CHAPTER EIGHT

A/N: The complete copy of this book is available on Google Play. Just search for Gretisbored on Google Play or this link: https://books.google.com.ph/books/about?id=4akHEAAAQBAJ&redir_esc=y&hl=en Sa mga gustong per chapter lang, this is available on Dreame under the username: Gret San Diego.

**********

"Sir? Ano po ang plano n'yong gawin sa akin? Huwag naman po, sir! Ang bata-bata ko pa po at gusto ko pa pong makatapos ng pag-aaral!" drama ako agad kay Prof. Maurr pagpasok ko sa faculty room ng Math Department.

Ang totoo niyan kabado akong excited na hindi maintindihan at dinadaan ko lang sa biro-biro. Hindi kasi ako komportableng makipag-usap sa kanyang mag-isa. Namamasa lahat ng parte ng katawan ko lalo na ang kili-kili.

"Stop daydreaming, Ms. Anai," parang tinatamad na sagot ni Sir Maurr. He did not even look up. Nagta-type siya sa laptop niya habang sinasabi iyon. Sisilipin ko sana kung ano ang tinitipa pero bigla niyang itiniklop ito at hinarap ako. Seryoso ang koya.

Umakyat ang pintig ng puso ko sa lalamunan. Naririnig kaya niya ang dagundong nito? Nakakainis! I would have given anything just to know what he is thinking right now.

"I think you know why I asked you to come here," panimula niya. Walang kangiti-ngiti.Nakaupo lamang siya ngunit pakiramdam ko ay ang tangkad-tangkad niya dahil pantay pa rin ang paningin namin kahit na nakatayo ako. Ang kaseryosohan ng ekspresyon sa kanyang mga mata ay nakatatakot pa ngunit sinikap kong balewalain iyon. Or else, mawiwindang ako.

"Bakit po, sir?" kunwari'y kalmado kong tanong.

Pinaningkitan niya ako ng mga mata. Tila sinisipat niya ang aking mukha. Na-conscious tuloy ako. May dumi ba ako sa pisngi? May muta? Kulangot kaya? Napahawak ako sa gilid ng mga mata ko at pinahiran iyon. Pasimple ko ring kinusut-kusot ang ilong para hindi naman maging halatang sinusungkit ko ang laman-loob niyon kung mayroon man. Kunwari'y tumagilid ako para lumaylay ang mga hibla ng buhok at matakpan nito ang kalahati ng aking mukha. Ginawa ko iyong pantakip habang binubutingting ko ang ilong.

"What are you doing?" tanong ni Sir Maurr, magkasalubong ang mga kilay nito.

Nag-hair flip ako at tumikhim-tikhim.

"Yes, sir!" Pabiro pa akong nag-hand salute.

"I'm not in the mood to entertain your antics, Ms. Anai. I am dead serious. I think you know why I asked you to come here."

"Hindi nga, sir, eh. Ang kulit n'yo naman." Tumigil ako nang ma-realize na pinagtaasan ko ng boses si Professor Mahaba ang Pangalan. "I mean---"

Nagtaas ng kamay si Sir Maurr. Pinapahinto niya ako. "I know what you mean. You do not have to elaborate. I know you'll just lie."

Aba, aba. Jinudge ako ng hinayupak!

"I am sure you have heard what I am accused of. They slapped me with a sexual harassment case. One of these days, they'll ask for your official statement about the issue,"

Napahawak ako sa batok. Hindi ko inasahang makaramdam ng hiya. Paano kasi bumaha ang alaala ng nakaraang araw kung saan lumabas ako ng CR na tanging suot ay kapiranggot na bikini't lacy bra lamang. Hindi sa nagpapaka-virgin ako. I'm not a shy girl. Pero sino ba naman ang hindi mahihiya? Kung sa beach ako, walang problema. Kaya kong isuot ang gahiblang bikini. But I was in the university premises!

"We both know nothing happened, right?"

