The Thief
PART 1:
"Ma, alis na po ako," paalam ko.
Lumabas na ako sa bahay namin nang hindi hinihintay ang sagot ni mama. Sanay na naman akong hindi nasasabihan ng "Ingat!" o ano man. Himala na sigurong matatawag kapag nangyari 'yon.
Papunta ako sa university na pinapasukan ko. Alas tres na ng hapon, nakakapagtaka siguro kung bakit ganitong oras ako pupunta sa school, dahil ngayon lang ako nabigyan ng pera. Last year ko na 'to at last sem. na rin, kailangan ko nang magbayad at i-full ang tuition fee at miscellaneous fee ko para makapag-exam ako sa darating na finals.
Sumakay na ako sa trycicle papunta sa paradahan ng jeep kung saan sasakay muli ako para makarating sa school. Saktong pamasahe at pambayad ko lang ang perang dala ko. Mahirap lang kami kaya hindi uso sa akin ang magmeryenda pa o kung ano.
Napatigil ako nang huminto ang trycicle na sinasakyan ko. Tiningnan ko si manong at kung nasaang lugar na kami. Medyo malapit na rin 'to sa paradahan at pwede nang lakarin.
"Sorry miss, na-flat 'yung gulong, isasauli ko na lang 'yung bayad mo," sabi niya sa akin at ibinalik sa akin ang bayad pero binigay ko ulit sa kaniya.
"Medyo malayo na rin naman po ito kaya inyo na 'yan. Ako lang din naman po ang pasahero n'yo. Ipaayos n'yo na po 'yang gulong.Sige po, salamat," sabi ko sa kan'ya at ngumiti.
"Salamat, mag-ingat ka." Naglakad na ako papunta sa paradahan ng jeep. Pasakay na ako nang may humablot ng bag na dala ko. Dahil sa pagkabigla halos hindi ako nakagalaw ng ilang segundo.
"MAGNANAKAW!!!!!!!!" malakas na sigaw ko. Tumakbo ako para habulin ang taong kumuha ng bag ko pero hindi ko siya maabutan.
"BUMALIK KA RITO! HINDI SA 'YO 'YAN!" sigaw ko pa sa magnanakaw pero hindi s'ya lumilingon, para bang hindi n'ya ako naririnig. Tumatakbo pa rin s'ya papalayo sa 'kin. Nakakaasar. Ang malas ko!
"TULUNGAN N'YO 'KO! KINUHA NG TAONG 'YON ANG BAG KO!" sigaw ko pa. Nakita kong huminto ang taong 'yon na para bang tinitingnan niya kung naabutan ko ba siya. Nang medyo malapit na ako sa kaniya ay tumakbo muli siya. Bwiseeeetttt! Ang lakas mang-asar! 'Pag nahuli kita, 'wag kang magpapahuli sa 'kin! Lintek! Ang gulo ko!
Hindi ako humihinto sa pagtakbo kahit hinihingal na ako. Kailangan kong makuha uli ang bag ko. Hindi pwedeng mawala na lang basta 'yun sa 'kin. Nandoon sa bag ko 'yung perang pambayad ng tuition fee ko at ang pamasahe ko pauwi. Pwede akong maglakad pauwi pero paano ako makakapagbayad sa school? Paano ako makakapag-exam? Paano ako makaka-graduate? Susumpain ko talaga ang magnanakaw na 'yon sa buong buhay ko 'pag hindi naibalik 'yung bag ko!
Tumutulo na ang pawis sa buong katawan ko. Hindi ko na kaya pang tumakbo pero hindi ako pwedeng tumigil. Hindi maaring hayaan ko na lang basta-basta na makatakas siya. Ayoko! Kailangan kong tumakbo pa! Hindi pwedeng sumuko na agad ako! Kailangan kong isipin na pinaghirapan 'yon ng mga magulang ko kahit pakiramdam ko ay ayaw nila akong pag-aralin. Siguro kung galing pa 'yon sa dugo't pawis ko, hindi na ako tatakbo pa nang ganito.
