CHAPTER ONE | Jealous Guy
Jealousy is a strong emotion that could break any strong relationship.
-------------------
JD
Nakakapagod ang dami ng cases sa agency. Patong-patong na trabaho. Isama pa ang mga pasaway na agents at unang-una na sa listahan si Yosh. God damn that asshole. Araw-araw pumapasok sa agency na ang baho-baho. Laging amoy alak. Kahit bagong paligo umaalingasaw ang singaw ng katawan na amoy alcohol. Tulad kanina. May annual physical exam at dumating na nakainom. Bagsak. Pakiramdam ko kanina ay puputukan na ako ng ugat sa batok. Napahinga na lang ako ng malalim. Hindi ko naman masisi kung bakit nagkaganoon siya. It was his way of coping up from Ted's death. Alam ko naman na mag-bestfriend ang dalawang iyon. And Ted's death was really a blow on Yosh. Hirap siyang tanggapin ang pagkawala nito.
Ano pa nga ba ang gagawin ko? Araw-araw na sermon na lang. Agahan, tanghalian, minsan nga pameryenda at hapunan laging sermon ang ibinibigay ko sa mga agents na naroon. Kahit magpa-Pasko wala akong pakialam. Iyon ang ibibigay kong pamasko sa kanila. Sermon. Naalala ko noon si Mason noong siya pa ang boss ko. Ganitong-ganito din siya. Hindi ko nakitang nakangiti o masaya. Nararanasan ko ang mga nararanasan niya. Mahirap ang maging Director ng isang agency at halos lahat doon ay ako ang may kargo. Isang pagkakamali lang ng agent, siguradong sa akin puputok at ayaw kong mangyari iyon. Ayaw kong makita ng mga nasa higher office na incompetent ako at kaya lang napunta sa posisyon na iyon ay dahil asawa ko ang may-ari ng agency.
Being married with one of the billionaire heiresses in this country was hard. Alam ko ang usap-usapan ng mga tao. Na kaya ko lang pinakasalan si Lucy ay dahil sa pera niya. Na kahit napakasama ng ugali niya ay tinitiis ko dahil buhay hari ako sa piling niya. Kung puwede ko lang pagbabarilin isa-isa ang mga nagtsi-tsismis na iyon. Kahit piso wala akong hinihingi sa asawa ko. I was working hard to provide for my family. For my parents. Hindi ko pinapayagan si Lucy na gumastos para sa akin.
Kaya nga kahit todo ang pakiusap niya sa akin na magta-trabaho siya ay hindi ako pumapayag. Lalo lang iinit ang tsismis kapag nangyari iyon. Sigurado na ako sa sasabihin ng mga tao. Na kaya nagta-trabaho uli si Lucy ay dahil hindi sapat ang suweldo ko para buhayin ang pamilya ko.
Marahan kong hinilot-hilot ang batok ko habang ipinaparada ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Kita ko ang mga kumukutitap na Christmas lights sa paligid na ipinakabit ni Lucy. Ang mga Christmas decors, and naglalakihang Santa Claus standee na kinaaliwan ni Luke. Ito lang ang pakiusap niya na pinagbigyan ko. Dito kami nakatira sa bahay niya. Si Ferdie naman ay mayroong sariling bahay kasama si Kleng at mga anak niya. May bahay din naman ako. Ipinundar ko iyon noong nagta-trabaho pa ako bilang agent. Mula sa dugo't-pawis ko kaya proud ako doon. Pero hindi ko naman mahindian ang asawa ko. Nang makiusap sa akin si Lucy na doon na lang kami tumira sa bahay niya ay hindi na ako kumontra. Marami na rin naman siyang isinakripisyo nang pakasalan niya ako kaya hindi ko pa ba pagbibigyan ang hiling niya?
