CHAPTER NINETEEN

Habang titig na titig sa akin si Sir Maurr na tila ubos na ubos na ang pasensya nakaramdam din ako ng hiya. Napaupo ako nang nakataas ang mga tuhod at niyayakap ito. Patinga-tingala ako sa kanya paminsan-minsan. At napalunok ako nang ilang beses nang makitang hindi pa rin niya itinataas ang kanyang jogging pants. Sa pagtingala ko for the nth time nanlaki ang aking mga mata. Nasaksihan ko kasi ang dahan-dahang paglaki ng bukol sa kanyang harapan. As in!

"Ay! Maurr! You are growing inside!" naitili ko. Huli na nang ma-realize kong naisigaw ko agad ang kung ano ang laman ng utak ko.

"You're a medical technology student. I think you are aware of things men need. Or are you just trying to pretend you don't know?"

Hindi agad ako nakasagot. Ang atensyon ko kasi ay sa malaking bukol sa kanyang harapan. Hindi mapuknat-puknat ang mga titig ko roon lalo pa't parang naaninag ko na ang ulo no'n sa tindi ng pagtulak sa tela.

"Are you always creepy like this?" tanong niya sa akin sa mahinang-mahinang tinig. Tapos ay nakita kong dahan-dahan nitong itinaas ang jogging pants. "You're a weirdo, too."

"Eh, na-shock ako sa paglaki, eh!"

"Stop pretending like you didn't see one before because I wouldn't believe you. You are the talk of every boys in school. I also knew how you and that basketball player ---"

"What? Talk of the boys? And the basketball player? Si Drae ba ang tinutukoy mo?"

Nakapamaywang na sa akin ngayon si Sir Maurr. Nag-subside ang galit niya, pero hindi pa rin naman natutuwa sa akin. Pinangatawanan niya ang mga sinabi. Marami nga raw siyang naririnig sa mga kalalakihang estudyante niya patungkol sa kung gaano ako ka-liberated. Idagdag pa raw doon ang kumakalat na tsismis na ka-momol ko si Drae.

"Momol?!" naitili ko na naman sabay tayo. Gulat na gulat ako. Palagay ko ay dinig na dinig sa kabilang unit ang mga sigaw ko. Paanong hindi ako magngangangawa? Nakakagulat ang mga rebelasyon niya. "Hindi ka rin naman mahilig sa tsismis, ano? Kalalaki mong tao! Ano ba iyan, Maurr? Baka nagkukunwari ka lang lalaki, iyon pala'y isa kang paminta!"

He tilted his head and kind of frowned. He seemed to be thinking about something. Tapos nagtanong kung paano nasangkot sa usapan ang black pepper. Ano raw ang kinalaman no'n? Isa na naman bang kabaliwan ko iyon?

Nakahanap ako ng oportunidad para rumesbak sa kanya.

"My God, Maurr Reidar Ricci Halverson, Ph.D. You're a Doctor of Philosopy major in Mathematics but you do not understand 'paminta'? Shame on you, my boy!"

Lalong nagsalubong ang kanyang mga kilay. "I am NOT your boy," sabi niya sa mahina at naiinis na tinig. "And FYI, I only seek to know information that would enhance my knowledge about things that are worth knowing, so if I do not know the connection of that condiment to what we are discussing that simply means it is not worth my time."

"Hambog! Sige, I'm going to do you a favor. I will school you!" Saglit. Tama ba iyong gamit ko ng school doon? Heh! Bahala na!

Lalo niya akong tinitigan nang matiim. Ang asul niyang mga mata ay kakulay na ng dagat kung may nagbabadyang bagyo. Ramdam ko pa ang pagyeyelo ng kanyang paningin. Pero hindi rin naman nagsalita. Sinamantala ko na iyon para makapagratatat.

"Total naman kahit galugarin mo ang Google o mga librong mayroon ka, hinding-hindi mo makikita ang meaning ng paminta! Okay, makinig ka. Ang paminta ay katulad mo. Tsismoso ka kasi. Kaya palagay ko pretending ka lang na anak ni Adan. Pero ang totoo'y isa kang Eba na nagkukubli sa katawang lalaki! FYI, that's paminta!"

