EPILOGUE

A/N:  Dito na ho nagtatapos ang kuwento ni Ms. Yolanda Ysadora Anai at Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. Sana ay nagustuhan n'yo. Salamat sa inyong walang sawang suporta. Please read it here while it is free. Buburahin ko rin po ang ilang chapters dito soon dahil signed story na po ito sa Dreame. TAKK!

**********

Dalawang linggo matapos ang first year anniversary ng shotgun wedding namin ay pinanganak si Viktoria Elizabeth Anai Halvorsen. Isa siyang five-five-five baby. Pinanganak ng asingko de Mayo at five o'clock in the morning and weighing only five pounds. Ang liit nga niya. Pagkakita ko nga na malaki lang ng kaunti sa inahing daga, umiyak ako. I was so worried na maging unano siya. Tinawanan ako ng doktor. Okay lang daw iyon. Hindi raw basehan ang weight at birth sa magiging laki ng bata balang araw.

Bakit Viktoria Elizabeth ang pangalan? Well, choice ko talaga ang Viktoria. Hindi ho wrong spelling iyan. Ganyan lang ang nakita kong spelling sa isang blog about Icelandic girls names. Hindi ko sukat akalain na second name pala ng mommy ni Maurr iyon. Nang malaman nga niyang pinili ko talaga iyon para kay baby, biglang bumait sa akin. Isang buwan bago ako manganak ay regular akong nakatanggap sa kanya ng isang bouquet of flowers every other day. Daffodils, roses, tulips, baby's breath, carnations, at kung anu-ano pa. Pampa-good vibes daw para gumanda lalo ang pinagbubuntis ko. Dahil sa kanya galing ang first name ni baby, umungot din si Mom. Unfair naman daw kung hindi kasama ang pangalan niya. Kaya hayun. Naidagdag ang Elizabeth. Gusto sana ay Mary mula sa una niyang pangalan. Papayag ba naman ako no'n? Siyempre hindi! Baka isipin pa ng pokpok na Mary na iyon na hindi maka-get over sa kanya si Maurr at dinikit pa sa name ng baby namin ang pangalan niya. No, no, no!

"Babe!" sigaw ni Maurr mula sa living room. Parang may sunog. Nataranta tuloy ako. Ni hindi ko na natingnan kong sakto ba ang pagsuot ko ng panties. Bahala na. Pagkadampot ko ng white T-shirt niya isinuot ko na agad iyon saka tumakbo na sa mag-ama ko.

"Ano'ng nangyari? Napaano si Viki?"

"She farted and then I smelled something like poop smell."

Humukot ang mga balikat ko at tinapunan siya ng masamang tingin. "Pambihira ka naman! Tumae lang ang anak mo kung makasigaw ka'y para tayong nasunugan. Hayan, ang diaper, o. Ikaw na maglinis. Tanggalin mo muna iyang suot niya saka punasan mo nitong wet wipes saka mo palitan."

Nag-atubili ang koya dahil ang baho raw kasi kung kaya nilayasan ko na. Kung lagi na lang ako ang gagawa no'n, paano siya matututo? Pero siyempre, sinilip-silip ko rin. Hayun. Habang binubuksan ang diaper ni Viki, parang naduduwal-duwal. Tawa naman ako nang tawa sa hindi kalayuan. Nang natapos niyang palitan ng bagong diaper ang bata saka lang ako bumalik at tsinek kung tama ang ginawa niya. Okay naman.

"See, you know naman pala, eh."

Pero nagkunwa-kunwariang hinimatay. Humiga sa sahig at nagpikit-pikitan. Nang damputin ko ang tinaehang diaper ni Viki at akmang-ipapaamoy sa kanya, ang bilis niyang makatayo at makatakbo ng CR. Dumuwal siya roon. Ngingisi-ngisi naman ako habang nilalagay sa plastik ang maruming diaper saka tinapon sa basurahan sa kusina. Nang makapaghugas na ako ng kamay, sinilip ko siya sa CR na malapit sa living room. Kinatok ko sa nakabukas na pintuan.

"Naglilihi ka ba? Pambihira ka naman? Ang bilis mo naman kapitan. You're so fertile!"

"Stop ridiculing me! What the fvck do you feed her? Her poop smells awful!"

"Saan ka naman nakakakita ng mabangong poop?"

Tiningnan niya ako ng masama. Tapos nilampasan ako pabalik kay Baby Viki. Nang tumabi na ako sa kanya, he did a double take.

"That's my T-shirt," ang sabi.

