CHAPTER THIRTY-NINE

Nanonood ako ng TV sa living room nang bigla na lang may nag-door bell. Nang silipin ko sa maliit na butas sa pinto, nakita ko ang tila galit na galit na mukha ni Mrs. Halvorsen. Kinabahan ako dahil wala pa si Maurr at mamayang hapon pa ang uwi dahil may klase. Gusto ko mang huwag itong pagbuksan, natatakot naman akong baka magsumbong sa asawa ko.

"What too you so long to open the door?" asik kaagad nito sa akin habang dere-deretso sa loob ng condo na parang kanya lang ang unit.

Hindi na ako sumagot pa lalo't tila nanlilisik na naman ang mga mata nito sa galit. Inisip ko nga kung ano na naman ang naging kasalanan ko dahil parang sa akin na naman nabubwisit. Sa pagkakatanda ko, wala naman akong ginawa sa kanya nitong huli dahil ni wala kami halos interaction na dalawa.

"Your mom will really not stop until she gets what she want, huh? Do you know how much my son loves the Philippines? Tinalikuran niya ang marangyang buhay sa Iceland para maging malapit sa sinasabi niyang a bigger part of his heritage! Tapos, ano? Pipilitin mo lang pumuntang Amerika?" galit na sabi nito sa akin. Nakapamaywang siya at panay ang taas-baba ng eyebrows niyang kulay brown naman this time. In fairness, ang galing niyang magkilay. Iyon agad ang napuna ko.

"I cannot allow my son to live the life that you want him to live when he doesn't want to! Mananatili sa Pilipinas ang anak ko! Kung gusto mo, ikaw na lang ang pumuntang Amerika total naman katulad ka rin ng nanay mong hayok sa American dream! Inggrato! Walang utang na loob iyang nanay mong mukhang pera!"

Nasaktan ako sa sinabi niya ngunit inintindi ko rin siya. Aminado rin akong materialistic masyado ang nanay ko. Ganunpaman, hindi ko inasahan na pati pagtulong nila kay Mom ay ipamukha pa sa akin. Pinangiliran ako ng luha ng matapos ang kanyang pagtatalak. But I did not attempt to answer any of her accusations. Baka lalo lamang siyang magalit sa akin. Saka hindi ko rin siya sinabihan na hindi na ako sigurado kong matutuloy pa ako sa pagpunta sa Amerika matapos kong makausap ang ate.

"Hay naku. Sinasabi ko na nga noon kay Maurr na hwag nang ituloy ang kasal n'yo. Alam ko kasing wala siyang magandang future sa iyo. Hindi nga ako nagkamali! Buti pa sana kung iyong Ms. Suarez na colleague niya na lang ang pinatos niya. Sana, madadagdagan pa ang ganda ng lahi namin!"

Doon lang ako hindi nakatiis sumagot.

"Ang sakit n'yo namang magsalita, Mrs. Halvorsen. Maputi lang ho si Mary Pok---I mean si Ms. Mary pero hindi naman po talaga super ganda gaya ng sinasabi n'yo. Lamang pa rin ako roon. At least ako---," nag-isip ako ng lamang ko kay Mary, "at least ako---" At wala akong maisip. Pota!

"At least ikaw, ano? Ulikba? Maitim?"

Napatingin ako sa braso ko. Grabe naman magsalita ito! Porke nalahian lang ng mga Intsik at Italyano ang kanunununuan niya at mas maputi ng isang paligo sa akin, akala mo na kung sinong sobrang ganda. Naduling lang si Mr. Halvorsen sa iyo, hoy! Huwag kang feeling!

"Pinagpe-pray ko na lang ngayon na sa anak ko magmamana ang apo ko. Oh, please Lord!" At nag-sign of the cross pa siya sabay tingala sa kisame. Napa-pout ako nang hindi namamalayan.

Ininis ko siya while playing dumb. "Nakita na po namin ang ultrasound ng baby. She looked like me and Maurr was very happy. Gusto niya raw maging kamukha ko ang bata."

"What?! Kamukha mo ang apo ko? NO!"

No'n naman bumukas ang pinto at niluwa nito si Maurr na hindi magkandaugaga sa mga dala-dalang libro mula sa university. Nang makita nito ang ina sa living room pinangunutan ito ng noo.

"What are you doing here, Mom? I thought you went to Cebu to visit Annette?"

"Maurr, anak!" At sinalubong nito ng halik sa pisngi ang asawa ko. She looked shaken. Bigla akong natakot. Naisip ko na agad na may plano siyang baliktarin ang pangyayari.

