CHAPTER FIVE | BITTER GOURD


THE TAMING AFFAIR | CHAPTER FIVE

BITTER GOURD

JD

Magdamag kong hindi ma-kontak si Lucy.

I was getting pissed at the same time worried. Tinawagan ko na lahat ang puwede niyang puntahan. Mga kaibigan niyang narito sa Manila. Si Eula na lang ang hindi ko ma-contact dahil nakapatay ang telepono. Hindi ko naman matawagan si Ferdie para tanungin kung naroon si Lucy dahil siguradong magtataka iyon dahil ang alam ng bayaw ko ay nasa Maldives na kami. Pinapatay ako ang guilt na nararamdaman ko. I could use the agency to find my wife pero kasalanan ko naman kung bakit hindi siya umuwi. She has all the right to get mad at me. She has all the right not to go home to me. 'Tangina kasing case iyon. Wala din namang nangyari. Kahit sandamakmak ang mga ebidensiyang nakuha namin, kung wala naman ang kakasuhan, wala ding mangyayari.

Si Eula na lang talaga ang pag-asa ko. Kapag nakausap ko siya at sinabi niyang hindi niya kasama ang asawa ko, pasensiyahan at buong Maynila ay gagalugarin ko mahanap ko lang si Lucy.

Muli kong tinawagan ang telepono ni Eula. Naipagpasalamat kong tumunog na iyon dahil pero nakailang rings pa din bago may sumagot na babae.

"Eula?" Paniniguro ko.

"JD?" Damang-dama ko ang pagtataka sa tono niya.

Napabuga ako ng hangin at naihilamos ang kamay sa mukha.

"Is Lucy with you?"

"Ha?" Punong-puno ng pagtataka ang boses niya. "Hindi ba siya umuwi?"

Kumunot ang noo ko. "So, hindi kayo magkasama?"

Matagal bago sumagot si Eula. "Umm..." napatikhim siya bago sumagot. "M-magkasama kami kagabi. Pinuntahan ko siya sa Blue Room. Sa may Pasay. She was crying. She was pissed. She was devastated last night, JD. She was really mad at you because of what you did."

Mahina akong napamura at napahinga ng malalim.

"I know. I can't call her. Her phone is off. Is she there? Did she spend the night in your house?"

Hindi agad nakasagot si Eula. Napatayo ako dahil narinig kong may pumaradang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Taxi iyon. Maya-maya ay bumaba si Lucy na hitsurang wasted talaga. Parang hindi pa nga nakasuklay. Napailing ako at napaupo sa kama. Sigurado akong naglasing na naman ito.

"Yes, she did. Dito ko na pinatulog kasi lasing na lasing kagabi. She was really disappointed, JD. She was looking forward for that trip. She needs her husband. Hindi 'yong magkasama nga kayo pero ipinaparamdam mo sa kanya na hindi siya ang priority mo." Alam kong may halong panunumbat ang pagkakasabing iyon ni Eula.

Lalo lang akong nakaramdam ng guilt kaya nagpaalam na sa kanya. At least alam kong sa kaibigan naman nag-stay si Lucy kagabi para magpalipas ng sama ng loob. Napapailing lang ako at napayuko habang nakaupo sa kama. My job has taken its toll to my married life. Naramdaman kong bumukas ang pinto ng silid namin at hindi agad ako nag-angat ng ulo. Nahihiya akong tumingin kay Lucy.

Hindi naman tumitinag si Lucy sa may pinto kaya tiningnan ko na siya. Nakita ko siyang gulat na nakatingin sa akin tapos ay agad na iniiwas ang tingin. Doon na ako tumayo at lumapit sa kanya.

"Babe, I am sorry." Iyon na lang ang nasabi ko at hinawakan ko ang mukha niya. Gustong-gusto ko siyang halikan. Yakapin para maramdaman niyang nagsisisi ako sa nagawa ko pero ramdam kong galit pa rin siya sa akin.

"I am really sorry for what I did. I am not going to make any promises anymore. Just tell me you're going to forgive me." Kung sasabihin sa akin ni Lucy na lumuhod ako sa harap niya ngayon ay gagawin ko. Kung sasabihin niyang mag-resign ako sa trabaho gagawin ko. Ayoko lang ng ganito. Mas importante siya kaysa sa lahat. Masyado lang akong naging kampante na lagi niyang maiintindihan ang sitwasyon ko.

Pero hindi sumasagot si Lucy. Hindi man lang nga ako makuhang tingnan.

"Lucy, please say something." Pilit kong inihaharap ang mukha niya sa akin.

Doon lang siya tumingin sa akin pero mabilis ding nagbawi ng tingin at marahan akong itinulak.

"I... I need to go to the bathroom." Pagkasabi noon ay dali-daling tinungo ni Lucy ang banyo at sinundan ko na lang ng tingin. Pinabayaan ko na lang muna. Rinig na rinig ko ang impit na pag-iyak ni Lucy mula sa loob ng banyo. Pakiramdam ko ay pinupunit ang dibdib ko dahil sa pag-iyak niya. Napahinga na lang ako ng malalim at pinabayaan na lang siya doon. Mamaya na lang uli ako hihingi ng tawad sa kanya.