Noon ko napagtanto kung ano ang gustong mangyari ni Professor Masungit. Nakikiusap siya sa aking sabihin ko sa kinauukulan na wala siyang kasalanan. Na gawa-gawa lamang ng "witness" ang naturang kaso. Kahit alam kong iyon naman ang dapat kong gawin dahil iyon ang totoo, nakaisip ako ng something. Ang lagay ba'y ganoon lamang iyon? No way, Jose!

"Well..."

Pinaningkitan na naman ako ng mga mata ni Sir Maurr at napansin kong ang cute-cute niya pala kapag medyo naiirita. Bukod kasi doon ay bahagya pa siyang napapakagat ng lower lip. Lalo tuloy siyang naging super hot prof.

"Are you telling me you're not going to tell the truth?"

"Uhm---in one condition."

Tinitigan na ako nang husto ni Professor Masungit. This time, pakiramdam ko nanunuot ang mga tingin niya hanggang sa aking mga buto. Gosh! Nakaka-super conscious!

"What condition?" tanong niya. Malamig na ang boses niya. Ramdam ko na rin ang tinitimpi niyang galit. Ewan ko ba. Kinilig pa ako roon kaysa matakot at kabahan.

Sasagot na sana ako kung ano ang gusto kong kondisyones kapalit ng pagsasabi ng totoo nang bigla na lang bumukas ang pintuan at nagsipasukan ang dalawang maiingay na young female faculty. Napatingin sila sa amin ni Sir Maurr.

"Hi, Maurr! Kumusta?" bati ng isa sa malanding tinig. She eyed me with interest.

Bahagyang tumango lang si Professor Masungit. Hindi siya sumagot sa babae. Ako nama'y hindi rin umimik. Ni hindi ko binati pati ang isa kahit na naging propesor ko siya noon. Ba't ko naman gagawin iyon? Muntik na niya akong ibagsak, 'no? Bwisit siya! Nasabon ako ni Mommy dahil forty-five ang grado ko sa kanya sa Midterm at fifty ang passing namin. Buti na lang nakabawi ako sa final exam.

"Okay, Ms. Anai. That's all for today." At pinalayas na ako ni Sir, este pinalabas pala ng room.

**********

"Didn't I warn you to stop teaching here? Go back to Iceland! Punyeta! Ipapahamak ka ng malanding estudyanteng iyan!" galit na tungayaw ni Mom nang mapag-alaman sa pinsan kong si Lilja na nasangkot ako sa sexual harassment case.

"You're overreacting, Mom. I'll be all right."

"How can you keep calm? That fvcking student can ruin your career! She can even put you in jail for crying out loud! Kapag makita ko ang haliparot na babaeng iyan, makikita niya! Kakalbuhin ko pati ang kepyas niyang sobrang kati!"

"Mom!" naibulalas ko. Nanindig ang balahibo ko sa lenggwahe niya. Oo nga't hindi ako matatas managalog, pero naiintindihan ko naman ito. Alam ko rin ang mga bastos na salita. Hindi ko inasahang ganoon ang magiging reaksiyon ng mother ko. Naiinis ako kay Ms. Anai pero hindi sapat para tawagin siya ng kung anu-ano at pagsabihan siya ng mga walang kakwenta-kwentang kataga. Palagay ko'y pati siya ay biktima rin. Dinig ko nga kumalat na sa buong campus na may consent niya ang binabato sa aking sexual harassment case. Bali-balita pa sa eskwelahan na fubu ko siya. Mas malala ang naging epekto ng kaso sa reputasyon niya kaysa sa akin. Not that I am being chauvinistic. But this is the Philippines. Sa mga kasong ganito, palaging nasa losing end ang babae ke kasalanan niya o hindi. Nasa kultura ng mga Pinoy kasi na ang babae ay dapat malinis.

"How old is that fvcking student? Because I will make sure she gets jailed for this."