"What's wrong, Mom?" tanong ni Maurr sa kanya nang may pag-aalala. Sinulyapan ako nito as if trying to ask for an explanation.

"Mom's upset when I told her the baby looked like me when we saw her ultrasound pic. Ampanget ko raw kasi, eh," kaswal kong paliwanag.

Napanganga si Mrs. Halvorsen. "I didn't say that!"

"Yes, you didn't. But you were upset when I told you that the baby looked like me. Ayaw mong maging kamukha ko ang bata. So ibig sabihin, napapangitan ho kayo sa akin."

"I didn't say that!"

"Yolanda, you're crazy. Mom has always been jealous of your skin. She said you have a very natural-looking tan."

Napanganga na naman si Mrs. Halvorsen. "I didn't say that either!"

Hinalikan na naman ni Maurr ang ina at pagkalapag sa dala-dala nito sa center table sa living room, hinila niya ito at dinala sa kusina. Pagbalik nila sa harapan ko, kapwa na may hawak ng lata ng Carlsberg at pareho nang tumatawa. Napasimangot naman ako. Pinagtatawanan kaya ako ng mag-ina?

**********

Nang matapos ang Skype interview ko with the program head of the Engineering Department in Johns Hopkins University, medyo nanlata ako. Nabilisan ako sa pangyayari. Ilang araw ko pa lang napapasa ang application ay tinawagan na ako for an interview. Interesadong-interesado raw sila sa akin. Parang mapapadali yata ang pagbabalik ko ng Amerika kaysa sa inaasahan.

Tumayo ako at naglakad-lakad muna sa loob ng kuwarto. I wanted to relax. Medyo na-stress out din ako sa posibilidad na baka hindi ko matatapos ang semestre sa FEU at lumipad na rin ako papuntang Estados Unidos. Sa isang banda, natuwa rin ako. Mukha kasing hindi naman kami maghihiwalay nang matagal ni Eula. Kaso nga lang, ang malaking bahagi ng puso ko ay tumututol talaga. I defied my parents to come to the Philippines and for what?

I need some beer.

Lumabas ako ng silid at nadatnan ko roon si Eula na hanggang tainga ang ngiti habang nagtitipa sa iPad niya. Naisip kong nanonood na naman siguro ng paborito niyang Korean drama. Pagsulyap ko nang madaanan ko, hindi naman video ang laman ng screen niya kundi mukhang text lang. I went to the kitchen first and grabbed a bottle of San Miguel light before sitting beside her on the couch.

"Maurr!" tili niya agad pagkatabi ko sa kanya. She lowered her iPad on the center table and gave me a thousand kisses.

"Any good news? Did you already receive an offer from the hospital where you were applying?"

Nagsumite na rin kasi ito ng application letter sa ospital kung saan din nagtatrabaho ang ina. That was a week ago. Siguro katulad ng akin ay mayroon na ring resulta iyon.

Natigilan siya saglit. Pero kapagkuwan ay tumili na naman. Very, very good news daw talaga. Naintriga ako.

"Mababayaran na rin kita, Maurr! Pinadalhan na ako ng Ate!"

"What?" Na-shock ako. Alam ko kasing hindi sila close na magkapatid kahit na dalawa lamang sila. Para padalhan siya ng pera ng ate niya ay sobrang nakakapagtaka.

"Naalala mo ang condo ko rito sa Manila?"

Tumango-tango ako saka tinungga ang hawak-hawak kong San Mig Light.

"Naalala mo rin bang pinagbili nila Ate iyon noon?"

Tumango rin ako.

"Pinadala na ni Ate ang twenty-five percent sa napagbilhan! Ang yaman ko na, Maurr!"

Pinangunutan ako ng noo. Para raw maniwala ako, may ipapakita siya sa aking pruweba.

"Charan!" At nagulat ako sa halagang pinadala ng kanyang kapatid. Umabot iyon ng mahigit walong daang libong piso.

"Good for you then. So happy for you."

"Ano ang account number mo at ise-send ko sa iyo ngayon din ang inutang kong pang-tuition. Dali!" excited pa niyang sabi.

Binaba ko ang hawak na beer at pinisil ang baba niya. "You're cute," nakangiti kong sabi.

Napangiwi naman siya sabay tabig sa kamay ko. Ano na raw ang account number ko? Baka raw magbago ang isipan niya at hindi na ako bayaran.

"I voluntarily paid for your tuition fees. You do not owe me anything."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Bakit naman? Inutang ko iyon sa iyo, eh."

"What are husbands for?" sagot ko.

Tumili siya. "Maurr naman! Huwag mo akong pinapakilig! Ano ka ba!" At humagikhik siyang parang bata. Tapos itinabi na niya ang iPad nang tuluyan at sumiksik sa tagiliran ko.

**********

Mukhang galit si Mommy nang sabihan kong hindi na ako sigurado kung matutuloy pa ako sa US or not kahit na handa na rin si Maurr na sundan ako kung sakali. Naisip ko kasi ang sinabi ni Ate. Kung iyon nga na close kay Mom ever since nasasakal pa, how much more ako? Baka pagsisihan ko ang muling pagpunta roon. Natakot din ako sa mga siniwalat ng kapatid ko. Baka kasi may gawin si Mom na makakapagpahiwalay sa aming dalawa ng asawa ko sa kagustuhan niyang makakapag-asawa ako ng isang Amerikano.

Siyempre, hindi ko rin siya deretsahang sinabihan na tuluyan nang nagbago ang isip ko. Baka murahin agad ako sa telepono o baka nga sugurin ako sa Pilipinas. Iyon pa? Ang taray-taray no'n kaya. Ayaw ko pa muna siyang makita. Baka manganak ako nang wala sa oras.

Nag-e-ehersisyo ako habang nanonood ng YouTube video on exercises for pregnant women isang umaga nang kumatok si Maurr sa pintuan saka sumilip.

"You have a visitor, babe," halos ay pabulong lamang niyang sinabi sa akin.

Nagsalubong ang mga kilay ko but it did not stop me from exercising. Ang sabi ko sa kanya, palayasin ang istorbo kung sino man iyon.

"Ganoon? Palalayasin mo ako?"

"Mommy!"

Ang sabihing na-shock ako sa nakita ay parang kulang. Napanganga talaga ako. Hindi ko sukat akalain na uuwian niya ako dahil sa mga sinabi ko. Shit na malagkit!

Dali-dali kong pinampunas ang maliit na tuwalya sa leeg ko at walang-imik na sumunod sa kanila sa living room. Nagkatinginan pa kaming mag-asawa habang bumubuntot sa kanya.

"Ang laki na ng tiyan mo!" iyon agad ang nasabi niya. Saka tila natigilan habang nakatingin sa akin. Paulit-ulit ko ngang nire-recite sa isipan ang "pwera usog" habang hawak-hawak ang tiyan. Baka kasi inoorasyunan na ni Mom ang baby ko. Nakupo!

Habang tahimik pa lang siya, naghanda na ako ng rason sa isipan. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Grabe. Presensiya pa lang niya, matindi na ang epekto sa akin. Nainis nga ako kay Ate. Bakit hindi man lang ako inabisuhan? Disin sana'y nakapaghanda kami ni Maurr nang mairarason sa kanya.

Nagpaalam si Maurr sa amin na pupuntang kusina para kumuha ng maiinom. Pinandilatan ko siya ng lihim. Ang damuho at iiwan na lang ako bigla. Pero hindi siya nagpapigil.

"Kumusta ka na?" tanong ni Mom sa akin.

"Mabuti naman po."

Napabuntong-hininga si Mom saka tumingin sa labas ng bintana.

"Ang Ate mo'y bumukod na ilang buwan na ang nakararaan. Minsan na lang kami magkita these days. Marahil ay ikinasama ng loob niya iyong panlalait ko sa nobyo niya."

Umuwi ba siyang Pilipinas para lang isumbong si Ate?

"Alam mo bang nasa Amerika na ang Rick na iyon? At tila mas mahal pa siya ng ate mo kaysa sa akin na ina niya. Hindi na niya ako binibisita sa apartment simula nang dumating ang lalaking iyon sa buhay niya. Parang ikaw din."

Napamaang ako. Bakit niya ako susumbatan ng ganoon? Dapat nga ako ang magsasabi niyon. Simula nang pumunta siyang Amerika noong twelve years old pa lang ako, bihira ko na siyang makita. Buti pa nga si Ate dahil kaunting panahon lang ang pinaghiwalay nila. Ako, halos buong pagdadalaga ko ay wala siya at later on ay si Daddy naman.

Naisip kong may sarili na akong buhay ngayon. Hindi na rin ako dependent sa kanya. Katunayan, noong tinikis nila ako ni Ate, nakayanan kong maka-survive sa tulong ni Maurr. Nakapagtapos pa ako sa kabila ng stress na pinagdaanan ko nang itakwil nila ako. Siguro'y wala nang mangyayaring hihigit pa roon kung ipamukha ko rin sa kanya ang mga naging pagkukulang niya.

"You chose that life, Mom. Pangarap n'yo po ang sinunod n'yo nang sinundan n'yo si Ate sa States. Matagal-tagal na ring nagsakripisyo ang ate para sa pangarap n'yong dalawa. Hayaan n'yo naman siyang lumigaya ngayon."

Pinangunutan niya ako ng noo. Saka tinitigan pa nang masama.

"So kampi ka na ngayon sa Ate mo dahil pinadalhan ka ng pera, ganoon ba? Baka nakakalimutan mo kung sino ang bumili sa condo mong iyon?"

"Regalo ng dad iyon sa akin noong mag-eighteen ako. Hindi ko iyon nakakalimutan."

"At akala mo pera lang ng dad mo iyon?"

"Alam ko rin pong sa inyo rin ang iba kaya po if you want to get your share of the money, sasabihan ko po ang ate na ibalik niya po sa inyo ang ginastos n'yo roon. Ang sa daddy lang ang kukunin ko."

Nagulat ako nang bigla na lang napaiyak ang mommy. Hindi ko iyon inasahan kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin. Namataan ko na sanang lumitaw si Maurr sa bandang partition ng kusina at living room pero bigla itong umatras. Sinenyasan kong pumasok na rin at uhaw na uhaw na ako sa malamig na inumin after naming magsumbatang mag-ina, pero lalong umatras ang mokong. Kaya mag-isa kong kinomfort ang mommy.

"Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Nang mawala ang daddy mo parang nawalan din ako ng pamilya. Ikaw. Ang ate mo. Parang iba ang turing ninyo sa akin." At suminghot-singhot na naman siya.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ako sanay sa ganitong side ni Mom. Mas gusto ko pa iyong mataray niyang personalidad. Iyong minumura ako. Iyong palatalak. Ayaw ko ng iyaking side niya!

"Mom, hindi totoo iyan. Katunayan, I seriously considered going to the States again to try my luck. Pero habang binabalikan ko ang naging karanasan ko roon noon, naiisip kong hindi yata bagay ang buhay-Amerika para sa isang balat-sibuyas na katulad ko. Tingnan n'yo na lang, when I was there ang dami kong reklamo tungkol sa racial discrimination. Pero habang kinukuwento ko sa inyong dalawa ni Ate ang karanasan ko sa ospital, you both told me na natural lang iyon. You guys seemed not bothered by how different we, Asians are being treated in the States kaya feeling ko para talaga sa katulad ninyo ang buhay doon. Pero ako? Hindi ako magiging masaya roon, Mom."

Natigil siya sa pagsinok.

"So ang ibig mong sabihin, pinal na ang desisyon mong huwag tumuloy?"

"I'm sorry, Mom."

Napatangu-tango siya. At biglang natahimik. Ang inaasahan kong pagmumura at pagtatalak ay hindi nangyari. Makaraan ang ilang sandali, bigla niya akong tinanong kung sino ang doktor ko sa UST. Nang sinabi ko ang pangalan, tila nagulat siya. Estudyante lang raw niya iyon dati.

"Bueno. Hindi na ako magtatagal dito dahil bibisitahin ko pa ang mga aunties at uncles mo sa Cavite. Iyang maleta na iyan pala ay para sa iyo. Mga pasalubong ko."

Nilingon ko ang malaking maleta sa hindi kalayuan. Namumutok ito.

"Thank you, mom," sabi ko at humalik sa pisngi niya. Hindi siya nag-react. Pero nang nasa pintuan na'y tumulo na naman ang luha niya. Niyakap niya ako nang mahigpit at hinalikan sa noo. No'n lang lumitaw si Maurr at humalik din kay Mommy saka yumakap.

Pag-alis ni Mommy, sinita ko siya.

"What the hell were you doing in the kitchen?"

Ngumisi-ngisi siya. "I gave you guys some privacy."

I glared at him. But he just smiled at me and gently kissed my cheek.

**********

Pagdaan ko sa desk ko, bigla akong nalungkot. Nakita ko na naman kasi ang kalendaryo. Ilang araw na lang at aalis na papuntang US si Eula. At ilang araw na rin akong medyo depressed. Hindi ko alam kung makakayanan ko this time ang mahiwalay sa kanya lalo pa't hindi lang siya ang malalayo sa akin. Hindi ko pa nakikita ang anak namin, pakiramdam ko'y mahalagang parte na siya ng buhay ko. Sanay na akong hinihipo siya sa tiyan ng mama niya kada umaga.

"What are those?" tanong ko sa kanya nang makita siyang nagbubukas ng mga shopping bags nang pumunta ako sa living room.

Pambihira ang babaeng ito. Aalis na lang sa makalawa ay kung anu-ano pa ang pinagbibili.

"Ano sa tingin mo, Maurr? Ano kaya ang bagay sa akin? Itong two-piece bikini ba o itong one-piece? Kaso itong two-piece ay manipis ang tela. Feeling ko wala ito halos maitago. Baka lumitaw pa ang pubes ko rito." At ngumisi-ngisi siya.

Napatingin ako sa sinasabi niyang kulay kahel na two-piece bikini. It looks decent to me. Sinabi ko nga iyon sa kanya.

"Looks decent!" panggagagad niya. "Gusto mo i-try ko at tingnan natin kung hindi lilitaw ang ligaw na damo?" hamon pa niya.

Naeskandalo ako. But I tried my best to take it less seriously.

"Why are you even buying those swim wear? You will not be able to use them when you get to the US. It is still cold there in March."

Ibinaba niya ang mga sa center table at lumapit siya sa akin. Tumingkayad siya para pantay na ang mga mata namin. Tapos nginitian niya ako nang matamis.

"What? Are you going crazy now?" tanong ko.

Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko saka kinurut-kurot pa niya ang mga pisngi ko.

"Ang guwapo mo talaga, alam mo ba? May rason ang mom mo magalit nang sabihan kong mas kamukha ko ang baby natin sa ultrasound pic niya kaysa sa iyo. Aba, kung ako rin ang mommy mo maiimbyerna rin ako. Sayang kong hindi mamana ni baby ang kaguwapuhan mo!"

At kinurot pa niya uli ako sa pisngi. I grabbed her hand and hugged her. Susulitin ko na habang nandito pa ang baliw na ito.

"The program head of the Engineering Department of Johns Hopkins offered me the job today."

Kumalas agad siya sa yakap ko. Napanganga siya sa akin.

"But---" At dito ako medyo nalungkot. "They are asking me to wait for six more months because the professor that I will be replacing extended his contract for six more months until he finishes his research." Napahugot ako ng malalim na hininga. "That means to say, it would take about half a year before I can join you guys in the States."

"Seryoso ka ba talaga riyan? Akala ko ba dito ang buhay mo?"

Napabuntong-hininga uli ako.

"My life is with you and the baby." At hinawakan ko ang tiyan niya. I kissed the tip of her nose while massaging her belly.

"Viktoria," sabi niya.

Nalito ako. "Viktoria who?" tanong ko.

Ngumiti siya nang malawak. "Iyan na ang pangalan ni baby."

"What? No! Did Mom talk you into this? That's her middle name!"

Natigilan siya. "Ayaw mo ba?" tanong niya.

"Matutina is even better," sabi ko.

"My God, Maurr!" At nag-sign of the cross siya. "Maghunus-dili ka! Mabu-bully ang anak mo kapag ganyan ang pangalan niya rito." At pinaliwanag niya kung bakit.

Napangiti na rin ako. Sinabi ko na rin sa kanya na binibiro ko na siya this time. Katunayan niyan, dahil sa tila tawang-tawa siya sa pangalan, I did my research days ago and I found out it was the name of a famous comedian in the Philippines way back in the 1980s. She made a mark in the popular TV show of the 1980s called John en Marsha. I kind of like her personality. She reminded me of some of Mom's jolly relatives.

"Baliw ka talaga, Maurr! Alam mo na pala, eh." And she pouted.

Dinampot ko ang isa sa mga swimwear na pinapakita niya kanina sa akin at nagulat ako nang makita ang presyo no'n. Tumikhim ako. I was about to remind her that she can no longer splurge money just like that when she explained herself.

"Bigay sa akin ng mga ninang ko sa States. Dinaan dito ni Mom kanina."

Medyo naguluhan ako. Bakit hindi na lang nila hinintay si Eula sa States gayong alam naman nilang papunta na siya roon?

Hinarap ako ni Eula saka tinitigan nang matiim.

"I have made up my mind, Maurr. H-hindi na ako tutuloy sa US. Dito na lang ako maghahanap ng trabaho sa atin. Basta magkasama tayong dalawa hindi bale nang kakapiranggot ang sahod," sabi niya sa mahinang tinig.

Napanganga ako. At biglang bumilis ang tibok ng puso sa excitement.

"Do you mean that?" tanong ko. Halos hindi ako makahinga.

Dahan-dahan siyang tumango. Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Napayakap na naman ako sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi.

"Thank you so much! Sobrang thank you!"

"Maurr, nag-Tagalog ka!"

I rolled my eyes. Then, I laughed. We both laughed like crazy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top