"Yeah. Kaso wala na akong madampot kanina. Grabe ka kasi makasigaw eh," sagot ko naman saka binuhat na mula sa sahig ang nakangiti nang baby. Pagkasagi ng mukha nito sa dibdib ko, dumudo agad kung kaya napilitan akong itaas ang t-shirt ko't padedihin siya. Habang bini-breastfeed ko ang bata bumungisngis si Maurr.

"What?" tanong ko.

"Nothing. I just remembered something funny," nakangisi nitong sagot.

Tinalikuran ko siya at pinatuloy ang pagpapadede kay Viki. Nang ilapag ko na sa couch ang bata saka ko napansin na baliktad pala ang pagsuot ko ng panties ko. Oh, my gulay! Dali-dali kong pinahiga sa couch si Viki at tumakbo na sa kuwarto. I heard his hearty laughter. Iyon nga siguro ang pinagtatawanan ng damuho kanina!

**********

"I cannot believe I am now attending your wedding with the hottest professor in FEU!" nakangising komento ni Felina sabay halik sa pisngi ko. Nakatayo na kami no'n sa bukana ng Quiapo Church at isa-isa nang ina-arrange ni Annete, ang hipag ko't wedding planner na rin kung paano ang maging daloy ng processional.

"When I first met you during our freshmen orientation, inisip ko agad na ang babaeng ito ang siyang magkakaroon ng pinakagrandiosong kasal sa batch namin. Iyong tipong dadaluhan ng libo-libong panauhin tapos may kasama pang local paparazzis!" napapahagikhik na sabi naman ni Keri.

"Hindi rin ako makapaniwala na ang isang Yolanda Ysadora ay magkakaroon ng ganito ka close-knit na kasal. But seeing you in the last few years, I kind of expected this," sabi naman ni Shane. Humalik rin siya sa pisngi ko katulad ng dalawa at naki-beso rin ang partner niya na bumati pa sa akin sa Tagalog.

Kung ako ang tatanungin, tinatamad na ako para sa isang church wedding kasi maisip ko pa lang ang gastos nawawalan na ako ng gana. But here were are at the Quiapo Church with just fifty guests to our wedding. Kaya ganoon na lamang ang komento ng mga kaibigan ko. Sa fifty guests kasi, hati pa kami ni Maurr. Humirit pa nga sana si Mom na dagdagan ang sa amin. Ang pinsan daw kasi niyang si ganito ay may tatlong anak na gusto rin niyang dumalo sa kasal ko. At ang isa raw niyang tiyahin na may limang anak at may tatlong apo ay nasabihan din daw sana niya. I had to glare at her para tumigil siya sa kakaimbita ng kung sino-sino na hindi naman namin ka-close talaga. Nang mamatay nga ang daddy ay ni hindi man lang nag-condolences sa post ni Ate sa FB ang mga iyon tapos pagkakaabalahan ko pang imbitahin? No! Buti na lang hindi na nagtaray at nagpumilit ng gusto niya. Afterall, tinupad naman namin ni Maurr ang pangarap niya for me.

Sabi ko hindi ako iiyak during the wedding dahil sayang ang make up na pinatrabaho ko pa sa isang aesthetician na kilala sa pagme-make up sa mga brides in Manila, pero nang makita ko si Viki in her flower girl dress and looking every inch like her papa---mellow, pino kung kumilos, at may mayuming ngiti, butil-butil na luha ang tumulo sa pisngi ko. Hindi siya nagmana sa dalawang pinaghanguan ng pangalan niya o maging sa akin man. Pekpek lang ang naipamana ko sa kanya for which I am thankful. Four years old pa lang kasi siya, pero parang dalaga na kung kumilos. Hindi burara katulad ko.

"Viki, apo. When you get to the altar you go to the side quietly and wait for my signal on what to do next, okay? D'you get it, my beautiful apo?" masuyong bulong ni Mom sa panganay ko.

I have to roll my eyes. Itong mom ko hindi talaga papayag na walang papel. Nandiyan na si Annete na nagbibigay ng instruction pero mangingialam talaga.

Handang-handa na ang buong entourage nang may naghabulang bata sa simbahan. Si Torsten, ang three year-old boy ko at siyang ring bearer namin saka ang anak ni Drae at Lilja na si Roar na siyang bible bearer naman. Napahilot-hilot ako sa sentido. Nahabol sila ni Drae at naibalik sa bukana ng simbahan pero nagkaroon ng pagpa-panic dahil nahulog ni Torsten ang singsing namin ng Papa niya. Makukulot ko talaga ang buhok nito mamaya. Kamukha lang siya ni Maurr pero ang ugali---Maiinis na sana ako, pero binulungan ako ni Mommy. Para raw talagang ako ang little boy ko. Gano'ng gano'n daw ako noon kaya once lang ako nag-flower girl sa kasal ng pinsan niya. Huwag na raw akong mainis.

