II.
Chapter 2: Bound as Hers
Halatang nagulat siya rito kaya parang na-estatwa siya sa kaniyang kinatatayuan. Gusto niyang ibuka ang kaniyang mga bibig ngunit nagdadalawang isip siya na gawin ito.
Ngumiti naman ako sa kaniyang harapan saka binitiwan ang kan’yang ulo. Naglakad na ako ng isang metro ang layo sa kan’ya at huminto.
“I will bring you to my world,” I blurted out while gesturing something to Hebrios. Mukhang hindi naman niya gusto ang aking nais ko pero pinanliitan ko siya ng mga mata kung kaya’t umalis na siya sa training room.
“Listen… What’s your name?” I asked when I realized that I did not know what’s his name. Maybe I did not bother of his existence earlier, however when I saw vision from my past when I nearly touched him. He’s now an important piece of my puzzle that I haven’t solve for years.
“J-Jackson,” he said while trembling. Hindi ko alam kung bakit siya takot na takot sa akin e, hindi ko naman siya ngangat-ngatin. Maraming tumutulo na pawis sa kaniyang noo at paulit-ulit niya itong pinupunusan ng kaniyang kaliwang kamay. Napairap nalang ako sa kaniyang pinapakitang kaduwagan sa aking harapan.
I stepped forward and he stepped backward. My brow arched when he continues doing it while I’m walking toward his direction, until the wall hit his toes.
Umupo ito at parang batang napaiyak. May sinisigaw rin siyang kung ano-ano habang sinasabunutan ang kaniyang buhok. Ano bang ginagawa ng lalaking ‘to? Kani-kanina lang ang barumbado niya kung maka-asta habang ngayon parang batang nakakita ng multo.
“What the hell are you doing?” I asked him with my knitted brows. Hinay-hinay naman niyang itinaas ang kan’yang mga kamay at mangiyak-ngiyak na lumuhod sa aking harapan.
“Please, spare my life, I still have a grandma to take care of,” he muttered while sobbing and bowing in front of me. I just rolled my eyes. He’s overreacting for Pete’s sake!
“Shut it, b*stard,” sabi ko sa kaniya saka umupo at ini-level ang aking ulo sa kan’ya. “I will not gain anything if I will kill you,” I added while smirking. I saw how he gulped for a few times. Tumigil lang ito nang tumayo ako at lumayo sa kaniya.
“T-Then, anong gagawin mo sa akin?” nauutal nitong tanong sa akin kaya hinarap ko siya. Sumabay naman ang mahaba kong buhok at bangs ko ro’n kaya inayos ko muna ito bago ko siya sinagot.
“You heard me, come with me.” Naglakad naman ako patungo sa lamesa at kinuha ang coat ko.
“I can’t go with you. May mga kapatid pa akong dapat alagaan, ang lola ko rin ay hindi na niya kaya ang mga gawain pang-nanay kaya kailangan niya pa ako,” nagmamakaawa niyang sabi sa akin. Lumingon-lingon pa ito sa paligid at ‘di mapakaling hinahawakan ng paulit-ulit ang kaniyang kamay.
Napatitig naman ako ng dahil sa sinabi niya. I can solve that problem. Kaya ko namang padalhan sila ng maid or whatever na kailangan nila sa kanilang bahay, I also can give them enough allowance for the rest of their lives. I will do it just to bring this guy until I can fully use my power correctly.
There are many reasons why I need him to come with me. Firstly, he saw me using my chronokinesis ability, and if he tells everyone about that, the whole immortal realm are doom. Second, I don’t know why that thing happens when I nearly touched him, however with that I know he’s not just a normal mortal. It is reasonable that happens, he’s just like us but his powers are not yet ready to blossom. Lastly, I want him to stay by my side. He’s the reason why did I travel to my past earlier and if that happens earlier then it can happen again. So, I want him, whether he likes it or not. I will coerce him to come with me, even if it can cause me a lot.
“I can give what they need, just come with me,” mahinang saad ko sa kaniya kaya tumayo siya rito at parang batang naiinis na tumingin sa akin. He is so stubborn, to the point that I want to gid rid of that pouty lips of his.
“No!” he declined, shooking his head from left to right. Napahawak nalang ako sa aking sintido. He’s really testing my patience.
“If your grandma and your siblings are your problem… No need to worry about it, I will take care of it. You— No. Your family will have the best of the bestest period of their lives if you come with me,” I promised him. Natanaw ko naman ang hinay-hinay niyang pagtayo kaya nilingon ko siya. I think he’s convinced. Nawala na ang takot sa kaniyang mukha at masisiliyan mo ang sigla nito habang pilit na tinatago ang kaniyang mga ngiti sa labi.
“Are you really sure about that?” paniniguradong tanong nito sa akin. Ngumiti naman ako sa kan’ya saka siya sinagot ng marahang pagtango.
“Yes. Princessess never rive their promises,” I proudly said to him. His forehead creased as he started walking toward me.
