CHAPTER FIVE
Bali-balita na sa buong campus na syota na ni Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. ang maarteng si Ms. Suarez. Katunayan, palagi na silang makikitang magkasama. Patok na patok sa mga estudyante ang team up nila. Kahit saan sila magpunta ay may mga estudyanteng tila kilig na kilig sa kanila. Pati sa Twitter page ng eskwelahan namin ay sila rin ang laman ng tweets. Dominated din ng mga pagmumukha nila ang FB community page namin. Iyan ang dahilan kung bakit lagi na lang akong gigil na gigil sa haliparot na Ms. Suarez ngayon.
"Pokpok!" sigaw ko habang nakahilata kami nila Felina at Keri sa ilalim ng puno sa freedom park. Nagulantang ang dalawa mula sa seryosohang pagbabasa ng makapal naming textbook sa isa sa mga major classes namin sa Med Tech.
"Hoy! Sinong pokpok?" tanong ni Felina. As usual todo emote ito na kunwari'y gulat na gulat.
Tinanggal ko ang braso na nakatakip sa aking mga mata habang nakahiga sa kandungan ni Keri. I squinted at Felina. Si Keri nama'y ngingisi-ngisi. Alam na kasi niya kung sino ang tinutukoy ko. Paanong hindi? Araw at gabi ay iyon lang ang pinag-uusapan namin.
"Binangungot siguro si Inday," paliwanag ni Keri kay Felina.
"Ikaw talaga, Yolanda Anai. Pambihira ka. Akala ko pa naman kung mayroon na namang juicy secret kang ibabahagi sa amin. Mag-review ka na nga riyan. Ang alam ko matindi si Prof. Arnaiz magpa-quiz. Parang compre raw," sagot ni tabatsoy. Pinatong niya pa sa tiyan ko ang makapal niyang notes. Tinabig ko ito at bumangon.
"Ang pokpok niya!" naiinis kong sabi sa kanila. May diin sa salitang 'pokpok'.
Tumawa na si Keri.
"Sino nga? Ako ba iyon, Yolanda? Bakit parang kasalanan ko?" At nag-emote pa si Taba ala-Bea Alonzo sa Four Sisters and a Wedding. Sinimangutan ko siya.
"Hindi ko sinabing porkpork. Sabi ko 'pokpok'. Malinaw na walang 'r' iyon."
"Ouch! Nagbibiro lang ang tao, eh. Ang bully ng hinayupak na ito!"
Tumayo na ako at nag-unat-unat. Tumaas hanggang midriff ko ang suot na green t-shirt ng school namin. Napasipol si Tabatsoy. Parang labanos daw sa kinis ang tiyan ko. Nakakainggit.
"Makinis at malalabanos nga, wala namang sex life. Aanhin pa iyan? Dekorasyon lang naman," kantiyaw sa akin ni Keri. Kinutusan ko siya bago ko dinampot ang Gucci black shoulder bag at nilayasan sila roon. Ang balak ko sana ay magpunta ng cafeteria at bumili ng pampalamig ng ulo. Kaso nga lang, malayo pa lang ako ay natanaw ko na ang magkaparehang ilang gabi ko nang tinitiris sa aking isipan. Hindi man sila magka-holding hands ngayon panay naman ang palitan nila ng kung anu-anong nakatatawa. Bungisngis nga nang bungisngis si Ms. Suarez.
Ang arte mo! Ultimo pagtawa mo ay sobrang OA! Bwisit ka!
"A penny for your thoughts, my love?" At may umakbay sa akin. Paglingon ko nakita ko ang nakangiting mukha ni Drae. Nakasuot ito ng dark glasses.
Inalis ko ang braso niya sa balikat at naunang maglakad sa kanya.
"Babe, sandali lang. Huwag ka nang magalit, please? Promise, babawi ako next time. Napagod lang ako, mahal ko, kung kaya isang round lang ang nakayanan ko," drama ni Drae sa malakas na tinig na ikinatawa ng lahat ng nakaririnig. Pati ako'y napangiti ng manyak.
"Neknek mo! Wala nang next time! Maghanap ka na ng ka-momol mo! Inutil!" asik ko sa kanya at nilayasan ko siya.
Humabol ang Drae. Lumuhod pa ito na tila nagmamakaawa sa akin sa harap ng entrance ng gusali ng Institute of Accounts, Business and Finance. Dahil mga alas onse na iyon nang umaga, marami-rami nang estudyante ang naroroon dahil iyon kadalasan ang daanan papunta sa isa sa mga canteen ng campus. Tawanan ang mga nakasaksi sa kabaliwan naming dalawa.
"Ikaw naman kasi, pare, eh. Pinagsasabay mo sila. Kita mo na? Lagi kang said tuloy," sabat naman ng nadaang ka-team ni Drae sa basketball. Nag-high five pa ang dalawang manyak bago lumayo ang lalaki habang humahagalpak ng tawa.
