CHAPTER FOUR | Drunk Session
THE TAMING AFFAIR | CHAPTER FOUR
DRUNK SESSION
LUCY
Kanina pa nakalipad ang eroplanong dapat ay sasakyan namin ni JD pero narito lang ako at nakaupo at nakatingin sa paligid. Hindi matapos-tapos ang pagtulo ng luha ko habang tinitingnan kong may tumatawag sa akin.
Ibang number iyon kaya hindi ko sinasagot. Wala akong tiwala sa ibang numero na tumatawag sa akin. Pero maya-maya ay naka-receive ako ng text.
Babe, it's me. JD. I am sorry. I busted my phone. I am calling you please answer my call. Something came up. I am really sorry. We will take the next flight tomorrow.
Lalo akong napaiyak nang makita kong galing kay JD ang text. Maya-maya ay tumatawag na naman siya pero hindi ko kayang sagutin ang tawag niya. Hindi ko kayang marinig ang boses niya dahil talagang masisigawan ko lang siya. Napakaraming beses na niyang nangako sa akin na madalas naman ay hindi niya natutupad pero ang isang 'to, this was the worst.
I was so excited for this trip. I was excited to be with him na walang ibang iniisip at iniintindi kundi ako lang. Alam kong mahal ni JD ang trabaho niya pero bakit ganito? Bakit ngayon ipinaramdam niya sa akin na kahit anong mangyari, lagi akong pangalawa sa buhay niya. Ang agency, ang trabaho niya ang laging mauuna para sa kanya.
Mabilis kong pinahid ang luha ko at nag-text sa number na ginagamit in JD.
Don't bother. I am okay. Do your work.
Iyon na lang ang ni-reply ko sa kanya kahit ang sama-sama ng loob ko. Napayuko pa ako at napahagulgol ng sobra habang nakatingin sa telepono ko. Alam kong tatawag uli si JD sa akin kaya ini-off ko na ang telepono. Sa ngayon, ayaw ko na muna siyang makausap. Ayaw ko siyang makita dahil talagang baka mauwi lang kami sa hiwalayan. I am so pissed at him. I am hating him.
Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at pilit na inayos ang sarili. May ilang mga tao na rin ang nakatingin sa akin kaya tumayo na ako at tinungo ang exit. Deretso ako sa labas at nagpa-book ng masasakyan. Hindi naman ako nagpahatid pauwi. Ayaw kong umuwi. Bahala na kung saan ako mapadpad basta ang gusto ko, malayo muna ako sa kahit na anong magpapaalala sa akin kay JD.
Ipina-deretso ko sa isang bar ang sinasakyan ko. Pumasok ako sa loob at sumalubong sa akin ang nagsasabay-sabay na pagkukuwentuhan ng mga tao doon. Lumilikha ng ingay. Pinili ko ang isang sulok para hindi ako maistorbo at umorder ako ng alak. Kahit ano basta gusto ko ng bagay na makakapag-pamanhid sa akin. Sinimulan kong i-text ang mga kaibigan ko. Kailangan ko na ng kahit sinong makakausap. Baka kung ano lang ang magawa ko ngayon.
Hindi ko naman inaasahan ang mga kaibigan ko na maging available sa akin sa oras na kailangan ko sila. May mga sarili na ring buhay ang mga iyon. Mga pamilyado na. At ayaw ko rin naman na ibunton sa kanila ang negativity na nararamdaman ko. Ayaw ko rin na malaman nila ang nangyayari sa amin ni JD. As much as possible, gusto kong private ang relationship namin ni JD at kung may problema man kami, kaming dalawa lang ang makakaalam. Kaming dalawa ang mag-aayos. Pero hindi ngayong gabi. Ang sama-sama ng loob ko. Parang sasabog ang dibdib ko sa sakit. Kailangan ko ng mapaghihingahan ng sama ng loob.
Sa lahat ng kaibigan kong pinadalhan ng message ay si Eula lang ang sumagot. Tumawag pa nga at siguro narinig niyang umiiyak ako kaya sinabi niyang pupuntahan niya ako kung nasaan man ako pagkagaling niya sa clinic niya. Lalo akong napaiyak. I was so thankful for her. Hindi pa nga niya alam kung nasaan ako pero pupunta siya. Kahit na busy siya sa trabaho bilang OB, may time siyang puntahan ako dahil ngumangalngal ako. I wish Jas was here too. Kasi siguradong susugod din iyon dito kung malaman na may ganitong problema ako.
Maya-maya ay tumunog ang telepono ko. Naka-receive ako ng text. Galing kay Mark.
Airport ka na? Hope you have a safe flight. See you in three days.
