CHAPTER EIGHTEEN

Grabe ang tibok ng puso ko. Parang ayaw kong tingnan ang pina-print kong copy ng mga grado nang nagdaang semestre. Mas takot ako sa grado ng dalawang naiwang GE courses, ang Math in the Modern World at Retorika, kaysa sa thesis at sa major subjects ko.

"Ano ba? Titingnan mo na ba ito o itatapon ko na sa basurahan?" angil sa akin ni Keri kasi kanina pa niya inaabot ang copy of grades ko, pero tinatalikuran ko lang sila ni Shane.

"Check mo nga? Ano ang gradong binigay ng asawa ko sa akin? Pumasa ba ako?"

"Ay, hala, Eula!" bigla na lang ay nasabi ni Shane.

Napa-about-face ako. Sinipat ko ang mukha ni Bansot. Nanlaki ang mga mata nito. Tapos tiningnan ako nang may lungkot ang mga mata. "Hindi bale, maaari ka namang mag-shift sa course ko, eh. Tapos sabay tayong ga-graduate! Ang saya!" At ngumiti na ito agad. Pumalakpak pa.

Ako nama'y namutla. Binagsak ako ng lalaking iyon? Akala ko binigyan niya ako ng one hundred points sa finals! Makikita niya mamaya! Kukulutin ko pati buhok niya sa ano niya!

Inagaw ko kay Keri ang copy of grades ko. Handa na akong punitin iyon nang makita ko ang malaking titik na B sa tabi ng Math in the Modern World. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi lang ako ipinasa ni Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. Binigyan pa ako ng mataas na marka!

Tumalon-talon akong parang timang. Pinagtinginan kami ng mga estudyante na tumatambay din sa ilalim ng mga puno sa tapat ng chapel. Napa-ballet ako ng wala sa oras. Pinagtawanan ako nila Keri at Shane. No'n ko naalala ang panloloko ng ulikbang bansot. Nilapitan ko ito at hahablutin na sana nang magtago sa likuran ni Keri.

"Aba, nagkakasayahan yata kayo rito, ah. Pumasa ka ba sa Math in the Modern World, Ateng?" bungad agad ni Felina. Sa akin nakatingin.

Tinigilan ko ang paghahabol kay Shane at proud na iwinasiwas sa harapan ni Taba ang copy of grades ko. Mas masaya pa ako sa grade na B sa subject na iyon kaysa sa nakuha kong A sa group thesis namin. Lokaret lang 'no? Pero ang saya ko ay napalitan ng lungkot nang matanaw ko sa hindi kalayuan ang lalaking may-ari ng condo na tinitirhan ko, pero bihira ko namang nakakasama sa araw-araw. That was the first time I saw him in days. Saan kaya siya nakituloy nitong mga nakaraang linggo? Huwag niyang sabihin kina Ms. Suarez!

Hahabulin ko sana siya habang paakyat ng chapel nang biglang lumitaw ang babaeng salot sa buhay ko simula't sapul. Si Ms. Suarez, a.k.a. Mary the Sinner. Siya ang humabol kay Maurr. Aba'y naka-miniskirt na nga na tatlong pulgada ang taas mula sa tuhod, may slit pa sa kalagitnaan ng hita pababa. Hindi lang iyon. Her see-through short-sleeved white blouse has a plunging neckline. Sinadya ba niya talagang ipakita ang lace ng black bra niya? Sumulak ang dugo sa ulo ko. Medyo malayo-layo siya nang kaunti pero nasisilaw ako sa kaartehan niya. Sobrang landi!

Professor ka, hindi pokpok!

Namalayan ko na lang na kinukuyom ko na pala ang mga palad at naka-fighting stance pa. Kung hindi ako inakbayan ni Keri at binulungan na ibaba ko ang mga kamao dahil nagmumukha na akong timang doon ay hindi ko pa iyon sana napansin.

"Ang hina mo kasi, eh. Sa iisang bubong na nga lang kayo nakatira, ni hindi ka pa naka-iskor. Ano ba ang pinaggagawa n'yo sa condo sa gabi? Nagpo-posoy dos? O baka nagso-solitaire?"

"Tigilan mo ako Taba at mainit ang ulo ko!"

"Hala. Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nadidiligan ni Sir Maurr?!" kunwari'y shocked na naibulalas ni Shane.

