CHAPTER TWENTY-EIGHT
Hindi ako makatulog sa higaan ko kahit na komportable naman ako. Katunayan, mas malambot ang kama ko sa bahay ni Mom kaysa roon sa condo ni Maurr, pero hinahanap-hanap ko pa rin iyon. Sa tuwing nagigising nga ako sa umaga ay nalulungkot akong makita ang kulay mapusyaw na rosas na dingding ng kuwarto ko. Nasanay na kasi ang mga mata ko sa kulay kremang dingding ng kay Maurr. Hay naku. Kailan ko kaya mage-get over iyon?
"Eula!" Si Mom. Sumisigaw na naman. Pagbaling ko sa gilid para matingnan ang orasan napabangon agad ako. Punyeta! Alas sais na pala nang umaga! Alas siyete ang pasok ko sa ospital! Nakakainis naman, oo!
Hindi ko na binuksan ang pinto dahil alam kong mumurahin lang ako ni Mommy. Dapat kasi'y nakabihis na ako ngayon para makasabay ako sa kanya mamayang alas sais bente. Wala pa kasi akong sariling kotse. Nang bumaba nga ako sa kusina at around six twenty-five nakabusangot na ang pagmumukha nila ni Emelita.
"Don't worry. Hindi na ako kakain dito. Babaunin ko na lang ang almusal ko."
"Ang saya mo! Male-late si Mommy nang dahil sa iyo!"
"Emelita, Yolanda. Magsitigil nga kayo't ang aga-aga pa."
Dinampot na ni Mom ang sweater niyang nakasampay sa inupuang silya at kinambatan na akong sumunod sa kanya. Dali-dali kong nilagay sa baunan ang manipis kong chicken sandwich at patakbong humabol sa mommy ko.
Naabutan kami ng mabigat na traffic kung kaya na-late siya ng sampong minuto at ako nama'y halos thirty minutes dahil hindi ko naabutan ang six fifty bus na magdadala sa akin mula sa ospital na pinagtatrabahuhan niya papunta sa pinagtatrabahuhan ko. Kung nakaalis kami ng bahay ng alas sais bente, dapat ay nasa ospital na niya kami nang bandang alas sais kuwarenta. Tapos makakasakay na ako sa six forty-five bus. Eksaktong pagdating ng six fifty five ay nasa ospital na nila Todd ako.
Hindi rin ako maderetso ni Mommy sa mismong workplace ko dahil masyado siyang maa-out of the way. Ma-traffic na kasi masyado ang ruta na papunta sa ospital niya from there. Hindi rin pwedeng agahan namin ang alis ng bahay. Alas dos na kasi ng umaga ang uwi niya kadalasan. She needed the extra few minutes of sleep.
Pagdating ko sa area ko, nakatingin na nang hindi maganda ang supervisor ko. Kulang na lang ay sakmalin ako ng bruha.
"Change into your lab gown right away so you can start with your first set of patients," sabi pa niya. Oo, iyan ang tingin ko sa kanya. Kahit kasi maayos na nakapusod ang kinky hair niya, ang mga mata nama'y parang laging mabalasik kung tumitig.
Mabilis naman akong tumalima dahil takot ako sa kanya. Madilatan lang ako ay nanginginig na ako. Hindi dahil kaya niya akong patalsikin doon kung gusto niya. Mas natatakot ako sa hitsura niya. Para kasing nangangain ng tao. I know, I know. Masama talaga ang ugali ko sa mga panget at masama rin ang ugali.
Nang hapong iyon, matapos ang halos walong oras kong duty ay pinatawag ako ng mas mataas sa kanya. Ang pinaka-head namin. Puti siya at siguro kasing edad ni Mommy. Nakatunghay siya sa papel na nakalatag sa harapan niya nang dumating ako sa upisina niya.
"Hello, Dr. Thomson," bati ko.
"Have a seat." At naupo na ako sa silya sa harapan ng kanyang mesa.
"I was informed by your supervisor that you were late again today."
Again? Ano ang ibig sabihin nito. Ngayon lang ako na-late, ah! Susko!
"Again?" pakli ko, pero siyempre sa tonong banayad. "Today was my first. I've never been late before," dugtong ko pa.
Hindi siya sumagot, pero may pinakita siya sa akin. Record iyon ng attendance ko. May isang entry roon na kahit dumating ako ng saktong alas siyete at iyon nga ang nag-appear sa biometrics record ko ay may ni-note sa gilid no'n ang bruha kong supervisor. Bagama't on time daw akong dumating, late naman nagsimula sa pagharap sa mga pasyente. Grabe! Paano akong mahuli ng sampong minuto noon? Kinausap pa niya ako bago ako isinalang. Nanggigil ako, pero hindi ako nagpahalata. Ang sabi kasi ni Mommy ay kailangan ng ibayong pasensya kung gusto ko tumagal sa trabaho roon.