Ang totoo niyan ni kapiranggot na pagdududa sa pagkalalaki niya ay wala ako. Pero gusto ko lang gumanti. Ang sakit niya kasing magsalita.

"You think I'm gay?" napapantastikuhang tanong niya. He sounded incredulous. And appalled.

"Yes! Y-E-S, YES!"

Bigla niya akong hinila at siniil ng halik sa labi. Napaliyad ako. Hindi ko napaghandaan iyon. At hindi ko naisip na iyon ang igaganti niya. Totoong typical response iyon ng mga lalaking napagdudahan ang kanilang pagkalalaki, pero si Sir Maurr ay hindi naman typical at hindi purong Pinoy. Susko! Hindi ko alam ang gagawin. Although it was not our first kiss, it felt like it was again. Ang init ng mga labi niya at ang lambot. Ang bango pa ng hininga.

Sa una ko lang tinikom ang mga bibig. Nang naging banayad na ang dantay ng mga labi niya sa labi ko, kusa ko ring ibinuka ang mga iyon para papasukin ang kanyang dila. Bago ko pa mamalayan, nakapangunyapit na ako sa batok niya nang parang ayaw kong mahiwalay. Naramdaman ko ring nag-init ang buo kong katawan lalung-lalo na iyong sa pagitan ng mga hita ko. Feeling ko namasa-masa pa nga. Hindi ko na tuloy nakontrol ang sarili ko. Kusang sumiksik sa matitipuno niyang katawan ang sexy body ko. At nang maramdaman kong tila pumipintig-pintig ang bukol sa bandang pusod ko, lalo akong na-excite. Mas diniin ko pa nga roon ang tiyan. Ang sarap kasi ng feeling. Kung kailan darang na darang na ang aking katawan ay binitawan ako ng damuho. Muntik na akong matumba dahil nanlambot ang mga tuhod ko. Buti na lang at nahawakan niya ako sa baywang.

"Does it feel like you were kissed by a gay guy?" tanong niya. Halos pabulong. Namumungay pa ang asul niyang mga mata.

Hindi ako nakasagot. Nakanganga lang ako habang nakatingin sa kanya. I was so shocked. Hindi ko mahanap ang dila ko! Pota!

Nang hindi ako nakaimik, tinalikuran niya ako at tuluyan nang iniwan doon. Pumasok na siya sa sarili niyang silid at isinara pa ang pinto nang malakas. Napaupo ako sa carpet na tila nanghihina.

**********

Hapung-hapo akong napabagsak sa kama ko. I have never felt this turned on. Although I felt Ms. Anai liked it too, I did not want to go all the way with her. It will only complicate matters. Ilang buwan na lang naman ang dapat kong tiisin. Kapag maka-graduate na siya next semester, siguradong susundan niya sa Amerika ang mga magulang. Sa oras na mangyari iyon at may nangyari sa amin mahihirapan akong maka-move on. Going with her to the US is not and will NEVER be an option for me. Dito ko gusto manirahan sa Pilipinas. Gusto ko rin ng simpleng buhay. Iyong walang komplikasyon. Makukuha ko lamang iyan kung makakapag-asawa ako balang araw ng isang babaeng may matino at normal na pag-iisip.

Nagpagulung-gulong ako sa kama. Ang sakit ng puson ko. Nang bumaba ang kamay ko sa boxer briefs ko, nadama ko kung gaano ka nagngangalit ang aking alaga. Parang isang sundalong atat sumabak sa digmaan.

Sorry, buddy. She's off limits.

Nang hindi ko na kaya ang pag-iinit ng katawan, I went to take a cold shower. Dali-dali akong naghubad at tinapat ang ano ko sa malamig na tubig.