Ngumisi nang abot-tainga si Keri. Nakipagpustahan pa ito sa dalawa na magpapa-annul na lang daw kami ng kasal next year pero ni dulo ng daliri ni Sir Maurr ay hindi ko raw madidilaan. Hagalpakan ng tawa sina Taba at Bansot. Sinimangutan ko sila, pero naki-ride on ako sa panloloko nila.

"Tange! Nasilipan ko na nga, eh. Iyon lang hindi ko pa magawa?"

"Silip lang. Ano lang ba iyon? Iba iyong nahipo mo, nalapirot, at nadilaan!"

Napatitig nang hindi makapaniwala sina Keri at Felina kay Shane. Sa aming tatlo kasi ito ang pinakabata. Kaka-nineteen niya lang noong isang buwan. At tinuturing naming baby of the group.

"Hoy, ang bunganga mo! Siguro gawain mo iyan, ano?" sabi ko sa kanya.

She smiled sheepishly. Nagtinginan kaming tatlo nila Keri at Felina. Diyata't may itinatago si Bansot sa amin.

**********

Papasok ako ng faculty room ng Math Department nang marinig ang sweet na sweet na pakikipag-usap ng program head namin, si Prof. Pelaez, sa kung sino man ang kausap sa cell phone niya. Tahimik akong humugot ng silya sa tapat ng isang vacant desk malapit sa kanya at naupo na agad. I heard a faint male voice in the background mula sa CP niya. I was about to turn my laptop on, when I heard him say, "I love you mucho-mucho!" na parang kilig na kilig. Napasulyap ako kay Prof. Pelaez. Siguro pinangunutan ako ng noo no'n at napansin niya iyon dahil bigla na lang nagsalita ng, "My wife. Naglalambing." Lalo akong naguluhan. May babae bang sobrang baba ng boses? Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon. Sinabi ko na lang sa sarili na it was none of my business nang may maalala.

"Professor Pelaez, may I asked you something?"

Katatapos lang ng call niya sa mysterious caller na sinasabi niyang 'my wife'. Abot-tainga pa rin ang kanyang ngiti. Sinamantala ko na ang pagiging good mood niya dahil bihira lang iyon. Kadalasan nakabusangot ito dahil sa katarantaduhan ng mga estudyante lalung-lalo na ang klase niya sa Math in the Modern World.

"If you guys say 'I love you' to someone do you really mean that? I mean Filipinos in general. Like you. I heard you say it to the person you were talking to a while ago."

Professor Pelaez looked at me dreamily as if trying to recall what he and that caller had shared on the phone.

"Of course, Professor Halvorsen. We, Filipinos, are very warm and affectionate. We love to say 'I love you' to the people who are special to us."

"But do you mean it?" paniniguro ko pa.

"Of course. We mean it!"

Hindi ako nakapagsalita. May binalikan uli ang diwa ko. At tulad ni Professor Pelaez ay napangiti rin ako na parang hibang.

"Did you hear it from someone lately?" may himig panunukso nitong tanong. Nagulat ako. Napaupo ako nang matuwid at nagseryoso agad-agad. Imbes na sagutin siya, binaling ko ang tingin sa nakabukas na laptop sa harapan ko. "I was just curious. That's all," sagot ko habang nagbisi-bisihan sa paggawa ng bagong module para sa Math in the Modern World sa susunod na semestre.

**********

Inihagis ko sa sofa ang dala-dala kong Gucci bag pagdating na pagdating sa condo ni Maurr. Paano ba naman ako ganahan sa pag-uwi kung sa tuwing dating ko roon ay palagi namang walang tao? Ang saya ko na sana't binigyan ako ng hundred points sa finals tapos ipinasa pa sa subject niya, pero hindi naman ako inuuwian! Saklap ng life ko!

"What was that?!"

Napalingon ako agad nang marinig ang pamilyar na tinig sa likuran. Paglingon ko, I saw him! Yes. It was him and no one else! Naka-boxer shorts siya ng itim at wala nang iba pang saplot. Base sa nakita kong tila pamumungay ng mga mata, tingin ko kagigising lang. At baka nagising lang sa ingay ng paghahagis ng gamit sa living room niya.

Bumaba agad ang mga mata ko. Tapos pagtingin ko na sa mukha niya, I saw him squinted at me.

"What was that?" ulit niya sa tanong habang nakahawak sa doorknob.

Linakasan ko ang loob. Lumapit ako sa harapan niya at napahalukipkip.

"Mag-usap nga tayo, Maurr."

Pinanliitan niya ako lalo ng kanyang mga mata. Tiningnan niya pa ako sa paraang tila nawiwirduhan.