Tumingin ako sa relo at nakita kong pasado alas-otso na. Napangiwi ako at napailing. It was Christmas eve and I promised my wife that I would go home early tonight. Hindi na kasi kami natuloy sa out-of-town Christmas getaway namin dahil sa dami ng inaasikaso ko sa agency. Atrasado ng tatlong oras ang uwi ko. The previous days, I should be home by six PM. Iyon ang usapan namin ni Lucy. Gusto niyang naroon na ako ng ganoon oras para sabay-sabay kaming maghahapunan ng ala-siyete. Pero nitong nakakaraang araw, ilang beses akong nali-late ng uwi dahil sa dami ng trabaho sa opisina. Hindi ko naman kasi maintindihan, magpa-Pasko lang pero dumadami ang cases na dapat naming asikasuhin.
Bumaba ako sa sasakyan at kinuha ang bungkos ng bulaklak na ibibigay ko sa kanya. Wala akong dalang Christmas gift dahil surprise ang regalo ko sa kanya. I booked a three-day getaway for the two of us sa Maldives at alam kong matutuwa siya doon. Matagal na siyang nagri-request na magbakasyon kaming dalawa pero lagi kong sinasabi na busy ako. Kaya ngayong gabi, bulaklak na lang muna. Lucy was a tough woman pero pagdating sa bulaklak, lumalambot na siya. Konting paliwanag ko, konting lambing ko, bibigay na agad. Sa totoo lang, para kaming aso't pusa. Laging nagtatalo. Pareho kaming may mga katwiran at ayaw magpatalo. But at the end of the day, both of us would ask forgiveness to each other. Then we would have the make-up sex. That was the best part of arguing with her.
Inaasahan ko na ang nakasimangot na mukha ni Lucy kapag nakapasok ako sa bahay. Sanay na ako doon na magsisimula na siyang maglitanya tungkol sa lagi kong pagiging busy sa trabaho. Tungkol sa boredom niya dito sa bahay. Siguradong ang i-a-argumento na naman niya ay ang maghapon niyang pagkukulong dito at hindi na niya nagagamit ang pinag-aralan niya. Paulit-ulit lang naman iyon. Araw-araw iyon ang reklamo niya.
Pero ngayon, kataka-takang hindi niya ako sinalubong. Walang nakasimangot na mukha ni Lucy. Hindi nagra-rapido ang bibig niya. Walang nakakalat ng bote ng wine sa mesa. In short, wala siya dito sa sala kung saan lagi siyang naghihintay sa pag-uwi ko.
Nakita ko si Manag Yoyie na kasama si Luke at nasa tabi sila ng Christmas tree na nagtitingin ng mga regalo doon. Karamihan naman kasi ng mga nakabalot doon ay mga regalo sa anak namin. Si Lucy lang naman ang nagbibibili nito. Nang tumingin ako sa mesa ay naroon ang mga nakahain ng pagkain. Halatang hindi nagalaw. Lumapit ako sa anak ko at hinalikan ko sa noo. Napangiti ako nang yumakap siya sa akin at humalik.
"Manang, si Lucy?" Tanong ko at tiningnan kung ano ang nakahain na pagkain. Nakakagutom ang mga pagkain na naroon. Roast beef, salad, different kinds of cheese and ham, may wine pa.
"Nasa kuwarto. Kanina pa kasi iyon naghihintay sa iyo." Tumingin nang makahulugan sa akin ang matanda. "Kung bakit naman kasi bisperas ng Pasko pumasok ka pa. Kanina pa naghihintay 'yon para kumain kayo."
Napahinga ako ng malalim at napakamot ng ulo. "Pasensiya na, Manang. Ang dami kasing trabaho sa opisina. Mainit ba ang ulo?"
"Alam mo naman na laging mainit ang ulo noon. Nagbago lang 'yon nang maging asawa mo dahil nasusuheto mo. Kumain ka na. Mukhang hindi na kakain iyon. May bitbit na wine sa kuwarto niya." Inayos ni Manang ang damit ni Luke at inaya na ito sa kuwarto. Dumeretso naman ako sa kuwarto namin at bubuksan ko pa lang iyon pero napakunot ang noo ko.
Tama ba ang naririnig ko?
Lucy was laughing.