“Are you a princess?” he asked me while examining my whole existence. Para siyang isang detective na sinusuri ang buo kong katawan upang maghanap ng ebidensiya kung totoo ba talaga ang aking sinasabi.
“Yes, I am,” I claimed making him stop. Tumayo naman siya ng matuwid sa aking harapan at parang baliw na nag-bow nang nag-bow. Ano bang problema nito?
“Hulog ka ng langit kagalang-galang na prinsisa! Ngayon makakabili na ako ng sapat na makakain ng mga kapatid at lola ko sa pang-araw-araw, pati na rin ang gamot ng aking lola!” pahayag pa nito at walang tigil na nag-bow. Hindi ba siya nahihilo sa kan’yang ginagawa?
“Kani-kanina lang ang dami mong tinatawag na masasamang pangalan sa akin ngunit ngayon nagbago ‘ata ang ihip ng hangin,” mahinang bulong ko saka umirap sa kawalan. Pero mukhang narinig niya yata ‘yon kaya mas lalo pa niyang binilisan ang pagyuko.
“Ako’y nagkasala mahal na prinsisa, sana’y ako’y inyong patawarin!” paghingi nito ng paumanhin. I immediately covered my mouth to prevent myself from chuckling. His reactions were too funny to watch. Also, he’s acting exaggeratedly, he needs to stop. It doesn’t fit him at all. Tsk.
“Stop it already. Alam kong nagpa-plastikan ka lang,” sambit ko. Nakita ko naman na tumayo na siya habang pekeng napaubo sa aking harapan.
“Can I visit them every weekend?” he asked while looking in my eyes.
“Yes, you can,” I replied. Nakita ko namang nagtatalon siya sa saya kaya napailing-iling nalang ako.
“Let’s go,” I said while walking toward the door.
Nagtataka naman siyang sumunod sa akin, para siyang batang paslit na nanghihingi ng pera sa kaniyang ina. Binuksan ko na ang pinto at naglakad na kami patungo sa hagdan. Gano’n pa rin ang kaniyang postura kaya medyo nairita ako rito. Huminto naman ako sa paglalakad at naiinis siyang tiningnan.
“Stop doing that,” I exclaimed making him stopped from walking. “Stand up straight,” I added while slapping his back that made him stood up straightly. “And walk like a gentleman, not a freakin’ 5 years old boy!” Napalakad naman siya ng matuwid ng dahil sa aking mga sinabi. Ngayon… Para naman siyang lalaking bago lang natuli.
Nasapo ko nalang ang aking noo nang dahil sa pinapakita niya. Nevermind. Let’s not just worry about his bad posture and etiquette.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong nito sa akin sabay kamot sa kaniyang ulo. Mabilis naman akong naglakad pababa ng hagdan kung kaya’t hapong-hapo siyang sinundan ako sa aking paglalakad.
“We’re going to see your grandma and your siblings. Bid your proper goodbye to them, so they will not be worried about you,” I explained to him. Alangan namang dalhin ko siya ng hindi nagpapaalam sa mga mahal niya sa buhay? That would be kidnapping, and I will never ever do that to anyone.
“Luh, bait-bait naman pala ng prinsisa, akala ko amazona e!” buwelta nito kaya kunot noo ko siyang tiningnan ng dahil do’n. What did he just say? “Palagi ka kasing nakasimangot, kaya amazona ka talaga!” dagdag pa nito kaya napahinto ako sa paglalakad.
“I will never be an amazona or what. Stop calling me names, or I will rip your bones out of your flesh,” I warned, darting him a sharp gaze. Napalunok naman siya ng sunod-sunod nang dahil do’n kaya agad niyang itinukom ang bibig niya. Tumango nalang ako saka nagpatuloy sa paglalakad.
“Hebrios! Prepare the car, we need to go to somewhere!” I shouted. Nakarinig naman ako ng mabilis na paglakad patungo sa aming direksiyon at do’n ko nakita si Hebrios na nagmamadaling yumuko sa aking harapan.
“Yes, your highness,” turan nito kaya kinumpas ko ang aking kamay sa kan’yang harapan. Mabilis naman nitong binuksan ang pintuan ng mansion saka dinala kami sa parking lot.
Nakanganga lang ang katabi ko habang pinagmamasdan ang kabuoan ng mansion ko rito sa mortal world. Sus, kung makita niya pa ang palasyo sigurado akong labas pati ngala-ngala nito.
“Talo ka kapag itinikom mo,” banat ko pa kung kaya’t mabilisan niyang itinukom ang kaniyang bibig. A playful grin flashed on my face. “You lose,” I added. Tiningnan naman niya ako ng masama kaya inirapan ko nalang din siya.
“Just tell us the directions,” sabi ko nang makarating na kami sa sasakyan na gagamitin namin. Pinagbuksan naman kaming dalawa ni Hebrios kaya nagpasalamat na ako at pumasok sa loob. No’ng una ayaw pang pumasok ni Jackson ngunit kalaunan ay pumasok na rin ito.
