CHAPTER TWO | Three day get away


THE TAMING AFFAIR BOOK 2 | CHAPTER TWO

THREE DAY GET-AWAY

LUCY

"Anong oras ka matatapos diyan?"

Sa totoo lang, nakakaramdam na ako ng iritasyon habang nag-iimpake ng mga gamit namin ni JD. Sige ako ng pagsusuksok sa maleta ng mga gamit niya. Pantalon, t-shirts, shorts. Boxer briefs. Pati ang alam kong paborito niyang pabango ay isiningit ko na doon. Sunod ko naman na inilagay ang mga gamit ko dahil sigurado naman na mas marami ang sa akin kumpara sa mga gamit niya.

"I still don't know." Damang-dama ko ang frustration sa boses ng asawa ko. "But I promise we will go. Sa airport na lang tayo magkita."

Napahinga ako ng malalim at itinigil ang ginagawa kong pag-iimpake at painis na naupo sa kama. Tiningnan ko ang plane tickets naming na nakapatong doon pati ang reservation namin sa hotel kung saan kami mag-i-stay sa Maldives.

"JD, sabihin mo na ngayon sa akin kung matutuloy tayo. Ayokong magmukhang tanga tapos mamuti ang mata ko kakahintay sa iyo sa airport." Pigil na pigil pa din ang inis ko.

"Matutuloy tayo. Hindi puwedeng hindi. Naka-leave na ako sa office. Kailangan ko lang talaga na personal na asikasuhin ang case na ito. We've been following this group since last year and this time, we have a lead where we can find their leader. Baby, please. I planned for this trip and I don't want this to get ruined." Halos padaing na sagot ni JD.

Hindi ako kumibo at talagang nagsisimula nang umusok ang ilong ko. Kung katulad pa rin ako ng dati, siguradong nabulyawan ko na si JD. Pero magmula nang maikasal kami, napakalaki na ng ipinagbago ko. Napakalaki ng naging impluwensiya niya sa akin kung paano maging mapagpasensiya at maging maintindihin.

"Baby. Babe. Come on. I promise I'll be there. I'll be there on time." Punong-puno ng kasiguraduhan ang boses niya.

Napahinga na lang ako ng malalim. "Fine. Tapusin ko na lang itong iniimpake ko at hinihintay ko din sina Ferdie para sunduin si Luke. Saan ba 'yang mission n'yo?"

"This is classified. I can't tell you. I'm sorry."

"Kasama mo ba si Melissa?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

Natawa si JD. "No. Mga team ko ang kasama ko dito and Melissa never goes on field missions. Huwag ka nang magselos doon. Hinding-hindi kita ipagpapalit doon."

"Siguraduhin mo lang, Carbonel 'yang mga sinasabi mo. Dahil ako mismo ang susugod sa iyo" Napahinga ako ng malalim. "All right. You take care, okay? I'll see you at the airport." Iyon na lang ang nasabi ko sa kawalan ng magagawa.

"I love you. I can't wait to have this trip with you." Sagot niya. Lumambing na ang boses.

"Tigilan mo na akong utuin. Sige na. I love you too," ngayon ay lumambot na ang boses ko at pinipigil ko na ang mapangiti. Kahit madalas sablay sa mga pangako niya ang lalaking ito, magaling pa din talagang patalunin ang puso ko.

Natatawa pa rin si JD hanggang sa maputol ang usapan namin. Napahinga na lang ako ng malalim at tiningnan ang telepono tapos ay pahagis na inilagay iyon sa kama. Itinuloy ko ang pag-iimpake ng mga gamit nang muling tumunog iyon. Nang tingnan ko ay unknown number ang lumalabas.

Alanganin ako na sagutin iyon dahil magmula nang maging mag-asawa ko JD, wala naman na akong ibang inaasahang tawag ng ibang tao. Bilang na bilang ang mga contacts na nasa telepono ko. Ang mga clients ko noon sa opisina ay nai-turnover ko na lahat sa kapatid ko na ngayon ay namamahala ng Oligario Cargo Services. Kung mga kaibigan ko naman, naka-save ang lahat ng number ng mga 'yon. Tapos number na ng mga biyenan ko at number ni Ferdie at ni Kleng and nandito sa telepono ko.