At hindi normal na tawa. Talagang humahalakhak siya. I never heard her laugh like this the past days. Sino ang kausap niya? Si Jaz kaya? Si Jaz lang naman ang kilala kong maloko sa mga kaibigan niya. Pero ang alam ko, nasa ibang bansa na si Jaz magmula nang makapangasawa ito ng foreigner at ang ibang mga kaibigan naman niya ay hindi na rin niya masyadong nakakausap. Busy na rin sa buhay-pamilya. Well, si Eula na OB. Iyon ang minsan na naririnig kong kausap niya.
Muli ay narinig kong tumawa si Lucy. Malamang nga si Jaz ito. Napangiti ako. At least, hindi ako aawayin ng todo ngayon ng asawa ko dahil maganda ang mood.
"I can still remember that, Mark. The dance. It was a funny experience 'nong Christmas Party sa office." Tumatawang sabi ni Lucy.
Napahinto ako sa pagpasok nang marinig ko ang pangalan na iyon. Mark. I was sure that was the name that I heard. At iisang Mark lang ang kilala kong kilala ni Lucy. Si Mark Paul Mendez na dating nagta-trabaho sa kumpanya niya. The same Mark that was hitting on her before. The same Mark that I hated so much, just hearing his fucking name I was seeing red.
"I know. Well, I am glad that you are okay there. Yes. Of course, I will help you. Just send me the files then I am going to check it. No problem." Masaya pa rin ang tono ng boses ni Lucy. "Pero, Christmas eve nagwo-work ka?"
Nagtatagis na ang mga bagang ko habang nanatiling nakatayo sa pinto ng kuwarto namin. Nakakuyom lang ang kamay ko at kung nasa harap ko lang ang Mark na ito, malamang nilumpo ko na.
"Talaga? Parang ayaw ko maniwala. Ikaw pa mawawalan ng date. You should invite someone tonight because it's Christmas eve." Saglit na tumahimik si Lucy. "All right. I'll talk to you again. Dis-oras na ng gabi diyan. Matulog ka na. Huwag masyadong workaholic. Bakit kasi ayaw mo pa mag-asawa? Having a kid is nice." Sabi pa ni Lucy.
Fuck it. Having a kid is nice? Iyon lang ba ang naging nice sa buhay niya? Nang dumating si Luke? Ako? Hindi ba nice na dumating ako sa buhay niya?
"Bye, Mark. I am going to check your email then I'll call you. Nami-miss ko na din ang may ginagawa. Alam mo naman na workhalic ako. Talk to you again." Pagkasabi noon ay wala na akong narinig na sinabi pa ni Lucy.
Pinigil ko ang sarili ko at inis na itinapon sa kung saan ang dala kong mga bulaklak para sa kanya. Pabigla kong binuksan ang pinto at nagulat pa siya nang makita akong pumasok doon at nahuli ko siyang may hawak na wine at nagsalin sa baso. Pero saglit lang ang pagkagulat sa mukha niya. Nang makita ako ay agad din na nagbago ang timpla. Sumimangot na at tinaasan pa ako ng kilay bago tuluyang uminom sa baso.
"Hi." Matabang na bati ko. Painis kong inalis ang kurbata ko at isa-isang tinatanggal ang butones ng suot kong polo.
"Hi." Tipid na sagot niya. Hindi ko siya nililingon at nakaharap lang ako sa cabinet habang nagbibihis. Naghihintay ako na sabihin niya sa akin kung sino ang kausap niya.
Pero wala akong narinig mula kay Lucy. Nang lumingon ako ay nakaharap lang siya sa laptop niya at tutok na tutok ang atensyon doon. Sa isang kamay ay hawak ang baso ng wine at patuloy na umiinom.
Pigil na pigil ko ang inis na nararamdaman. She was going to treat me like this? Bakit? Dahil nakausap lang niya ang Mark na iyon?
"How's your day?" Ako na ang hindi nakatiis na hindi magsalita.
"Fine." Maikling sagot niya at nakatingin pa rin sa laptop.
"Fine? What kind of fine?"
Tinapunan lang niya ako ng tingin at tinaasan ng kilay tapos ay muling humarap sa laptop niya.
