CHAPTER TWENTY
Hindi ko alam kung paano kami nakapagpigil ng aking asawa nang bisitahin niya ako sa sarili kong condo. Gusto ko na talaga siyang gahasain. Palagay ko ay nagpipigil lang din siya. Ramdam ko kaya ang pagtusuk-tusok ng kanyang alaga sa tiyan ko. Kaso nga lang nang tahasan kong idiin doon ang pusod ay umatras siya agad na para bagang napaso. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at sinabing nakikisimpatiya siya sa akin. Hwag daw akong mag-atubiling humingi sa kanya ng tulong kung kinakailangan. After saying that he left my condo.
"Pota!" sigaw ko naman sa kawalan nang wala na siya.
Ang init ng ulo ko ay sing init ng katawan na napukaw ni Maur at hindi binigyang pansin. Ano ba ang problema niya? Kasal naman kami kahit na sa pangalan lang. At willing victim ako! Willing victim! Susko! Dilig na dilig na ako! Grrrrr!
Tumakbo agad ako sa ibabaw ng mesa nang makita kong nag-vibrate ang phone. Nanginginig pa ang kamay na sinagot ko ito sa bedroom voice ko. Ganoon na lamang ang dismaya ko nang marinig ang tawa ni Felina. Kung kaharap ko siguro si Taba ay nasapok ko na siya. Hindi na nga ako dinamayan kagabi'y heto't tila pag-iinitin pa ang ulo ko.
"Mukhang may expected call tayo, ah," komento nito sabay hagikhik uli.
"Tigil-tigilan mo ako, ha? Mainit ang ulo ko. Ikaw lang ang hindi nagpakita rito kahapon!"
Nagbago agad ang boses ni Taba. I could sense her deep pain when I heard her say in monotonous voice, "Pinal na ang paghihiwalay ng parents ko, Eula. Na-approve na ang annulment nila. And Dad is planning to marry her twenty-year old girlfriend!"
At humagulgol na nga ito sa telepono. Nayanig ang pagkatao ko. Na-guilty din ako sa paraan ng pagsagot ko kanina sa kanya. Hindi ko na tuloy alam kung paano siya i-comfort.
"Hoy, ano ba! Huwag ka ngang ganyan, Felina. Please. At least, your parents are both alive."
"Ha? Namatay na ba ang daddy mo?! Ang sabi sa akin nila Shane at Keri he was just in coma!"
Nilayo ko ang cell phone and frowned at Felina's profile pic on my phone. Saan ba nito napulot ang ganoong conclusion? Hindi pa namamatay ang daddy ko'y pinapatay na niya.
"What I am saying is, at least hindi nag-aagaw-buhay ang dad mo! Nakakainis ka! Baka dinggin ng universe ang mga sinabi mo't tuluyan na si Dad."
Eksaherado itong napabuntong-hininga. "That's good news, Eula. O, siya. I have to go. I just called you up to say I sympathize with you. Sorry kung hindi ako nakarating. Dinamayan ko kasi ang mommy ko. She was just devastated."
"Okay. Ingat ka."
Unlike before na naghihintayan kami kung sino ang unang mag-off ng call sa messenger, this time hindi pa tapos ang pamamaalam ko'y nag-end call na siya agad.
Hay, Felina. Kainis ka. Hindi bagay sa iyo ang naghihinagpis. Pinapalungkot mo ako!
**********
I took a cold shower when I got home. Grabe kasi ang pakiramdam ko. Nag-init ang buo kong katawan. Kahit nga ngayong nakatapat na sa malamig na tubig ang ano ko'y nakatayo pa ring parang handang sumalakay ng kalaban. I held and caressed it. Suddenly, Ms. Anai---Eula's angelic face came into my head. Ramdam kong pareho kami ng nararamdaman kanina at kung binigyan ko ng pagkakataong ma-express niya iyong kanya ay baka kung saan kami nakarating. Subalit ayaw kong bigyan ng komplikasyon ang relasyon namin. Mahirap na. Ilang buwan na lang naman ang pananatili niya sa Pilipinas. Nakausap na ako ng mommy niya about it. In fact, even I was offered a place to stay in the States. Tutulungan din daw akong maghanap ng trabaho kung gusto kong sundan ang aking asawa. Ngunit wala iyon sa mga plano ko sa buhay. Migrating to America is the last thing I want to do.
