CHAPTER 03|THE SELF

୧‿̩͙ ˖︵ ꕀ⠀ ♱⠀ ꕀ ︵˖ ‿̩͙୨

Najm's Point Of View

Naka-upo ako ngayon sa isang malaking bato na binabagsakan ng tubig ng tatlong waterfalls, kasalukuyang bumabagsak sa uluhan ko ang napakabigat na tubig. Masakit, mabigat, at sobrang uncomfortable sa pakiramdam. Pero kailangan kong tiisin, dahil sabi ni Opolirus ay ito raw ang mabisang paraan para mas makapag-focus ako at makipag-connect sa inner self and power ko.

"Natalo si Master Najm dahil sa pag-traydor sa kanya ng isa sa mga trusted frontliner niya--The 4 Beasts Of Judgement niya na may ngalang Feriodimonium na kumuha ng 90% ng kapangyarihan ni master na naging dahilan ng sobrang paghina nito. Sinamantala naman ito ni Eliom, King of Idylliana Elionoius, doon ay nasaksak niya ang pinakahuling puso ni Master Najm na naging dahilan ng kamatayan nito. That's why you should find your inner self and remaining power, and reconnect to them. After that, I'm gonna teach you a simple magic and physical defense and offense. Then, we're going out on journey to find the other three beast of judgements as they'll help us to find Feriodimonium, rebuild the empire, and help you with the upcoming war, Master Najm." sabi ni Opolirus na nasa tabi ko ngayon at binabantayan ako.

"Saan ba nagpunta ang mga beasts of judgement?" tanong ko. Bigla naman akong binatukan ni Opolirus.

"Sabi ko na na mag-focus lang diyan!" sigaw nito sakin. Napakamot na lang ako ng ulo ko at saka huminga ng malalim, "Dahil gusto nilang makamit ang highest potential nila at maipaghiganti ang kamatayan mo." ito na lang ang sabi ni Opolirus at saka na siya tumahimik.

Paano ba kasi hanapin itong [punyetang self na ito? Need ko ba help ni Queen Dura? Self nasaan ka na ba? Awayin ko narin ba si self?

"Aray!" yan na lang ang na sigaw ko nang batukan na naman ako ni Opolirus.

"Clear your mind! I can hear your thoughts!" Sigaw nito. Napakamot na lang ako sa tainga ko at saka na nag-focus para mahanap na si self.

Nag-start na rin akong mag-inhale at exhale para mapakalma ko ang sarili ko hanggang sa nawala na ang bigat na nararamdaman ko galing sa tubig na bumabagsak. Pati narin ang sakit sa katawan, at ilang saglit pa ay naramdaman kong parang lumulutang na ako.

"Open your eyes." malamig na sabi ng isang boses. Dahil doon ay agad akong napadilat ng mata at doon ay tumambad sakin ang tuyot na lugar na napapaligiran ng mga patay na kulay itim na puno, "Look at your back." mando nito na agad ko namang sinunod at doon ay nakita ko ang isang nilalang na kamukhang-kamukha ni Najm.

"N-Najm?" Tanong ko rito. Inisnaban niya lang ako at binigyan ako ng walang ganang tingin.

"Gosh. I didn't expect that the soul that had been given to my body is frigile and clumsy like you." walang ganang sabi nito na nagpataas ng kilay ko.

"What the f-"

"Stop. You're not that beautiful to complain about my words." sabi nito na pumutol sa sasabihin ko at naging dahilan ng paghulog ng panga ko.

"You b-"

"Yes I am. Anyway, since I don't have the chance to control my body, I am giving you the full authority to use my body and to my remaining powers. Use my body and power correctly to protect my citizens, my beloved armies, my beast of judgements, and make sure to change the world by fixing what I've done. I may be a bitch and cruel, but remember that I was once a sweet soul that had been betrayed by the people who I trusted the most." walang emosyon na sabi nito. Napabuntonghininga na lang ako at saka na lang nagbitaw ng ngiti.

"I promise, you can rest now," sabi ko na nagpangiwi kay Najm.