"Aren't we already talking?"

"Stop being so philosopher!" asik ko.

Ay, tama bang English ng pilosopo ang philosopher? Whatever! Mainit ang ulo ko.

Humikab ang hudyo. Ano? Ang boring kong kausap?!

Gusto ko sanang tusukin ang tiyan niya. O di kaya'y pingutin ang isa sa mga pinkish nipples niya. Nagpigil lang ako.

"Magseryosohan tayo. Hindi ako nagbibiro this time. Let's discuss 'us' seriously. Ano ba ako sa buhay mo? Bakit iniiwan mo na lang ako rito palagi? Hindi mo ba alam na natatakot din akong mag-isa? Paano kung may mumu sa condo mo?"

"Ghosts do not exist. You're already too old to believe that," tila tinatamad niyang sagot. Humikab ulit. Dahilan para tusukin ko nga ang tiyan niya. Napaigtad siya bigla. At tila naalimpungatan pa. Dumilat na siya nang husto sa akin ngayon.

"What was that for?"

"Hikab ka nang hikab. Bakit? Ang boring ko ba? Gano'n?"

"I was sleeping when you came in. I was awakened by the sound of whatever it was that you did. And you expect me not NOT to yawn from time to time?"

Ay ganoon ba? Inaantok lang pala ang mokong.

Umatras siya at pumasok sa loob ng kanyang kuwarto. Pagkapinid ng pintuan, ngumawa na naman ako. Bakit niya ako iniwan? Gusto ko pa siyang kausapin! Kinatok ko siya nang sunud-sunod. Sa pangatlong katok ko'y mukha na niya ang muntik kong matuktok. He stared at me with that strange look. Hindi ko alam kung pabor ba iyon sa akin o ano. Pero nagpabilis iyon ng tibok ng puso ko.

"Let's go to the living room," sabi niya.

Naka-gray jogging pants na siya ngayon at puting t-shirt. Mabilis na nag-stray ang mga mata ko sa bandang ibaba. Kahit loose ang kanyang suot, may pamumukol pa rin doon. Kaya feeling ko totoo ang bali-balita na pinagpala nga talaga ang mga may lahing puti. Hindi ko namalayang napangiti na ako. Kung hindi niya ako nilingon at tinitigan na parang nagtatanong ay hindi pa ako pumormal. Ano nga ba ang pag-uusapan namin?

"Okay. Spill it out. Why are you mad?" tanong niya pagkasalampak sa carpet. Ni hindi na siya umupo sa sofa. Sumandal na lang siya roon. I sat next to him. Sa pang-isahang upuan.

"Saan ka ba nagsususuot nitong nakaraang mga araw? Bakit bihira ka nang umuwi?" deretsahan kong tanong.

"Is that important?" balik tanong niya.

"Aba'y tatanungin ko ba naman kung hindi?"

"I went to see Annette," walang kagatul-gatol nitong sagot. "She was in Manila for just a week."

Annette? Sino iyon? Ni hindi pa nga ako naka-move on kay Mary, ang malanding prof na iyon, tapos ngayon mayroon pa pala akong isa pang dapat poproblemahin?

"Annette? Who's this bitch? I mean---" Shit! Nadulas ang dila ko.

"My sister."

"Oh, your sister." At biglang nagbago ang pakiramdam ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. Medyo nayayamot na siya at nababagot. Iyon lang daw ba ang pag-uusapan namin?

"There's another one I want to talk to you with," sabi ko sabay hingang malalim. Pinisil-pisil ko ang mga daliri at pinatunog ang mga ito.

"Cut to the chase, Ms. Anai. Ano iyon?"

"Pwede ba?! It's Eula! Eula! E-U-L-A. EULA! Mahirap bang banggitin iyon?" naiinis kong sagot. "Wala na tayo sa school at lalung-lalo na wala sa classroom. And besides, I'm no longer Ms. Anai! I'm Mrs. Halvorsen for crying out loud!"

Sa bandang dulo'y may namutawing ngiti sa mga labi ko na agad-agad ko ring sinupil lalo pa't ni hindi siya nag-react sa todo-emote ko. Ni hindi nga nagsalita. Manhid!

"Isang tanong, isang sagot, Maurr. Ano ba ang lugar ko sa buhay mo bukod sa misis mo sa papel lamang? Tell me. What am I to your life?"

Sumulyap siya sa akin. Ang mga mata niya'y nakatingin sa akin nang matiim. Parang humaplos iyon sa puso ko. Hindi ko batid kung ano ang nasa isipan niya, ganunpaman nagkaroon ako ng goosebumps sa klase ng tingin niya. I even felt excited in a sexually tensed way.

