CHAPTER THIRTY-FIVE

Ang bunganga ni Doktora Fernandez ang sarap lagyan ng masking tape. Nakaka-bwisit! Hindi naman sa forever kong ililihim kay Maurr ang kalagayan ko, pero naghahanap lang ako ng good timing. Inunahan pa ako ng bruhang babaeng ito. Idagdag ko na rin ang mga nurses niya sa bubusalan ko ang mga bibig.

Inirapan ko silang lahat bago hinila palabas ng infirmary si Maurr. Nagugulumihanan ang buang. Sa kabila ng pagkainis ko sa mga medical personnel ng univ, natawa pa rin ako kahit papaano. But only inside me. Kasi itong kasama ko'y hindi na mailalarawan ang confusion.

"What are they talking about Yolanda?"

Napasulyap ako sa kanya. Yolanda? Napangiwi ako. I hate that name. Kapag tinatawag akong ganoon ay naalala ko si Mommy. Ang mahadera't mukhang pera kong mommy. Kumusta na kaya iyon? For sure ngayo'y sinusumpa na ako dahil pinagbayad sila ni Tadpole ng naipong hospital bills ni Dad na supposedly ay wala na kung pumayag akong magpakasal sa hinayupak. Bakit ko naman gagawin iyon? Si Ate nga pinayagang pumili ng gusto niyang mapangasawa tapos ako ang ipambayad-utang? Saka may asawa na ako. Napasulyap uli ako sa hubby ko na nakatiim-bagang na ngayon.

"Are you even going to explain what they told me?" may inis na sa tinig niya.

Dinala ko siya sa isang bench na nakahilera sa gilid ng IARFA building.

"Please take your seat," sabi ko. Tonong guro.

He glared at me. Ganunpaman, naupo rin. Tumabi ako sa kanya at inamin ang kalagayan ko. He was kind of shocked. Gusto ko ngang sikuhin. Kung maka-shock-shock ito akala mo naman hindi nanghipo kahit dulo ng daliri ko.

"Since when?" ang tanong makaraan ang ilang sandali. Ang hina ng tinig niya.

"Ano'ng since when? Since when ako nabuntis o since when ko nalaman?"

He glared at me again. Hay. Buti na lang ang ganda ng mga mata kaya kahit tinitingnan ako nang masama mukhang nagse-seduce lang. But then, the stare also made me feel so uncomfortable. Para bagang nilansi ko siya. Pareho naming ginawa ito, ah! Sa ngalan ng pag-ibig. Or so I hope.

"More than sixteen weeks na. Nalaman ko a few days before you left for Iceland."

"You knew before I left? Why didn't you tell me right away?"

"I was still confused. Nasa stage pa ako ng denial. Bakit ba mukhang galit ka? Ayaw mo ba ng batang ito?"

Hindi siya sumagot. Napatingin lang sa mga kamay na nasa kandungan. He looked troubled. Naalala ko ang sinabi niya noon sa akin na magpa-file siya ng annulment after kong maka-graduate. Para subtle ang transition ng civil status niya sa school. At siyempre kung wala na ako sa campus mas magiging mahina ang tsismis.

Nalungkot ako. But then again, I remembered he said he cared about me na. Katunayan, may sinabi na siya sa akin noong nakaraan. When I asked him if he loved me, he said something in his language. Baka iyon na iyong 'I love you'.

"Ayaw mo ba?" tanong ko. Mahinang-mahina na rin ang tinig.

Umiling siya. Tapos tumingin siya sa akin. At may sumilay na munting ngiti sa kanyang mga labi. Pagkatapos, humugot siya nang malalim na hininga. Ano'ng ibig sabihin no'n? Juskolord. Nakaka-praning naman ang bwisit na ito.

"I guess---I was ---shocked. That's all. I didn't expect it at all knowing that you're in the medical field. We are both unsure of ourselves back then. So I thought you had taken some precaution."

Ikaw lang ang unsure. Pisti ka! Karaming pasikot-sikot. Ano ba talaga ang tunay nitong saloobin sa pagbubuntis ko? Ito na nga ang sinasabi ko, eh. Dapat kasi sana tina-timing ito! Si Doktora Fernandez ang may kasalanan nito sampo ng kanyang mga minions!

"So there's no turning back. We will be parents soon!" At ngumiti na siya nang malawak.

Napanganga ako. Does it mean he has accepted it already?

"What do you feel now?" tanong ko. Hindi na ako makahinga.

Inakbayan niya ako at hinalikan sa ulo. "Eg elska tig," bulong nito at hinagkan pati sentido ko.

"Ha? Ano'ng kuliglig?" tanong ko. Seryoso.

Napanganga siya. Bakit daw nasangkot ang kuliglig sa usapan. Was it even a word?

"Malay ko. Ikaw ang nagsabi sa akin ng kuliglig, eh. Nakakainis ka!"