"You know. Fine like the usual fine. Don't tell me you don't know what am I doing in this house. I am fine like I am going to die in boredom fine." Sa pagkakataong iyon ay tumaas na ang boses niya. "Hindi dahil Christmas eve, dapat may iba sa maghapon ko."
"You're bored in this house? This is your house, Lucy. You are with Luke all day. Then you're bored? Nabo-bored kang kasama ang anak mo?" Tumaas na rin ang boses ko.
Huminto siya sa ginagawa at humarap sa akin. "I am not bored with my kid. I love Luke. Maghapon ako ang kasama ng anak mo. Alam mong hindi iyon basta-basta sumasama sa ibang tao kahit kay Manang Yoyie. But I need some time alone for myself. I need someone to talk to. And I was hoping to do that every night during dinner with you. Even for an hour. Just a breather for a whole day of stress. Kahit na nga lang isang araw. Kahit ngayon na lang dahil bisperas ng Pasko." Ngumiti siya ng maasim sa akin. "But where are you? Ano? Kakausapin ko ang mga plato? Baso? Ulam sa mesa?" Inirapan niya ako at muling hinarap ang laptop niya. Sa pagkakataong iyon ay deretso na siya mula sa bote ng wine uminom kaya inagaw ko na iyon.
"Napapadalas ang pag-inom mo." Inilayo ko na sa kanya ang bote.
"It's Christmas eve!" Reklamo niya at sinamaan ako ng tingin. "Wow. At napansin mo 'yon? Sa sobrang busy mo napansin mong lagi akong umiinom ng wine? That's something, Director Carbonel." Inis niyang isinara ang laptop niya at tumayo tapos ay kinuha ang wine na inagaw ko sa kanya.
Naihilamos ko ang kamay sa mukha ko. Patience. I need fucking patience right now. Magmula nang maging asawa ko si Lucy, gamit na gamit ang pasensiya ko sa kanya.
"You know I have so much work in the office. I am sorry if I am late. Can we eat dinner now?" Ako na ang nagpakumbaba dahil ayaw kong magsalubong ang galit naming ni Lucy.
"Wala na akong gana kumain. And besides, I have work to do." Naupo siya sa harap ng laptop at binuksan iyon.
"Anong work?" Taka ko.
"Well, Mark called and asked for my help regarding something. I am helping him." Walang anuman na sagot niya.
Pakiramdam ko ay nagpanting ang tainga ko at kinuha ko ang laptop na nasa harap niya at isinara iyon tapos ay iniitsa sa kama.
"What the hell, JD?!"
"Mark. Mark? As in Mark that used to work with you?" Sa pagitan ng mga ngipin ay tanong ko.
"Yes. Mark. The same Mark that worked for me. The same Mark that you harassed. The same Mark that you almost beat up."
"And you're still talking to him? Alam mo na ayaw ko sa lalaking iyon."
"Anong masama kung kausapin ko siya? Wala kaming pinag-usapan kundi tungkol sa trabaho niya. He was asking for my help. At least nararamdaman ko na may silbi ako. Someone is needing my help." Padaing na sagot niya.
"Hindi mo alam kung ano ang pakay ng lalaking iyon sa iyo. You are married." Tonong nagpapaalala ako sa kanya.
"So? If I am married, I cannot talk to other guys? Ikaw nga araw-araw kung sino-sino ang kasama mo sa agency n'yo. Kasama mo pa sa trabaho ang dating syota mo. Nagreklamo ba ako? Wala kaming ginagawang masama ni Mark. Nag-usap lang kami at bumati siya ng Merry Chrismas. Saka lahat ng pinag-usapan namin tungkol sa trabaho. You can check my laptop, my emails and you can see what he sent me. Tutal magaling kang agent kaya kayang-kaya mo iyon gawin," Mahina pang nagmura si Lucy at napapailing-iling.
"He knows that you are married and he could ask other people for help. Bakit ikaw pa ang kailangan niyang guluhin?"
Sinamaan lang ako ng tingin ni Lucy at napapailing na iiwan ako. Palabas siya ng pinto pero hinila ko siya pabalik.