Binawi niya ang tingin at napatingin siya nang deretso sa dingding. Akala ko'y dededmahin niya lang ang tanong ko, pero nagsalita siya. Yes! He replied to my questions! Pero sa sobrang tuwa na sinagot na niya ako this time, hindi ko nakuha ang mga sinabi niya.

"Ha? Pakiulit," sabi ko pa sa kanya.

Tumingin na siya sa akin no'n at sa buong tinig ay sinabing, "You're like a pi to me. A pi to my sphere." Tapos tila sinipat niya ang ekspresyon sa mukha ko. He seemed to be waiting for something.

Pinangunutan naman ako ng noo.

"Pie? As in pizza pie? Or pie as in tina-pie?"

He rolled his eyes.

"Ano? Which of the two?" pangungulit ko.

Bumuga siya ng hangin at umiling-iling. Nang pinilit ko'y, inangilan ako. "I said you're a pi!"

"Imposible ka, Maurr! Tumaba lang ako nang kaunti, sasabihan mo na akong mukhang pizza pie? Bwisit ka!" At iniwan ko na siya roon.

**********

"O, ano'ng sabi niya?" excited na salubong sa akin ni Professor Pelaez kinabukasan. "Nasabi mo na ba? Dali! Kuwento na! Young love excites me!"

Napakamot-kamot ako sa ulo. At binalikan ang reaksiyon ni Ms. Anai.

"She walked out."

"What!?! Nag-walk out kamo si Ms. Anai? Bakit naman siya nag-walk out? Akala ko ba'y parang may something naman sa inyong dalawa."

"That's what I thought, too. Pero---"

"Paano mo ba sinabi?" pang-usisa pa nito habang iniimis ang test papers sa desk.

Napahinga muna ako bago sumagot. "I told her---she's a pi to my sphere."

"Pi to your sphere! Wow! You're so romantic, Professor Halvorsen! I didn't know you could be poetic to the right girl! A pi is a much needed constant to determine the value of an unknown sphere---which is your world. It only means Ms. Anai is very important to your life! That is so sweet!"

"She was kind of confused and a bit m-mad. She asked me again if I do think she look like a pizza pie or tina-pie?" pagtatapat ko.

"Ha?" At humalakhak na si Professor Pelaez. "Did you teach their class about what a pi is?"

Tumangu-tango ako at sinabi pa ritong naging parte nga iyon ng long exam nila sa akin. Hindi ko na hinintay pang tanungin ako kung paano sinagutan ni Ms. Anai ang tanong kong, find the 'value' of pi to the modern world. Pinakita ko na sa kanya ang cell phone na may picture no'ng mismong sagot ng uliran kong estudyante.

Napahagalpak ng tawa ang matanda nang makita niya ang map na dinrowing ni Ms. Anai na nagsasaad kung paano matunton ang 7-Eleven mula sa unibersidad. Sa ibaba no'n nilagyan niya pa ng convo between her and the store clerk.

Me (Ms. Anai): Ate, what's the value of your tina-PIE?

Ateng Bulinggit: Ano'ng value-value po, Miss?

Me (Ms. Anai): Magkano nga ang tina-PIE n'yo?

Ateng Bulinggit: Ah. Ito po ba? Kinse pesos po isa.

Me (Ms. Anai): The tina-PIE is valued at Php15 a piece. PROBLEM SOLVED.

"But in fairness, her map was drawn well. Magaling!" komento ni Professor Pelaez.

**********

"Ha? Sinabi niyang mukha ka nang pizza pie?" hindi makapaniwalang balik-tanong sa akin ni Keri. "Sigurado ka, girl? Mukha namang hindi mapang-okray si Sir, ah."

"Sinabi nga niya sa akin iyan. Ano ka ba! Parang ikaw ang nandoon."

"Sabi niya pie daw ako pie!"

"Baka pi? Alam mo iyon. Pi as in pi!" Si Felina naman. "Wow! Ang romantic ni Sir Maurr!"

Pinangunutan namin ng noo ni Keri si Felina. "Paanong romantic" halos ay sabay naming tanong sa kanya. Nang ipaliwanag niya ang value ng pi sa architecture, napaisip kami ni Keri. Pero hindi pa rin namin siya gets. Tinirikan niya kami ng kanyang mga mata.

Pagdating ko sa condo, na-excite ako nang madatnan doon si Maurr. Nanonood siya ng soccer game ng country nila o mas angkop sabihing bayang pinanggalingan ng ama laban sa Norway. At mukhang tuwang-tuwa siya dahil lamang sila. Ilang beses na akong tumikhim-tumikhim sa tabi niya pero parang hindi niya ako naririnig. Panay cheer niya kasi at hindi ko siya maintindihan.

"Sorry, that was Icelandic," sulyap niya sa akin.

Itinirik ko ang mga mata.

"Do you need something?" tanong niya.

Yes, I do. I need you.

Tumikhim na naman ako dahil parang mapapabunghalit ako ng tawa sa naisip na isasagot.

"Curious lang ako, Maurr," sabi ko sabay upo sa tabi niya.

"Sir Maurr."

"Ewan ko sa iyo!" asik ko sa kanya sabay taas ng dalawa kong paa sa sofa. As I curled on the couch and browsed the Internet at the same time using my Smartphone, I glanced at him from time to time. Nang makita kong nasa good mood siya dahil lamang ang Iceland kontra Norway, sinamantala ko na. Tinanong ko na ang gustong itanong.

"Totoo ba? You do not use surnames or family names in your country?"

He looked at me like I was weird or something. Pinakita ko sa kanya ang blog na kababasa ko lang.

"Generally speaking, yeah. But mine was with us prior to 1925 so we were able to keep the family name. But we do have a patronymic or a matronymic system in naming people in our country."

Pinaliwanag pa niya na sa patronymic system daw ang anak na lalaki ay papangalanan ng first name ng ama plus ang salitang 'son' bilang surname. Kaya halimbawa raw kung gagamitin ang ganoong sistema sa pagpapangalan sa anak niyang lalaki someday, ang magiging last name daw no'ng bata ay 'Maurrreidarson'. Pero halimbawa, kung matronymic naman daw ang gagamiting sistema pangalan ng nanay no'ng bata ang kakabitan ng 'son'. The same goes with daughters, he said. Pero imbes na 'son', 'dottir' naman daw ang idudugtong sa pangalan ng ina for the child's surname.

"Ah. Kung matronymic pala ang gagamiting sistema, ang surname ng anak mong lalaki ay Yolandaysadorason? Tama?"

Natigilan siya. Napatitig siya nang matagal-tagal sa akin. Sinamantala ko ang atensyon niya.

"So halimbawa, pag nagkaanak tayo ng lalaki at sinunod natin sa patronymic system at pinangalanan natin siya ng Matutino ang magiging buo niyang pangalan ay Matutino Maurrreidarson? Korek?"

Nangunot ang noo niya at tila napaisip pa. I went on.

"Kapag babae naman at pinangalanan nating Matutina ang buong pangalan niya sa patronymic system ay Matutina Maurrreidardottir at pagmatronymic naman ay Matutina Yolandaysadoradottir? Korekeks?"

"I cannot believe I am having this conversation with you," sabi niya.

At nainis siya sa akin nang pagtingin niya sa TV ay makitang nilamangan na sila ng Norway at hindi niya nakita kung bakit.

"Fvck!" naibulalas niya.

Nang tuluyang matalo sila, galit na galit na siya. Pinatay niya agad ang TV at tumayo na para siguro pumunta ng kuwarto. Pero niyakap ko siya sa tuhod para pigilang umalis.

"Saglit lang!" sabi ko pa.

"Ms. Anai! What the fvck do you think you're doing?"

"I still want to know more about your country."

"You can Google it!"

Nakahulagpos siya sa yakap ko. Ako nama'y nahulog sa sofa. Dali-dali akong gumapang sa paghabol sa kanya. At dinambahan ko siya. Niyakap ko na naman ang mga binti. Dahil pilit siyang lumalakad kahit na nakapangunyapit na ako sa kanya, I was dragged along. Humahagikhik ako habang nakikita siyang inis na inis. Natigil lang ang pagbungisngis ko nang mahila ko pababa ang jogging pants niya. Nabitawan ko siya agad nang sa pagtingala ko'y sinalubong ako ng puti niyang boxer briefs at ng maumbok niyang pang-upo. Nang humarap siya sa akin, nakita kong hindi lang pala mukha niya ang nagngangalit na parang tutuklaw ng biktima. Pati si manoy ay ganoon din!

Napakagat ako ng hintuturo sa labi sabay bulong ng, "Sowie. I just want to make you loosen up." At binitawan ko na siya nang tuluyan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top