"TULUNGAN NIYO AKO! PAKIUSAP!" Tuluyan na akong napaluhod sa lupa. Ganito pala ang pakiramdam ng halos mamaos ka na sa kakasigaw ng tulong pero walang ibang ginawa ang mga tao kundi tingnan ka lang at hayaan. Hindi ko naman sila masisisi pero pakiramdam ko, para akong ligaw sa mundo na pinandidirihan ng tao. Ni ayaw nilang tulungan ang bigyang pakialam. Pakiramdam ko nag-iisa lang ako.
Hinang-hina na ang mga binti ko. Nanginginig na rin ang mga kamay ko dahil sa kabang nararamdaman ng puso ko. Paano na ako nito?
Ramdam ko ang maiinit na likidong bumabagsak mula sa mga mata ko, puno ng frustration at kalungkutan. Lalo akong naiyak nang maalala ko ang mukha ni mama at papa na kapwa galit sa akin. Hindi ko alam kung bakit sila ganoon kasama sa akin, hindi ko alam kung may nagawa ba akong masama sa kanila pero kaunting kibot ko lang nagagalit na sila. Paano pa kaya 'pag nalaman nilang nawala ko ang perang pinaghirapan nila?
Lalo na si mama, kung itrato niya ako parang hindi niya ako anak. 'Pag nagkakamali ako lagi niya akong pinarurusahan. Pinapatulog niya ako sa labas ng bahay, hindi niya ako pinapakain at minsan ako lang lahat ang gumagawa ng gawaing bahay. Ipagkakaila pa sana niya sa akin ang pag-aaral pero hindi ako pumayag, karapatan ko 'yon di ba? Kahit na gustung-gusto kong isumbat sa kanila ang lahat ay hindi ko magawa. Hindi ko kayang pagsalitaan si papa kahit na pinapanood niya lang akong alipustahin ni mama. Wala akong karapatan.
Pinilit kong tumayo at maglakad. Pinunasan ko ang luha ko at tiningnan ko ang paligid. Nasaan na ba ako? Gaano ba kalayo ang tinakbo ko at hindi ko nakilala ang lugar na 'to? Naglakad pa ako hanggang sa makarating ako sa isang waiting shed.
Napatungo ako at pinigilan ang mga luhang muli na namang babagsak. Sinimulan kong alalahanin ang mga bagay-bagay.
Ilang linggo na lang sana makaka-graduate na ako sa college, pero hindi pa yata matutuloy. Bakit kung kailan okay na, malapit ka nang magtagumpay, biglang may sisira?
Wala na akong mukhang maihaharap sa pamilya ko. Sa oras na malaman 'to ng mga magulang ko, hindi nila ako mapapatawad. Pagagalitan nila ako at sasabihan na namang wala akong kwenta. Na dapat hindi na lang sila nagsayang ng pera para sa tangang katulad ko.
Tiningnan ko ang orasan ko, mag-aalas sais na ng hapon, at wala na yata akong balak umalis pa sa kinauupuan ko. Hindi ko kayang tumayo at maglakad pauwi ng bahay. Siguradong parurusahan na naman ako.
Paano kung patulugin na naman nila ako sa labas ng bahay?
Paano kung palayasin nila ako?
Paano kung patayin nila ako?
Halo-halo na ang mga ideyang pumapasok sa isip ko. Paano nga kung mapuno sila sa akin at patayin nila ako? Ayoko nang bumalik pa ng bahay!
"Bakit? Bakit kailangang mangyari 'to? Alam ko, every thing has its own reason pero ano? Ano ang dahilan nito?" tanong ko sa aking sarili. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. Pakiramdam ko umiikot na ang lahat ng bagay na nasa paligid ko, para bang umiikot at lumulutang sa paningin ko. Pumikit ako. Mababaliw na ba ako?
"Lord, please give me some hope. I don't want this to be my ending. I still have question that needs an answer," sabi ko sa aking isip.