"We are still talking."
Napaikot ang mata ni Lucy at painis na inalis ang kamay ko sa braso.
"Ano pang pag-uusapan natin? It will be just the same. We will argue, we will fight, then we will have a make-up sex." Bahagyang nabasag ang boses niya at nakita kong nangilid ang luha sa mata. "It's just a continuous play, JD. Paulit-ulit lang nating ginagawa. Mag-uusap tayo ngayon. Magtatalo tayo. We will try to patch it but we never fix the root of this."
"Ano ba kasi ang problema?" Naihilamos ko ang kamay sa mukha ko. "Is this about you wanting to work again?"
Humalukipkip siya at hindi sumagot pero alam kong iyon talaga ang dahilan. Napahinga ako ng malalim at lumapit sa kanya. Akma ko siyang yayakapin pero mabilis siyang lumayo sa akin.
"Lucy, we talked about that. Kaya naman kitang buhayin. Hindi man ako kasing yaman mo at hindi ko kayang tapatan ang yaman mo, pero nagsisikap ako na mabigyan ka at si Luke ng magandang buhay. I want you to be the queen of my kingdom kahit nga dito tayo nakatira sa palasyo mo. You don't need to work again. All I wanted you to do is to take care of Luke, take care of yourself and wait for me to come home." Marahan ko pang hinaplos ang mukha niya pero mabilis din niyang inilayo iyon.
"Wait for you to come home? Gabi-gabi kang late umuuwi." Tuluyan nang nahulog ang mga luha ni Lucy kaya mabilis niyang pinahid iyon. "Mukha akong tanga na naghihintay sa harap ng mesa. Hinihintay kong dumating ka para sabay tayong kakain dahil iyon na lang ang time na magkakasama tayo. Pero pagkatapos kumain, dederetso ka na sa kuwarto. Hihiga sa kama pero kaharap mo pa din ang mga emails. Trabaho pa rin hanggang pagtulog. Hindi mo ako magawang kausapin. Hindi mo magawang sabihin kung ano ang nangyari sa araw mo. Kung may napatay ka ba. Kung may na-torture ka ba. I know all those cases are confidential but all I am asking is some communication with you. I feel so alone, JD. Wala akong makausap. My friends are all busy. Si Luke, sobrang high energy the whole day and it was draining me. I need a breather. And I am hoping that it would be you. But when you come home, I can feel that you are not here at all. Nasa ibang mundo ka. Doon sa agency n'yo."
Napahinga ako ng malalim at kahit ayaw ni Lucy ay pilit ko siyang niyakap. Nagpipiglas pa siya pero hindi ko talaga siya binitiwan. Ang higpit-higpit ng yakap ko sa kanya at doon na siya bumigay. For the first time, she cried so hard. Ramdam na ramdam ko na talagang may dinadamdam ang asawa ko.
"I feel so alone. I want my husband. I want you but you are never here." Sa pagitan ng mga hikbi ay sabi niya.
"I'm sorry. I am so sorry." Mahinang sabi ko habang nakasubsob ako sa leeg niya.
"I just want to be busy kaya kinausap ko na si Mark para hindi kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. Pakiramdam ko wala akong kuwenta. Pakiramdam ko wala akong kuwentang nanay. Wala akong kuwentang asawa. You never appreciate me." Umiiyak na sabi niya.
Napahinga ako ng malalim. Tama naman ang sinasabi niya. Sa kagustuhan kong pumantay kay Lucy, isinubsob ko ang sarili ko sa trabaho para mapatunayan sa lahat na kaya kong lumebel sa kanya. Ginagawa ko iyon para matabunan ang insecurity na kumakain sa akin. I knew she could find a better man than me. Mas maraming bilyonaryo na katulad niya ang sigurado akong mas bagay sa kanya. Ako? Ano ba ang maipagmamalaki ko? I was just an agent. A killer who has a license to do that. Pero hindi ko nakikita ang buong picture. Hindi ko nakikita na malaki rin ang isinaksripisyo ni Lucy para sa akin. She stoops down from her pedestal just to be with me. Just to love a nobody like me.