Napaiyak ako nang mabasa iyon. Kung sana nga nasa biyahe na ako para mag-enjoy kaso nandito ako sa bar na hindi ko alam kung saan at nagpapakalunod na maglasing.
I am still here in Manila.
Hindi na nag-reply si Mark. Maya-maya ay tumatawag na. Agad kong pinahid ang luha ko at sinagot ang tawag niya.
"Why? What happened? Nagka-problema ang flight mo?" Damang-dama ko ang pag-aalala sa boses niya.
"Hindi na kami natuloy." Basag na basag ang boses ko.
"What? Why, Lucy? May nangyari ba?" nag-aalala pa rin siya.
Umiling ako kahit hindi naman niya nakikita. "Are you free? You said you wanted to discuss something with me. Pag-usapan na lang natin ngayon. Nandito ako sa..." luminga ako at tiningnan ang paligid ko. "I don't know where is this place." May nakita akong waiter at tinanong ko kung ano ang pangalan ng bar na ito. "Blue Bar. I think somewhere in Pasay."
"Jesus Christ." Bulalas niya. "Alone? Where is your husband?" tanong pa niya.
Natawa ako ng mapakla. "I don't know."
"Wait for me. Malapit ako diyan. Puntahan kita." Bago pa ako makasagot ay naputol na ang usapan namin ni Mark. Naka-receive ako ng text galing kay Eula at tinatanong kung nasaan ako. Papunta na daw siya at tinatanong kung nasaang bar ako. Ipinadala ko ang pangalan ng bar. Ilang sandali pa ay nakita ko sa entrance ng bar si Eula na may hinanahap. Agad akong kumaway at mabilis siyang lumapit sa puwesto ko.
"What the hell happened? Lucy?" Nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa akin. Hindi na ako nakasagot at napaiyak na lang. "Oh my God," niyakap niya ako at marahan pang hinahagod ang likod ko.
"I don't know if I can still make this marriage work. I hate my husband," umiiyak na sabi ko at napasubsob sa mesa.
"Ano bang nangyari? 'Di ba ngayon ang flight sa Maldives trip n'yo."
Umiling ako. "He didn't come. I waited for hours at the airport and then I wasted hours of waiting for him, then I'll just got a text that he was stuck at a job." Mahina akong napamura. "He chose his job over me. Over our time of being together."
"Oh no," napapailing na sabi ni Eula at kitang-kita ko ang simpatya sa mukha niya.
"I am so sorry for dragging you here. Alam kong busy ka din with your patients and your family. I just don't want to be alone right now." umiiyak na sabi ko.
"It's okay. Mabuti na lang wala akong sched na pinapaanak ngayon. I am so sad to hear what happened. Baka may dahilan talaga si JD para hindi makarating. Alam mo naman ang trabaho niya," iyon na lang ang nasabi niya.
"I know and for the longest time I am trying to understand. I am trying to compromise. I am trying my best to get his attention away from his job. Alam mo 'yon. Ang dami niyang pangako pero mas madalas, walang natutupad sa mga pangakong iyon." Pinahid ko ang luha ko at dinampot ang dalawang shot ng tequila na ini-order ko at magkasunod na ininom. "I don't want a husband who is always absent. I don't want to compete to his job pero iyon ang nangyayari."
Hindi nakakibo si Eula at pareho kaming napatingin sa dumating na lalaki na lumapit sa lugar namin. Napangiti ako ng mapakla at kumaway kay Mark. Agad kong pinahid ang luha ko at pilit na ngumiti sa kanya.
"Hi," sinenyasan ko siyang maupo. "This is my friend, Eula. Doctor Eula Baltazar." Pakilala ko. "Eula, this is Mark. I know you still remember him. He used to work in my company."
"Of course, I know him." natatawang sabi ni Eula at kumagat labi pa. "The one with the nice butt."
Natawa din si Mark at napailing tapos ay naupo sa tabi ni Eula at tumingin sa akin. "Are you okay?" Pilit na pilit ang ngiti niya sa akin.
Umiling ako at nagkibit ng balikat. Sumenyas pa ako sa waiter at umorder pa ng drinks namin. Nakita ko si Eula na nagbabasa ng mga messages niya at napapakunot ang noo. Halatang naging uneasy.
"Shoot. My patient broke her waterbag." Bulalas ni Eula habang nakatingin sa telepono niya.
"Go. I'll be fine here. Go to your patient. Okay lang ako. Nandito naman si Mark." Alam kong importante ang trabaho ni Eula. Napangiti na naman ako ng mapakla. Hanggang sa kaibigan, trabaho ang kaagaw ko.
Halatang nahihiya si Eula na tumingin sa akin. "I am so sorry. I wanted to stay but you know... duty calls."