Narinig ko ang mga yapak na lumapit sa akin. Minulat ko ang mga mata ko. Nakita ko ang mga paa sa harap ko. Inangat ko ang mukha ko at tiningnan ko s'ya.
Hawak n'ya ang bag ko at inaabot sa akin.
"Sorry for stealing your bag," sabi n'ya sa akin at inabot ang bag ko.
Tumalikod na ang lalaki at nagsimulang maglakad. Nakakapagtaka, posible bang mayroong isang magnanakaw na isasauli ang bagay na ninakaw niya?
Tiningnan ko ang loob ng bag ko. Walang nabawas. Walang nawala.
Tiningnan ko ang sobre na may lamang perang pambayad ng tuition fee. Kumpleto pa rin. Labis-labis ang pagpapasalamat ko.
"S-salamat at binalik mo ang bag ko!" Bigla na lang may ngiting gumuhit sa mga labi ko. Hindi ko mawari, nababaliw na ba talaga ako?
Tuloy-tuloy lang s'yang naglakad.
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ko naisip na isumbong s'ya sa pulis dahil sa pagnakaw n'ya sa bag ko. Siguro dahil sinauli n'ya naman.
"Anong pangalan mo?" sigaw ko. Lumingon siya sa akin bago nagsalita. Gusto kong tanungin kung bakit niya sinauli ang bag ko. Alam ko ang tanga ng tanong pero nakakapagtaka lang kasi.
"You don't remember me?" Napakunot ang noo ko. Remember? Tiningnan ko siyang mabuti bago ako umiling.
"I'm Steve," sabi n'ya at tumalikod na. Para bang narinig ko na ang pangalan na iyon dati pero hindi ko matandaan. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang maalala ang sinabi niya. Anong remember?
*****
"Minah? Are you listening?" tanong sa akin ng seatmate ko.
"Ha? Ano ba 'yung sinasabi mo?"
"Ang sabi ko, nawawala kasi 'yung wallet ko. Nakita mo ba?"
"Ha? Bakit mo sa 'kin tinatanong? Eh nawawala pala paano ko 'yun makikita?"
"Nagpapatawa ka na n'yan ha? Minah? Sabihin mo kung tatawa na ako ha?" Sarkastiko niyang litanya.
"Tsk. Sino ba kasing kasama mo kanina? Tsaka saan ka ba nagpupupunta?" tanong ko.
"Ano kasi, hindi ko alam kung siya ba talaga ang kumuha pero kasi kasama ko si Steve kanina and sabi nila magnanakaw raw 'yun pero I swear hindi siya."
"Sino ba 'yang Steve na 'yan? Boyfriend mo?"
"I hope so pero hindi ko siya bf. Teka, hindi mo kilala 'yon?" Tumango ako. Magtatanong ba ako kung alam ko.
"Hay nako girl, ang losyang mo talaga. Siya kaya 'yung sikat na heartthrob sa buong university. Heart stealer kamo. He usually steal something to caught someone's attention. Dati nga, 'yung magandang professor nila ninakawan niya ng bag tapos sinauli niya and then sinabi niya na 'You're my type'. Biruin mo, sinabi niya 'yun sa professor nila? Kung siya nga ang kumuha ng wallet ko then it's a sign, may gusto siya sa akin." Napataas naman ako ng kilay ko sa sinabi niya. Ah talaga? Ano namang kawirduhan 'yon. Owkay.
"Sikat? Eh hindi ko nga kilala ang taong 'yon!"
"Mamaya girl, I guess pupunta siya rito para makita ako."
"Wow ang lakas ng fighting spirit mo Shiela! Grabe! Dinaig mo pa 'yung confidence ni Miss Universe Pia," sarkastiko kong sabi sa kaniya.
Wala kami ngayong masyadong ginagawa dahil tapos na kaming mag-check ng mga final exams namin. Thank God at matataas 'yung nakuha kong scores.
Anong ginagawa pa namin rito? Nagkakabisado ng mga kanta para sa darating na Graduation day namin. At nag-aayos ng mga requirements, narratives, documents etc.
