CHAPTER TWENTY-THREE

Basing-basa na ang t-shirt ni Maurr sa bandang balikat dahil sa pagtangis ko. Naghalu-halo na yata ang sipon ko't luha roon. Bandang-huli ay kusa rin akong tumahan.

"Wow. Wala na si Daddy. Ni hindi ko man lang siya nayakap sa huling pagkakataon," sabi ko sa mahinang tinig. Parang sa sarili lang nakikipag-usap.

Maurr held my hand and squeezed it. Napatingin ako roon. Then, I looked at him. Titig na titig siya sa akin. His blue eyes were a mirror of my sadness. Wala siyang sinabi, pero dama ko rin ang kanyang pakikiramay.

Nang tumunog ang phone sa tabi namin nagkatitigan uli kami. Ang tibok ng puso ko'y biglang bumilis. Natakot akong sagutin iyon. Katunayan tiningnan ko pa siya para ipahiwatig sa kanya na siya na ang dumampot sa cordless phone. I had to curl my legs on the sofa para bigyan siya ng espasyo dahil kailangan niya akong daanan para madampot ang telepono. Nang kinakausap na niya ang kabilang linya, nilapit ko rin ang tainga sa likuran niya. He glanced at my direction once and continued talking with someone on the other line. The, he just handed me the phone. Mommy ko raw.

"No! I don't want to talk with Mom."

Nag-panic ako. Ilang beses akong napailing-iling. Basta ayaw ko lang siyang kausapin. I do not want her to confirm the bad news to me. At least, habang hindi ko pa naririnig mula sa kanya iyon, I can pretend it was just a prank.

"Yolanda." Parang nagbabala ang tinig ni Maurr. "Talk to your mom now, will you?" At basta na lang niyang nilagay sa kamay ko ang telepono. Gusto kong ihagis sana sa pagmumukha niya iyon, but decency got the better of me.

"Hi, Mommy," panimula ko sa kalmadong tinig. Wala akong narinig na sagot. Inakala kong binaba na ni Mom ang telepono kaya medyo napapitlag ako nang sa wakas ay marinig ko ang boses niya.

"Your father's gone, Eula. I was---I was going to tell you when you were in school today but---I couldn't bring myself to tell you right away. I know how much you love your dad, baby, but you need to accept it. He's gone, sweetie." At pumiyok na ang tinig ni Mom. No'n ko lang narinig ang ganoong side niya. Nakakapanibago. First time ko ring maringgan siyang tinatawag niya akong baby at sweetie since kindergarten. Palagi na lang kasi ako nitong binubulyawan. Na-touched tuloy ako at nag-iyakan kami sa telepono.

"Your sister and I thought---kaysa dalhin namin diyan ang bangkay ng Dad mo dito na lang namin siya ipapalibing. Total naman nandito lahat ng mga malalapit niyang kamag-anak. Tsaka soon all of us will live here. Mas mainam nang nandito siya with us."

"No! I want Daddy to come home!"

"Bakit? May pera ka?" sagot ng Ate ko. Inagaw na pala kay Mommy ang phone.

Kung hindi lang nakatingin si Maurr, mumurahin ko sana ang maldita. Ang kapal ng mukha niya! Pagkatapos niyang ipagbili nang ganu'n-gano'n lang ang condo ko may kapal pa ng mukha magsabi n'yon sa akin. Bruha talaga siya!

"Filipino si Daddy. Ang lahat ng Filipino ay gustong mahimlay nang tuluyan sa kanilang sariling bayan. Knowing Dad he's no different," sagot ko na lang sa kanya sa mahinahong boses. "Nasaan ang pusong Pinoy mo?" sabi ko pa.

Tumawa nang mapakla ang bruhang Emelita. "Kung magsalita ka akala mo naman kung sino kang makabayan. Mahiya ka nga sa sarili mo. Sino ba sa atin ang nanlandi ng foreigner?"