Sina Ms. Suarez at Propesor Mahaba ang Pangalan? Hayun. Napalingon sila. Nagkagulo kasi ang mga estudyante sa mga dayalogs namin ni Drae at ng kaibigan niyang sira-ulo rin. Sa mga hindi nakakilala sa amin, iisipin talaga nilang totoo iyong mga pinagsasabi namin. Pero alam ng mga batch mates namin at kaibigan na ganoon lang talaga ang greetings naming dalawa.
"Eula, my love! Patawarin mo na ako! Babawi ako mamaya. I'll take you to heaven and ---," at biglang napatayo si Drae. Dumaan sa gilid niya si Mr. Tamano, ang head ng Athletics.
"Follow me to my office, Mr. Clifford. Now!" sabi sa kanya ni Mr. Tamano.
"Ay, ikaw pala, sir." Kakamot-kamot ang napahiya na Drae. Napahagalpak ako ng tawa. Napalingon sa akin si Mr. Tamano. Awtomatikong sumeryoso ako at kunwari'y may kinakausap freshies. Gulat na gulat ang mga ineng nang bigla ko na lang tanungin tungkol sa homework namin. Siyempre, ano pa isasagot nila? Eh hindi naman kami magkaklase.
Pagtingin ko sa direksiyon nila Prof. Halvorsen at Ms. Suarez, likuran na lang nila ang naabutan ko. Mayamaya pa nang kaunti'y tinabunan na sila ng kung ilang grupo ng mga estudyanteng nagmadali papasok ng canteen.
**********
One-two-three---kulang ng isa ang mga estudyante ko sa Math in the Modern World. Tiningnan ko ang relos. Almost 15 minutes past the starting time. Tatanungin ko na sana ang mga kaibigan niya kung bakit hindi nila kasabayang dumating ito ngayon nang biglang may humahangos na pumasok ng room. Humihingal ito na tila galing sa isang 100-meter dash.
"Ms. Anai, what time is it?"
She looked at her watch and confidently answered me back. Ni hindi man lang kakitaan ng hiya na late siya sa araw ng major exam niya. Saan kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang babaeng ito?
"I'm sorry, Prof. Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. Something came up so I was not able to arrive on time. But just the same. I'm here, right?" At nginitian niya ako nang ubod tamis. "May I have my test paper now, Maurr---I mean, Prof. Halvorsen, Ph.D.?"
Tinitigan ko siya. Iyong titig na hindi ko nagustuhan ang tila hindi niya pagseryoso sa titulo ko. Iyong tila baga pinagtatawanan niya ang nakakabit sa aking pangalan.
"It's not easy to get a Ph.D., Ms. Anai."
"Aww, sir. Don't Ms. Anai me. Call me Eula."
Pinaningkitan ko siya. "I am not your friend. I will never call you that. For me, you will always be Ms. Anai."
She bit her lip. Hindi na siya sumagot pa pero iyan ay dahil sa sinenyasan na siya ng mga kaibigang tumahimik na para bigyan ko na siya ng test paper.
Walang kibo siyang naglakad patungo sa likurang bahagi ng silid-aralan kung saan siyalagi pumupwesto. Hinintay ko munang makapag-settle siya bago lapitan at bigyan ng test paper niya.
"Next time you come late for my exam again and I will never allow you to take it. Is that clear?"
She rolled her eyes before politely say, "Yes, sir!"
Hindi ko na pinatulan ang pag-make face niya sa akin. I gave her a questionnaire and proceeded to roam around the room to make sure no one is copying from their seat mate. Mayamaya nang kaunti, napalingon ako. May bumubungisngis kasi sa likuran. Nagbubulungan sina Ms, Anai at ang dalawa pa niyang kaibigan. Kaagad kong nilapitan. Umasta naman silang tila baga walang ginagawa. Nang tanungin ko kung ano'ng problema, umiling-iling sila at kunwari'y concentrated sa exam.
"Next time the three of you did that, I'll sent you out."
"I'm sorry, sir," sabi ng dalawa. Si Ms. Anai naman ay walang imik habang kunwari'y abala sa pagsagot ng mga tanong sa test paper. Napailing-iling na lang ako.