"OMG! He's here! Steeeeve!" Nagulat naman ako nang sumigaw si Sheila. Tiningnan ko ang tinuturo niya.
What the--!! Lumaki ang mga mata ko sa nakita ko, s-siya?? 'Yung taong kumuha ng bag ko, nandito sa harap ng pintuan ng room namin?
Nakita niya akong nakatingin sa kaniya at nginitian niya ako. Tiningnan ko siya na para bang hindi ako makapaniwala. Lalong nanlaki ang mga mata ko at napanganga ako nang kindatan niya. What the eff! Did he just---?
Kinikilabutan ako! Grabe over my body! OMG!
Nakita kong lumapit si Shiela kay Steve. Ang mga kaklase kong babae ay isa-isang dumungaw sa bintana at nakiusyoso na rin.
"Steve, kinuha mo ba 'yung wallet ko?" rinig kong tanong ni Shiela. "If you did, then maniniwala akong ginawa mo 'yon to caught my attention." Malandi niyang sabi. Hindi ko tuloy mapigilang tawanan siya sa utak ko. Talaga si Shiela.
"Why would I? Nakalimutan mo 'yan kanina at isinasauli ko lang." Nawala ang tawa sa utak ko nang marinig ko 'yon. Pakiramdam ko, para niya na rin sinampal sa mukha si Sheila na hindi niya ito gusto. At nakakahiya.
"No I didn't! Bakit ko naman makakalimutan?"
"I don't know, maybe nagpapapansin ka." Deretsong sabi nit okay Shiela.
"What?"
Gusto ko na lang takpan ang tenga ko sa naririnig ko. Ano nang gagawin ko rito? Hindi ko na matitiis pang makarinig ng kahihiyan.
Biglang may pumasok sa isip ko, eh ako? Ninakaw niya ang bag ko 'di ba? Ginawa niya ba 'yon para makuha ang atensyon ko? Tsk. Imposible naman yata 'yon, hindi naman ako kilala ni Steve. Teka nga, bakit ba kinakausap ko na naman ang sarili ko?
Lumabas na ako ng room at naisipang umuwi na. Wala na naman akong gagawin dahil nga okay na ako sa mga kailangan kong gawin, doon na lang talaga sa kanta chuchu tsaka hapon na at may kailangan pa akong gawin sa bahay.
"Hey!" Napatigil ako sa narinig ko. Teka, bakit ba ako tumigil eh hindi naman 'Hey' ang pangalan ko. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko.
"Minah!" Napatigil ako at napalingon sa tumawag sa akin. Teka, kilala ako ni Steve? Sa pagkakaalam ko hindi ako nagpakilala sa kaniya. Bakit niya alam ang pangalan ko? Hindi kaya stalker ang isang 'yon? Wait, baka assuming lang ako. Ang dami-daming Minah sa mundo at dito sa school baka hindi naman ako. Tumalikod na ako at naglakad muli.
"Stop there, little short girl!" Nanliit ang mga mata ko at hinarap ang tumawag sa alkin. Ang sakit ha? Tagos sa buto! Alam kong maliit ako! Lintek! Little? Short? Girl? Woman ako! Lady! Hindi girl! Grrrrr.
"What?" asik ko. Lumapit siya sa akin. Nakita ko ang reaksyon ng mga babaeng nakatingin sa akin na para bang kinukwestyon nila kung bakit pinanganak pa ako sa mundo.
"I have something to tell you."
"Ha? Tungkol saan?" tanong ko. As far as I remember wala naman kaming dapat pag-usapan. Tungkol kaya 'to sa pagkuha niya ng bag ko. Bibigyan niya kaya ako ng pera para peace-offering?
"You really don't remember me?" tanong niya. Napakunot ang noo ko. Pangalawang beses niya na 'yang tinatanong sa akin.
"Ang alin? Teka, baka inaakala mo ako ang naka-one night stand mo o ano kung naggaganun ka man, hindi ako. Promise. Swear, that's not me. Hindi ako 'yung taong pumatay kay Jose Rizal. Hindi ako ang pinuno ng pork barrel."