Napahinga ako nang malalim. Unstoppable na si Mom. Nakailang buga na siya ng usok ng sigarilyo sa akin. Ilang beses na rin akong naubo dahil doon. Sinisimangutan ko na nga siya at itinuro pa ang fire detector sa tabi na anumang oras ay tutunog sigurado.

She just gave me a sour look. Naiba lang ang modo niya nang tumawag si Dad sa akin para sabihan akong sabihin sa kanya na dadaan daw ito sa condo ko sa Legarda para pik-apin siya. Kaagad nitong kiniskis sa ash tray ang sigarilyo at tumakbo sa banyo. Paglabas niya'y nakalugay na ang buhok at mabangung-mabango na. I smiled secretly.

When Dad knocked on my door, she hurriedly told me this: "Tell your dad I am asleep and if he wants to see me he needs to wake me up." Then, she ran to my guest room.

I rolled my eyes. Almost fifty na si Mom pero kung umasta minsan daig pa ang kiti-kiting teenage girl.

"Where's your mom?" tanong ni Dad kaagad. I told him what Mom asked me to tell him. Siyempre, hindi ko sinabing nagtulug-tulugan lang ang asawa niya.

Imbes na dumeretso sa guest room naupo sa couch ang Icelandic kong ama at humingi ng beer sa akin. Habang lumalagok ito ng malamig na malamig na San Miguel beer kinuwento niya sa akin ang lovestory nila ng mommy ko out of the blue. Napanganga ako nang matapos ito. No'n ko lang kasi iyon narinig. Kaya pala galit na galit ang mom ko kay Ms. Anai. No wonder.

**********

"Shoot, Drae, shoot!" sigaw ko kay Drae habang nagpi-free throw ito. Lamang ng sampong puntos ang Growling Tigers at kailangang-kailangan ng koponan namin ang bawat puntos na makukuha niya. Sa kasamaang palad, sablay ang dalawang free throws. Sabay-sabay na napa-groan ang buong Tamaraw's supporters.

Napahilig ako sa balikat ni Keri. Gusto nang tumulo ng luha ko. Paano kasi'y fourth quarter na iyon at ilang minuto na lang ay matatapos na ang laro. Kung matatalo ang koponan namin, si Drae ang tiyak na masisisi dahil nakailang three-point shots siyang hindi pumasok pati na mga free throws niya.

Nang dalawang minuto na lang ang nalalabi sa laro, nakahabol ang Tamaraw Team. Anim ang nakuha nilang puntos mula sa dalawang sunud-sunod na three point shots ng mga kasamahan nila Drae. Bumaba sa apat na lang ang lamang ng Growling Tigers. Tapos free throws pa ng koponan namin.

"Makakahabol kaya sila?" halos ay pabulong na lang na tanong ni Shane. Takot na takot na baka mausog ang swerteng dumating sa last minute.

"Of course! Tiwala lang," sagot ko naman.

Nagkapit-kamay kaming apat. Napapagitnaan ako nila Keri at Shane. Katabi naman ni Keri si Felina. Nang sulyapan ko si Taba nakita kong nakapikit ito. Kaya pala kanina ko pa hindi naririnig ang boses niya. Tingin ko taimtim siyang nananalangin. Ganoon din sina Keri at Shane. Ako lang yata ang nakadilat.

Napatingin na lang ako sa court nang marinig ang hiyawan ng kagalakan ng kabilang bleachers. Tapos nakita kong nakaluhod sa court si Drae at nakayuko siya. Dumagundong sa kaba at takot ang puso ko. Ayaw kong tingnan ang scoreboard.

Nang mag-iyakan na ang mga kaibigan ko saka ko lang na-realize na hindi dininig ang mga panalangin namin. Nanlata ang buo kong katawan. Gusto kong maglupasay sa iyak dahil kakaunti na lang sana at panalo na kami. Kaso mas nangibabaw ang awa ko kay Drae. Bumitaw ako sa mga kasamahan at tatakbo na sana ako sa court para damayan ang best friend ko nang bigla akong napahinto. May nauna na kasi sa akin. Isang babaeng kulay mais ang buhok. Hindi lang niya basta hinahagud-hagod ang likuran ni Drae. Niyayakap niya ito't hinahagkan-hagkan pa sa pisngi.