"Aaahhhh!" napahiyaw ako sa ginaw. Napapikit pa ako ng mga mata. Ilang minuto ang nakalipas, bumuti-buti ang pakiramdam ko at dahan-dahan na ring lumambot ang ano ko. I felt so much better. No'n pa lang ako nangapa ng sabon sa nakalagay sa naka-mount na tray sa dingding. Pagkahawak ko sa isang plastic bottle ay agad ko itong binuksan saka naglagay ako ng ilang patak sa palad. Nang hinihilamos ko na iyon sa mukha, napansin kong it smelled unfamiliar and kind of weird. Pagkatingin ko sa hawak-hawak kong bote binulaga ako ng kulay pinkish na bulaklak. Sa ilalim no'n ay may nakasulat na pangalan ng sabon: Lactacyd All Day-Care. I squinted at it and wondered why it has a weird smell. Not my type. As I was about to return it to the tray, I saw this label below the word cleansing, daily feminine wash! Halos ay mabitawan ko ang bote sa pagmamadaling maibalik ko iyon sa kinalalagyan. Agad-agad ay ini-scrub ko ang mukha at kinuskos ng sarili kong facial wash na nasa tabi lamang nito.

"Ms. Anai!" naiirita kong sigaw sa pagitan ng pagkuskos ng mukha.

**********

Nakadalawang balance inquiry na ako sa ATM ngunit ganoon pa rin ang sinasabi ng automated teller. Dalawang daan na lang ang laman ng account ko!

"Anong araw na ba ngayon?" baling ko kina Keri at Shane na nasa likuran ko lang at nagdadaldalan. Alam kong a-kinse na ng buwan, pero gusto ko lang makasiguro na tama nga ang bilang ko at hindi na naman ako naa-out of touch sa real world sa pagiging daydreamer.

"It's the fifteenth day of June, my dear friend," maarteng sagot ni Keri. "Ano ba? Matagal ka pa ba riyan? Tirhan mo naman ang iba. Huwag mong ubusin ang laman ng machine!"

"Ano'ng huwag ubusin eh wala nga akong mawidro!" naiinis kong singhal sa kanya. Sinipa ko na ang ATM sa tindi ng frustration.

"Ha? Paanong walang mawidro? Hindi ba't tuwing akinse ka pinapadalhan ng mommy mo ng allowance mo for the entire month?" Si Shane naman. No'n lang nagseryoso si Keri. Napatingin sa akin at kinlaro kung tama nga ba ang dinig niya.

"I have to call Mom. Baka may sinumbong sa kanya ang bwisit kong asawa! Where's my phone?"

Inabot sa akin ni Shane ang iPhone ko. Bumaba na kaming tatlo sa Science Building at naglakad-lakad papunta sa lilim ng punong-kahoy na kaharap nito. Pagka-ring ko sa messenger ni Mom agad naman itong nasagot. Pero sa halip na ang bungangerang mommy ko ang narinig sa kabilang linya, I heard a very melancholic voice of my mother.

"Mommy? Mom! Ano'ng nangyari sa iyo riyan? Mom?"

Nakailang tanong ako nang ipagtapat sa akin ni Mommy na na-stroke si Dad noong nakaraang buwan at comatose pa rin siya sa hospital. Gusto kong panawan ng ulirat. Napahagulgol ako sa balikat ni Keri habang hinahagud-hagod ni Shane ang likuran ko. Hindi na kami natuloy sa balak naming paggala sa SM City Manila. For the first time in months, bumalik ako sa condo ko sa Espana at doon nagpalipas ng magdamag kasama ang mga kabarkada.

**********

Maghahatinggabi na pero hindi pa rin nagpaparamdam si Ms. Anai. Simula nang tumira siya sa unit ko not a single time siyang hindi natulog dito. Nang maisip ko kung saan siya nagpalipas ng gabi, napakuyom ang mga palad ko.

I asked around for that guy's number. Nobody from my male colleagues whom I talk with have his number. Wala na akong choice kundi gamabalain si Mary sa disoras ng gabi. Tila inaantok ang boses nito nang sumagot sa phone.

"Oh, sorry, for waking you up, Mary. I was just wondering---. Uhm---forget it."

Naunahan ako ng hiya.

"No, Maurr, it's all right. Go ahead. What is it?" Gising na gising na ang boses ni Mary. May natunugan pa akong excitement. I felt bad. The more na nag-atubili akong tanungin siya sa numero ni Drae. Naisip kong bakit naman siya magkakaroon ng CP number ng lalaking iyon?

"Nothing. Sorry for disturbing your sleep."

Magha-hang up na lang sana ako nang sumigaw si Mary para pigilan ako. Nilayo ko pa nang kaunti ang phone sa tainga para hindi mabasag ang eardrum ko.