Marahan akong lumayo sa kanya at hinawakan ang mukha niya. Punong-puno iyon ng luha at marahan kong pinahid ang mga iyon.
"I just want to be appreciated again." Humihikbi pang sabi niya.
"I appreciate everything you do. To me. To Luke. To our family. I love you so much and I just want to give the best for you. Sa kagustuhan kong maibigay ang lahat, maipakita sa mga tao na kaya kitang buhayin, isinubsob ko na sa trabaho ang sarili ko. I didn't realize that I was beginning to neglect you. I forgot that above all else, I need to be husband to you."
Lalong napaiyak si Lucy sa narinig na sinabi ko. Talagang humahagulgol siya kaya muli ko siyang niyakap.
"I promised to you that we will compromise. Babawi ako. You and Luke will be my top priority."
"Promise?" Garalgal na tanong niya.
Marahan ko siyang inilayo sa akin at hinalikan ko siya sa labi. "I promise."
"I love you, JD. Kahit naiinis ako sa iyo mahal pa rin kita." Umiiyak pa ring sabi niya.
Natawa na ako at muli ko siyang hinalikan. Pero mabilis ko ding inihinto nang maalala ko ang tungkol kay Mark.
"Well, about Mark. Can you not talk to him again?" Nakangiwing sabi ko.
Pinahid ni Lucy ang mga luha niya. "Why? Mark is my friend. Wala naman kaming ginagawang masama."
"I know but you know how I am fucking jealous of him." Napahinga ako ng malalim. "You know I hate that guy."
Ngayon ay natawa na si Lucy. "Ang layo na ni Mark. Saka via email lang naman niya ipapadala 'yong mga ina-ask niyang help. Come on, just this once. Pagbigyan mo na ako. Please."
Gusto ko pa sanang kumontra pero ayaw kong sumama na naman ang loob sa akin ng asawa ko. Walang magawa, tumango na lang ako at ang ganda na ng ngiti niya sa akin.
"Thank you." Siya na ang humawak sa mukha ko at humalik sa labi ko pero agad din akong lumayo nang may maalala.
"Wait." Mabilis akong lumabas ng kuwarto namin at dinampot ko ang mga bulaklak kong dala kanina. Nagkalasog-lasog na ang mga petals pati ang mga dahon. Parang hitsurang nadampot ko lang sa kung saan ang bulaklak.
Pumasok ako at nagtatanong ang tingin ni Lucy nang ibigay ko sa kanya iyon.
"Saang nitso mo nakuha 'to?" Natatawang sabi niya habang sinisipat ang mga bulaklak.
"Maganda 'yan kanina. Ang mahal nga ng bili ko diyan. Itinapon ko nang marinig kong kausap mo si Mark. Babawi na lang ulit ako bukas. Tell me what kind of flower do you like."
Napahalakhak si Lucy. Halakhak na mas malakas pa sa pagtawang narinig ko nang kausap niya si Mark. And this time, I could see glow in her eyes. She was looking at me with full of love. Full of happiness. Full of contentment that I was her husband. This was the look that I saw the first time I professed my love for her.
Inilagay niya sa kama ang bulaklak at muli ay lumapit sa akin. Ikinawit ang mga kamay sa leeg ko.
"I don't need your flowers. Well... it's a plus point but you're all I need, Director Carbonel. And right now, all I want to do was to have a make-up sex with you." Nagniningning ang mga mata niya nang sabihin iyon.
"This should be a surprise but it's Christmas then I'll tell it. I booked for a three-day getaway for the two of us to Maldives. I am sure papayag naman sina Kleng na tingnan muna si Luke. It will be another honeymoon for us." Ngumiti pa ako ng pilyo at bumaba ang kamay ko sa puwitan niya at bahagyang pinisil iyon.
"I think I like that." Nakangiting sagot niya sa akin.
I kissed her lips passionately. I would never get tired of kissing her, making love to her every night. Be it a make-up sex or sex marathon that we used to have.
I was lucky to be married to a woman like her.
Even if she used to be the Boss from Hell.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top