Biglang naghumindig na naman ang ano ko the moment I touched it. Napapikit ako. I felt so frustrated. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko malalabanan ang ganitong damdamin. Sinikap ko na lang na alisin sa isipan ang imahe niya. I have to. I need to. Or else baka bumalik ako sa condo niya't pagbigyan ang damdamin namin pareho.
I felt a lot better after soaking my body in a cold bath. Pero pagdating ko ng kuwarto, nang makita ko ang missed call niya at isang unread message, kung anu-ano na naman ang naisip ko.
"Maur, I cannot go back there tonight. I'll stay in my place for a while."
Though that was the best thing to do, medyo nakaramdam ako ng dismaya. Siguro dahil at the back of my head, I was somehow expecting that she will come to me and be extra naughty. Baka this time, I will throw caution to the wind.
Dahil puro si Ms. Anai---Eula ang nasa isipan ko, I ran to the door when I heard the bell ring. Hindi ko na nga natingnan ang maliit na butas sa pinto to check who my visitor was dahil sa pagmamadali. Kaya I was a bit disappointed ng pinsan ko lang pala ang nandoon.
"Annette said you are planning to file for an annulment soon. Is that right?" deretsahan nitong tanong sa akin sa lenggwahe namin.
Hindi ako sumagot. Instead, I went straight to my kitchen and grabbed two cans of Carlsberg. I gave her one. She looked a bit haggard. Ano kaya ang pinagkaabalahan nito at tila napabayaan na ang sarili? Mukhang pasan pa ang daigdig. Though she was trying her best to show a nonchalant expression, nakikita ko pa ring she's in deep pain.
"What's up?" tanong ko.
She stared at the wall. Then, looked at the can of beer I gave her. Ang lalim ng iniisip niya.
"I am leaving for Reykjavik in a couple of weeks. I have already completed all my academic requirements for the completion of my exchange program in the university."
"Congratulations!" bati ko agad. At pinangunutan ako ng noo. Hindi ba dapat masaya siya?
Naupo na ako sa tabi niyasa sofa at tiningnan siyang mabuti.
"What's wrong? Why aren't you happy?"
Pinangiliran siya ng luha. "I'm pregnant, Maurr. And I felt he didn't want the baby."
I was speechless. Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang balita. Should I rejoice? Blessing naman kasi ang baby kahit ano pa ang sitwasyon ng ina para sa akin. Pero mukhang hindi ganoon ang pakiramdam ng pinsan ko.
"C'mon, Lilja. If he doesn't want your baby, so what? You are not the first single mother in the universe. It's all right!"
"That's not the problem, Maurr! I want the father of this baby to care about me!" At pumiyok na siya. Humagulgol siya sa balikat ko. "I want Drae to give me the same love and respect as he gives your fake wife."
Nailayo ko siya agad sa akin. Gulat na gulat ako. "Drae--- Eula's Drae is the father?!"
Tumangu-tango si Lilja. Napakuyom naman ang mga palad ko.
"I thought you had an Icelandic boyfriend?"
"We broke up last year. I told you that, I think."
"Does Drae know about this?"
Tango uli ang sagot ni Lilja. "And he said he doesn't want the baby?"
"Uhm, not really. But he was pretty worried---about your wife. We didn't talk much about us because he was worried about your wife! He said that fake wife of yours is undergoing a very difficult phase in her life right now. This is all your fault, Maurr!"
"What?" pakli ko. Gulat na gulat. Paano ko naging kasalanan?
"If you had been a lot faster with that wife of yours, then Drae and her wouldn't have a chance to move forward with their feelings for one another."
