingi ng pagkain ung matanda. Hindi naman ata tama na bigla mo na lang papaandarin ang van." May umabot ng kamay ko mula sa likuran.. Pagtingin ko... Si Jiggy, kasalukuyang hawak ang palad ko at pinipisil, nag katitigan pa kami, medyo kumalma ako ng konti. Gadd! alam nya talaga kung panu ako pakalmahin. 

"Sweetie, wala ka namang kausap. Walang matanda, walang lola. It's your imagination again."



"I-i'm not imagining. I saw her with my own two eyes."




"Well, i guess, it seems like your third-eye does."



"Erika!" pinilit kong bumitaw sa pag kakahawak ni Jiggy, pero hinigpitan lang nya ang hawak dito. 

"Jiggy, your girlfriend's here. A little respect will do." tumingin ito sa kamay namin ni Jiggy. Tuluyan ko ng ibinitaw ang kamay ko at tinalikuran sila. Hinawakan naman ako ni Levi sa kaliwang pisngi at dahan dahang isinandal sa balikat nya. 

"Jes, anu ba ung nakita mo kanina?" tanong sakin ni Jhoi. 

"Isang madungis na matanda, gulo gulo ang buhok, may bahid ng dugo sa ulo. Nanginginig ang mga kamay nya, at humihingi sya ng pagkain."

"Bessy nu ba naman yang nakikita mo. Hindi naman namin makita." - jhoi

"Bakit nya tayo sinabihan na mag iingat sa pupuntahan natin?" napatingin ako kay Sandy na nagsalita.

"Nakita mo? narinig mo?"

"Y-yeah. Kaya pinaandar ko na agad kay Ynoh ung van. Im scared. Hindi ka ba natakot?" -Sandy



"Hindi ko naman alam na tayo lang pala ang nakakakita." 


Nagulat ako nung halikan ako ni Levi sa noo, kaya naman napa angat agad ung ulo ko.

"L-levi."

"Hindi ako mag so-sorry sa ginawa ko, i mean it. Gusto ko lang iparamdam sayo na nandito lang ako. Kung natatakot ka, andito lang ako."

Napatingin ako sa labas ng bintana. Tahimik lang ung iba, kasi dahil ramdam siguro nila ung tensyon sa bawat isa. Pumikit na lang ako.....

"Andito na tayo." nagising ako sa sabay na pag sigaw ni Ynoh at Macky. Iginala ko ang tingin  sa labas ng bintana, medyo madilim pa din, kaya naman tinignan ko ung oras sa cellphone, 6:13 am. Madilim pa din???

"Guys, bakit ang dilim pa din? Past 6 na, di ba dapat medyo maliwanag na? M-may bagyo ba?"

"Wala naman sigurong bagyo." - Luke

"Baka dahil siguro nasa province tayo. At maraming puno dito sa resort." - Maureen

"Tara na, baba na tayo, kunin nyo na ung mga gamit nyo." Isa isa na silang nag babaan at  nag pasukan sa loob ng reception area. Nag paiwan muna ko dahil naaalala ko pa din ung matanda at ung ginawa kanina ni Jiggy, anung problema nya? bakit ganun sya kumilos kanina?

"Don't flatter yourself Jessy." napatingin ako sa nag salita. The nerve of this girl. 

"What are you talking about?"


"Wag ka ng mag maang maangan pa. Halata naman na mahal mo pa din Jiggy."


"Then what's your problem?"

"You can never have him... Again." what the?? seriously, baliw ata to?

"Hah! He's all yours Erika."



"Of course. Stop flirting with my boyfriend. Wag ka na rin mag papansin pa. Ako na ang mahal nya. Kaya stay out of the scene, or else--" i cut her off..



"So, that's it. The Sweetheart Erika has a devil horn. Napaka plastik mo. Why are you saying this to me? Ikaw na rin ang nag sabi na ikaw na ang MAHAL NYA! natatakot ka ba na maagaw sya sayo?"