Napanganga na naman siya at nang mapagtanto kung ano ang tinutukoy ko he gave out a hearty laughter. Hinila na nama niya ako at hinagkan ang ulo ko. Then, he pulled me up and we walked towards the nearest gate.

"Where are we going?" tanong ko.

"Home. We need to celebrate."

Napangiti ako. Para akong kinikiliti nang mga oras na iyon. Kulang na lang ay magsisisigaw ako. For the first time, he held my hand while we crossed the street. Iyon ang kauna-unahang magkahawak-kamay kami habang naglalakad in public.

Thank you, Dr. Fernandez! Thank you, too, little minions! Ang sarap mabuhay!

**********

Habang tinitingnan ko si Eula na tila nakangiti pang natutulog sa kama ko, my heart went out to her. Wala siyang kamuwang-muwang sa nangyayari sa mommy niya sa US. Napahinga ako nang malalim.

"Hmn," nakangisi niyang pag-inat.

Gumapang ang kanyang kamay at iyong nasa harapan ko agad ang ginagap. I looked at her and smiled. Lalo siyang ngumisi.

"Laki pa rin ng bukol kahit tulog, ah," pilya nitong sabi.

Nilagay ko ang braso sa noo habang ang isa'y pinaunan ko sa kanya. I was secretly smiling at her naughtiness. Hindi lang ako kumibo.

"Maurr, may tanong ako. Ang sabi kasi nila hindi circumcised ang karamihang lalaki sa inyo pwera na lang kung Muslim o Jew sila. But how come you are dutdutdut?" At humagikhik siya.

"I told you I was born in the US. I lived there till I was in fourth grade. Mom said I was circumcised right after I was born."

"Ah. Kaya naman pala."

Kung anu-ano pa ang ginagawa ng kamay niya sa ano ko habang humahagikhik. It pained me to see her like that while I was struggling with the news about her mom. Paano ko kaya sasabihin? Nakapa-vulnerable pa niya dahil buntis.

Nagkaroon ako ng rason para bumaba ng kama nang tumawag si Dad. Tinatanong nito kung nasabi ko na ba kay Eula ang nangyari sa mommy niya.

"Not yet. I do not have the guts to say it to her right now."

"Why not?" may himig pagkainis ang tinig ni Dad. Kabilin-bilinan niya kasi na sabihan ko na si Eula. Karapatan niyang malaman na nakakulong ngayon ang ina sa Maryland dahil sa botched surgery na nangyari sa isang pasyente raw niya.

"Dad, she's in a vulnerable state. She might not be able to take it calmly."

"I know she may be vulnerable. She had just lost a parent but she has to know this one! Tell her! It's her right to know."

Hindi na tumagal sa phone si Dad. Nagpaalam agad ito nang sumingit sa eksena si Mom at nagtatalak na naman na bakit daw kami namomroblemang mag-ama tungkol kay Dr. Anai.

"Who was that?" tanong ni Eula nang bumalik na ako sa kama.

I slid inside the comforter first before I gave her a hug. Napahinga ako nang malalim bago nagpasyang sabihan na nga siya ngayon din.

"It was Dad," simula ko.

"Oh. Bakit daw? Kumusta na lola mo? Nandoon pa sila, right?"

Tumangu-tango ako. "Amma is doing well."

"Hmn." And she teased me with little kisses on my shoulder and neck. "Guwapo mo talaga, Maurr. Pero minsan nakakabwisit ka rin, alam mo ba iyon?"

I squinted at her.

"Kasi sobra kang manhid. Minsan sweet, minsan naman sour. Para kang---baboy na sweet and sour." At tumawa siya sa kakornihan niya.

Napailing-iling ako. Paano ko ba siya sasabihan sa balita kung ganito siya? Nakaka-guilty. But then, I knew Dad had a point. She has the right to know.

"We---we read some not so good news about your mom in Maryland."

She froze. Natigil siya sa paghalik sa akin. Nanlaki ang mga mata niya na para bagang biglang kinabahan at natakot. Parang kinapos din ako sa paghinga sa nakikitang reaksiyon niya.

"One of your mom's patients from a very prominent family in Maryland filed a lawsuit against her. She's now being held without bail at the Maryland---"

"Nakulong si Mommy? No!"

Nakaupo na siya ngayon. She was not even able to cover herself yet before she screamed. Maingat kong tinaas ang comforter around her chest and pulled her towards me.

"Kailan pa ito, Maurr? Kailan pa?" pagsisigaw niya.

"Around the end of November."

"Almost two months ago?!"

"It was Mom who first read the news online. At that time we never thought it would escalate to a huge medical case like this, so I did not bother to tell you. I did not want you to worry."

Napanganga lang si Eula. Pinapangiliran na siya ng mga luha.