Tumango lang ako. "I understand, Eula. Go. Thank you for coming here. I really appreciate it a lot. I am totally fine that I know someone will be here that I can depend on."
Ngumiti si Eula sa akin tapos ay tumayo na at humalik sa pisngi ko. Tumingin siya kay Mark at hitsurang nakikiusap.
"Can you please stay with her?" Pakiusap niya.
"Yeah. Ako na ang bahala sa kanya." Nakangiting sabi ni Mark at tumatango pa.
"This is my number. Call me if she needs anything." May dinukot sa bag niya si Eula at iniabot sa akin.
"She'll be fine. I got this." Sabi pa ni Mark.
Halatang ayaw pang umalis ni Eula pero wala na itong magawa. Lumakad na ito palabas at sinundan ko lang ng tingin. Nang mawala na siya sa paningin ko ay napatingin ako kay Mark at nakita kong malungkot na nakatingin sa akin.
"Bad day, huh?" Natatawang komento niya.
Napabuga lang ako ng hangin at napailing. "Always."
"Lagi bang wala si JD?"
Muli ay umiling ako. "Let's just say his job is taking so much of his time and sometimes he forgets that he is already married."
"Men tend to do that. Especially if they love their jobs and they think that they are doing that for their family. I think it has nothing to do with you. He loves you. 'Yon nga lang, mas matindi ang tawag ng trabaho sa kanya." Natatawang sabi ni Mark at dinampot ang beer na inorder niya. Ako naman ay muling magkasunod na ininom ang tequila sa harap ko. "Still Patron? Your favorite?"
"1800. They don't have available Patron here." Napabuga ako ng hangin at muling sumenyas sa waiter ng dalawa pa. Ngumiti pa ako sa waiter nang ilapag nito ang dalawang shot sa harap ko.
"Baka malasing ka naman." Tonong nagpapaalala si Mark.
"Don't worry. I'll be fine. Pakihatid na lang ako sa bahay kapag nalasing na ako. You still know my house. We still live there."
Hindi sumagot si Mark at nakatingin lang sa akin. Pinapanood ang bawat ginagawa ko.
"You know, if you chose me, you will be on the top of my list. Kahit na anong importanteng meeting, tao na kailangan kong harapin, iindyinanin ko 'yon basta makasama ka lang." Natatawang sabi ni Mark. "But I guess, hanggang what if na lang 'yon."
Natawa din ako at itinuro ko siya. Medyo dumudoble na din ang paningin ko sa dami ng nainom ko.
"No more looking back at the memory lane, Mark. I chose my husband because I love him. I am hating him right now but still, at the end of day, I will still choose him. I will still love him. I will still compromise with his fucking job." Napaiyak ako at dinampot ang isang shot glass at deretsong ininom ang laman noon. "That's how crazy I am for him. I'll get mad right now, but still, I will choose him."
Hindi kumibo si Mark at natawa lang habang ininom ang hawak na beer. Um-order pa ako ng dalawang shot pa at magkasunod na ininom 'yon hanggang sa maramdaman kong nag-uulap na ang paningin ko at mabagal na ang mga galaw ko.
"I-I think I am drunk," tumatawa ako ng walang dahilan. Kumumpas ako sa hangin para tumawag ng waiter pero mabilis akong pinigilan ni Mark.
"I know you're drunk, Lucy. Don't worry. I already settled everything. Come on. I'll bring you home." Naramdaman kong inalalayan ako ni Mark na makatayo at makalakad palabas ng bar. Pakiramdam ko nga ay lumalakad na ako sa hangin at blurry na lahat ang paligid ko.
Alam kong isinakay niya ako sa kotse pero talagang umiikot na ang paningin ko kapag iminulat ko ang mata ko. Kahit nga nakapikit pakiramdam ko para akong nakalutang. Alam kong may sinasabi si Mark pero hindi ko maintindihan. Maya-maya ay naramdaman kong may humawak sa akin. Inaalalayan akong makababa ng kotse. Naramdaan kong binuhat na ako at nakaramdam ako ng malambot na bagay sa likod ko.
Pilit kong iminumulat ang mga mata ko pero talagang hindi ko kaya. Basta nararamdaman ko lang na may tao sa paligid ko at may ginagawa sa akin. Inaayos ako sa kama. Binibihisan ako? O hinuhubaran ako? Hindi ko na alam ang pagkakaiba ng ginagawa sa akin.
I smiled and I thought this could be JD. I knew every time I was drunk, he would always do this kind of things to me. He would take care of me and make love to me.
I knew he would come. I knew he would say sorry.