"Wait. I cannot understand you. Drae and Eula are just friends!"
Iyon ang sinabi sa akin ng mga kaibigan ni Eula. At iyon ang gusto kong paniwalaan kahit na sa loob-loob ko'y parang naniniwala ako sa paratang ni Lilja.
**********
I was trying to comfort Drae when all of a sudden I heard Maurr's voice. Hindi galit, pero mukha namang hindi rin natutuwa. Stoic-faced siya habang may sinasabi sa akin na hindi ko agad naintindihan dahil yakap-yakap ko ang problemado kong kaibigan. Pinagtinginan nga kami ng mga nagkakapeng estudyante at guro sa Starbucks sa harap ng school.
"Ha? Ano ba ang mino-monologue mo riyan?" may himig pagbibirong tanong ko kay Maurr.
"I said I want to talk to you about something."
He eyed Drae a little coldly. Napakurap-kurap nga ang kaibigan ko rito.
"Hello po, Sir Halvorsen," bati lang dito ni Drae. At hindi na masyadong pinansin ang aking asawa. Parang mayroong sekretong alitan ang dalawa. Wish ko lang na dahil sa akin. Pero mas malamang siguro na tungkol sa pinsan ni Maurr na si Lilja.
"Ano ba ang dapat nating pag-usapan na hindi makakapaghintay? My friend is in trouble, eh."
"I will wait for you at our place," malumanay nitong sabi pagkatapos ay walang pasabing lumabas na ng Starbucks.
Our. Hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko. Nakadagdag iyon sa excitement kong naramdaman. Siyempre, naintriga rin ako. Parang napakaseryoso naman kasi ng aking asawa nang sabihin na mayroon kaming dapat pag-usapan.
Kahit na ayaw kong iwan si Drae sa ganoong sitwasyon na problematic, nanaig ang curiosity ko kung ano ang dapat naming pag-usapang mag-asawa. Kaya hinalikan ko sa pisngi si Drae at kunurot pa sa pisngi bago tila excited na nag-skip palabas ng Starbucks.
Lakad-takbo ang ginawa ko papunta sa condo namin. Pagdating doon, nakabihis na ng gray na jogging pants at puting t-shirt si Maurr. Palagay ko'y kaliligo lang niya dahil naamoy ko agad ang shower gel niya.
He looked at me with a strange kind of seriousness na hindi ko mawari. Ano ang problema nito? Akala ko'y nagkaintindihan na kami nito.
Susko naman! Ano na naman ang drama mo, Nonoy?
"Wait, Maurr. I will just take a shower. It's so init outside, eh."
Bago pa siya makasagot ay tumakbo na ako papasok ng silid ko at naghalungkat ng maaari kong isuot. Kailangan kong magpaganda. Mukha kasing sa kabila ng kanyang pangangailangang pisikal ay may pumipigil pa rin sa kanyang makipag-loving-loving sa akin. Palagay ko, minsan ay natu-turn off siya sa hitsura ko. I have to admit, hindi naman kasi katurn-on-turn-on ang get up ko nitong mga nakaraan. Sino ba naman ang gaganahan sa gutay-gutay na t-shirt? Hindi ko lang matapun-tapon iyon dahil feel kong isuot ang punit-punit na top when I sleep. Presko kasi.
"Miss, Anai---Eula. We have to talk first. Don't take a shower yet," pahabol pa sana nito, pero mabilis akong nakapasok ng banyo. Narinig ko pang sinundan niya ako hanggang doon. Na-excite ako. Tila sinilihan pati singit ko.
"Yes, Maurr?" nakangiti kong tanong habang binubuksan nang kaunti ang pintuan. Nagtago ako sa likod nito dahil nakahubad na ako ng blouse at pants. Pati panty at bra ko ay naitabi ko na rin kasama ng mga pinaghubdang damit.
Natigilan siya. His hand was about to knock on the door again when it froze upon seeing me.
"I said, we need to talk first."