"It was just a short article in a local news outlet in Maryland at first, but when news spread that the alleged victim is a relative of a senator, things went out of hand. Now, many old patients of hers claimed a similar experience. There were about twelve of them who accused your mom of surgical malpractice."

"My God! Tapos kung anu-ano pa ang naisip ko kay Mommy."

Napahagulgol na siya. I grabbed her shoulders and kissed her forehead.

"Kailangan ko silang tawagan, Maurr."

Tiningnan ko ang orasan sa wall clock. Mga alas siyete na ng gabi. Ibig sabihin ay alas siyete na ng umaga roon. Siguro'y gising na ang ate niya. I dialed her mother's phone. It was her sister who answered. After hearing her voice, I passed the phone to Eula.

"Nakulong ang mommy, Eula!" iyon agad ang nasabi ng Ate niya.

I could hear her wail in despair. Nag-iyakan silang magkapatid. I asked Eula to have the call on speakerphone. Gusto ko rin kasi siyang makausap. Timing naman iyong pagbanggit ng ate niya tungkol kay Todd Faulkner nang naka-loudspeaker na ang phone.

"The Faulkners honored their promise to write off most of the bill from Dad's hospitalization. Pero---pero lumalayo na sila sa amin ni Mommy." At lalong humagulgol si Ate. "Ayaw ---ayaw nilang malaman ng mga tao na close sila sa amin. Todd had not shown up ever since. Iniwasan niya kami ni Mommy. Eula, grabe na ang discrimination sa amin dito!"

"Ano ba ang nangyari talaga? I don't believe Mom made a mistake. Bruha si Mommy but she's the best surgeon ever!"

"Iyon na nga, eh. It wasn't Mom who operated on the woman who filed the lawsuit. Iba. Kaso nga lang pasyente ni Mommy iyong babae noon. Bale pinasa niya ang gagang iyon sa isa niyang colleague when Dad got sick and had to be hospitalized. Mom's colleague was the one who did the operation dahil naka-leave si Mommy. Pero iba ang pinapalabas nila. Pinagtutulungan nilang lahat si Mommy!"

"Emelita?" singit ko.

Eula's sister suddenly fell silent.

"Are you still there?" tanong ko.

"Ate? Si Maurr ito. Gusto ka niyang makausap."

No'n lang sumagot ng isang mahinang 'yes' ang ate ni Eula.

"Dad contacted my uncle in Minnesota. He's a very good lawyer. He can help your mom. My grandma also informed her brother in North Dakota about the case. Please expect a call from him one of these days. He could really help you guys because he knows some VIPs in Maryland."

Napalingon si Eula sa akin na tila namamalikmata.

"Is your---your grandmothers' brother Governor Alan Ulysses Steele?" hindi makapaniwalang tanong ni Emelita sa akin.

"Yeah. That's him," pakli ko.

Lumingon uli sa akin si Eula at napanganga for the nth time.

**********

Hindi ko sukat-akalain na ang isang Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. ay may mga kamag-anak na big time sa US. Inisip ko noon na isa lamang siyang ordinaryong nilalang na may extraordinary good looks. Iyon pala may lolong gobernador at may uncle pang sikat na sikat na abogado!

"Kumusta na pala ang mommy mo?" tanong ng mga kaibigan ko nang magkita kami sa school kinabukasan. Nasabi ko na kasi sa kanila ang tungkol sa kaso right after Maurr told me about it. Isa-isa ko silang tinawagan.

"Okay na. Inaayos na lang ang release niya."

"See? Di ba sabi namin sa iyo hindi pupwedeng itinakwil ka nang lubusan ng mom mo? Bruha nga siya pero tingin naman namin she loves you."

Hindi na ako nagsalita. Kasi nakita ko naman na may pagka-materialistic ni Mom. Kaya niya akong 'ipagbili' para lang guminhawa ang buhay. Isipin mong ireto ako kay Todd kahit na kasal na ako kay Maurr. May matino bang magulang na gumagano'n sa anak?

"Noong time pala na nagsisintir ka dahil hindi ka pinadalhan ng pera, iyon pala ang kasagsagan ng kaso ng mom mo. Hay, buti na lang may knight in shining armor ka. Speaking of Sir Maurr, how did he react to the news of your pregnancy?" nakangiting tanong ni Felina. Pigil na pigil ang kilig ni Taba. Parang nag-e-expect ng kung ano.

"Ano pa ba? Dedma. But he accepted it naman."

Sumimangot si Taba. "Iyon lang? Walang 'celebration'?" At tinukso ako ng bruha. Parang may alam. Pero aaminin ko ba naman ang malaswa naming celebration eh nandoon ang inosenteng Shane? Inginuso ko nga ito kay Felina.

"Nake! Itong babaeng ito? Butas ng tainga na lang ang hindi napasukan dito!"