"Bitch I ain't leaving here." mataray na sagot nito na naging dahilan para makaramdam ako ng hiya. Shet naman!

"Shit sorry naman master." paghingi ko ng paumanhin.

"Anyway, kung gusto mo ng kausap kung may desisyon kang hindi mapagdesisyunan mag-isa, nandito lang ako. Sige, umalis ka na rito, nabuburyong ako sayo." sabi ni Najm na naging dahilan ng pag-ikot ng mata ko.

"K. Bye bitch!" Pikon na sabi ko.

"Don't let your emotions consumed your heart..." sabi pa ni Najm bago magdilim ulit ang lahat...

"Success, now open your eyes, Master Najm..." sabi ni Opolirus na sinunod ko naman agad. Pgadilat nga ng aking mga magagandang mata ay nakita ko ang nakangiting butler at ang napakagandang kapaligiran ng Polaris Paradise.

"Let's go to your castle, master?" tanong ni Opolirus at saka ako Inalok ng kamay na kinuha ko naman agad, doon ay tinulungan niya akong tumayo. Nabigla naman ako nang biglang may pakpak na parang sa agila ang lumitaw sa likuran nito at pinusan ako na parang isang baboy at inilipad ako nito paalis sa bato at papunta ng dalampasigan.

"Wow, 10/10 naman ang pakpak mo," sabi ko rito na nagpabungisngis sa kanya.

"Mas maganda ang mga pakpak mo, master." sabi nito na nagpanganga sakin.

"OMG! So I have a modest with wings!" excited na sigaw ko na nagpatawa rito.

"Control your emotion, master." sabi niya na lang at doon ay naramdaman ko ang napakalakas na hangin sa ibaba. Kaya napatingin ako doon at nakita na may whilpool ang nabubuo sa tubig. Nag-panic naman ako, dahil sa nakita.

"Bitch calm down!" sigaw ni Orig Najm sa utak ko. Kaya nag-inhale and exhale ako agad para ikalma ang sarili ko. Nang naramdaman ko na naman ang pagkalma ay doon din nawala ang whirlpool.

Ilang saglit pa ay lumapag na kami sa dalampasigan at saka ako binitawan ni Opolirus.

"Magpatuyo ka muna at magpalit ng damit, Master Najm." utos nito at saka pimitik. May lumitaw naman na kulay black na towel sa ulo ko at bathtub na may curtain, "Magbanlaw ka na, nasa loob narin nakasabit ang mga damit mo."

Pumasok naman ako at doon ay tumambad sakin ang kulay gatas na tubig ng bathtub at ang closet sa bandang itaas nito na napakaraming damit. Bigla namang bumuhos sa uluhan ko ang maligamgam na tubig, kaya tumingala ako at nakita ang isang ulap na kulay red na naglalabas ng mala-gatas na maligamgam na tubig. Naghanap naman ako ng sabon at wala akong mahanap.

"Where's the soap here, Opolirus?" Tanong ko.

"What's that?" Tanong nito na nagpataas ng kilay ko.

"Yung bar ng chemical na pang-alis ng mga anik-anik at putok sa katawan," paliwanag ko.

"You don't need that, that Milky Way water has a purifying effect that whoever bathes using it will be healed physically, mentally, and emotionally. Now, you just need to lay down and relax, Master Najm." paliwanag nito sa akin na nagpabilib na naman sa vacklitang this.

Makalipas ang siyam na pu't siyam at ikalabing pitong minuto...

"Putang ina, malanding baklita! 10/10 ka na naman! The realification of jorjusnes is yuh!" pagka-usap ko sa sarili ko habang nakatitig sa salamin na nasa harapan ko ngayon. Bumagay kase sakin itong kulay black na trunk top, black knee-pleated skirt, black boots, at itong kwintas, bracelet, singsing na hugis ahas na binubuo ng pure pink diamond at white gold.

"Master Najm, let's go to your castle. Let's rebuild it." sabi ni Opolirus. Tinanguan ko naman siya at saka ito pumunta sa likuran ko at hinawakan ang balikat ko at tinusok ng malakas ang spinal cord ko na nagparamdam ng sakit sa buong katawan ko. Kaya napaluhod din ako.