"Tsk. Never mind." Tinalikuran na niya ako. Ay ganun? May sasabihin daw tapos nevermind lang? Lakas ng tama! Pinagmasdan ko na lang ang likod niya habang lumalakad papalayo sa akin.
*****
Pumasok na ako sa bahay. Nakakapagod ang biyahe pauwi. Hahaha akala mo naman galing sa malayo kung makapagsabi ng nakakapagod.
"Nandito na po ako," sambit ko at hinubad na ang sapatos ko at inilagay sa tabi.
"Mabuti naman at nandito ka na," rinig kong sabi ni mama. Napatigil ako sandali sa sinabi ni mama. For the first time, nagsabi siya ng ganoon sa akin.
"Opo ma, aakyat na po ako sa taas."
Pumasok na ako sa kwarto ko.
Hindi ko napansin na may basahan pala sa pinto ko at napaapak ako do'n dahilan upang madulas ako.
"Ay bobo!"
Nahulog ang lahat ng laman ng bag ko. Pinulot ko ito lahat, nang may mapansin ako. Isang sobre.
Kanino galing 'to?
Agad ko itong binuksan at binasa.
Meet me in our building's rooftop after you read this. I'll wait for you.
I have something to tell you and I want to clear some things to you.
Please come and see me here.
-Steve Anderson
Teka. Pano 'to napunta dito?
Panong---? Teka. Anong ibig sabihin? Para sa 'kin ba ang sulat na 'to? Paano niya nailagay dito?
Inisip ko ang lahat ng posibilidad na mangyari para mailagay niya ito sa bag ko. At naalala ko ang araw na magbabayad ako sa school. Posible rin kayang matapos ang araw na 'yun ay palagi siyang naghihintay sa rooftop ng building namin?
Dali-dali akong bumaba at nagpaalam kay mama. Bumalik ako sa university naming upang magbakasakaling nandoon pa si Steve.
Ako ba talaga ang kinakausap niya sa sulat? Oo naman no! Nasa bag mo, e!
Gabi na nang makarating ako sa gate. Kinausap ko ang guard na may nakalimutan lang ako sa room namin at pinayagan niya akong pumasok. Tumakbo ako. Hinihintay pa kaya n'ya ako?
"STEVE!" sigaw ko nang makarating ako sa taas. Hinanap ko siya sa buong paligid. Nakita ko siyang nakatayo sa railings.
"You're here. I thought you wouldn't. Akala ko hindi mo na mababasa ang sulat ko," sabi niya sa akin tsaka siya bumaba at naglakad papalapit sa akin.
"Ano bang ginagawa mo rito?" sabi ko sa kaniya at nilapitan s'ya.
"Hinihintay ka." Natigilan ako. Ako nga ang hinihintay niya...pero bakit?
"Paano kung hindi ko nabasa ang sulat mo? Habangbuhay kang maghihintay sa wala?"
"I can wait forever." Bakit sa tuwing magsasalita siya parang tumitigil ang mundo ko?
"There's no such thing as forever," kontra ko sa kaniya.
"I thought the same way before but here I am, searching for it. And finally, nahanap ko na. Halos ilang taon akong nangulila sa 'yo, Minah." Naguluhan ako sa sinabi niya. Paanong nangulila? Hindi ko siya maintindihan.
"What are you trying to say? Tsaka anong gusto mong linawin sa 'kin? Bakit mo ako pinapunta dito? Bakit naghihintay ka sa pagdating ko?"
"Hindi mo ba talaga ako naaalala? Ano bang nangyari? Bakit hindi mo ako makilala?" tanong niya na nagpagulo lalo sa isip ko.
"Kilala kita, ikaw si Steve Anderson."
"Yun lang ang alam mo sa 'kin?" malungkot na tanong niya. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagkalumbay at hindi ko maiwasang ganoon din ang maramdaman. Tumango ako.