"I think this is the ring that you're looking for," nakangiting abot kay Annete ng isa sa mga bisita nila from Iceland. Isang malayong kamag-anak iyon pero dahil walang makuhang best man si Maurr iyon na ang napili.

Nang mag-eyes to eyes kami ni Torsten, pinandilatan ko siya. He smiled at me. Umayos lang ng tayo ng pinapalinya na siya ng tita niya dahil magsisimula na ang processional. Bago siya maglakad papuntang altar nilingon muna niya ako saka sa malakas na tinig ay nagsabi ng, "You are very beautiful, Mama. The most beautiful Mama in the whole wide world!"

My heart melted. At ngumiti na ako sa kanya nang buong tamis. Actually hindi lang ako. Pati na ang mga stage lolas niya ay nagpalakpakan. Ang smart-smart daw ng kanilang apo!

**********

I cannot believe I am standing by the altar waiting for my bride who used to be my obnoxious student. Hindi lang basta-basta nakakairitang estudyante. Siya ang tipo na magpapakalbo sa iyo. Bukod kasi sa mahina na sa klase mo'y feeling pa. Feeling close. Feeling matalino. At higit sa lahat, feeling maganda. Well, I have to admit sa pang-huli lang siya tumama. Maganda naman siya sa paningin ko kahit noon pang nabubwisit ako sa pag-uugali niya. In fact, there was a time na tinititigan ko siya mula sa hindi kalayuan at naisip ko pang siya ang pinakamagandang babaeng nakita ko na kahit walang make up ay kayang-kaya niyang mag-stand out sa lahat. Maganda kasi ang kulay ng balat saka makinis. Naisip ko pa no'n kung hindi siya pagsalitain, she looked so demure and so lady-like. Ganoon ang aura niya.

"A penny for your thoughts?" tanong sa akin ng pinsan kong si Leif na siya ring best man ko. Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ko. "You're a lucky man. Your wife is really beautiful," komento nito.

"Yeah. She is," sang-ayon ko.

"Does she have a sister?" pabiro nitong tanong.

Tinuro ko ang Ate Emelita ni Eula na nasa bandang unahan ng hanay para sa mga bisita ng bride.

"Uh-oh," nakangising sagot ni Leif at napakamot-kamot ng ulo. Buntis ulit kasi si Emelita sa pangalawa niyang anak kung kaya parang nakalulon ng pakwan. "But she's a beauty, too," komento pa nito. "I hope that I can also find a Filipina bride here," parinig nito. Mayroon daw ba akong mairereto sa kanya?

Kahit na mayroon dahil alam kong wala pang asawa ang isang kaibigan ni Eula na si Keri, sinabi kong wala. Leif is known back home as a ladies's man. Hindi siya pupwede sa kahit kaninong kaibigan ng asawa ko. Baka pati ako'y masapak nila.

Saka lang kami natahimik nang dumating na sa tapat ko si Eula. Saglit kaming nagkatitigan at nagyakap bago sabay na naglakad papunta sa altar. Naging mabilis ang lahat para sa amin. And before we knew it the priest was already asking us if we will take one another to be our lawful wife or husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish till death do us part. Pero imbes na 'I do' ang isagot, Eula and I decided to respond with 'I will'. For us kasi, kapag sinabing 'I do' parang kulang. Kasi ang katwiran namin 'I do' is only talking about potentials. Oo, kaya mong gawin pero hindi ibig sabihin no'n gagawin mo nga, which means may pagka-weak when it comes to expressing one's commitment to someone. Pero kapag 'I will' ibig sabihin ay kaya mo at gagawin mo. May bigat ang pangako.

Siyempre, dahil nandoon ang makulit naming anak na si Torsten, dagdagan pa ng isa pang balahura na anak ni Drae na si Roar, hindi natapos ang wedding rites nang walang ganap. Naghabulan ang dalawa sa gitna matapos magawa ang obligasyon. Salitan sa paghabol sa apo ang dalawang stage lolas, si Mom at mommy ni Eula. Nakahinga ako nang maluwag nang mairaos na ang seremonya sa simbahan.

**********

Natigil sa pagrereklamo ang bunso naming si Revna nang marating na namin ang Iceberg Lagoon. Lumuwa ang kanyang mga mata sa dami ng malalaking tipak na yelo.