"Hindi foreigner si Maurr! Half-Filipino siya!" nasabi ko nang malakas.

Napatingin sa akin si Maurr. Nangunot ang kanyang noo. Tinuro ko ang telepono at sinenyas dito na kausap ko ang bruha kong ate. Hindi naman siya nagsalita.

"Yeah? Hindi foreigner? Who are you trying to fool, Yolanda?"

Bago pa ako makasagot ay narinig ko nang muli ang boses ni Mommy. Nagbigay siya sa akin ng instruction kung ano ang gagawin. Gusto nitong pumunta na ako ng Amerika sa lalong madaling panahon dahil kailangan din daw ilibing ang ama ko agad-agad nang makabalik na silang lahat sa trabaho. Nasaktan ako na tila bagang istorbo lang sa mga career nila ang tingin nila sa ama ko. Ganunpaman, wala naman akong magawa. Tumahimik na lamang ako.

**********

Alam kong busy si Eula sa pag-iimpake pero mayroon lamang akong gustong klaruhin sa kanya bago siya umalis patungong Maryland. Kumatok ako sa kuwarto niya. Hindi siya sumagot. Inulit ko ang pagkatok. Saka lang ako nakarinig ng sagot mula sa loob.

"You're almost done," sabi ko nang makita ang halos nag-uumapaw niyang maleta. Naisip ko lang ilang kilong damit ba ang kailangan ng babaeng ito? Isang linggo lang naman siya roon.

"Do you need something?" tanong nito habang nagpapapasok pa ng mga gamit sa loob ng halos pumuputok nang luggage.

I glanced at the box of clearblue on her desk. I wanted to ask her about it but I was hesitant. I dreaded hearing her answer to my question.

"Sorry, Maurr. Wala ako sa mood ngayon. Kamamatay lang ng Daddy. Mahiya naman tayo."

Napanganga ako sa sinabi niya. Do I look horny? Grabe naman ang babaeng ito!

"I did not come for that!"

Then, I checked myself. Masyado naman akong naging defensive doon. Inulit ko iyon sa mas malumanay na tinig. She stopped what she was doing and looked at me.

"You weren't?" tila nagdududa niyang tanong.

I looked at her lazily. Then sat on her bed with legs outstretched.

Sinara niya ang maleta at sinulyapan ako. "Eh, ano ang kailangan mo? Papanoorin mo lang akong nag-iimpake, gano'n?"

Imbes na sagutin siya napatingin uli ako sa cartoon ng clearblue. Hindi ko alam kung gamit na iyon o ano. Noong makita ko kasi iyon noong mga nakaraang araw ay tila hindi pa nabubuksan. Sinundan ni Eula ang tingin ko tapos nakita ko siyang tila sumimangot. Tumayo siya para kunin iyon sa desk niya. Binasa-basa niya ang label at napahingang malalim. No'n ako parang kinabahan nang todo. Iyong kaba na para bang doon nakasalalay ang buhay ko. I even held on the edge of the bed. Parang natakot ako bigla na mahulog sa kama.

"Dad asked mom to include this in the package just a few days before he had a heart attack. I think he was --- he was looking forward for his first apo."

Napanganga ako. My God! Poor old man.

"Pero hindi naman ito kailangan na. Dumating ang period ko today, eh. Kaya kahit magpakamatay ka riyan sa pananakit ng puson mo, hindi pwede." At ngumisi siya sa akin. Iyong ngising Ms. Anai na. Nagpasalamat ako't bumalik na ang kanyang sigla, pero parang na-disappoint din ako sa binalita niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I felt good about what she said but I also felt kind of empty. Naalala ko ang kapatid kong si Annette. Iisa lang ang sasabihin nito kapag sinabi ko ang binalita sa akin ni Eula. Hindi ako sharp shooter. Hindi marunong tumira. Napangiti ako imagining my sister's angelic face while uttering some crude words in Filipino.