"You bitch. Hindi mangyayari un. Remember that! Kaibigan na lang ulit ang tingin nya sayo."



"Pathetic!" umalis na ko. Nakakapang init at nakakasira ng mood ang bruhang un. Napatingin ako sa left side ko, may swing.. Pinakiramdaman ko kung mahangin, hindi naman. Pero bakit nag su-sway ng malakas ung swing? umiling na lang ako, baka kasi banda dun mahangin.

Mag kakasama kaming limang babae sa isang cottage, medyo malaki din. Sa kabilang cottage naman ung mga boys. Nahiga muna ko, dahil masakit ang ulo ko.

Nang magising ako, wala na kong kasama sa loob ng cottage, kaya nag palit ako ng pang swimming, nag two-piece lang ako, pero hindi ganun ka daring. Nag patong na lang ako ng pink off shoulder dress. Nag lagay na din ako ng sunblock na lotion. Pag labas ko. Medyo madilim na. Mas madilim nung mga oras na natulog ako. Kaya bumalik ako para tignan ung oras, mas kumunot ung noo ko dahil 1:13 am pa lang. Seriously, napaka weird. Lumabas na lang ako tuluyan, nakita ko si Luke at Nicolo na inihagis si Maureen sa dagat. Si Sandy at Ynoh naman gumagawa ng sand castle, si Jhoi at Macky nakaupo lang sa dalampasigan at tinitignan sila Mau na nag hahagisan sa dagat. Hinanap ng mga mata ko si Jiggy at Erika.... Nasa may tabi sila ng coconut tree, parang may pinag tatalunan. Lumapit na lang ako kila Jhoi, tumingin ako sa paligid.

Konting konti lang ang tao, bukod samin mag babarkada, lima pa lang ang nakikita ko, medyo malayo sila samin. Pero alam kong samin sila nakatingin. Napatingin sakin ung isang lalaki, ngumiti sya at kinilabutan ako sa ngiti nya. Parang may kakaiba. 

Tumayo si Sandy. "Teka, mag si-cr lang ako. Napadami ata ang nakain ko. Oy Jessy, kumain ka na ng tanghalian." Tapus umalis na sya..

"Ang creepy dito bessy no? tanghali na pero ang dilim pa din. Hindi ata nasisinagan ng araw ang mga tao dito. Tignan mo ung mga tao banda dun oh, ang puputi." - jhoi

"Napansin ko din yan. Para ngang may mali eh."

"Aaaaaaahhhhhhkkkkk!!!" 

 "SANDY!!" lahat kami napatingin sa pinang galingan ng sigaw. Si Sandy un, hindi ako pwedeng mag kamali. Nag takbuhan kami papunta dun.

"Sandyyyy!!!" lahat kami napatulala sa nakikita namin. Si Ynoh naman, napaluhod sa girlfriend nya na duguan, may malaking kagat sa braso na parang isang aso ang lumapa. 

Napatalikod ako, dahil nasusuka ako sa aking nakikita. Wakwak ang tyan nya, nag kalat ang mga lamang loob nya sa sahig ng banyo. Iyak ng iyak si Ynoh, at kami naman, hindi nag atubiling lumabas dahil sa nakakadiring eksena. Umiiyak na din kami. Anung hayop ang gagawa ng ganung kabilis??

"Aaaah. Tulong tuloooo--" Napatingin ako sa kanan ko..

"Erikaaaaaa.." hahabulin ko sana si Erika pero may yumakap sakin.... 

"Tulungan natin si Erika..." humarap ako sa nakayakap sakin... si.. "Jiggy, tulungan natin yung girlfriend mo." 


"Wala na tayong magagawa Jey, kailangan na natin makaalis dito. Nakita mo naman ang nangyari kay Sandy." 

Napatingin ako kila Jhoi at Mauren, tumatakbo na sila ngaun, siguro dahil sa takot. Pilit silang hinahabol nila Macky at Luke.

Si Nicolo naman pinipilit itayo si Ynoh. Tumakbo ako papalapit sa kanila.