"Okay, shoot. Magsalita ka lang diyan at pakikinggan kita."
"Can you come out here?" tila impatient nitong utos.
"Maurr, naka-burles na ako! Ayaw ko nang isuot pang muli ang nahubad kong panties at bra! It's so kadiri na ang mga iyon. Mapanghi na rin---,"
"That's too much information, Ms. Anai!" nayayamot nitong sagot. Tiningnan pa ako nang masama bago tumalikod at lumabas ng kuwarto.
Damuhong ito. Bakit Ms. Anai na naman?!
Sinara ko nang malakas ang pinto ng banyo. Dahil naiinis, kinuskos ko nang kinuskos ang katawan. Namula ang mga hita ko sa tindi ng kuskusan. Natigilan ako kung kaya naging banayad na ang sumunod kong aksiyon. Lalo pa't kailangan. Keps ko na kasi ang hinuhugasan ko.
Kakanta-kanta na sana ako nang napansin kong parang gumaan masyado ng kabibili ko lang na Lactacyd. Tinaas ko nga ang bote at inaninag kung hanggang saan na lang ang laman niyon. At napanganga ako nang makitang halos nangalahati na ito.
"Maurr! Bakit mo pinapakialaman ang mga feminine wash ko?!" galit kong sita sa imaginary face ng damuho sa tapat ng shower.
Napaisip ako. Napagkamalan kaya itong shampoo ng loko-loko? O baka inisip niyang bagong facial wash?
Napangisi ako habang iniisip si Maurr na nagsa-shampoo gamit ang Lactacyd ko. Lalo akong napabunghalit ng tawa ng pini-picture out siyang naghihilamos no'n.
Nagda-dry na ako ng katawan nang may kumatok na naman sa pinto ng banyo. Minadali ko ang pagpupunas saka pagtali ng bathrobe sa baywang at pinagbuksan ko ang damuhong parang gigibain na ang pintuan.
"Bakit na naman?"
He eyed me suspiciously. Tumingin pa sa likuran ko.
"I heard you called my name. What's the problem again?"
Imbes na sagutin siya, bumalik ako sa tapat ng shower at kinuha sa mounted tray doon ang bote ng Lactacyd.
"Magsabi ka nga nang totoo. Nakikigamit ka ba ng feminine wash ko?"
Napabuka ang mga labi niya sa gulat. Tila sasagot agad ng something when he stopped himself. Pakiramdam ko nga, ginamit niya nga iyon!
"Don't deny it. Look. Kabibili ko lang nito at ilang days na wala ako rito pero bakit halos nangalahati ito? Isa lang ang lohikal na paliwanag dito. It's either you used it as a shampoo or facial wash o baka pinag-wash mo rin ng ano mo."
Gusto kong matawa sa ekspresyon niya sa huli kong sinabi pero nagpigil ako. Tila naeskandalo kasi siya sa sinabi ko. I tried to have a straight face. Pero ang hirap.
"Why the hell would I use that?"
"Eh bakit nga nangalahati halos?"
"I dropped it on the floor one time while I was grabbing my stuff. It spilled."
"Weh?" pakli ko. Imposible namang it spilled. Ang tight kaya ng pagkakasara ko nito noon.
"I have already told you. Keep your stuff inside the cupboard."
"Eh kasi naman! Ang hirap-hirap kapag naliligo at nakalimutan kong kunin sila sa cupboard. Kailangan ko pang maglakad ng kung ilang steps to grab them. Consideration naman sa maganda mong misis! Kainis ka!"
At nilampasan ko na siya. I was about to go straight to my room when he grabbed my hand. Ikinabigla ko iyon. Muntik pa akong sumubsob sa dibdib niya.
"Maurr, ano ba? Ikaw rin. Wala akong suot underneath this bathrobe. Gusto mong makakita ng burlesk queen?"
Binitawan niya ako at lumayo siya sa akin. Tumalikod pa. Naalala ko tuloy ang mga sinaunang pelikula kung saan ang bidang babae at lalaki ay bigla na lang magtatalikuran at magpapaulan na ng, "Sapagkat...datapwat...subalit..."
Nakangisi ako habang ini-imagine ang mga sinaunang artista ng pelikulang Pilipino nang bigla na lang siyang nag-about face. He scowled at me. Siguro nagtataka na naman kung bakit ako nakangisi. Kailangan ko pang magpaliwanag. He didn't seem to believe me but he didn't pursue the topic. Hinayaan na lang na ganoon ang katwiran ko.
"Get dressed and come to the living room." Iyon lang ang sinabi niya at nauna na sa akin sa labas.
**********
My cheeks were still a bit hot although it was already minutes after Eula confronted me with that Lactacyd thing. I couldn't bring myself to admitting it to her that I once mistook it for a shampoo and a facial wash. Kasalanan din niya. Kung bakit doon pa isinisiksik sa mga gamit ko pampaligo.
Pinaandar ko agad ang TV nang maramdamang lumabas na siya ng kuwarto niya. Ayaw kong isipin niya na naghihintay lang ako sa kanya all along.
"Okay, Maurr. What is it? It must be urgent or else you wouldn't make me cut short my moments with Drae," sabi niya in a very casual tone. As soon as I heard his name, I clenched my fists. I had to hide it behind me para hindi mapansin ni Ms. Anai, I mean ni Eula.
Napabuntong-hininga ako at hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa.
"Lilja is pregnant," walang kagatul-gatol na sabi ko.
Siya naman ngayon ang napabuga ng hangin. I looked at her and she seemed okay with it. Wala ang eskaheradong pagsisigaw na reaksiyong inisip kong maging reaction niya. Napaisip tuloy ako. Ibig sabihin lang nito, she knew. But she seemed okay with it!
"Iyan nga ang pinoproblema ni Drae, eh. Nabuntis niya raw ang malandi mong pinsan. I mean iyong pinsan mo nga."
Tiningnan ko at sinipat ang kanyang mukha. She didn't look worried or angry about it.
"Aren't you going to be mad?"
Tumawa siya. "Siyempre, nainis ako kay Drae! Hindi ako boto sa pinsan mo para sa kaibigan ko. But then, I am not Drae's mother. Tsaka matanda na iyon. Alam na niya ang ginagawa niya. Kaso nga lang nalulungkot ako't tila gusto ng babaeng iyon ay sundan siya ni Drae sa lugar n'yo na hindi nga namin mabigkas-bigkas nang maayos."
"Reykjavik," tinatamad kong pagsabi for her.
"Iyan! Yes, that's the place! Ni-research namin pareho iyon ni Drae at susko! Sobrang lamig pala sa birthplace mo, Maurr. No wonder, malamig ka rin."
Nakangisi siya nang sinabi ang huling pangungusap. Dahilan para simangutan ko na naman.
"Who's Drae in your life?" tanong ko nang walang preno-preno. I need to know. I want to know.
"Huh? Saan naman galing ang tanong na iyan."
"Just answer my question. What is his role in your life?"
"Kaibigan. Kaibigang lalaki. Ano pa ba ang role niya?"
"My cousin saw you guys kissing many times. So you mean---friends with benefits?"
Nanlaki ang mga mata niya. Parang sobrang nabigla. She frowned at me. May gumuhit pang pait sa mukha niya na kaagad namang nawala dahil tila pilit niyang itinago. I felt she was trying to control her emotions.
"Sa tingin mo, ganoon ako kababang babae?" tanong niya sa akin sa mahinang tinig.
Hindi ako sumagot. Nakipagtitigan lang ako sa kanya. Before I knew it, she slowly moved towards me and placed her hands on my nape. She closed her eyes, then gently put her lips on mine. My head immediately said, push her away. But my arms seemed oblivious to it. Imbes na itulak ko si Eula, nayakap ko pa ito nang mahigpit habang tinutugon ng init sa init ang umaalab niyang mga labi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top