"It's a---it's about Drae."

"Drae? The basketball player Drae?" sunud-sunod nitong tanong. Tila may himig ng kalituhan ang boses niya. Hindi siguro nito ma-connect kung bakit bigla akong naging interesado kay Drae.

"Yeah. That's him. I just want to know if you have his CP number."

Hindi nakasagot si Mary agad-agad. Akala ko nga nag-hang up na siya.

"You want to know Drae's number?" tanong nito sa flat na flat na boses. Nawala na ang kasiglahan niya. Nag-alala na ako. Baka isipin niyang may kung ano akong assumption about her. Baka iniisip na niyang bakit sa lahat ng tao'y sa kanya pa ako nanghingi ng numero ng basketbolistang iyon?

"Forget it, Mary. Sorry, I asked."

"No! It's okay, Maurr. Wait. I do not have his number but some of the people I know have it. Give me a few minutes and I'll text it to you."

"Thank you so much, Mary! I really appreciate it. You're an angel!"

Nag-hang up na ako. Mayamaya nang kaunti, tumawag siya sa akin at idinikta na ang numero ni Drae. Pagkatapos no'n nagtanong siya kung bakit bigla-bigla ay naging interesado ako roon.

"I just want to ask him if he knows where Eula is. She did not come home tonight."

"Oh, I see," sagot niya sa mahinang tinig. Tapos ay nagpaalam na.

**********

"Sigurado ka bang okay ka lang na iwan muna namin dito sa condo mo?" tanong ni Keri habang nagsusuklay ng basang buhok. Katatapos niya lang mag-shower at naghahanda na silang umalis ni Shane. Hinahanap na kasi sila pareho ng kani-kanilang mga magulang.

"Of course. Why wouldn't I be?" sagot ko naman. This time pinatatag ko na ang boses.

"Basta, kapag you feel down or something please do not hesitate to call us. We love you!" sabi naman ni Shane at niyakap ako. Dumukot pa ito ng isang libo sa wallet at iniwan sa table ko.

"Oy, that's not needed, Bansot. Take it with you. May pera pa naman ako, eh." At isinoli ko ang isang libo sa kanya.

"Magtigil ka! Two hundred lang ang laman ng wallet mo. Tiningnan namin kanina ni Keri habang nagsa-shower ka. Huwag nang ma-pride, okay?"

Nagbigay din ng isang libo si Keri. Hindi nila ako hinayaang tumanggi. They hugged me tightly before they went outside. Sa labas ay naghihintay na ang mga sundo nila. Lumabas pa ang yaya ni Keri sa kotse at katakot-takot na sermon ang inabot nito. Halos atakehin daw sa puso ang daddy niya nang hindi siya agad nagsabi kung saan nagpunta. Ganoon din ang inabot ni Shane. Mas malala si Bansot dahil mommy niya mismo ang kasama ng driver nila. Nang magpakita ako't humingi ng dispensa para sa mga kaibigan, saka lang sila nagsitigil.

Nang wala na ang dalawa saka ko naramdaman ang bigat ng kinakaharap na problema. Nag-worry na rin ako kung matutuloy pa ako sa pag-aaral sa susunod na semestre. Walang linaw, sabi ni Mom, kung kailan daw magkakamalay si Dad. At habang nasa ospital ang tatay ko'y patuloy daw na kakain ito ng malaking halaga.

Naghubad ako ng pantalong maong at nagsuot ng cotton shorts at kamisetang puti na manipis. Kailangan kong mapreskuhan para mapatay na rin ang aircon. Hindi na pupwede ang magastos na pamumuhay.

Titihaya na sana ako sa sofa nang may nag-doorbell. Naisip ko agad si Taba. Ito lang ang hindi nakarating kahapon. Malamang, na-guilty ito sa sunud-sunod na texts nila Keri at Shane kagabi kung kaya inagahan ngayon ang dating.

Sinilip ko ang butas ng pintuan. Walang tao. Minumulto ba ako? Grabe ang dagundong ng puso ko. Iisa ang naisip ko nang mga sandaling iyon. Baka binibisita ako ni Dad! Shit! Baka wala na ang daddy ko! Bigla kong binuksan ang pintuan at lumabas na mismo ng unit ko nang nakapaa. No'n ko nalaman na hindi multo ang bumisita sa akin kundi tao. Hayun siya sa kabilang unit at tinitingnan ang numero ng pinto.