Pero may humatak ng kamay ko..

"Aaaahhhhh!!!!" pinang tatadyakan ko ito. Tumakbo palapit sakin si Jiggy at pinipilit akong agawin sa isang halimaw na sira sira ang damit, puro dugo ang mukha at ngipin. Puro itim ang katawan. Pang ibaba lang ang suot nito. 

Pinag sususuntok ito ni Jiggy at sumaklolo naman si Nicolo. Wala akong magawa kundi ang umiyak. Kinuha ni Jiggy ang malaking bato sa gilid nya at pinukpok ito sa ulo ng halimaw. 

"Psssst. Huy, pumunta kayo dito. Ligtas kayo dito. Sumama kayo sakin." tumingin ako dun sa bata na tumawag sakin. Isini-signal nya ang kamay nya na sumunod sa kanya. Kaya naman hinatak ko si Jiggy at Nicolo. 

Bumitaw si Nicolo..

"Hindi ako aalis hangga't hindi ko nasasama ang pinsan ko. Mauna na kayo. Iligtas nyo ang mga sarili nyo." hinatak na ko ni Jiggy at sumunod na kami dun sa bata na tumawag samin kanina. 

Takbo kami ng takbo, paikot ikot na lang ata kami sa beach, pagod na pagod na ko. Suko na ko. Ayoko ng tumakbo para isalba ang sarili ko. Pero hawak hawak ako ni Jiggy. Kaya naman nung pinilit kong bumitaw sa kanya, natalisod ako at pag tingin ko...

"Waaaaaaa." napahagulgol ako. "J-jhoi, Maureen.." gaya ni Sandy wakwak na din ang tyan nito at kita na ang mga lamang loob na halos konti na lang ang natira. Hinila ako patayo ni Jiggy, at pagtingin ko sa may puno...

Nakasabit doon si Luke at Macky na wakwak ang tyan at wala ng mga paa at kamay.

"Wag mo na lang tignan. Kailangan natin makatakas dito." pinunasan ni Jiggy ung mga luha na patuloy na dumadaloy sa pisngi ko.

"Ayoko na. Pagod na ko. Mag papalamon na lang ako sa kanila."  sa halip na pakinggan ako ni Jiggy hinatak na lang nya ko at tumakbo papunta sa direksyon kung saan tumakbo ung bata.

Nakaabot kami sa labas kung san nakaparada ung van.

"Shit! ung susi." pano na kami makakaalis? damn. katapusan na ata talaga to. Lalaban pa ba kami?

May hinagis ung bata kay Jiggy at nasalo nya to.

"San mo nakuha tong susi?" tanong ni Jiggy dun sa bata.

"Wag mo ng itanong, dalian mo. Ayan na sila." napatingin ako sa direksyon na tinignan ng bata.

"Jiggy, dali. Buksan mo na ang sasakyan." Dali daling binuksan ni Jiggy ang pinto. kinarga ko ung bata at iniupo sa likuran. Sinarado ko na nga pinto at lumipat sa passenger's seat. Pero bago ko pa masarado ang pinto, hinatak na ang paa ko. Sigaw ako ng sigaw. Hinila din ako ni Jiggy. Tinadyakan ko ung halimaw .

"Lumayo ka." pagkasabi nun nung bata biglang tumakbo palayo ung halimaw. 

Nag da-drive na si Jiggy palayo sa resort. Napabaling ang tingin ko sa bata na nakatingin saming dalawa ni Jiggy.

"Sino ka nga pala? bakit mo kami tinulungan? bakit parang takot sayo ung mga halimaw?" tanong ko dun sa bata.

"Dapat lang talaga na matakot sila sakin. Gusto nyo ba talagang malaman kung sino ako?" tumango na lang ako, at tinignan si Jiggy. 

"Ako lang naman ang..."

..

..

..

..




"Aaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhkkkkk!!!!"



*CREEEEEEEK*

(c) Eilramisu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: