CHAPTER THIRTY-TWO

A/N: Please read while it's free. Soon this will be deleted here. Thankie!

**********

Ilang araw na lang at aalis na patungong Reykjavik si Maurr kung kaya sobrang busy na niya. Ni hindi na halos kami nag-uusap dahil palagi na lang itong nakakulong sa kuwarto. Lumalabas na lamang kung papasok sa university. Na-miss ko siya kahit araw-araw kaming magkasama sa condo. Iba kasi noon. At least kahit nagbabangayan kami'y marami kaming interaction. Ngayon? Nah. Buti pa nga ang money plant sa veranda nakakausap ko araw-araw. Siya? Naku!

Napalingon ako mula sa pagpupunas ng center table sa living room nang marinig kong may kaluskos sa bandang labas lang ng kuwarto niya. Si Maurr-to pala. Mukhang kararating lang mula sa eskwelahan. Suut-suot pa kasi ang sunglasses. Kahit bwisit ako sa hayop na ito sa tuwing nakikita kong naka-dark glasses nae-excite ako bigla. Lalo kasi siyang gumagwapo. Bagay na bagay sa kanya ang magsalamin ng ganoon. Daig pa niya ang artista. Iba talaga ang nagagawa ng may matangos na ilong. Kung bakit bigla kong naalala ang barangay tanod sa kanto na halos butas na lang ng ilong ang kita kapag nag-sunglasses pero akala mo kung sinong pogi kapag suut-suot iyon. Nang nag-flash ang imahe no'n sa isipan ko'y bigla na lang akong natawa. Sakto namang dumaan si Maurr papuntang kusina. Napa-double take siya sa akin.

"You seemed to be in high spirits," komento nito sa walang kabuhay-buhay na tinig.

"I just remembered something funny," sabi ko.

Nagtaas nang bahagya ang isa niyang kilay bago dumeretso sa kusina. Pagbalik nito'y may dala-dala nang dalawang lata ng Carlsberg. Binigay niya sa akin ang isa.

"Oh no. I'm not drinking this time. Thank you though," tanggi ko.

Napakurap-kurap na tila baga'y may sinabi akong hindi kapani-paniwala. Kung sa bagay. Noon kasi'y halos nakikipagkompetensya ako sa pag-inom sa kanya. Katunayan, may mga pagkakataong tiningnan niya ako nang masama dahil isang gabing gusto niyang uminom ng beer ay wala siyang mapulot sa fridge. Naubos ko. Iyon ang panahong gigil na gigil ako sa kanila ni Ms. Suarez. Nagdutdutan na kami't lahat kung bakit hinahayaan pa ang babaeng iyon na lumandi sa kanya. Nakakaimbyerna lang.

"My sister might drop by anytime next week. Around Tuesday or Thursday. She will be staying here for a night before she leaves for Reykjavik."

"What does she look like?" tanong ko.

"She's the one---wait. Where are the photos?"

Napatingin ako bigla sa ibabaw ng dalawang maliliit na corner table sa magkabilang dulo ng sofa. Wala na roon ang mga photo frames niya. Niligpit ko kasi kahapon pa ang mga iyon. Kapag tinitingnan ko kasi ang dalawang babaeng naroroon, parang gusto ko silang sabunutan. Ang bata-bata ay mukhang flirt. Ang medyo may edad na'y mukhang super trying hard magmukhang bata.

"Oh! Those photos!"

Kinuha ko sa drawer ang dalawang photo frame at patay-maling binalik sa kinalalagyan.

"I forgot to return them. Naglinis kasi ako, eh," pagsisinungaling ko.

"That one is my sister. She doesn't look any different from that one," pahayag nito sabay turo sa larawan na matagal ko nang kinaiinisan. Ang akala ko kasi'y iyon ang ex-gf niya sa Iceland!

"That's your sister?!" pagkompirma ko pa. Hindi makapaniwala.

"Yeah," pakli niya sabay tungga na sa natitirang laman ng Carslberg.

Gusto kong sumayaw sa tuwa. Ang buong akala ko all this time ay ex niyang hindi malimut-limotan kung kaya naka-display pa talaga roon. Sino ba ang mag-aakala na magkapatid sila? Hindi sila magkamukha. Brunette ang babae at mukhang darker ang skin. Siguro iisipin lang na may kaunting dugong banyaga. Itong kulugong ito kasi'y parang purong puti sa biglang tingin.

Kung kapatid niya ang younger girl, sino naman kaya ang older one? Huwag niyang sabihing nanay niya iyon? Sa pagkakaakala ko sa mommy niya mukhang tsinita iyon. Ang babae sa photo frame ay may malaking mata. She looked Hispanic, too.

"And that woman?" untag ko.

"My grandma," kaswal na sabi lang saka tumayo.

"Your grandma? No way! She cannot be your grandma! She's way too young!"

Nangunot ang kanyang noo. Napatingin pa sa larawan ng lola. "That's an old picture of her. Taken when she was just sixty years old."

Napanganga na ako. Sixty years old?! Ang tingin ko kasi sa babaeng nasa larawan ay mga nasa late forties lang.

Ngumiti nang mapakla si Maurr. "That's my amma (grandmother). She's a real beauty," sabi pa nito sa proud na proud na tinig na may halong lungkot. Naantig naman ang damdamin ko. Pero bago ko pa maipakita ang pag-aalala ko sa kanya'y nakahakbang na siya papuntang kusina.

Grabe. In just a few minutes ay naubos niya ang dalawang lata ng Carlsberg. Ano kaya talaga ang sakit ng lola no'n? Bakit parang sobrang pasan niya ang daigdig?

I have to be honest, hindi ko siya lubusang nage-gets. Bata pa kasi kami ni Ate nang parehong mamatay ang mga magulang nila Mommy at Daddy. Halos ilang taon lang ang pagitan. Ang naalala ko lang sa kanila'y ang mga trips papuntang Cavite tuwing wala nang pasok sa school noong elementary days namin. Pareho kasing Caviteño ang mga magulang ko. Magkakapitbahay pa kung kaya sa tuwing uuwi kami roon ay pareho namin silang nabibisita. Hindi gaya ng ibang bata, hindi kami masyadong malapit ni Ate sa kanila. Siguro dahil hindi maganda ang narinig naming kuwento tungkol sa kanila. Bukambibig kasi ni Mom na pinabayaan lang daw siya noong kanyang kabataan. Kung hindi nga raw dahil sa scholarship baka hindi nga raw siya nakatapos ng college. Dad had a similar story, too. So how could we be sweet to their parents? Siyempre, dahil dinedma sila halos nila Mommy at Daddy at paminsan-minsan lang binibisita, hindi kami nagkaroon ng pagkakataong makipag-bonding sa kanila nang husto.

Pagbalik ni Maurr mula kusina, may bitbit na naman siyang beer. This time San Miguel light naman. Dalawang bote rin. Susko! Ano ba ang plano nito? Magpakalasing?

"You've been drinking a lot," komento ko.

Nagkibit-balikat siya sabay bukas ng TV. Nagpalipat-lipat siya ng channel hanggang sa mapunta sa isang football game. Nawala na ang atensyon niya sa akin nang mag-start na ang laro. Ni hindi nga sumagot nang magpaalam na ako para bumalik sa sarili kong silid. Ang sarap kutusan!

**********

Napatingin na naman ako sa banyo sa pagitan ng kusina at living room. Kararating ko lang from the university at imbes na magluluto sana ako ng pananghalian ay hindi ako natuloy. Paano kasi nadatnan kong nagsusuka na naman si Eula. Tapos may nakita akong karton ng large size pizza hut sa ibabaw ng center table. Nang buksan ko iyon, wala nang laman kundi mumunting crumbs. Napailing-iling ako.

"Eula? Are you all right?" tanong ko habang kumakatok sa pintuan ng CR.

Natigil saglit ang pagsusuka niya tapos nakarinig ako ng pag-flush ng toilet bowl. Mayamaya pa nang kaunti, hayun na naman. Hindi ko na pinilit na pagbuksan niya ako. I went to the kitchen and got her a glass of water.

"Eula? Will you please open the door?"

Binuksan naman niya ang pintuan at humandusay na sa sahig. Natapon ang laman ng basong hawak ko dahil inuna ko siyang alalayan bago ibigay ang baso ng tubig.

"What happened to you?"

"There's fvcking garlic and onions in that goddamn pizza! Bull shit!" daing niya.

Naalala ko, bwisit na bwisit nga pala siya sa amoy ng onions pero naubos pa rin ang isang large pizza size?! Matindi!

Pina-sip ko siya ng tubig. Nakailang lagok bago niya tinulak palayo. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Nilapag ko na lang muna ang baso sa sahig saka binuhat ko siya at dinala sa kanyang silid. I took her body temperature at normal naman. Pinunasan ko rin ang pawis na pawis niyang noo at pisngi.

"How do you feel now? Do you want to chew something sweet?" alok ko.

Tumangu-tango siya kung kaya dumukot ako ng isang matamis na kendi sa bulsa, binalatan iyon, at binigay sa kanya. Tapos, hinagud-hagod ko siya sa noo.

"If you do not feel any better in a few minutes, I'll take you to UST hospital."

"No!" mariin niyang tanggi. No'n lang siya dumilat. Nagtangka pa nga sanang bumangon para ipakitang okay na siya pero pinigilan ko.

"Okay lang ako, Maurr. Huwag kang OA, please? Sumama lang ang pakiramdam ko sa kinain ko kanina. Marahil ay---"

"Why the fvck did you eat all of those pizzas? For sure, you had indigestion again."

"I didn't eat anything for breakfast so I wanted to make up for it."

"Oh man! You should have known better."

Napailing-iling ako. Bakit ba kasi parang nagmu-mukbang ang babaeng ito these last few days? No'n ko lang naisip na hindi ko pala siya nabigyan ng baon. Baka ginugutom nito ang sarili sa school kung kaya parang nagte-take advantage kung mayroon nang food. I felt so guilty. Napadukot agad ako ng ilang libong piso sa wallet mula sa bulsa.

"Ano iyan?" tanong niya habang papikit-dilat.

"I forgot to give you your allowance for the week. Sorry. I was so busy that it slipped my mind."

Umiling-iling siya. "No need, Maurr. May pera na ako."

"Na? What do you mean? Did your mom send you any money?"

Umiling din siya uli.

"Then were did you get them?"

Napahugot siya ng malalim na hininga. "I sold some of my bags."

Napasulyap ako bigla sa cabinet sa tabi ng kama niya. May dalawang bakanteng espasyo na roon. Dati-rati'y puno iyon ng kanyang mga mamahaling bags. Alam ko kung gaano iyon ka espesyal sa kanya. Pinasadyaan pa niyang pagawan ang mga iyon ng cabinet na kristal ang nasa harapan. Para ipagbili niya ang tinagurian niyang mga 'babies' siguro'y masidhi ang pangangailan niya sa pera. I felt so sorry for her.

"Next time, when you need something tell me."

Tumangu-tango siya.

Tumingil ako sa paghagud-hagod ng noo niya nang mag-ring ang kanyang cell phone na nasa ibabaw ng bedside table. Nang makita ko ang pangalan ng basketbolista niyang kaibigan, nagpaalam na akong lumabas ng silid.

**********

Sabi ni Maurr huwag ko na raw siyang ihatid sa NAIA. Kaya na niya. Alam ko naman iyon. Pero gusto ko pa ring sumama. Nais kong mayakap man lamang siya bago siya umalis nang maiparamdam ko sa kanya ang init ng aking pagmamahal.

"Stop crying, please," utos ni Maurr habang sumusuot ng dark sunglasses niya.

Pinigilan ko ang paghikbi at mabilis kong pinahiran ang mukha.

"Sana maalala mong may babalikan ka sa Pilipinas."