"Ang alam ko lang sikat ka sa school dahil heartthrob ka at palagi kang nagnanakaw. Actually, kailan ko lang 'yon nalaman sa kaklase ko. Bakit mo ba tinatanong kung naaalala kita? Did we meet before?" Tumango siya.
"How?" tanong ko pa. "Wala akong matandaan na nagkita na tayo dati. Kahit pilitin kong hukayin ang mga alaalang meron ako, wala ang tungkol sa 'yo. Baka nagkakamali ka lang." Nakatingin lang siya sa akin. Ilang segundo ang lumipas at hindi siya sumasagot at tanging ginawa niya lang ay titigan ako. Niloloko niya lang ba ako? Trip lang ba 'to? May hidden camera ba rito at jino-joke time niya lang ba ako? Tatawa na ba siya? Tatawa na ba ako?
"I think we should forget about this. Isipin na lang natin na nagkamali ka lang, hindi talaga ako ang babaeng tinutukoy mo. Aalis na ako."
Bago ko pa man siya talikuran ay hinila niya ang braso ko. I saw how he closed his eyes and suddenly, I felt his lips on mine. His left hand is holding my jaw. He's kissing me. I closed my eyes and kissed back. I feel butterflies in my stomach. I feel something in my heart. What the hell is it? What the hell are we doing? Ngayon lang kami nagkakilala pero bakit nagpapadala ako? Pinilit kong bumalik sa sarili at buong-lakas na tinulak siya. I slapped him.
"How dare you?" nanginginig na tanong ko. Gusto kong mag-sorry dahil sinampal ko siya pero hindi ko magawa. Para bang inunahan ako ng takot. Halo-halong pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon. Naguguluhan ako. Nababaliw na ba ako?
"Then, tell me. Sinong nagbigay ng bracelet na suot mo na katulad ng sa akin?" tanong niya. Tiningnan ko ang bracelet na suot ko. Hindi ko alam kung bakit nga ba suot ko 'to, kung bakit ni minsan hindi ko inaalis sa kamay ko. Tiningnan ko ang bracelet na suot niya. Kapareho ng akin, magkaiba lang ang pendant. 'Yung akin ay maliit na lock at 'yung kaniya ay susi.
"Dalawa lang ito sa buong mundo, isang hindi kilalang artist ang gumawa niyan. My father bought this pair and gave it to me. Binigay ko sa iyo ang isa dahil simbolo ng pagkakaibigan natin," paliwanag niya. Tiningnan ko lang siya. Kinuha niya ang kamay ko.
"Hindi ka naniniwala?" Gusto kong maniwala pero bakit walang alaala sa utak ko ng pangyayaring sinasabi niya?
"Ha?" Kinuha niya ang bracelet na suot ko.
"Teka, anong gagawin mo?" Tinanggal niya rin ang bracelet niya mula sa kamay niya.
Inilagay niya ang susi sa lock at sumakto ito. Umilaw ang parehas na bracelet kasabay no'n ang liwanag na parang pumasok sa isip ko.
Bigla na lang sumakit ang ulo ko.
May isang batang babae at lalaki.
Kapwa nila suot ang bracelet na suot namin ni Steve.
"Suotin mo 'yan ha? Kahit anong mangyari. Simbolo 'yan ng pagkakaibigan natin."
"Sige ba. Basta susuotin mo din 'yan palagi e."
"Oo nga pala, Steve, 'wag ka nang mangungupit sa mama mo. Bad 'yun e."
"Pa'no mo nalaman 'yun? Secret ko lang 'yun e."
"Ah basta. 'Wag ka nang magnanakaw."
"Eh sabi mo kasi idol mo si Kaito Kid tsaka crush mo kaya ginagaya ko siya para maging crush mo na din ako."
"Ah basta. 'Wag ka na kasing magnakaw. Makinig ka sa 'kin. Pag nakita kitang nagnakaw ulit, tatapusin ko na ang pagkakaibigan natin."
Naaalala ko na kung bakit suot ko ang bracelet na 'to at kung bakit hindi ko magawang alisin. Ngayon, alam ko na.
Ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. Hindi ko mapigilan.