"Hoy! Ano ang ginagawa mo riyan?" tawag ko sa kanya.

He scowled at me. "Hoy?" sabi niya sa mahinang tinig. Umiling-iling siya para ipakita na wala akong manners. Eh ano'ng magagawa ko. Nagulat nga ako. Akala ko multo. Tapos siya lang pala.

"I thought I made a mistake with the unit number," paliwanag nito habang tinitingnan pa ng isang beses ang hawak-hawak na papel kung saan nakasulat ang numero ng condo ko. Ang tagal ko raw kasing magbukas kung kaya iyon ang naisip niyang dahilan.

Nang matapat na siya sa akin bigla siyang natigilan. Sinundan ko ang tingin niya at nakita kong nakatitig siya sa nakabakat kung nipples. Hinawakan ko ang bandang dibdib para ilayo nang kaunti ang tela sa balat ko nang hindi maging obvious ang dapat itago. Napakurapkurap siya sabay iwas ng tingin.

"You did not come home last night," sabi niya.

Ngumisi ako. "Now you know how it feels. Di ba gawain mo rin iyan?"

Napabuntong-hininga siya. "Are you trying to get back at me then?"

Nagkibit-balikat ako at inanyayahan siyang pumasok. Dumating kasi ang matrona kong kapitbahay. Baka magka-isyu ako sa building.

Tumingin-tingin siya sa paligid nang makapasok na unit ko. Nagkomento pang mukhang maayos din naman pala ako sa mga gamit.

"Of course. Pagkatao ko lang ang burara."

"Yeah. And while we're on it---why don't you make yourself decent first and we will talk."

Tinaasan ko siya ng kilay sabay dampot ng cushion para ilagay sa bandang dibdib ko. "O, hayan. Okay na? Kunwari ka pa. Gusto mo rin ang nakikita mo eh!" hamon ko pa.

"That's not the point."

"Well, my point is, I cannot turn on the aircon anymore so I have to wear something thin and comfortable."

Na-curious siya. Inakala pang sira ang aircon ko. Tatawag na sana ng kukumpuni nang pigilan ko. At hindi ko na nailihim ang kalagayan ng daddy ko.

"Oh. Is he all right?"

"Hindi nga! Kasasabi ko lang na na-comatose. Ano ba!"

Tumahimik siya. Pagkatapos ay nagulat ako sa ginawa niya. Lumapit siya sa akin sa sofa at hindi lang ako tinabihan. Niyakap pa niya ako. Tinanggal niya ang cushion na hawak-hawak ko at hinapit pa ako sa katawan niya. Nagulat ako sa warmth na pinakita niya. Hindi ko napigilan ang mapaiyak.

"It's okay, Eula. It's okay. He will be all right."

Sa gitna ng aking pagdadalamhati ay umurong ang mga luha ko. Bigla akong kumalas sa pagkakayakap niya at tiningnan siyang parang napapantastikuhan.

"What did you say?" tanong ko. Halos hindi na ako humihinga.

"I said, your dad will be all right."

"No! Hind iyan!"

Nangunot ang noo niya. "That's the only thing I said." He tilted his head. Parang sinisikap niya talagang alalahanin ang mga sinabi. "Oh! Yeah. I also said, 'it;s okay'." Ngumiti pa siya sa akin to reassure me. That was the first time he smiled at me. At na-mesmerize ako sa pagtitig sa maaliwalas niyang mukha, lalung-lalo na sa kanyang mga mata na ngayo'y kakulay na ng langit kapag maganda ang panahon.

"Hindi nga iyan, sabi, eh," naiinis ko nang sagot nang makabawi na sa epekto ng ngiti niya.

Hinila niya ako ulit at niyakap sabay bulong pa sa akin ng, "Eula."

Kumalas na naman ako sa kanya at ngumiti pa. "Maurr," sabi ko naman.

Sumagot siya sa akin ng, "Yes, Eula?"

Tumili ako nang pagkatinis-tinis. He scowled at me then he grinned.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top