CHAPTER TWENTY-SEVEN
Saka ko lang inalis ang braso kong nakapangunyapit sa baywang ni Maurr nang pumasok na kami ng bahay. Nandoon pa rin si Todd sa couch kung saan ko ito iniwan kanina nang habulin ko ang nagmarakulyo kong asawa. Naka-interlock ang mga daliri nito sa magkabilang kamay. Nang sulyapan niya kami, nakita kong lumamlam ang kanyang tingin. I smiled at him. Awkwardly.
"With regard to your offer," panimula ko. Balak ko na kasing sagutin ang tungkol doon right there and then habang malinaw pa ang pag-iisip ko.
Tumayo si Tadpole at ngumiti sa akin nang mapakla. "It can wait, Eula. Think about it carefully, okay?" At dinampot niya ang kanyang leather jacket na nakapatong sa center table saka nag-wave lang sa akin habang papalabas ng pinto. He did not acknowledge Maurr's presence anymore. Ni hindi niya ito tiningnan. Si Maurr nama'y ganoon din. Napangiti ako nang lihim. Ang sarap ng feeling ng pinag-aagawan ng dalawang buhok-mais.
Wala na naman kaming kibuan ni Maurr habang nanonood ng Fixer Upper sa TV. Buti na lang dumating ang delivery boy ng pizza. Nagkaroon kami ng dahilan para mag-usap dahil nag-agawan kami kung sino ang magbabayad no'n. Bandang huli'y nagpaubaya ako. Binigyan ko siya ng pagkakataong magawa naman niya ang obligasyon niya sa akin. Iyon ay ang pakainin ako.
"Take it," ang sabi niya nang halos sabay kaming dumampot sa isang slice ng Hawaiian pizza. Tapos hayun, wala na namang usap-usap. Hanggang inantok na lang ako at napahandusay ako sa sofa. Pagtagilid ko, may sumundot sa ilong ko. Binuka ko nang bahagya ang mga mata para alamin iyon at tuluyan nang nanlaki ang mga ito nang makita kong may umaangat sa aking harapan. Pagtingala ko, nagkasalubong ang mga mata namin. He was looking at me seriously. Ako ma'y seryoso rin, pero nang napadako uli ang tingin ko sa nagigising na ring alaga niya bigla akong napadilat na nang tuluyan.
"Stop staring!" singhal niya sa akin sabay takip ng cushion sa mukha ko.
Kaagad ko itong tinabig at napabangon na. Tumayo ako sa kanyang harapan.
"Maurr, grabe ka!" At napahalakhak ako. "You keep on growing, o!" sabi ko pa sabay turo sa ano niya na bumukol na nang husto.
Binato niya ako ng cushion. Napangisi naman ako nang malawak. Patingin-tingin ako sa kumpare niyang patuloy na naghihimagsik kung kaya hindi ko napaghandaan ang bigla niyang paghila sa akin. Napasubsob ako sa dibdib niya at napatukod doon mismo sa naghuhumindig niyang hinaharap. Ang tigas! Grabe! Para akong humawak ng palakol.
Nang magtama na ang paningin namin, hindi ko na nakuha pang magbiro. Naengkanto ako sa asul niyang mga mata na ngayo'y nag-aapoy na sa pagnanansa. Nang kabigin niya ako para halikan sa mga labi, napapikit na lang ako at napakapit sa kanyang balikat.
"Are you still going to finish your studies at FEU?" anas niya sa akin habang pinapagapang ang mainit na mga labi sa aking leeg.
"Hmmmm," tanging naisagot ko.
"Are you?" ulit niya.
"Huh?" balik-tanong ko naman. I was kind of disoriented. Naisip ko pang, ano ba ang pinagsasabi ng lalaking ito?
I let my hand roamed around his chest. Ang tigas din. Pero wala nang titigas pa sa naghuhumindig niyang alaga. Napangiti na naman ako. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang kamay ko at parang pinigilan na pumasok sa loob ng kanyang pantalon.
"I was asking you a question."
"Ano ba. Maurr? Is that your idea of foreplay? Ang i-quiz ako ng kung anu-ano? Well, it's not working! Not even remotely erotic!"
He stared at me blankly. Tapos ay binitawan na ako nang tuluyan. Tumayo siya at nagtungo sa banyo. Siguro'y mga kalahating oras din siya roon. Napabuntong-hininga na lang ako. Kung mayroong academic award sa pambibitin, summa cum laude si Maurr. Nakakabwisit!
**********
Bukas ay araw na ng uwi namin sa Pilipinas ni Eula. Hindi na namin masyadong napag-usapan ang tungkol doon kung kaya medyo kinakabahan ako. Iyong sabi niya na sabay na lang daw kami pumuntang airport sa araw na iyon, three days ago pa iyon. Hindi na ako sigurado kung ganoon pa rin ang nararamdaman niya dahil ni hindi na kami nagkita matapos ng dinner ko with them on the day I drove her home.