Bakit hindi ko s'ya agad nakilala?
Tiningnan ko ang mukha ni Steve. Aninag na aninag ko ang mukha niya dahil sa liwanag ng bracelet na hawak niya. Kinuha niya ang kamay ko at isinuot sa akin ang bracelet. Nakatingin lang ako sa kaniya.
"Alam mo ba may inutusan akong anghel para hanapin ka..." "Talaga?"
"Oo, ang sabi ko sa kaniya protektahan ka niya, ingatan ka niya at alagaan ka niya pero isang araw bumalik siya. Alam mo ba kung anong sinabi niya sa 'kin?"
"Ano?"
Tumingin siya sa 'kin tsaka ngumiti. "Angels don't protect angels."
Hindi ko alam kung bakit natawa ako sa sinabi niya. Akala ko naman kung ano. Akala ko totoong nangyari, babanat lang pala ng gano'n. "Minah, don't look at me like that I might melt," pagtawag n'ya sa pangalan ko na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"Hindi ba sabi ko sa 'yo wag ka nang magnanakaw?" sigaw ko sa kan'ya.
"What do you mean? Naaalala mo na ako?"
"I did, how about you? Bakit mo kinalimutan ang sinabi ko?"
"Ha?"
"Tapusin na natin ang pagkakaibigan natin! Ayaw ko sa mga magnanakaw!" sigaw ko na nagpagulat sa kaniya.
"Binalik ko naman sa 'yo 'yung bag mo, walang labis walang kulang. Ginawa ko lang 'yon para mailagay ko 'yung sulat. Hindi ko kasi alam kung paanong approach ang gagawin ko sa 'yo."
"I'm not talking about the bag, it's about the kiss you did a while ago! You stole a kiss from me!"
His worried expression changed real quickly. Nakakapangilabot ang ngiting aso niya. What the heck. "Wait.. Am I? As far as I remember, you responded," pang-aasar niya habang tinataas baba ang kilay niya. "I agree for what you have said, tapusin na natin ang pagkakaibigan natin." Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"We need to change our status, from now on, we are dating. Agree?"
"W-what?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Kanina lang hindi kami magkakakilala ngayon bakit parang ang bilis naman dumamoves ng isang 'to.
"You don't want? Then, I must call you my girlfriend."
"No way, court me first."
"Why would I bother? Sasagutin mo rin naman ako."
"Paano kung hindi? Paano ka nakakasiguro aber?"
"I don't know, I think we should get married pagkatapos nating grumaduate. Gusto mo?"
"Wait what? Seryoso ka ba d'yan? Bakit kasal agad?"
"Because I want to be your Steve: The Thief. The thief who stole your heart, your lips, you body---"
"Stop talking shits! OMG! Hindi ko pa masyadong naaalala ang lahat! 'Wag mo kong ii-stress! I'll die!"
"You wouldn't! I'm here to save you. I'm here to sacrifice everything for you."
"Wow just wow. Come on, let's go home."
"Your home? My home?"
"Yuck! Stop that, will you?"
"Aye! Aye! Captain!"
Medyo nababaliw na yata siya. Kaming pareho, rather. Ganito ba talaga? Parang bigla na lang nabago ang lahat? Kanina lang hindi ko siya makilala pero ngayon, close na agad kami? Ganito yata talaga 'pag may pinagsamahan simula pagkabata.
Ngayon, malinaw na ang lahat sa akin. Ang pagnanakaw n'ya, sinadya n'ya pala 'yun para makuha ang attention ko.
Pinaliwanag nila mama at papa ang lahat sa akin, sinisisi nila ang sarili nila sa nangyari kaya gumagawa sila ng bagay na kasusuklaman ko.
Kahit anong gawin nila sa akin, pamilya ko sila, hinding-hindi ko magagawang kasuklaman ang magulang na nagpalaki sa akin. Sila ang dahilan kung bakit ako nandito at nagpapasalamat ako sa Diyos.
Now, I know the reason behind of that incident. To met again my Kaito Kid: My Steve, The Thief.
The end.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top