Eula frowned at me. Then, she asked me to leave.

**********

"Ba't gano'n?" himutok ko kay Keri habang nakahimlay ang ulo ko sa balikat niya. Nasa lilim kami ng isang puno kaharap ng chapel sa loob ng university. Kaming dalawa lang ang nag-uusap nang mga oras na iyon dahil may klase pa sina Shane at Felina.

"Nasabi mo ba sa kanya ang feelings mo?"

"Hindi nga! At bakit ako ang magsasabi? Hindi ba dapat siya?"

"Hay naku. Pareho pala kayong naghihintayan niyan, eh."

"Siya ang lalaki, kaya dapat siya ang mauna. Buti nga at pinadali ko na sa kanya ang lahat. Ano pa ba ang nais niya? Lahat na ng signs binigay ko na!"

Napangisi si Keri. "He's more Icelandic than Filipino, Eula. Tingin ko okay lang sa kanyang ikaw ang maunang magtapat."

Napasimangot ako. "Alam niyang Pinay ako. For sure, alam din niyang sa ating mga Filipino inaasahan nating mga babae na silang mga lalaki ang mauuna pagdating sa bagay na ito!"

"Ngayon ka pa ba magpapaka-Filipina? Nahiya naman ang bangs ko sa iyo!"

Siniko ko si Keri. "Bakit ba? Wala na ba akong karapatan?"

"You have been behaving like a typical Western woman with your advances on him since day one. Tapos ngayon aasahan mong tatratuhin kang Pinay? Patawa ka talaga."

"Gano'n?"

Nag-worry ako sa sinabi ni Keri. Matagal akong napaisip kung kaya wala akong naidugtong sa sinabi ko sa kanya. Kung gano'n pala ay hinihintay din ako ni Maurr na siyang unang magtapat ng tunay na saloobin. Iyong hindi lang puro biro kundi seryosohan nang pagsasabi ng damdamin.

Kaya ko kaya iyon? Paano kung agad-agad akong i-reject? Okay lang sana kung hindi ako aalis. Kaya kong maghintay. Pwedeng-pwede akong makipagkompetisyon sa kanya sa hintayan. Pero aalis nga ako. At paano na lang kung sa pag-alis ko'y ma-develop siya kay Ms. Mary? Ang pokpok pa naman no'n. Shit! Kinakabahan ako! Parang ayaw ko nang umalis!

Siniko ako ni Keri. "Ano ba? Kanina ka pa tahimik diyan."

Hindi na ako nakasagot dahil nakita ko sa hindi kalayuan ang aking asawa at nakikipagtawanan ito sa malanding propesora. Kanino pa kundi sa pokpok na Ms. Suarez! Napatayo ako at tiningnan ko sila nang masama. Sinundan din pala ng tingin ni Keri ang tinitingnan ko.

"Yeah, you need to double time. Kailangan masiguro mo na kung nasaan ka sa buhay ng asawa mo bago ka pa umalis. Delikado ang impaktang iyan."

**********

Hinihilot-hilot ko ang leeg dahil sa stiff neck pagpasok sa condo ko nang hapong iyon nang bigla na lang bumulaga si Eula na nakasuot lamang ng manipis na manipis na kamisetang puti at cotton shirts na sing ikli lang ng panty. Napaatras ako sa kabiglaanan.

"What are you doing?" tanong ko habang nakatitig sa nakabakat niyang nipple. May hawak-hawak pa itong wooden laddle.

"May ipapatikim lang ako sa iyo, Maurr. Here. Try it."

At isinubo na niya sa bibig ko ang side ng sandok na may kulay pulang sticky thing. Wala na akong chance para umatras dahil biglaan ang lahat. Nalasahan ko ang manamis-namis at maalat-alat na sauce. Napa-squint ako sa kanya nang bahagya para mabistahan kong mabuti ang ekspresyon sa kanyang mukha at nang mahulaan ko kung ano ang niluluto niya.