Ngumiti si Maurr. "Of course. Don't worry. I will only be there for a few weeks. Probably around fourteen days to be exact. I will be here in the New Year."

"Pangako iyan, ha?" ungot ko pa.

Nagseryoso na ang mukha niya. He kissed my forehead and said goodbye before he went inside. Gusto ko sanang sundan siya sa loob, pero pinigilan niya ako. Katunayan, halos ipagtulakan na ako sa naghihintay na grab car. Umuwi na raw ako't magpahinga. Isipin mo iyon? Ayaw na niya akong kasama! He cannot wait to be rid of me! Gusto ko na namang umiyak, pero nagpigil ako.

"Okay. Ingat ka," sabi ko na lang at tumalikod na.

Hindi na ako naghintay ng isa pang yakap sa kanya. Useless naman, eh. Para ngang hindi niya na-appreciate ang presence ko roon. Nakakainis!

Pagpasok na pagpasok ko sa loob ng grab car, napahagulgol ako. Nagulat ang driver, pero hindi naman nagsalita. Inabutan lang ako ng tissue. Tinawagan ko si Keri. Hindi niya sinagot ang una kong tawag. Maging ang pangalawa. Si Shane naman ay cannot be reached.

Punyeta! Pati ang dalawang iyon ay tinikis ako. Bwisit! Buti na lang at libre si Felina. Nakadalawang rings pa lang ang tawag ko nang sumagot ito.

"Oy, okay ka lang? Ngayon ang alis ni Sir Maurr, di ba?"

"Oo. Hinatid ko nga."

"Do you want me to go to your condo later on?"

"Hindi ba nakakaabala sa iyo?"

Humalakhak si Felina. May maganda raw naidulot ang pagbubuntis ko. Naging considerate at mahiyain ako bigla. Kung dating Eula raw iyon, tiyak na pagagalitan raw siya kung hindi man lang mag-volunteer bumisita.

"Thank you, Taba," nakangisi kong sabi bago nagpaalam.

Pagdating ko nga sa amin, nasa building na si Felina at nakikipaghuntahan sa guwardiyang nakatalaga roon nang mga sandaling iyon.

"Kumusta ka? Pregnancy makes you look blooming. Hiyang na hiyang ka, ha?"

Kinurot pa ni Felina ang magkabilang pisngi ko.

"O, anong sabi ni Sir Maurr nang sinabi mong buntis ka?"

Hindi ako sumagot lalo pa't alam kong nakikinig ang tsismosong gwardiya.

"Hindi niya alam," matamlay kong sagot nang nasa condo na kaming dalawa.

"Ha? Akala ko ba'y nagkasundo na tayong apat na bago umuwing Iceland ni Sir Maurr ay sasabihan mo nang buntis ka?"

"Kanina sana before he goes for boarding. Kaso nawalan ako ng lakas ng loob. Baka kasi kung sasabihan ko'y --- baka alukin niya ako uli ng kasal."

Napangisi si Felina. "Hanep ka rin namang mag-isip, ano?"

"I'm serious, ano ba! Ang kasal na ibig kong sabihin ay ang sa simabahan. Baka yayain niya akong magpakasal na kami sa simbahan dahil lang sa bata. O kung wala siyang ialok sa akin baka lalo lamang akong mag-self-pity."

"Kung sa bagay. Mas mainam na ma-realize muna niya ang damdamin sa iyo bago niya malaman ang tungkol riyan"

Nag-ballet-ballet si Taba nang makarating ng living room. Habang umiikot-ikot siya roon biglang bumukas ang pintuan ng banyo na malapit roon at niluwa ang babaeng ayaw ko sanang makita nang mga sandaling iyon. Ang mommy ni Maurr!

"Good afternoon, Mom---," naputol kong bati.

"Mrs. Halvorsen," pagtatama nito agad.

Napatikhim si Felina.

"Mrs. Halvorsen," pagsunod ko naman sa kanya. "Maurr didn't say anything about you dropping by. I---I didn't expect you here today."

"Is that why you're bringing visitors to my son's place without asking his permission?"

Paano nito nalaman?

The old Eula would have answered back. Katunayan, medyo nagtatalo nga ang old and new version of my self. Gusto ko siyang sagut-sagutin, pero pinaalalahan ko ang sarili na ang masungit na babaeng ito'y lola ng baby sa sinapupunan ko.

"I will be staying here while my son is not around," mariin nitong sabi. May binulung-bulong pa sa lenggwaheng wala akong naintindihan saka naupo sa sofa. Tinaas niya ang dalawang paa sa ibabaw ng center table at nagsindi ng sigarilyo. Naalarma agad ako. Kasi alam kong may fire alarm sa loob ng condo. Kung makaamoy iyon ng usok mula sa sigarilyo ay tiyak iyong tutunog. Kaya kahit ayaw ko siyang sawayin ay napilitan ako.

"Who the fvck do you think you are?" At nagsindi nga siya ng sigarilyo doon mismo sa sala. Nagkatinginan lang kami ni Felina.

Mayamaya nang kaunti, tumunog ang sirena. Nahagip ng fire alarm ang usok mula sa kanyang sigarilyo. Nag-panic ito. Hindi magkandatuto sa pagpatay sa sigarilyo at hindi malaman kung saan na ilalagay iyong halos hindi pa nangangalahati niyang Philip Morris.

Bahagyang tumawa si Felina. Tumalikod nga ito para hindi maging halata. Ako ma'y napangisi na kaagad na nabura nang may sunud-sunod na kumatok sa pintuan namin. Ang guwardiya ng gusali.

"Ma'am, kumusta po kayo riyan?"

"Sorry po, Kuya. False alarm po. Tiningnan ko lang kung gumagana." Ang fire alarm ang ibig kong sabihin.

Tumingin ang guwardiya sa loob from above my head.

"Nag-ismoke na naman ho ba si Mrs. Halvorsen?" tanong nito agad.

Mariin naman itong pinabulaanan ng mommy ni Maurr. Ganunpaman, mukhang hindi naniwala ang guard. Palagay ko nga gawain na ito ng babae roon. At baka may record na siya kung kaya kahit na Inenglis-Ingles na si Kuya ay nagbigay pa rin ito ng warning sa kanya.

"Sorry po, Mrs. Halvorsen. Building rules. No smoking inside the unit."

"Fvck you!" sigaw nito sa guard.

Napakislot kami pareho ng kaibigan ko sa gulat. Dumagundong kasi ang boses niya. Buti na lang dumating nang mga oras ding iyon si Mr. Halvorsen. Ito ang humingi ng paumanhin sa guwardiya at sa akin. Tapos pinilit niyang sumama na sa kanya ang asawa.

"Whoah! Pambihira naman ang mother-in-law mo! Obviously, kay Dad nagmana si Sir Maurr."

"Oo nga."

Nang maalala ko na naman si Maurr, nalungkot ako.

**********

Nanginig ako paglabas ko ng airport namin. Naka-sweater na nga ako no'n at makapal na winter jacket. Dati-rati'y okay na ako sa dalawang layer na suot, pero this time I felt like freezing. Nasanay na siguro ang katawan ko sa init na klima ng Pilipinas.

Lolo ko ang sumundo sa akin. Pagkakita ko sa kanya, nakaramdam ako ng kung anong warmth. Naalala ko nang maliliit pa kami ni Annette at pinapasyal-pasyal kami nito sa kahit saan namin gustong pumunta. My lolo now has a lot of gray hair.

"Kumusta, apo?" bati niya sa akin sa Icelandic.

We then hugged. Nakita kong pinangiliran siya ng luha. Kinumusta rin agad ang daddy at mommy.

"They're all doing well," sabi ko.

May kumudlit na kirot sa mukha nito bago ngumiti. Nagsabi pang kahit daw may sakit na ang ina ay parang ayaw pang bumalik ng Iceland ni Dad. Nawiwili na raw sa Pilipinas.

"They will come with Annette next week," balita ko.

Pagkasabi ko niyon tila kumislap ang kanyang mga mata. Nagawa nang magtanong-tanong tungkol sa lovelife ko sa Pilipinas. Sigurado raw siya na ang dami ko nang pinaiyak sa Manila. Naalala ko tuloy si Eula. I haven't told them anything about her yet. Balak kong sabihan sila pareho mamaya.

"How's grandma?" tanong ko para hindi na muna ako amg-explain tungkol kay Eula.

"She's doing all right. Her cough had subsided and she can breathe normally now. She's out of ICU already. She got well fast upon learning that you are arriving today."

Dumeretso nga kaming maglolo sa ospital. May tinitingnan ang lola ko sa screen ng iPad niya nang dumating kami. Isinantabi niya muna iyon para mayakap niya ako. Pagkatapos ng kumustahan ay may pinakita siyang larawan sa akin. Pinangunutan ako ng noo. That was Eula while eating like crazy during our wedding reception!

"Your dad sent me this photo without an explanation. I bet this one is a special girlfriend of yours?"

Nakisilip ang lolo ko sa screen. "Oh, she's pretty!" sabi naman nito.

Hindi agad ako nakasagot. Dagsa-dagsang alaala kasi ang dumating sa utak ko just by looking at that picture. Medyo nawalan ng poise roon si Eula pero hindi maikakailang may hitsura pa rin. No'n ko naalala na hindi lang pala nitong nakaraang araw siya naging matakaw. Kahit noong hindi pa kami masyadong magkakilala kung makasunggab siya sa pagkain ay parang wala nang bukas. Buti naman at hindi siya tabain.

"Am I right?" nakangiting untag ng lola ko. Espesyal daw ba ang babaeng iyon sa larawan?

Tumangu-tango ako sa kanya sabay sagot ng, "Yes. She's special."

**********

Kagigising ko lang after my afternoon nap nang mag-ring ang cell phone ko na pinatong sa center table. Nang makita ko ang pangalan ng butihin kong asawa ay napabangon ako agad. Pagka-press ko ng answer call button, lumitaw sa screen ng phone ang matangos na ilong, nakangiting asul na mga mata, at mapupulang labi ni Maurr. Tapos sumingit ang medyo may edad nang babae. She was smiling, too. Naisip ko agad ang lola niya. Ganoon kasi ang hitsura ng babae sa photo frame na tinago ko sana sa loob ng drawer noong isang araw.

'Hey there, darling," bati sa akin ng matandang babae.

"My grandma. She wants to talk to you," singit ni Maurr.

Parang tumalon sa tuwa ang puso ko. At long last ay pinakilala ako sa iba pang kaanak. I felt so special. Pero siyempre kailangan kong huwag masyadong maging excited tungkol doon.

"Hello po," sagot ko. "I mean, hello ma'am."

"You call me Grandma," nakangiti nitong sabi. Alam daw niya ang tradisyon sa Pilipinas dahil Pinay ang asawa ng kanyang bunsong anak.

"Thank you, Grandma."

Calling her grandma made me feel so good. Para na ring sinabi ni Maurr na accepted na ako nang buong-buo sa pamilya niya. Ang ibig bang sabihin no'n ay --- kami na talaga? Oh my God! It was a subtle sign!

Nangarag tuloy ang tinig ko. Pero bago ako makasagot, sumingit uli sa screen si Maurr. For the first time I heard him speak Tagalog.

"Magsuklay ka nga. Kagigising mo lang ba? Mukha kang---aswang."

Napanganga ako. Hindi ko alam kung bakit pero para akong kiniliti nang marinig ang accentless Tagalog niya. Ang hinayupak! Alam pala managalog kung bakit English nang English sa akin! Kung hindi lang lumitaw ang isa pang matanda, this time lolo raw niya, ay minura ko na sana siya nang husto. Pagkatapos ng tawag na iyon, napasayaw-sayaw akong parang timang. I have never felt better. Ang sarap lang sa pakiramdam!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top