"W-What did you d-"

Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko nang bigla na lang may lumitaw na walong itim na pakpak na may parang mga bituing gumagalaw sa loob nito.

"Woah..." iyon na lang ang nasabi ko at saka na naman inabot ni Opolirus ang kanyang kamay sakin.

"I'll teach you how to fly." sabi nito. Napangiti naman ako ng malawak dahil doon at saka ko inabot ang kamay niya...

୧‿̩͙ ˖︵ ꕀ⠀ ♱⠀ ꕀ ︵˖ ‿̩͙୨

Eliom's Point Of View

Nasa may trono ako ngayon at nakikinig sa mga suhestiyon ng mga advisers ko at mga nobles tungkol sa dapat gawin sa muling pagdating ni Najm. Fuck that bitch.

"Your Majesty, that's all the suggestions. What do you think?" tanong ni Abraxas, The Wise--Isang matandang panot, na laging naka-poker face at nakasuot lagi ng white robe. Siya rin ang kinikilalang pinakamatalinong enchanter at philosopher sa aking kaharihan. Pero, alam kong may baho itong tinatago at kasalukuyan ko na siyang iniimbestigahan.

"Okay, I'll think about all of your suggestions. For now, umuwi na kayo at magpahinga." may ngiting sabi ko. Umiling naman si Abraxas.

"You must finalize your decision now. Aba, hindi biro ang muling pagkabuhay ni Najm. Baka hindi natin alam eh pasugod na ito sa atin, Your Majesty." matapang na tanong nito na naging dahilan para mapangiti ako ng matamis.

"Please, humahanap pa ako ng sapat na impormasyonmn tungkol kay Najm ngayon. Hindi naman tayo pwedeng magpadalosdalos at baka maging sanhi naman iyon ng pagbagsak natin. So, all you need to do is go back to your home, condition your mind, and relax. Ako ng bahala." paliwanag ko na mukhang nagpa-inis sa matanda. Yumuko naman sila ng sabay-sabay at saka na nagsilabasan sa throne room...

"I must act immediately." bulong ko sa sarili ko nang makaalis na silang lahat.

Bigla namang may lalaking moreno na seven footer na nakasuot ng full-body silver armor na sumwak sa kanyang malaki at magandang katawan. May gray din itong buhok, heart-shaped face, thick brows, siren gray eyes, roman nose, at thick red lips. Nang makalapit na ito sa trono ko ay lumuhod ito at saka yumuko.

"Captain Fruid Fonson, reporting, Your Majesty." sabi nito.

"Speak." utos ko naman. Kaya itinaas nito ang ulo niya at saka itinaas ang kaliwang kamay niya.

"Monestrato Visionaryo!" sigaw nito sa isang enchantment. Doon ay biglang may mga light particles ang lumabas sa nakataas nitong palad at unti-unti nabuo ang hologram na nagpapakitang masayang lumilipad si Najm kasama ng kanyang butler na si Opolirus na gumuhit ng pagtataka sa aking isipan.

"This is the first time that I saw that bitch smiling like that. But anyway, call all the noble, advisors, and my army. Let's ambush that bitch." utos ko na may ngiti sa labi. Yumuko naman ulit ang kapitan at saka ito lumakad paalis.

"I shall kill you as soon as possible, Najm. Hindi pwedeng malaman ng iba ang nangyari satin." sabi ko ko at saka tumayo at lumakad palabas ng throne room habang unti-unting binabalot ako ng light particles na nagiging dahilan naman ng pagbuo ng golden head-gear ko na may hugis araw, at ang golden body armor ko na may mga naka-ukit na pieces of events ng mga napanalo kong laban, at ang huli ay ang pagkabuo ng napakalaking golden sun-shaped blade na kung tawagin ay Bearer of the Sun...

୧‿̩͙ ˖︵ ꕀ⠀ ♱⠀ ꕀ ︵˖ ‿̩͙୨

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top