Napalingon ako sa cell phone kong nakalapag sa kama ng hotel room ko nang mag-ring ito. Nang tingnan ko ang numero, mula sa Virginia ang area code. Pinangunutan ako ng noo.
"Maurr?" matinis na tinig ni Eula. Lalo akong ninerbiyos. Sa loob-loob ko'y tinatanong ko kung ano ang ginagawa niya roon.
"Eula," sagot ko naman. Kalmado pa rin ang boses.
"H-hindi na pala ako ma-makakasabay sa iyo pauwing Pilipinas bukas. S-sorry. Mayroon pa akong aasikasuhin dito sa States."
Inaasahan ko nang ganoon na nga ang kalalabasan ng lahat, pero parang hindi pa rin ako handa nang marinig na iyon sa mismong bibig niya. Hindi agad ako nakahuma.
"Maurr? Are you still on the line?"
"Yeah. Sorry. I was busy packing that's why," pagsisinungaling ko.
"Ah. Kaya pala. Pakisabi pala sa mga kaibigan kong mahal na mahal ko sila at miss na miss ko rin ang mga kabaliwan nila."
I felt like a huge slab of snow came crushing me. Napapikit agad ako to somehow assuage the excruciating pain I was feeling. Pero bigla rin akong napadilat nang makita ko ang imahe niya na nakahawak-kamay kay Todd.
"But you're still coming back, right? You tell them that yourself when you see them," sabi ko na lang sa kanya sa tinig na parang walang pakialam. Matatag at kalmado naman ang himig ng boses ko. Taliwas sa nararamdaman ko nang mga oras na iyon.
Hindi siya agad nakasagot. Nang marinig kong muli ang boses niya, lalo lamang akong pinangambahan.
"Hindi ko alam, Maurr." At nagpaalam na siya sa akin.
Matagal nang naibaba ni Eula ang telepono pero hawak-hawak ko pa rin ang akin. I was staring at it absent-mindedly. Nang sa wakas ay maibaba ko iyon, nag-ring naman agad. Nagmadali ako sa pagdampot no'n sa kama sa pag-aakalang siya na naman iyon at babawiin ang mga sinabi, ngunit nadismaya lang ako dahil hindi na si Eula ang nasa kabilang linya kundi ang mom ko.
"I heard from Annette that your little wife has a rich suitor there. How the hell did her mom allow it knowing she's already married to you? Kita mo na kung anong klaseng pamilya mayroon ang babaeng iyon? Mga walang morals! Sabihin mo iyan sa biyenan mong tabatsoy! Wala siya kamong morals! Lintek siya!"
"Mom, please. I am busy packing. I'll talk to you later, okay? I love you."
At binaba ko na ang phone.
**********
Habang pinagmamasdan kong excited pareho ang mommy at si Ate sa pagpaplano ng buhay ko sa pagdating ni Todd, nalungkot ako. Ngayon ko lang nakitaan ng ibayong ligaya ang nanay ko simula nang mabasag ko nang grade one ang ubod ng mahal niyang antique vase na siyang laging sinisisi sa lahat ng malas na dumating sa buhay namin. Tuwang-tuwa sila dahil ang utang namin sa ospital nila Todd ay ni-write off na raw ng pamunuan nito. Wala na raw kaming intindihin pa roon.
"Ayusin mo nga ang hitsura mong bata ka. Dapat nag-aayos ka na ngayon. Mamaya nang kaunti ay nandito na sina Dr. Faulkner." Ang Dr. Faulkner na sinasabi ni Mom ay ang mga magulang ni Todd na siya ring mga pinuno ng ospital kung saan na-admit ang daddy ng mahigit dalawang buwan.
Paano ako sasaya? Kinikilabutana ako. Parang namamanhikan na kasi sila sa amin! Hindi lang ako makaimik dahil pinagtutulungan nila akong dalawa ni Ate. Kung may pambayad daw ako sa hospital bills ni Dad na umabot na sa three hundred eighty thousand dollars ay ilabas ko na raw at nang sa gayon ay hindi ko na kinailangan pang gawin itong pakikipagmabutihan kay Todd.
But then, at the last minute, hindi ko pa rin naiwasang huwag silang inisin. "Mom, bakit hindi na lang si Ate ang ipakasal n'yo sa Tadpole na iyon? Total naman mukhang bagay silang dalawa. Magkasing-putla sila, eh."
Pinandilatan ako ni Ate. "Sino ba sa ating dalawa ang mahilig sa foreigner?" sagot agad nito.
"Ang sabihin mo, hindi ka natipuhan ni Todd dahil ampanget mo na'y panget pa ang ugali."