"Are they real, Papa?" tanong pa niya. Nang sabihin kong 'oo' napa-wow hindi lang siya kundi pati na rin ang ate't kuya niya.

"Papa, pwede tayong gumawa ng halu-halo rito?" tanong naman ni Torsten.

Tumawa ako. "I think so," nakangiting sagot ng Ate Viki niya. "Di ba Papa, super linis ang river n'yo, Papa? So siguro edible ang iceberg n'yo, right?"

"It's not only mine, it's ours. Atin. You belong to this land, too," pagtatama ko kay Viki. Ngumiti siya nang signature smile niya. Mayumi.

Nilingon ko si Eula na nasa loob pa rin ng sasakyan. Kinawayan ko siya at sinenyasang lumapit na. Umiling-iling. Hindi raw niya kaya ang lamig. Binalikan ko siya at hinila palabas ng kotse. The moment she stepped out kumapit na sa aking parang tuko, samantalang relaxed na relaxed ang tatlo habang nakatunghay sa malalaking tipak ng yelo. Nakadalawang layers nga lang sila ng sweater saka nag-jacket ng makapal pero okay na. Itong mama nila'y isinuot na halos ang dalang wardrobe nanginginig pa rin.

"Mama, dito na lang kaya tayo tumira?" ani Revna. Her eyes were wide in awe of the surroundings.

"Gusto mo bang ma-froze ang pekpek mo rito, anak? Kung gusto mo, eh di go!"

"Eula," saway ko.

"What's pekpek?" inosenteng tanong ni Revna pati na ni Torsten. Si Viki, dahil five years old na, napatakip ng kamay sa bunganga at ngumiti. Iyong ngiting tila nahihiya. Siguro dahil na rin sa reaksiyon ng ate, napabunghalit ng tawa si Torsten. Chinant na nito ang pekpek habang humahagalpak ng tawa.

"See what you did? Look at your son," pabulong kong sabi sa kanya.

"Bo Torsten," saway ni Viki sa nakababatang kapatid. "It's not good to chant that word. It's part of the body all right but you don't shout it to the whole wide world."

"See? Even Viki thinks it was not appropriate," sabi ko pa kay Eula.

"Why not good, Ate?" nakangising tanong naman ni Torsten.

"Because," sabi lang nito saka inakbayan ang kapatid.

"What's wrong with pekpek? It's just part of the body like ears, nose, mouth," hirit naman ni Eula.

"Pekpek? As in this one, Mama?" Tinuro ni Revna ang ano niya habang nakabukaka patayo.

Nahilot ko ang sentido. Si Eula nama'y ngumisi sa bunso namin at tumangu-tango.

"Very good, anak. Yes!" ang sabi pa. Nag-apir silang dalawa. Naki-apir din si Torsten at ngumisi na naman ito.

Napailing-iling ako sa kanilang mag-iina. Revna is in a way like Eula, but in a more refined way. Thank God. Si Torsten ang nagmana ng ugali ng mama nilang burara at maingay. Nag-iingay din ang bunso, pero kadalasan ay kung gutom lamang at pagod. Tulad kanina.

On our way home, dinaan ko sila sa Haukadalur Valley. Pinagmasdan naming lima ang geysers na maya't maya'y bumubuga ng tubig. Kada buga nito natatalsikan naman kami ng tubig, gas, at sulfur. Mas nagustuhan doon ni Eula dahil mainit-init ang sa paligid ng geyser although malamig pa rin naman ang klima sa kabuuan. Enjoy na enjoy ang mga bata kahit na amoy panis na itlog na sila nang bumalik na kaming lahat sa sasakyan.

"Ha! The best experience of my life," bigla na lang ay sabi ni Torsten habang nakasalampak sa likuran ng sasakyan. Ang mga paa niya'y nakabukaka at ang mga kamay ay nakaladlad din sa back rest. Larawan siya ng isang batang labis na nasiyahan. Napapagitnaan siya ng dalawa niyang cute na cute na kapatid na babae na larawan din ng kasiyahan.

Ako ang sobrang natuwa sa sinabi niya.

"You love our country now although it's so cold?" lingon ko sa kanya habang nagse-seatbelt.

"Yes, Papa. Can we live here na lang? Buti pa dito. Everywhere there's aircon," sabi pa nito.

"I do not like to live here, Papa," seryoso namang singit ni Viki. Tila lumungkot ang mga mata. Para namang kinurot ang puso ko.

"Why, baby?" halos sabay na tanong namin ni Eula.

