First Hour of The Punishment
"O—oy, kuya, saan tayo pupunta?" tanong ko kay Dayle. Tiningnan niya ako ng masama, mas masama pa sa ugly.
"Shut up!" Aba, ang sungit oh.
"Ano bang meron? Bakit tayo ipinosas?" tanong ko pa.
"I said shut up!" and he gave me a deadly stare.
Fine! Fine! I'll shut up!
Sabi ko nga diba? Hindi na ako magsasalita.
Naglakad-lakad lang kami. Ano bang meron dito? Ano yung three hours na yun? Bakit pati ako nadamay?
Pinagtitinginan na kami ng iba pang mga estudyante.
I heard them murmuring.
"Gosh, sino siya? Parang bago, transferee kaya? Ang swerte naman niya, makakasama n'ya for 3 hours si Dayle!"
"Mukha nga, pero bakit? Kung transferee s'ya, bakit s'ya nadamay? Ngayon ko lang s'ya nakita. Baka naman lower section?"
"Oo nga noh? But still, kahit na anong section pa n'ya, she's still lucky like hello? Si Dayle yan!"
"Tama ka girl, next time magpalaro yung tatlo, hara na rin tayo sa daan para tayo ang mahila ni Dayle at hindi kung sinu-sino!"
"Yea right girl."
At nalagpasan na namin sila...
Tawanan lang sila...
Masuwerte daw ako. Weh? Malas ko nga e!
May kasama akong isang lalaking super sungit!
Nakarating kami sa isang puno. Umupo s'ya dun.
At syempre ako, napaupo na din, nakaposas kaya kami.
"Oy, kuya, pede na magtanong?" tanong ko ulit. Sige, ako na makulit. Curiosity kills the cat e.
"HINDI!"
Galit na naman, aish.
"Bakit naman?"
"Wala ako sa mood! Wag kang maingay! Matutulog ako!"
Galit na galit talaga siya. Nay ko, di na nga magsasalita e!
Ang saklap naman ng unang araw ko sa new school ko.
Isang hamak na transfer student lang naman ako. Sabi kasi ni Mamoo maganda raw sa school na 'to kaya naman dito nila ako nilipat. And now, I'm starting to wonder, ano naman kayang maganda dito?!
Ang aga-aga nakaposas ako!
Buti na lang, mamaya pa ang klase ko.
Gusto ko na tuloy umuwi!
***
Dayle's POV
Nakapikit lang ako pero hindi ako tulog!
Ang malas naman! Bobo kasi nina Prince, Zaidian at Ash. Ipain ba naman daw ako!
Maglalaro laro tapos ako na lang halos palagi ang pain! Bu@!$#llsht! Bwsit!
Silang tatlo, sikat sila rito. Mga playboy na mahilig magpa'games'.
Yung 'game' na kung saan ang premyo ay date mula sa kanila.
Yung tinatawag nilang 'game' daw nila, ikinoconsider ng school kasi naman, anak sila ng may-ari nito at ako? Sampid lang ako dito!
Palibhasa kaibigan ko ang tatlong 'yun!
Unang una sa lahat, ayoko sa mga babae. Hindi ako bakla, ayoko lang talaga! Asar.
Ang mga babae kasi, mabubunganga, malalandi, nakakairita! Kaya nga ba ako ang paboritong ipain ng mga yan e. Alam nilang hinding hingi ako magpapahuli. Bu@!$#llsht!
At heto na nga. Bilang kasali dun sa tinatawag nilang laro, may nalabag akong game rule. Naparusahan tuloy ako!
Paano ba naman kasi, nakahila ako ng babae. Pahara-hara naman kasi e! Nakakabwisit!
Sino ba kasi 'to?! Parang walang alam sa mundo!
Humara ba naman kitang on going yung laro! Nananadya ata 'to e!
Teka, bakit ba ang highblood ko?!
Agang aga. Kasi naman, Bu@!$#llsht!
Kasalanan nitong babaeng 'to!
***
Someone's/ The Transferee's POV
Mag iisang oras na kaming nandito sa ilalim ng mahiwagang puno!
Walang balak tumayo? Ganun?
Nangangalay na akong umupo.
Naalala ko, kailangan ko nga palang makakuha ng student handbook.
Sa guidance daw yun nakukuha e. Saan nga ba yun?
Ang hirap naman kasi ng transferee, wala pa akong kakilala dito miski isa.
Ito naman si Kuyang SMP (Supladong Masungit pero Pogi), gising naman! Nakaupo lang din.
Iapproach ko kaya? E baka naman sungitan lang ako e.
Waaaah! E kasi naman kailangan ko talaga yung student handbook na yun.
Requirement kasi yun dito!
Sige na nga aapproach ko na.
"Kuya? Saan guidance dito?" tanong ko kay Kuya SMP.
"Huh?"
"Sabi ko po, saan ang guidance?" ulit ko.
"Bakit?" tanong naman n'ya!
Wow. Napansin din ako, sa wakas!
"Kukuha kasi ako ng student handbook." nakangiti kong sabi. Sana naman di na siya PMS noh?
"Bakit? Nawawala yung sa'yo?" tanong niya.
Nawawala? E hindi pa nga ako nakakakuha nun e. Ayos din 'tong si kuya!
"Hindi pa ako nakakakuha ng student handbook. Bago pa lang kasi ako dito e. Haha. Katuwa ka kuya!" sabi ko sa kanya.
Nagbago naman bigla yung facial expression n'ya.
Mula sa poker face, nanlaki yung mga mata niya.
May nasabi ba akong mali?
"TRANSFEREE KA?!" sigaw n'ya. Galit na naman siya.
Ano naman kung transeferee ako? Hindi ba ako welcome dito?!
Tsaka HELLO?! Magtatanong ako kung nasaan ang guidance kung matagal na akong student dito?!
Sumagot na lang ako...
Katakot kasi 'to...
Nanlalaki na yung chinky eyes n'ya!
"O-opo."
"BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?! Bobo!" sabi n'ya at teka—-
BOBO?!
Ako ba sinabihan n'ya nun?!
The nerve!
Kuya, ok lang naman na sungitan mo ako e! wag lang yung tawagin mo akong bobo!
Hindi man kasi ako ganun katalino, may alam din naman ako kahit papa'no...
Napansin ata ni Kuya na nag-iba na yung awra ko.
"Hoy *poke* sorry, I didn't mean to call you 'bobo', expression lang yun." sabi niya sabay iwas tingin!
Huh?
S-sorry daw?
Napangiti naman ako, weee! Si Kuya SMP, marunong magsorry!
"Ok lang."
"So, tara sa guidance? Transferee ka naman pala, dapat sinabi mo agad. Tss."
Mas lalo pa akong napangiti. Syems! Bumabait siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top