Bumalik ako sa mga kaibigan at kinalabit si Keri.

"Who's that bitch?" tanong ko.

Napanganga si Keri sa imported haliparot. Kinalabit niya rin si Taba kung sino ang babae.

"Hoy, Eula! Sino raw ang gurlalung iyan?" tanong naman sa akin ni Tabatsoy.

I rolled my eyes. Imbes na supalpalin sila dahil binalik lang sa akin ang tanong, umalis ako sa harapan nila at naglakad patungo kina Drae at Bitch.

"Drae!" tawag ko. Kinawayan ko siya.

Tumayo si Drae. Akala ko"y lalapit sa akin, pero naglakad ito papunta sa locker room nila. Hinatid siya ng kondesa hanggang sa bukana ng lungga nila. At kumaway pa ito bago pumasok ang hinayupak na Drae sa loob. Sumama ang loob ko. Dati-rati kasi'y hindi lumalayas sa court ang demonyo nang hindi nagpapaalam sa akin manalo-matalo ang team nila. Ngayo'y may iba nang karamay sa dalamhati? At hindi man lang ako na-inform?!

Napakuyom ang mga palad ko. I stared at the bitch's head. Minura-mura ko siya sa isipan ko. Kumikibot-kibot pa ang aking mga labi sa tindi ng pagmumura nang lihim. Palagay ko aakalain ninuman na inoorasyunan ko na ang malanding babae. Nang lumingon siya, napanganga ako. Kaagad ko siyang maukhaan. Siya'y walang iba kundi ang pinsang buo ni Professor Maurr. Hindi ako makapaniwala.

**********

I know I have nothing to be scared of because I didn't do anything, but Ms. Anai's expression gave me a lot to be afraid of. Kanina pa siya tinatanong ni Professor Flores, ang head ng committee na siyang in-charge sa paglilitis ng kaso ko, ngunit tila nawawala-wala siya sa sarili. Nag-usap na kami ng babaeng ito, ah. Talagang ipapahamak niya ako?

"It seemed like the student was really taumatized," malungkot na sabi ng matandang propesor. Napabuntong-hininga pa ito sabay tanggal sa makapal niyang salamin. Habang pinupunasan ang naturang eyeglass ng laylayan ng kanyang barong, tiningnan niya ako at umiling-iling pa. "You"re a very good-looking, young man. You do not need to do this, you know. Bakit hindi ka na lang pumili doon sa mga co-faculty mong babae na lumalandi sa iyo, iho? Bakit kailangan pang bumira ka ng estudyante?"

Bumira? What the fvck is he talking about? At ano ang ibig sabihin ng matandang ito? Naniniwala siyang ginawa ko nga ang paratang sa akin?

"Professor Flores, with all due respect---I did not do anything wrong. I am not guilty of this sexual harassment thing against Ms. Anai. I did not touch even the tip of her fingers."

Binalingan ko si Ms. Anai na sa mga oras na iyon ay tila wala pa rin sa sarili.

"Tell them I did not do anything to you, Ms. Anai," anas ko sa kanya.

Nang hindi pa rin siya umimik, tinapik ko sa balikat.

"Professor Halvorsen," saway sa akin ni Professor Flores. "Hindi mo dapat pinipilit ang biktima na sumang-ayon sa gusto mo."

"Professor Flores, she's not traumatized or anything. What is there to be traumatized anyway? Wala pong nangyari sa kanya!"

I was beginning to sound so defensive. Nang balingan ko ang tatlo pang miyembro ng komite, kinabahan ako. Ang dami nilang sinusulat sa papel sa kanilang harapan. Mapapatalsik na ba ako sa eskwelahan dahil lang sa walang katotohanang paratang? Napakunot ang noo ko. But I tried to keep calm. Mas malalagay ako sa peligro kung patuloy akong maghihimig-defensive.

"Ms. Anai, iha. Hindi ka namin pipiliting magbigay ng pahayag sa ngayon. Kung nais mo, maari ka naming ipadala muna kay Dr. Robles ng guidance para makapag-usap kayo," malumanay na sabi ng matandang propesor kay Ms. Anai. Lalo akong nainis. Subalit nagtimpi pa rin ako at minabuti ko na lang na tumahimik.

"Hindi na ho kailangan, Professor," sagot ni Ms. Anai sa mahinang tinig. Tapos, binalingan ako nito. Kinusut-kusot nito ang mga mata na tila umiiyak. Ano na namang drama ang nais palabasin ng babaeng ito?

"Tell them the truth," sabi ko na lang sa malumanay na tinig.

"Na ano? Na matagal mo na akong pinagnasaan? Professor Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. why are you like this? You could have asked for my hand in marriage---este, you could have simply asked me for a date---I mean, you do not need to resort to all this to get my attention because you already did. I mean---"

"This is not a joke, Ms. Anai! Stop this nonsense! Nobody here appreciates your antics!"

Napasinok si Ms. Anai. I knew she was just pretending to be sobbing but when I looked at the committee, I was appalled. Lahat sila ay mukhang natataranta sa pagpapatahan kay Ms. Anai! They were all fooled by her drama!

Hindi na nagpatuloy ang interrogation dahil sa paghahagulgol ni Ms. Anai. Lahat sila ay kumbinsidong-kumbinsido sa ginawa niyang pag-arte. Ako lang yata ang nakakaalam na lahat ng iyon ay kunwari lamang. Nalungkot ako. Mabibigat ang mga paang nilisan ko ang conference room ng Academic Affairs Office nang i-adjourned na ang meeting namin.

Nakita kong masayang nakikipag-usap sa telepono si Ms. Anai nang mapadaan ako sa CR ng sa second floor ng Administration's Building. Siguro'y inakala niyang wala nang tao roon kung kaya she let her guards down. Sinasabi ko na nga bang nagkukunwari lang talaga ang babaeng ito, eh.

"Ms. Anai," tawag ko sa kanya. Mahina lamang ang tinig ko ngunit puno ito ng otoridad.

Napalingon siya sa akin. Ngumiti pa na para bagang wala lang nangyari.

"You knew I didn't do anything to you. Why did you make them believe I sexually harassed you?" sabi ko pa.

Pinatay niya ang cell phone at ipinasok sa shoulder bag. Nginitian niya ako nang may kapilyahan sa mga mata. Hindi siya sumagot sa akin. Sa halip ay nag-excuse lang na mauuna na raw. Babalik na raw siya sa klase niya.

I grabbed her arm. She seemed shocked. Ako ma'y nagulat sa ginawa ko. Pero hindi na ako nag-isip pa. Ang tanging alam ko ay, bwisit na bwisit ako at gusto kong makaganti kahit kaunti lang. Bago pa magbago ang isipan ko ay bumaba na ang mukha ko sa mukha niya at hinalikan ko siya sa mga labi. Tinulak niya ako nang bahagya. Niyakap ko naman siya nang mahigpit. Ang mga kamay niyang nasa dibdib ko na tumutulak-tulak sa akin noong una ay biglang naging mapusok. Gumapang sila sa loob ng polo shirt ko. Sinandal ko siya dingding na katapat ng CR at tinaas pa ang isa niyang hita. I put it around my hips.

"Professor Halvorsen! Ms. Anai!"

Natigil ako bigla sa ginagawa. Pamilyar ang tinig. Dahan-dahan kong binitawan si Ms. Anai at inayos ang pagkakabutones ng polo shirt ko. Hinarang ko ang katawan sa katawan niya para maayos rin niya ang sarili saka hinarap namin si Professor Flores.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top