"All right, Dr. Thomson. I'm sorry."
"I hope this will not happen again, Ms. Anai. Although you were highly recommended by the Faulkners, we can still fire you if you don't improve."
Napakagat-labi ako pero hindi na ako sumagot pa liban sa bahagyang pagtango.
**********
I have to admit, na-miss ko rin ang kabaliwan ni Eula. Kada umaga nga ay tinitingnan ko ang kuwarto niya at hindi lang minsan akong pinangiliran ng mga luha. Dati-rati ay bwisit na bwisit ako sa mga antics niya. Pero iyong kakulitan niyang iyon mismo ang unang-una kong na-miss.
"Forget about your materialistic wife! She doesn't deserve a nice guy like you," was my mom's frequent reminder. Pero ano'ng alam niya? Hindi naman sila ang nagsama ni Eula.
"You shouldn't have gone home without her," was my Dad's advice. Na-disappoint nga ito nang umuwi akong mag-isa. Sinundan ko rin naman daw ang asawa ko roon, bakit hindi ko pa nilubus-lubos? Dapat daw ay in-assert ko ang pagiging husband at pinaintindi sa wife ko ang kahalagahan ng pagsunod sa akin bilang asawa niya. Na sinagot ko ng, "That was okay in the twentieth century, Dad, but not in this era."
Ang daddy minsan sobrang conservative. Lumaki siya ng Amerika pero minsan mas backward pang mag-isip kaysa sa mga lalaking Filipino na palaging gusto sila ang masusunod dahil sila ang lalaki. Hindi ako ganoon. I always believe that women have the right to decide for themselves. Kung susundin ako ng asawa ko, fine. Kung i-assert niya ang gusto niya for her life, okay din. Sisikapin kong tanggapin kahit na inconvenient for me kung---kung mahal ko siya.
Bumalik sa normal ang buhay ko sa university, pero hindi rin ako nagtatagal sa eskwelahan kung wala rin lang akong klase. Umuuwi ako agad dahil nalulungkot ako roon kapag nakikita ko ang mga kaibigan niya. They reminded me so much of her that it was always painful to see them minus her.
"I heard your wife is no longer going to finish her studies here at FEU," salubong sa akin ni Professor Flores nang palabas na ako ng gate nang hapong iyon. Nagulat ako sa sinabi niya. Para kausapin ako tungkol doon ay parang nakakailang. Hindi naman kasi kami close. Isa pa, ang laki ng kasalanan niya sa akin. Kung hindi dahil sa kanya siguro'y hindi ako namomroblema nang ganito. Siya ang naglapit sa amin ni Eula dahil kahit noong sinabi na sa kanya ng babaeng iyon na hindi totoo ang binibintang sa akin ay pilit pa rin niyang isinusulong.
Nagkunwari akong walang narinig. I simply greeted him with a hi at dere-deretso na akong lumabas ng gate. Tinawag pa niya sana ako, pero nagsalpak na ako kunwari ng earphone. Ang totoo niyan, hindi iyon nakakabit sa phone ko. Ayaw ko lang siyang kausapin.
Pagdating ko ng bahay, kumain lang ako ng light meal at naglinis na ako ng buong unit. Nang matapos sa pagba-vacuum ay inumpisahan ko na ring magligpit ng mga gamit niya sa kanyang kuwarto. Mga ilang linggo ring hindi ko iyon pinakialaman. Pero kailangan na talagang ayusin. Inuna ko ang pag-aalis ng bedsheet, kumot at punda ng mga unan niya. Nilagay ko agad ang mga iyon sa washing machine at deretso nang nilabhan. Tapos bumalik ako sa kanyang silid at tinupi ang mga naiwan niyang damit na nakasampay lang sa headboard ng kama, sa silya na kaharap ng dresser, at pati iyong mga naka-hanger na nakasabit sa door handle ng kanyang closet. Napailing-iling na lang ako sa kung paano siya ka burara. Nilagay ko ang mga nakatupi niyang damit sa ibabaw ng kama niyang hubad na sa bedsheet.
Hinuli ko ang pagsasalansan ng mga naiwan niya sa banyo. Sa tuwing naliligo kasi ako roon, it somehow made me feel good just by looking at her toiletries. I could pretend she was still in the house at ano mang oras ay bigla na lang susulpot at magtititili't magrereklamo na nabawasan daw ang feminine wash niya. Well, kung minsan ay wala namang katuturan ang paratang niya, pero minsan naman ay aminado akong aksidente kong nababawasan iyon dahil napagkakamalan kong shampoo. Kung bakit kasi sinisiksik niya in between my shower gel and my shampoo. Nakakainis lang!