Pagkatapos kong masabi iyon ay tinamaan ako ng lumilipad na plastic saucer. Buti na lang nakailag ako. Ang flower vase ni Mom sa center table ng living room ang nahagip no'n. Bumagsak agad iyon sa sahig. Kung hindi siguro makapal ang carpet doon ay nabasag na naman ang prized possession ni Mommy. Nag-hysterical nga ito sa pag-aakalang durog na naman ang collection niya.
"Emelita Maria! Yolanda Ysadora! Ano ba kayong dalawa?" tungayaw ni Mom.
Inirapan ko si Ate bago padabog na pumanhik ng hagdanan patungo sa kuwarto ko.
Ang totoo niyan, halos magkasing tabas lang din ang mukha namin ni Ate. We have a striking resemblance 'ika nga. Mas matangkad lang ako nang kaunti dahil saktong five feet four inches lang siya. Pero hanggang doon lang ang similarity namin. Magkaibang-magkaiba ang taste namin sa lalaki. Never nga kaming nagtalo nang dahil lang doon. Ang mga tipo niya, hinding-hindi ko gusto. Ang mga natitipuhan ko naman, sinusuka niya. Kaya marahil naisip ni Mom na sa akin ireto si Todd. Kailanman kasi'y hinding-hindi ito magugustuhan ni Emelita. Samantalang ako'y baka may pag-asa pa.
May hitsura naman si Todd, sa totoo lang. Kung ito nga lang ang nauna ay marahil sa kanya ako nagkagusto. Kaso ang huli na ng dating niya. Nakuha na nang buung-buo ni Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. ang puso ko.
**********
As I waited for my boarding time, I thought about her. Kahit mukhang imposible, inasahan ko pa ring bigla na lang niya akong bubulagain ng nakakaririndi niyang tili na, "Maurr!" Allergic ako sa matinis niyang pagtili, pero aminado akong kung ngayon ko iyon marinig tiyak na matutuwa ako nang sobra.
Kaso nga lang, tinawag na at pinalinya na kami for boarding walang Ms. Yolanda Ysadora Anai na dumating. Inikot ko ang paningin sa kabuuan ng departure area ng BWI Marshall one last time bago sinuot ang dark sunglasses. Pagkasuot no'n malaya kong pinapatak ang mga luhang kanina pa nagbabadyang umagos.
"Are you okay, sir?" tanong sa akin ng nakasabay kong Filipina na siguro'y hindi nalalayo ang edad kay Eula. Napansin niya siguro ang tahimik kong pag-iyak. Imbes na sagutin siya'y nilampasan ko lang. Sa kasamaang palad, katabi ko pala sa upuan papuntang Chicago, ang first layover ko bago tumungo ang eroplano sa Hong Kong tapos sa NAIA.
"What a coincidence!" masaya niyang sabi nang magkita kaming muli. "We are seatmates!"
Hindi pa rin ako kumibo. "By the way, I'm Elena." At iniunat niya ang kanang kamay sa akin. Dededmahin ko pa rin sana iyon, pero dala na rin ng kabutihang asal ay tinanggap ko rin. Tapos, halos pabulong kong sinagot ng, "Maurr."
"I'm sorry?" tanong niya uli.
Inulit ko. "Maurr. That's my name."
"Ah. More. Sorry, po." At tumawa-tawa ito. "You're More pala."
"No. Maurr not More."
"Yeah. Morr. Anyways, I was wondering why you were crying a while ago. Why?"
Napailing-iling ako. Bakit mukha akong pansinin ng mga daldalerang Pinay? What is it in me that attracts those Filipinas I want to avoid associating with? Una, si Eula. Tapos, itong Elena na ito. Biruin mo, kahit hindi ko kinikibo ay halos naidaldal na sa akin ang talambuhay? Nurse daw siya at halos kararating lang ng Amerika. Nakatatlong buwan pa lang daw ito sa pinagtatrabahuhang clinic sa Maryland nang masama sa ni-lay off kamakailan dahil sa pagtitipid ng ospital. Buti na lang daw kamo at nakakita agad siya ng trabaho sa Chicago.
"How about you?" tanong niya.
"I'm heading to Hong Kong," sabi ko. At naglagay na ng ear phone sa mga tainga. Inisip kong hint na iyon na ayaw kong kinakausap. Pero nagulat na lang ako nang bigla niya akong pinatingin sa cell phone niya.
"One more time, Morr, you were not looking at the camera, eh. Okay, one, two, three, SMILE!"
Saktong pagtingin ko sa phone niya umilaw ang flash. Pinakita niya sa akin ang kuha niya. We looked like a couple. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at pinikit ang mga mata. I rested my head on the back of my seat and slept.
**********
"Eula!" tungayaw ni Mom. Nagsisipilyo ako no'n sa banyo sa sala nang sumigaw siya mula kusina. "'Lika, dali!"