"Because I'll miss my friends," sagot niya na tila maiiyak na.

"Because you'll miss Johann not your friends," pagtatama ni Torsten. Sinimangutan siya ng ate niya pero hindi ito nagpapigil.

Nagulat ako. Pero si Eula ay tila may alam. Nakitukso ito sa anak.

"Who's Johann?" pabulong kong tanong kay Eula.

"Iyong guwapong bata na kaklase niya. Iyong sinasabi ko sa iyong model ng milo na classmate niya," sagot naman nito. Mukhang proud pa na may crush na ang anak niya.

"Why do I sense that it's just okay with you?"

"Crush lang naman, eh. Ang hina nga niyang anak mo. Ako nga before I turned five nakalima na akong crush at nagka-MU pa," pagbibida pa nito habang sumasandal na sa backrest ng passenger seat. Dito na ako ngumisi. Naikuwento na kasi ni Mom, ang mommy niya, na mahiyaing bata siya pagdating sa mga boys noong araw kung kaya hindi niya maintindihan kung kailan nagsimula ang pagiging walang hiya raw niya.

"Mom said, at Viki's age you were still peeing on your panties. So how can you have an MU already? Yabang mo!" sabi ko pa. Nakangisi.

Nagtawanan ang tatlong bata sa likuran. Tinukso nila ang mama nila. Pinamaywangan niya ako at pinandilatan. Ngingisi-ngisi lang ako.

Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami ni Amma. May niluto na itong hapunan for us. Naligo muna ang mag-iina ko at ako nama'y nagtungo agad sa kuwarto namin. Binuksan ko agad ang FB page ko at inaplowd doon ang kuha naming pictures so my parents in Manila and Eula's mom and Emelita in the US could see how we are spending our summer vacation in my homeland.

Kaa-upload ko lang pero mayroon agad nag-like. Napangiti ako nang makita ang pangalan niya. It has been a long time since I've heard something from her. Binuksan ko tuloy ang profile page niya at doon ko nalaman na kinasal na rin pala siya noong nakaraang taon at mukhang sa Canada na maninirahan for good. Medyo matagal-tagal na ring wala siya sa FEU. If I am not mistaken, mga three years na siguro.

"Who's that?" tanong ni Eula from behind my back.

"Oh wow! Ang ganda ng wedding ni Ms. Suarez! Bonggageous!" komento ni Eula nang makita na ang larawan ng wedding pictures ni Mary. Nakita namin sa caption na napangasawa niya ang kanyang childhood sweetheart who is now an aeronauti engineer working in Toronto Pearson International Airport. Mukhang masaya na siya ngayon. So happy for her.

Ang sumunod na nag-like ay ang tatlong mga kaibigan ni Eula. Dahil hindi na rin niya nakakausap madalas ang tatlo, nakiusyuso na rin siya sa buhay ng mga ito. Isa-isa niyang pinindot ang profile page ng tatlo. Doon namin nalaman na nanganak kamakailan si Felina at Keri. Halos sabay. Si Shane nama'y mukhang nasa ibang bansa na naman. Kung mukhang in a blissful relationship ang dalawa, ang huli'y parang may malaking question mark. Ayon kay Eula, nawala raw bigla ang mga larawan nito kasama ang dating basketbolistang boyfriend. Tila binura raw.

"Bakit kaya?" pagtataka nito.

Bago pa masagot ang katanungan niya, nahila na ni Torsten ang tuwalyang bumabalot sa katawan niya kung kaya bigla siyang nag-burles. Humahalakhak na tinuro ng makulit kong anak ang ano ng mama niya sabay harap sa dalawang kapatid at nagsabi ng, "This is pekpek!"

Mabilis na inagaw ni Eula ang tuwalya sa anak at pinambalot sa katawan. Tapos hinabol niya si Torsten at pinalo ng kamay sa puwet. Humalakhak pa rin itong umikot-ikot sa loob ng silid na naka-burles din. I know I have to interfere. Hinuli ko siya at inunang bihisan. Tapos sinunod ko si Revna. Si Viki na ang nag-asikaso sa sarili niya.

Nang nakabihis na silang lahat, ako naman ang dali-daling nag-shower. Then, I joined them for dinner. Tuwang-tuwa ang mga lolo't lola ko nang halos magkompetisyon sa paghahabi ng kuwento ang tatlo sa mga naranasan nila sa pamamasyal namin nang araw na iyon. Ang sabi nga nila, sa pagdating daw naming mag-anak, napuno na naman ng masasayang ingay ang bahay nila.

My heart is full. Wala na akong mahihiling pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top