Hinampas ni Shane si Felina. Napanganga kami ni Keri na kunwari'y naeskandalo sa pinagsasabi ni Taba. Pero inusisa namin ito tungkol sa pinagsasabi.

"Ewan ko kung anong pinaggagawa nila ng Thijs niya. Kayo na nga magtanong at magpapalit lang ako ng schedule sa isa kong subject. Terror daw kasi ang guro sa napili kong unang sked."

At umeskapo na si Felina para ayusin ang enrollment. Pinamaywangan naman namin ni Keri si Shane at inusisa kung totoo ang pinagsasabi ni Tabachoy. Ngumiti lang ito nang matamis at humalik sa pisngi namin. Tapos, masayang nagpaalam.

"Who the hell is Thijs?" tanong ko kay Keri.

"Parang natanong mo na iyan noon," nakangisi nitong sagot bago ako niyaya papuntang Tayuman. Sulitin na raw namin dahil in a few days ay goodbye FEU na kami.

"Graduate na rin tayo sa wakas! Isipin mo iyon?"

Tumalun-talon kaming dalawa habang magkahawak kamay.

"Ooops. Ang tiyan mo, bru," nakangising saway sa akin ni Keri at hinawakan agad ang puson ko. No'n dumaan sa tabi namin si Ms. Mary. She gave me a smirk before she walked away. Binelatan ko siya habang maarteng nagpasway-sway ng hips papuntang Admission's Building. Tinawanan naman ako ni Keri.

"No need for that, girl. Ikaw naman ang wagi, eh. Isipin mo na lang ang nararamdaman niyan ngayon. Here you are. Nabuntis na ng lalaking hinahabol-habol niya."

I smiled. At gumaan na ang pakiramdam ko.

**********

"Your mom just called up. She wanted to talk to you," sabi ko agad kay Eula pagdating na pagdating niya sa condo.

"What was it about?"

Although I knew what it was about, ayaw kong sa akin manggagaling ang balita. Dapat na silang mag-ina ang mag-usap. Binigay ko nga sa kanya ang cordless phone sa condo at sinabihan kong tawagan niya ang mom niya.

"I'll call her messenger na lang para mura."

Nagkibit-balikat ako. Hinatid ko siya ng tingin sa kusina at pinagpatuloy ang panonood ng soccer game sa TV. Mayamaya pa, lumitaw siya sa living room na tila pinagbagsakan ng langit. Pinatay ko agad ang telebisyon at hinila siya sa sofa.

"What happened?"

"Gusto talaga ako ni Mommy na bumalik ng States!"

Hindi na ako sumagot. Napailing-iling na lang ako sa kakaiba ng ugali ni Dr. Anai. A few months ago ay pinagtabuyan niya ang anak nang hindi masunod ang gusto, ngayon nama'y nagpupumilit na bumalik ito ng US sa kabila ng nangyari sa kanya.

"What did you say?"

"What do you think, Maurr?"

Pinangunutan ko siya ng noo. "Ano'ng what do I think?"

"Ayaw mo ba talaga mamuhay sa US? Mas bagay ka roon."

Tiningnan ko siya nang matiim. Inakala kong nakalimutan na nito ang pangarap na mamuhay sa Amerika. I was wrong.

Umiling-iling ako. "If someday I will decide to leave the Philippines for good, I will go back to Iceland and not the US. I do not see myself staying there for good."

Tumangu-tango si Eula. Ang lungkot ng kanyang mukha.

"I thought you wouldn't want to live there anymore?" tanong ko.

Napabuntong-hininga siya.

"Noong sinabi mong nakulong ang Mommy at nag-iisa na lang si Ate sa apartment nila, I kind of felt so guilty. Kasi noong mga panahong naghihirap silang dalawa, wala ako roon para damayan sila. When Dad was hospitalized at naghirap sila pareho on how to balance their work schedule and their time with Dad, wala rin ako. Lagi na lang akong wala sa mahahahalagang pangyayari sa buhay ng pamilya ko."

Napalunok ako. It doesn't sound good.

"Pero naisip kong---hindi na kasi ako tulad ng dati. Nandiyan ka na kasi."

"Please do not think about me. Do what you think is good for you in the long run."

She looked at me sadly. "Hindi mo ba ako pipigilan, Maurr?"

"No. It's your life, Eula. I will be here to support you in whatever you decide for yourself."

"Paano kung---dalhin ko rin ang bata doon?"

No'n lang ako naalarma. Napahawak ako sa edge ng sofa. It was only then that I remembered it was no longer between her and me alone. Mayroon nang little me or her na lubos na maapektuhan ng magiging desisyon naming dalawa. Hindi tuloy ako nakasagot. All I did was hug her and kiss her head.

**********

A/N:  Follow GRET SAN DIEGO on Dreame for the rest of this story. Salamuch! Use your browser if you cannot search me on the App.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top