Pagkadampot ko sa Lactacyd niya, bigla na lang ay parang narinig ko ang high-pitched niyang tinig! "Maurr! What the fvck did you do to my feminine wash? Bakit halos nangalahati na? Kabibili ko lang kaya nito! Magsabi ka nang totoo! Are you using my vaginal wash to clean your---dutdutdut?"
Napasandal ako sa dingding at napangiti.
**********
I gasped upon seeing Elena's supposedly chat exchange with Maurr. Pinakita na naman ni Mom bago ako matulog. Isipin mo, bago ako matulog! Punyeta! Ano ba ang gusto niyang gawin ko? Hindi na nga ako mapakali na naiwan ko sa Pilipinas si Maurr kasama ang pokpok kong guro na si Ms. Suarez tapos dadagdagan pa niya ng isang malanding nurse na si Elena Santos?
"Mom! Ano ba? Papatayin mo ba ako sa kunsumisyon?"
Ngumisi si Mom. "Kaya nga sinasabi ko sa iyong seryosohin mo na si Todd. Bihirang dumating ang isang katulad niya sa buhay ng isang dalaga."
"Hindi na ako dalaga, Mommy. Alam mo iyan."
"Huwag kang patawa, Eula. Alam natin pareho na walang kaamor-amor ang asawa mo sa iyo. Sa simula pa lang ay batid ko nang umiwas lamang siya sa eskandalo. Hindi kasi kaya ng isang katulad niyang Mr. Nice Guy ang masangkot sa ganoong kaso. Pero alam ko ring hindi ka niya gusto at hindi pa consummated ang kasal n'yo."
Ngumisi ako nang lihim. Ganunpaman, hindi ko na siya kinontra. Hindi ko rin kasi kayang magkuwento sa kanya ng tungkol doon. Nakakaasiwa.
"I'm not happy here in the States, Mom. This is no longer my dream life," bigla ko na lang nasabi sa kanya habang nakatitig sa kisame.
"What? Anong ibig mong sabihin? Sasayangin mo ang mga ginawa ko para sa iyo?"
"I do not see myself raising my family here. Ayaw kong lumaki nang walang paggalang sa magulang ang mga anak ko."
Napaubo si Mom at tinawanan ang mga sinabi ko. "Ikaw, lumaki ka rin ng Pilipinas pero kung makasagot-sagot sa akin ay wagas!"
Hindi ko na iyon pinatulan pa.
"Buo na ang desisyon ko, Mom. Uuwi na ako sa atin."
"No, you're not!" sigaw agad ni Mommy. Nag-iba na ang hitsura niya. Galit na galit na ang mukha niya. "Bawiin mo iyang sinabi mo!"
"I do not see myself living here. And that's final," sagot ko sa mahinahong tinig.
Hinablot ni Mom ang comforter ko at hinila ako pabangon. "Bawiin mo ang sinabi mo!" sigaw pa niya. "Dahil kung hindi kalimutan mong mayroon kang pamilya rito!"
Kahit pag-iyak ko'y pinigilan ko. I just looked away. At no'n nag-break down si Mommy. Pinamukha niya sa akin ang hirap na dinanas noong na-ospital si Dad at kinailangan niyang mag-leave sa trabaho. Kung hindi lang daw dahil sa connection ni Todd ay napaalis na rin daw siya sa trabaho kung kaya nang matipuhan daw ako nito sa picture na nakita sa beside table ni Dad sa hospital, hindi na siya nag-alangang ireto nga ako sa lalaking iyon.
"Todd is our saviour, Yolanda. He's the angel sent to us by God. Ano ba ang habol mo sa professor mo? Wala naman iyong pera! He cannot help us! At hindi mo naman iyon gusto, di ba? Biktima lang iyon ng kawalanghiyaan mo!"
"I love him, Mom!"
Lumagpak ang kanang kamay ni Mommy sa kaliwang pisngi ko.
"Tandaaan mo ito. Sa oras na umalis ka sa pamamahay na ito, wala ka nang pamilya." Mahinahon na ang tinig ni Mom pero grabe ang naging impact no'n sa akin. Napahagulgol ako.
**********
I thought I was just hallucinating when I heard an out-of-tune singing of Ironic by Alanis Morisette. Hindi ko sukat-akalain na makita si Eula na halos paika-ikang humihila ng halos pumuputok niyang luggage papasok sa kanyang silid.
"Eula? You're here?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Napakunot pa ang noo ko nang makita ang suot-suot niyang boots na halos hanggang kalagitnaan ng mga binti niya.
Hindi ba nainitan ang babaeng ito? Naka-jeans pa naman. Kung sa bagay, malamig naman sa pinanggalingan niya.