I knew at the end of the day we will settle everything and I will still choose him.
-------------
I had the worst headache.
Damn, hangover. Nakailang shot ba ako kagabi? My head felt like it was splitting in half.
Sinubukan kong tumayo pero naramdaman kong may nakadagan sa tiyan ko. Taka kong tiningnan iyon at nakita kong braso. Kumunot ang noo ko? Braso? Did JD go home last night?
Kahit napakasakit ng ulo ko ay pinilit kong bumangon sa kama at napaawang ang bibig ko nang mapansin na hindi ko kuwarto 'to. This was something new. Unfamiliar place that I never saw before.
Tiningnan ko ang braso na nakadantay sa tiyan ko at tiningnan ko kung kaninong kamay iyon. Nanlaki ang mata ko nang makitang may lalaki sa tabi ko.
At hindi ito si JD.
"Oh my God," bulalas ko. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa lalaki. Nakadapa ito sa kama at nakabaling ang mukha sa kabilang side. Nang gumalaw ito at bumiling ng ulo ay tuluyan akong nahulog sa kama nang makilala kung sino ito.
It was Mark.
Literal na nanginginig ang buong katawan ko lalo na nang makita kong hubad ako. At nang tingnan ko siya, sigurado akong hubad din siya at tanging kumot lang ang nakapatong sa katawan.
Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Naitakip ko ang kamay sa bibig ko at nanlalaki ang matang nakatingin pa rin kay Mark. Pilit kong inalala ang nangyari kagabi. I had a fight with JD, I got drunk and it was all blurry. But... but I didn't remember that I had sex with Mark.
Oh God. Please. Please let me remember what I did.
Pilit kong inaalala ng mga nangyari kagabi but it was all bits and pieces. Bahagyang gumalaw si Mark kaya dali-dali kong hinanap ang mga damit ko. Nakita ko iyong nagkalat sa sahig kasama ang damit niya. Nagmamadali kong dinampot ang damimt ko at isinuot. Umungol pa si Mark at tumihaya at doon ko talaga nalaman na wala talaga siyang damit.
Halos hindi ako makatayo sa hangover at takot na nararamdaman ko. Pilit kong tinungo ang pinto at lumabas doon. Hindi puwedeng mangyari iyon.
Hindi ko alam kung anong lugar ito. I am sure this was a condo. Nang makarating ako sa lobby ay hindi ko pansin ang tingin sa akin ng mga taong naroon. Hitsura ko naman talaga ay walang kaayos-ayos.
Dali-dali akong sumakay sa taxi na pumarada sa harap ko at nagpahatid pauwi sa bahay. Hindi ko mapigil ang mapaiyak dahil sa nakita ko. Hindi ako makapaniwala na nangyari iyon. No. Definitely, nothing happened. I was sure Mark was not going to take advantage of me. But I remembered how I looked like when I woke up. We were both naked in bed and only a fool would believe that nothing happened between us.
Nang huminto sa tapat ng bahay ang taxi ay dali-dali akong pumasok sa loob. Tinatawag ko si Manang Yoyie para siya na ang magbayad ng taxi fare ko. Litong-lito pa rin ako dahil sa nakagisingan ko. What the fuck did I do?
Deretso ako sa kuwarto namin ni JD at pagbukas ko ng pinto ay gusto kong kainin na lang ako ng lupa.
Dahil naroon sa kama si JD. Nakaupo at nakayuko.
Halatang may malalim na iniisip tapos ay tumingin sa akin. Nang makita ako ay tumayo at lumapit. Hindi ko magawang tumingin ng deretso sa kanya. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga.
"Babe, I am sorry." Hinawakan pa niya ang mukha ko habang kitang-kita ko ang pagsisisi sa mga mata niya.
Napaawang lang ang bibig ko pero wala akong masabi.
"I am really sorry for what I did. I am not going to make any promises anymore. Just tell me you're forgiving me." Naiiyak ang hitsura niya.
Hindi pa rin ako makapagsalita. Naalala ko ang hitsura ko na hubad kasama si Mark sa kuwarto. Kung mayroon siyang matinding kasalanan na ginawa sa aming mag-asawa, mas matindi ang kasalanang nagawa ko. Mortal sin iyon.
"Lucy, please say something." Nakikiusap na sabi ni JD.
"I... I need to go to the bathroom." Iyon na lang ang nasabi ko at patakbong tinungo ang banyo namin at nag-lock doon.
Habol ko ang hininga ko nang makapasok at doon nag-iiyak nang nag-iiyak.
I hated JD for what he did, but he didn't deserve what I did in return.
I cheated on him.
I slept with another man.
And I knew he couldn't forgive me if he knew about it.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top