Dali-dali naman akong nagmumog at halos tumakbo na papunta sa kanya.
"O, tingnan mo ang magaling mong mister! Tapos magi-guilty ka?"
Nalito ako pero tinanggap ko rin ang inabot niyang cell phone. Nang makita ko ang larawan ni Maurr at ng babae ay napanganga ako. Binasa ko ang caption ng babae and I was shocked. Ganoon ako ka bilis pinagpalit ng halimaw na iyon?!
Napaupo agad ako sa silya sa tabi ni Mom. Patingin-tingin ang mommy ko sa akin habang ngumunguya ng piniritong dried pusit. Ako nama'y sobrang nayanig ng nakita ko sa FB account ng friend ng friend ni Mom. Hindi ako halos makahinga na. Sumikip bigla ang dibdib ko.
"Oy, saan ka pupunta?" pahabol ni Mom.
Tumakbo na kasi ako sa CR sa sala. At doon ako humagulgol.
Ilang gabing hindi ako pinatulog ng desisyon kong pagtanggap sa alok ni Todd. Kahit hindi naman iyon kasal, the fact na pumayag ako sa mungkahi niyang mag-work sa hospital ng mga magulang niya while I finish my degree in a university in Maryland, na-guilty pa rin ako. Pakiramdam ko kasi'y niloko ko si Maurr kahit na in the first place hindi naman malinaw kung kami na nga. We do things couples do, pero ako lang ang nag-a-I love you. Wala namang tugon sa kanya. Ang alam ko, balak niyang ipawalang-bisa ang kasal namin after I graduated from college. Iyon ang malinaw na sinabi ni Drae na ni-relay naman daw sa kanya ni Lilja, ang ka-close na pinsan ni Maurr. Dapat hindi nga ako makonsensya. Pero na-guilty pa rin ako. Tapos, habang kinakain pala ako ng conscience ko'y hayun at may kapalit na pala ako sa buhay niya. Hayop siya!
"Eula, ano ba? What are you doing there? Magbihis ka na't male-late tayo sa misa," boses ni Mom. Kinakatok niya ako sa banyo.
"H-hindi na ako magsisimba, Mom. Kayo na lang ni Ate."
"Anong hindi? The more that you need to go to church."
"I'm not going!" sigaw ko naman mula sa loob. Kahit anong katok niya'y hindi ko siya binuksan.
**********
Nagsasalansan ako ng mga gamit ni Eula sa condo nang makita ko na naman ang mga feminine wash niya. Napangiti ako nang mapadako ang tingin sa vaginal scrub at refreshing oil niya. Pati nga ang bote ng halos paubos nang Lactacyd ay nagdulot sa akin ng kasiyahan. They reminded me so much of her. Kasabay ng masasayang alaala, dumagsa rin sa isipan ko ang mga nangyari sa lakad naming dalawa noong sinundan ko siya sa Maryland. Nalungkot ako nang parang nag-replay na naman sa utak ko ang huli naming pinag-usapan sa telepono. Napahinga ako nang malalim. Inipon ko na lang muna sa ibabaw ng lababo ang mga iyon at napasandal ako sa dingding. I never felt this kind of emptiness. Nakakapanlupaypay pala.
Hindi ko alam kung paano ko natagalan ang halos dalawang buwan na wala siya. Pero ganoon talaga. I have to move on.
Tinatabi ko na ang mga iyon sa cabinet sa banyo nang makarinig ng ingay sa labas lang ng kuwarto. Noong una'y naisip kong baka sa kabilang unit lamang iyon, pero nang marinig ko na ang sintunadong Ironic ni Alanis Morisette, biglang lumakas ang kalabog ng dibdib ko. Dali-dali akong lumabas ng kuwarto at hayun. Parang lumabas sa memorya sa isipan ko ang imahe ni Eula Anai. Hila-hila niya ang namumutiktik na maleta at pinapasok iyon sa loob ng kuwarto niya. Mukhang hindi pa niya ako nakita.
"Eula? You're here?"
"No, Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. Kaluluwa ko lamang ito," sarkastiko niyang pakli. Ni hindi siya nakatingin sa akin.
Awtomatikong napangisi ako. Si Ms. Anai nga! At bumalik siya!
Napayakap ako sa kanya.
"Maurr!" naibulalas naman niya. Nabitawan na niya ang maleta. Umiyak siya sa mga bisig ko. Iyong iyak na parang ang lalim ng pinaghugutan.
Nilayo ko saglit ang kanyang mukha sa dibdib ko at sinapo ko iyon ng dalawang kamay.
"What's wrong?" tanong ko.
She just stared at me and sobbed more heavily. Hinila ko na lang siya ulit at niyakap nang mahigpit na mahigpit habang hinahagkan-hagkan ang kanyang buhok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top