Natapos ang pag-ring ng telepono. Maya-maya ay text naman ang na-receive ko.

Lucy. Hi. Mark here. Guess what, I am here in Manila. I was trying to call. I hope you are not busy.

Natawa ako at dinampot ang telepono. Tinawagan ko ang numero na tumatawag at lalo akong natawa nang marinig ko ang boses ni Mark.

"Sorry. I don't take calls if it's from unknown number," bungad ko sa kanya at inilagay sa speaker mode ang telepono para makapag-ayos uli ako ng mga gamit na iniimpake ko.

Narinig kong tumatawa din si Mark.

"I just landed. Ikaw agad ang tinawagan ko. Kita tayo tonight before I fly to Boracay tomorrow morning. Na-miss kong mag-beach doon."

"Oh." Nawala ang ngiti sa labi ko. "Tonight? I am so sorry but I have a flight to Maldives today."

Napa-ah lang si Mark at halatang na-disappoint ito sa nalaman tapos maya-maya ay napatawa.

"Wow. Maldives. Ganda doon." Saglit siyang tumahimik. "Sayang. Akala ko pa naman magkikita na tayo uli. I hope kapag nagkita uli tayo your husband is okay with that. Hindi ako gulpihin," natatawang sagot niya.

"No. JD is not like that. He is good. You are good to him now. Ganito na lang. Three days lang naman kami doon then pagbalik ko dito, we'll set a meeting. Alam ko naman na business ang idi-discuss mo sa akin."

"Paano mo nalaman?" Natatawang sagot niya. "Yeah. The one that we talked about last time. But sa susunod na natin pag-usapan. You enjoy your honeymoon again. Ako, mag-enjoy naman ako sa Bora," tumatawang sabi niya.

"Good luck. Enjoy too. Welcome home and see you soon, Mark."

Hindi ko na hinintay na sumagot si Mark at tinapos ko na ang usapan namin. Narinig kong may bumisina sa labas ng bahay at sigurado akong sina Ferdie na iyon. Isinara ko ang dalawang maleta na inayos ko at dali-daling bumaba. Nakita ko si Luke na tumatakbo papunta sa pinto kasunod si Manang Yoyie at agad na sinalubong ang kapatid ko. Mabilis naman na binuhat ni Ferdie ang anak ko at inikot-ikot pa sa ere.

"How's our champ?" Nakangiting tanong niya kay Luke. Nakikipag-high-five pa sa anak ko tapos ay tumingin sa akin.

"I am good, Uncle Ferdie. Is it true that I'll be staying with you for three days? With Lili and Noah?" Namimilog pa ang mata nito.

"Yes." Lumapad ang ngiti ni Ferdie. "And we will play all day and all night. We will go to the mall. To the park. We will buy ice cream. We will eat lots of chips and we will drink so much soda." Kumindat pa si Ferdie kay Luke at nakita kong ang saya-saya ng mukha ng anak ko.

Natawa lang ako. Alam kong inaasar lang niya ako dahil alam niyang hindi ko naman pinapakain ng ganoon ang anak ko. Pero sigurado, kung kay Ferdie matitigil ng tatlong araw si Luke, malamang gawin nito lahat ang ipinagbabawal ko. Ang kapatid ko pang saksakan ng tigas ng ulo.

"Okay lang kay Kleng na doon muna si Luke? Baka mairita lang. Alam mo naman ang mga may bagong baby. Iritable." Tanong ko sa kanya kahit alam kong hindi naman tatanggi ang hipag ko. Gusto nga noon na mas magtagal pa ang anak ko kasama ang mga anak nila para may kalaro.

"Hindi naman ganoon si Kleng, ate. Ikaw naman. Galit ka pa ba sa asawa ko dahil sa nangyari? Tapos na iyon. We are stronger than before." Ang nangyaring eskandalo sa pamilya nila ang tinutukoy ni Ferdie at alam naman niya na sobrang disappointed at apektado ako noon.