Nang sinagot niya ako nang sarkastiko, nabatid kong siya na nga iyon. Nayakap ko siya agad. Nabitawan niya ang maleta at yumakap din sa akin nang mas mahigpit. At nagulat ako nang bigla na lang siyang umiyak.
"What's wrong?" tanong ko.
"I hate them all! I hate them all, Maurr!"
Nayanig ako sa narinig. Hate is a strong word. At kanino naman siya galit?
"Wala na akong pamilya sa Amerika, Maurr. Itinakwil na ako ni Mommy." At humagulgol ito. Binitawan ko siya saglit at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Pinaulit ko sa kanya nang dahan-dahan ang mga sinabi.
"Sabi ni Mom, dahil nagpumilit akong bumalik dito I am on my own now. Hindi na niya ako padadalhan ng pera. At wala na raw akong pamilyang babalikan doon. Itinakwil na nila ako ni Ate Emelita! Ang sama ko bang anak para piliing umuwi ng Pilipinas? Ayaw ko ng buhay doon!"
Natigilan ako. I could not believe what I was hearing. Paano nagawa ng mommy niya iyon? She is the baby of the family. Ang alam ko, espesyal ang mga youngest sa isang Filipino family. Kung ganoon mas masidhi ang materyal na pangangailan ni Mrs. Anai para magawang itakwil ang anak nang dahil sa hindi nito nasunod ang gusto niya. Napailing-iling ako.
"I told Todd I cannot continue on working in their goddamn hospital! Ang daming racist doon, Maurr! Hindi lang pala mga kalahi mo ang racist! They come in all colors and all forms. Itim, puti, yellow, mataba, payat, pandak, seksi, name it! Ang akala ng mga nauna na roon ay basura ang mga immigrant! Eh immigrant din naman sila! Nauna lang sa akin ng ilang taon!"
"Calm down, okay? You do not need to tell me everything tonight. You had a long trip. Why don't you freshen up first and rest? Are you hungry? I'll cook something for you if you want."
Umiling-iling siya saka nilingon ang mga bagahe. Tinulungan ko na siyang ipasok ang mga iyon sa loob. Tahimik siyang kumuha roon ng maisusuot at walang pasabing pumasok ng kuwarto ko para makapuntang banyo. Habang pinapakinggan ko ang daloy ng tubig sa banyo habang naliligo siya, napaisip ako sa mga sinabi niya. Nabuhay agad ang protective instinct ko.
Nang narinig kong tumigil na ang pag-andar ng tubig sa banyo, dali-dali na akong lumabas ng silid ko. Nasa harapan na ako ng TV sa living room nang lumabas siya ng kuwarto ko. She was already in her pajamas. Iyon ang kauna-unahang pagkakataong nakita ko siyang nakapajama ng kulay rosas. Lumapit siya sa akin at sumiksik sa tagiliran ko.
"Please hug me, Maurr. I am scared," pabulong niyang wika.
Napalunok ako nang masamyo ko ang mabango niyang shampoo at body wash. Nang yakapin ko rin siya, nakaramdam na naman ako ng ibayong pag-iinit pero pinilit kong itaboy iyon. Sinikap kong ngayong mangibabaw ang simpatiya sa dinaranas niyang rejection ng pamilya. Whatever erotic feeling I feel for her right now can wait some other time. Buti naman at nag-subside ang pag-iinit ko. Nayakap ko siya nang mahigpit at nahagkan pa sa buhok nang hindi naghuhumindig ang aking alaga.
"Don't worry, Eula. I'm here. I will protect you," sabi ko sa kanya.
Napatingala siya sa akin. She searched my face for something. "Totoo?" tanong niya. Her eyes reflected the fear that she was telling me about.
Tumangu-tango ako. "W-wala nang magpapaaral sa akin, Maurr. Ayaw na ni Mommy. Nang ipatanong ko sa registrar kung magkano ang babayaran ko, umabot ng halos isang daang libo pa rin. Saan ako kukuha ng pambayad?"
"I know. They already told me about it. But are your professors willing to take you in though you've been absent for more than the allowed number of absences? You've been gone for six weeks," sagot ko sa kanya.
"Yes. I already talked to them and they understood my situation because it was my dad who died. They just made me promise to work hard so I can cope up with my missed lessons."
"Good. Then, that means we have no problem where your studies are concerned anymore."
Medyo natigilan siya. Lumayo na siya nang kaunti sa akin this time. She curled her legs on the couch and in almost a whisper asked if she could borrow money from me to pay for her tuition fees. Hinila ko siya palapit sa akin at hinagkan sa pisngi.
"You do not need to. I will gladly pay for them. After all, I'm your husband, right?"
Napanganga siya sa akin at bigla na lang tumili nang matinis. Hinagkan niya ako nang matunog sa pisngi saka sumiksik na sa kilikili ko. I laughed at her.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top