"I am cooking you a spaghetti Filipino style," masayang balita nito at eksaheradang kumembot-kembot pabalik sa kusina ko. Napasunod naman ang mga mata ko sa maumbok niyang pang-upo na halos kalahati na ng pisngi nito'y lumabas dahil sa ikli ng suot.

"I thought you have your period," pagpapaalala ko sa kanya nang makarating na ng kusina.

Napatingin siya sa akin na parang na-disorient sa bigla kong sinabi. Then, she continued on stirring the spaghetti sauce in the pan. Ako naman, hindi maalis-alis sa makikinis niyang hita't binti ang paningin. Napapakagat-labi pa ako sa tuwing napapadako ang mga mata ko sa kanyang pang-upo.

"Yummy, right?" lingon niya sa akin.

Napakurap-kurap ako at napaiwas ng tingin. Nag-init nang bahagya ang aking pisngi dahil pakiramdam ko'y alam niya ang epekto ng suot niya sa aking imahinasyon.

"Hey," untag niya sa akin sabay lingon uli.

"What?" tanong ko. A little bit confused.

"I said, is it yummy?"

"Which one?" mabilis kong balik-tanong.

I only realized I gave my thoughts away when she came to face me with her hands on her hips. Hindi ko na tuloy napigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking mga labi. Pinaningkitan niya ako ng mga mata. Tumalikod na ako bago pa man ako masita. Pero bigla na lang niya akong hinawakan sa mga braso at pinaharap sa kanya.

"What's funny?" tanong pa niya. Seryoso siya.

"Nothing." Seryoso na rin ako.

Napahalukipkip siya. Hindi siya naniniwala.

"Look, you're burning your sauce," sabi ko.

Napatingin siya sa niluluto. "Anong burning your sauce? Nasusunog ba ang sauce? Patawa ito." Pero binalikan niya ito at hinalu-halo. Sinamantala ko iyon para makaalis sa kusina. Dumeretso ako sa banyo para makapag-cold shower agad-agad.

**********

Hinatid ako ni Maurr sa NAIA nang araw ng alis ko papuntang Maryland. Wala kaming kibuan habang nagbibyahe patungong airport. Kung hindi nga lang makuwento ang grab driver na nakuha niya para maghatid sa amin marahil ay napanis ang laway namin pareho. Sa part ko ayaw ko magsalita dahil takot akong gumaralgal ang boses ko't humagulgol pa ako sa harapan niya. Nakakahiya. Minsan ko nang ginawang singahan ng sipon ang t-shirt niya habang kino-comfort niya ako sa pagkamatay ni Dad. Ayaw ko nang maulit iyon. Ang gusto kong maalala niyang personalidad ko ay iyong Ms. Anai. Ang siraulong Ms. Anai. Ang hindi marunong umiyak na Ms. Anai. Natatakot kasi akong baka kapag sobra akong naging madrama ay lalayo siya sa akin at mahuhulog na nang tuluyan sa bitag ni Mary Suarez. Naku, subukan lang no'ng hipuin kahit dulo ng daliri ni Maurr! Kahit propesor siya sa university, sasabunutan ko siya!

"Please give my regards to your mom," sabi ni Maurr nang pumipila na ako para pumasok sa loob. Nagpanic ako. Aalis na ba siya? Iyon kaagad ang pumasok sa isipan ko.

"Yes, I will."

Nagsuot siya ng dark sunglasses habang nakatayo sa tabi ko. Pinagtinginan siya agad ng mga kababaihan na nandoon din sa tabi namin. Nagpahalata pang kinilig ang iba. Sinimangutan ko sila. But when I realized what I was doing, I smiled to no one in particular. Naisip ko lang bakit ako magsusuplada sa kanila? Dapat nga proud pa ako.

Ang guwapong lalaking ito ba mga ateng? Nahalikan ko ito! Nalapirot ko pa ang ano nito. Hindi lang iyon. Nadilaan pa kamo!