Ngumiti ako. "Of course not. I know Kleng didn't do anything bad. Nag-over react lang ako kasi siyempre kapatid kita. Ayaw kitang nakikitang nasasaktan."

"Ang drama ni Ate. Sige na nga. Aalis na kami. Enjoy kayo ni JD. Sana pagbalik n'yo may kapatid na si Luke para hindi na nabo-bored." Bumaling siya sa anak ko. "Say goodbye to your mom."

Lumapit sa akin si Luke at yumakap. Gumanti naman ako ng yakap at hinalikan ko pa sa pisngi.

"I'll miss you already, baby. I'll see you in three days." Binalingan ko si Paz at nakita kong bitbit nito ang bag na gagamitin ng anak ko. "Dalhin mo na sa kotse ni Ferdie."

Lumapit sa akin si Ferdie at nakangiti sa harap ko tapos ay walang sabi-sabing yumakap.

"Love you, Ate. Enjoy."

Pagkasabi noon ay hinawakan na niya ang kamay ng anak ko at sabay na silang lumabas. Sumilip pa ako at sinundan ng tingin ang papaalis na sasakyan ni Ferdie. Nang hindi ko na makita ay saka ako bumalik sa kuwarto at pinasunod si Paz. Inutusan kong ibaba na ang mga maleta at parating na rin ang maghahatid sa akin sa airport.

Sinubukan kong tawagan si JD pero dina-drop ang call ko. Nag-text na lang ako sa kanya na on the way na ako sa airport at kailangan na hindi siya mahuli dahil last flight na ang nakuha namin.

Habang biyahe ako ay sinusubukan ko siyang tawagan pero tulad kanina ay dina-drop call pa rin. Nang sumunod na tawag ko ay ring na lang ng ring. Hindi na sinasagot. Napahinga ako ng malalim. He must be doing something important. Hindi pa ba ako nasanay? Lagi namang ganoon. Sa tuwing may meeting siya hindi ko puwedeng istorbohin. Sa tuwing may sinasabon na agent, hindi puwedeng i-text. Nakakapikon minsan pero kapag nagpaliwanag na siya, nawawala na ang inis ko. Naiintindihan ko na naman kung bakit siya ganoon. Lagi niyang sinasabi, mission first. Motto nila sa agency nila. Sa totoo lang minsan mas pinagseselosan ko pa ang agency na iyon. Wala ngang babae si JD at malabong magkaroon ng babae pero ang kaagaw ko naman sa kanya ay ang agency nila.

Dumating ako sa airport at nag-check-in ng mga gamit. Ngayon ay sinusubukan kong tawagan uli si JD pero hindi ko na ma-kontak ang telepono niya. Cannot be reached. Mahina akong napamura at ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Baka biglang hindi dumating si JD.

Pinilit kong kumalma at naupo sa isang gilid. Hindi. Sigurado akong darating siya. Sigurado akong tutuparin niya ang pangako niyang magbabakasyon kaming dalawa. Siya ang nagplano nito.

Isa. Dalawang oras. Nagsisimula nang magtawag ang ground staff ng airline na sasakyan namin at pinapapila na ang mga pasahero. Doon na talaga ako kinabahan. Nanginginig na ang mga kamay ko habang dina-dial ang number ni JD pero nakapatay pa rin ang telepono niya.

Last call. Naririnig kong tinatawag na ang pangalan namin ni JD ng ground staff. Tumulo ang luha ko at mabilis na pinahid iyon. Sa inis ko ay naglakad ako papasok sa entrance ng sasakyan naming eroplano. Iiwan ko na ang JD na 'yon. Magta-travel ako mag-isa. Muli ay tinawag ang mga pangalan namin at isasara na ang gate. Kinukuha ng ground staff ang boarding pass ko pero nakatingin lang ako sa kanya at nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko na napigil ang luha ko at tumalikod sa staff. Lumayo ako at pumuwesto sa lugar kung saan makikita ko ang eroplano na sasakyan dapat namin. Nakita kong dahan-dahan na itong umaandar. Nagta-taxi na sa runway. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko. Halo-halo ang nararamdaman ko. Anger. Disappointment.

JD did again.

He promised and he broke it again like he always did. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top