**********
Shit naman, o! Hindi ko na maalala ang Fibonacci sequence. Familiar siya sa akin, pero hindi ko ma-grasp pinaka-thought ng lintek! Kinakalkal ko na ang utak ko, ngunit wala akong sensible definition na mahanap. Napatingin ako kay Prof. Masungit. Nakatalikod siya sa direksiyon ko ngayon. Dahil naka-dark blue maong jeans siya at white polo shirt nagmukha siyang estudyante kaysa propesor. Napansin ko na naman ang maumbok niyang pang-upo. Imbes na mamroblema sa Fibonacci sequence, I drooled on his juicy behind. Nakagat ko pa ang dulo ng pen habang pinagpapantasyahan ang butt ni Prof. Naisip ko, mabalahibo kaya ang puwet ni sir? Ang alam ko sa mga may lahing European, mabalbon sila. Napangisi ako nang ma-imagine ang puwet ni Sir na mabuhok at bini-braid ko ang mga iyon.
"Ms. Anai!" Dumadagundong ang boses ni Prof. Masungit. Nagkunwari akong nagmamadali sa pagsagot ng remaining questions sa test paper ko. Kahit naramdaman ko ang paglapit niya sa tagiliran ko, nagdedma-dedmahan ako.
"What's going on?" narinig kong tanong niya. Hindi pa nakontento na nakatunghay lang siya sa akin, ha? He grabbed a chair and sat beside me. Na-conscious ako nang masinghot ko ang aftershave cologne niya. In fairness, may taste si Sir! I recognized the scent right away. It was one of the most expensive aftershave cologne ever! Napatanto kong hindi lang pala ordinaryong propesor ang guro ko sa Math in the Modern World. For someone who can afford it, sigurado akong may kaya ang pamilya ni Prof. Mahaba ang Pangalan.
"What's the giggling all about?" patuloy niya. This time ay kalmado na ang boses niya. Naglakas-loob akong tumingin sa kanya. And my heart---gosh, my heart! Lumundag-lundag ito at nagpagulung-gulong nang magtama ang paningin namin ni Prof. Grabe. Ang ganda ng mga mata niya kahit na naiirita na sa akin. Tingin ko iyon na ang pinakamagandang pilik-mata na nasaksihan ko sa aking tanang buhay. Nautal tuloy ako nang wala sa oras.
"P-po? A-ano p-po?"
For the first time, I became polite.
"Drop the 'po'. It doesn't suit you. Ano ang binubungisngis mo? You are disturbing your classmates by your antics."
Umiling-iling ako. Hindi na ako kumibo. Paano kasi, pinagpawisan ako nang malapot. At nakaramdam ako ng kung ano. Ang dami ko nang na-imagine nang masulyapan ang matipuno niyang dibdib dahil sa nakabukas na ilang butones sa bandang dibdib niya. Nakita ko ring may suot na kuwintas si Prof at tila isang locket ang pendant no'n. Naintriga ako kung ano ang laman ng locket. Nang maisip kong baka larawan nilang dalawa ni Ms. Suarez nanggalaiti ako sa galit. Grabe. Tila automatic ang reaction ko. Nang sumagi sa isipan ko ang malanding guro, I was consumed by anger.
Para iwas-pahamak, tumahimik ako. Buti naman at hindi naman nagpumilit na sagutin ko. Nang tumayo siya't umalis sa tabi ko, napabuga ako ng hangin. Napahagikhik si Keri at Shane sa hindi kalayuan habang nagsasagot sa kani-kanilang papel. Pinandilatan ko sila at inginuso ko si Prof. Masungit. Ngingiti-ngiti pa rin sila pareho.
Mayamaya pa, nagpasahan na ng papel ang mga kaklase ko. Nang mapaangat ako ng ulo, iilan na lang kaming nagsusulat pa. Pati sina Keri at Shane ay nagsipagtayuan na rin at nakipila sa mga nagpapasa ng test papers. Nag-panic ako. May tatlong questions pa akong hindi nasasagot.Minadali ko ang pagsagot sa dalawa. Akmang sasagutan ko na ang pangatlo, nang biglang ianunsiyo ni Prof. Halvorsen, Ph.D. na kailangan na naming ipasa ang papel namin ke natapos namin ang exam o hindi. Ayaw kong iwang blangko ang last question. Kaso nga lang, wala na akong maisulat. Bobo talaga kasi ako sa algebra. No'n umatake ang kabaliwan ko. Imbes na sagutin ang algebraic expression na bigay niya, which asked us to find 'x' and sagot ko: Why would we want to find 'x' when we can find 'i'? So let's say 9x-7i >3(3x-7u)? What is 'i'? Simple! i <3 u.
"Ms. Anai! I said, time is up!"
Ang plano ko, buburahin din sana ang sinulat kong walang katuturan. Subalit dahil sa gulat, napatayo ako bigla at naiabot ko sa kanya ang papel nang hindi ko na-erase ang last answer. Dali-dali akong lumabas ng silid-aralan namin. But before I completely disapperead, I turned my back one more time. At kitang-kita ko kung paano sinupil ni Sir ang pagsilay ng ngiti nang makita ang sagot ko sa huling katanungan niya. Kinilig ako nang sobra.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top