Napabungisngis ako nang wala sa oras. Napayuko nang bahagya sa akin si Maurr. Parang tiningnan ako. Lalo akong natawa.

"What are you laughing at?" Nangungunot na ang noo niya.

I tried my best to stifle another laughter.

"May naalala lang ako," sabi ko.

"You should be mourning not laughing. When you get to Maryland remember to behave yourself, all right?" pangaral pa niya sa akin.

"Please don't remind me of my dad's death. I am unhappy about it already."

Sumimangot na ako bigla.

"Okay. Sorry to say that."

Hindi na ako sumagot. Inintindi ko na lang ang pagsunod sa pila. Nang ako na ang papasok sa loob, pinigilan ng guwardiya si Maurr nang malamang wala itong ticket. Bawal daw itong pumasok sa loob dahil hindi raw pasahero. Kasabay nang pag-atras ni Maurr ay pinangiliran ako ng luha. Napatingala ako sa kanya. I felt so helpless.

"I'll pass by the other gate. See you inside," sabi nito saka dali-daling lumayo.

Hindi ako agad naniwala kung kaya sinundan ko siya ng tingin.

"Miss, hindi ka pa ba papasok?" tanong ng lalaki sa likuran ko. He sounded impatient.

"Mauna na po kayo," sabi ko habang sinusundan ko pa ng tingin si Maurr. Nang nakapasok na ito sa kabilang entrance saka lang din ako pumasok sa loob. Pagkakuha ko ng mga bagahe sa conveyor ay nakita ko agad siyang papalapit sa kinatatayuan ko. Tinulungan na niya ako sa dala ko at siya na ang tumulak sa mga gamit ko papunta sa drop-in counter ng mga nag-web check in. Nang hawak-hawak ko na ang boarding pass ko'y umikot-ikot lang kami saglit sa shopping area at nagpaalam na siya agad. Kailangan ko na rin kasing pumila sa immigration dahil mahaba-haba na ang linya.

"Be kind to your sister," bigla na lang ay sinabi niya. Nagulat ako. Saka ko naalala na narinig pala niya ang halos ay pagtatalo namin ng kapatid ko noong isang linggo. Nang maalala ko nga iyon, nainis ako. But then, I promised myself na kahit para lang kay Maurr ay maging mabait ako sa bruhang iyon. "And always be careful," dugtong pa niya.

"Ikaw din. Lagi ka ring mag-iingat. Behave yourself, okay?" habilin ko rin sa kanya.

Nagsalubong nang bahagya ang kanyang mga kilay. Then, I saw him breaking into a smile. Kinabahan ako lalo. Shit! Paano ko maiiwan ang lalaking ito knowing na sampong kamay siyang hinihintay ni Ms. Suarez?

"I always do that," sagot niya sa akin nang nakangiti. Na bihira niyang gawin. "Okay. Bye for now, Eula." At tumalikod na siya. Wala nang maraming paalaman pa.

Teka. Bye na pala iyon. Gosh! Saglit lang. Hindi pa ako nakapag-bye!

"Maurr! Sandali!" bigla ko na lang naisigaw. Keber na sa mga tao sa paligid.

Nilingon niya ako. I hurriedly walked towards him and threw myself in his arms. Niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit. Hindi ko na napigilan ang paghikbi.

"I will miss you, Maurr. I will definitely miss you!"

Niyakap niya rin ako nang mahigpit saka sinabing mami-miss din daw niya ako.

"I---I love you," bulong ko sa kanya.

He stiffened a little bit. Bukod sa hinigpitan niya lalo ang yakap sa akin wala na akong nakuhang reaksiyon pa sa kanya. Siya pa nga ang naunang bumitaw.

Nang makita kong tuluyan na siyang bumaba ng hagdan patungong exit, nag-unahan na sa pag-agos ang mga luha ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top