“Let’s go,” I commanded. Hebrios just nodded and start the engine of my car.
Tahimik lang kami sa aming biyahe, magkakaingay lang kapag tinuturo ni Jackson kung saan kami paparoon. Halatang hindi rin sangayon si Hebrios sa aking desisiyon dahil segun-segundo itong napapatingin sa rear mirror sa harapan at makahulugan akong tinitigan. Habang ang katabi ko naman, ay parang batang nilalaro ang bintana ng aking sasakyan. Mapapairap ka nalang talaga sa mga ka-weirdo-han na ginagawa ng mga kasama ko pero at the same time malilibang dahil nakakatawa ang kanilang mga pinapakitang mga kilos. Umiling-iling nalang ako sa aking isipan.
Makalipas ng ilang minuto ay pinahinto na kami ni Jackson. Lumabas naman siya sa sasakyan saka nagmadaling tumakbo patungo sa maliit na bahay na naririto. Gawa ito sa kahoy, at maraming mga manok sa paligid nito. ‘Yong lutuan naman nila ay nasa labas ng bahay, makikita mo kung gaano kaitim ang kanilang mga ginagamit na pangluto. Wala ring gaanong bahay dito. Kung meron man ay ilang metro pa ang layo nito bago ka makarating sa iyong kapitbahay.
Nagulintang naman ako nang may lumabas na matandang babae sa loob ng bahay, kulubot na ang mga balat nito at mapuputi na ang mga buhok. Medyo may pagkakuba na rin ito at paika-ikang maglakad. Sumunod namang lumabas ang tatlong bata, dalawang babae at isang lalaki. Ang dalawang batang babae ay halatang magkambal dahil magkaparehas ito ng mukha, maitim at maikling buhok, at tansiya ko nasa 8-10 taong gulang na. Habang ang lalaki nama’y, may pagka-kayumanggi ang kulay ng kaniyang buhok at natatabunan ng mga hibla ng kaniyang mga buhok ang kaniyang kaliwang mata.
Hindi ko alam pero parang pinipigilan nila ang matanda na may hawak na balisong at galit na galit na naglakad patungo sa aking direksiyon. Sandali, hindi kaya…
“Tumakbo ka na!” malakas na sigaw pa ni Jackson na pilit pa ring pinipigilan ang kaniyang lola. Kumunot naman ang noo ko ng dahil doon.
Nasa harapan na sila ng sasakyan namin, at imbis na matakot ako ay lumabas pa ako saka ko narinig ang mga malulutong ng mura ng kaniyang lola.
“I-Ikaw ba ‘yon ha?! Bakit mo pini—” Hindi na natuloy ng lola ni Jackson ang kaniyang mga sasabihin pa dahil matamis akong ngumiti sa kaniya. Halatang nahalina sila sa aking ngiti kaya nabitawan ni Lola ang kaniyang hawak na sandata.
I secretly smirked. No one can resist the beauty that I inherited from my mother.
“Pasensiya na ho kayo, ngunit kailangan kong dalhin ang inyong apo,” wika ko sa kaniya. Ipinalabas ko naman ang aking kapangyarihan kasabay no’n ang marahang paghaplos ko sa kan’yang mga pisngi. “Please,” I added.
Nakita ko naman kung paano siya kumalma ng dahil do’n. Kung kaya’t hinay-hinay nila itong dinala sa loob ng kanilang bahay. Ngumiti nalang ako no’ng gusto nila ako papasukin saka tumanggi. I don’t have spare time to join their babbling inside. I just went here so he can properly bid his farewell to his loveones.
I patiently waited outside. Lumilinga pa ako sa paligid upang libagin ang aking sarili hanggang sa nakarinig ako ng iyakan kaya ibinaling ko ang aking atensiyon sa mga umiiyak na kapatid ni Jackson. They escorted their brother. Pumasok na ako sa sasakyan at pumasok na rin siya.
I gesture something to Hebrios. He just nodded and starts the car engine. He slowly drive while this guy beside me crying and waving like a kid on the window.
Hanggang sa malayo-layo na kami ay isinarado na niya nga bintana ng sasakyan saka malungkot na napayuko sa aking tabi. Umiiyak pa rin ito. Tumutulo na nga ang sipon niya kaya mapapaiwas ka nalang talaga ng tingin dahil sa kadugyotan nito.
“Let’s go to that forest,” utos ko pa kay Hebrios kaya tumango nalang siya sa akin at iniliko pakaliwa ang sasakyan.
“Saan tayo pupunta?” saad nito sa akin kaya tiningnan ko siya habang napapangiti. Kunot noo naman niya akong tiningnan habang nagkakasalubong ang kaniyang kilay. Halatang hindi niya nagustuhan ang aking pagngiti kaya gano’n nalang ang kaniyang naging reaksiyon dito.
Hindi ko nalang pinansin ang kaniyang mga ipinakita at walang ganang tumingin sa harapan saka siya sinagot.
“Acranum Realm,” I answered.
END OF CHAPTER 2
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top