----

Maghapon akong nasa bahay lang. Hindi talaga ako pumasok sa opisina. Kahit napakaraming mga reports na ipapasa sa akin ang mga agents ko, sinabi kong ilagay lang sa desk ko. Kahit tumatawag sa akin si Melissa para mag-follow up tungkol sa nangyaring case, sinagot ko lang sa text at sinabi kong naka-off ako ngayong araw. One day. All I am asking was one day away from the agency that was beginning to break my marriage apart.

Hindi ako kinikibo ni Manang Yoyie habang nagluluto sa kusina. Alam kong kahit siya ay bad trip sa akin dahil sa nangyari. Alaga nga naman niya si Lucy tapos ay makikita niyang umiiyak dahil sa akin. Alam kong alam naman niya ang nangyayari sa aming mag-asawa. Alam kong iniisip niya na pinapabayaan ko na si Lucy. Naroon lang ako at nakatitig sa mga pinabili kong ingredients sa kanya. Napatingin ako sa kanya at nahuli ko siyang nakatingin sa akin.

"Sabihin n'yo na ang gusto n'yong sabihin, Manang." Sabi ko at dinampot ang bote ng tomato sauce na gagamitin ko sa lulutuin kong garlic shrimp scampi.

"Lulutuin mo ba talaga 'yan?" Halatang napipilitan lang siyang kausapin ako.

"Oo naman."

Tiningnan niya ako ng makahulugan. "Ang ibig kong sabihin, marunong ka bang magluto?"

"Anong palagay mo naman sa akin, Manang? Siyempre. Ang tagal kong namuhay mag-isa kaya marunong akong magluto. Kahit nga pag-aasikaso sa bahay marunong ako." Dinampot ko na ang bawang at sibuyas at nagsimula akong hiwain iyon.

"Hindi mo madadaan sa pagkain si Lucia." Hinarap na ni Manang Yoyie ang niluluto niya. "Nasaktan ang alaga ko. Pinaasa mo na naman. Kung alam mo lang kung gaano siya kasaya na magbabakasyon kayong dalawa tapos bigla mong hindi sisiputin." Damang-dama ko ang panunumbat sa tono niya.

Napahinga ako ng malalim. "Alam ko naman ang kasalanan ko, Manang. Alam kong hindi ako agad mapapatawad ni Lucy. Pero..." mahina akong napamura at inis na binitiwan ang hawak ko. "Trabaho ko naman ang nakasalalay at alam kong maiintindihan niya."

"Sa tingin mo ba naintindihan ni Lucy ngayon? JD, ilang taon na kayong kasal pero ilang taon na rin na laging naghihintay sa iyo ang asawa mo. Umuuwi ka nga dito sa bahay pero ang isip mo nasa trabaho mo." Napapailing siya. "Kailangan ng atensiyon ng asawa mo. Hindi dahil sa sinasabi mong mahal mo siya at importante siya ay sapat na iyon. Hindi iyon nakukuha sa pagsasabi lang. Dapat ipinapakita mo."

"Alam naman niya kung gaano ko siya kamahal. Ginagawa ko ito para sa kanya. Para sa pamilya namin." Katwiran ko.

"Sa tingin mo, para sa kanya ba ang ginawa mo kahapon?" Napairap sa akin si Manang. "Hindi niya makikita iyon. Ang tanging nakikita niya, wala kang panahon sa kanya. Huwag mong hintayin na dumating ang panahon na bumalik sa pagiging bato ang puso ni Lucia." Painis na binitiwan ni Manang Yoyie ang sandok na hawak. "Luto na 'tong ginisang ampalaya baka gusto mo nang kumain. Mapait 'to. 'Singpait mo."

Sinundan ko lang ng tingin si Manang na lumabas ng kusina at iniwan ako. Tumayo ako at tiningnan ang niluto niya. Sumandok ako ng konti at tumikhim. 'Tangina, ang pait nga. Feeling ko may galit talaga si Manang Yoyie sa akin. Ngayon lang ako nakatikim ng ganito kapait na ampalaya.

Pero kahit anong sabihin ni Manang, gagawa ako ng paraan para magkaayos kami ni Lucy. Sinimulan kong iluto ang paborito ng asawa ko. Sabi nga, the easiest way to say sorry was through food. Tapos sasamahan ko na rin ito ng wine. Alam ko naman may pagka-tomador 'tong asawa ko. Daig pa nga ako. Nasanay na kasi akong hindi talaga umiinom dahil babad ako sa trabaho at missions kahit noon. Nakasanayan ko nang hindi tumikhim ng alak. Pero si Lucy, ginagawang tubig ang wine. Kahit ang matataas na proof ng mga alak kayang-kayang inumin. Ilang beses ko ngang naabutan na nakainom sa tuwing uuwi ako. I cannot blame her. Nasanay siyang ganoon ang gawa noong dalaga pa siya. Noong mga panahon na tanging trabaho lang ang buhay niya. Noong mga panahong stressed na stressed siya sa buhay niya. That her coping mechanism before she met me and now, she was doing it again because of me. Matagal na din namang nahinto sa pag-inom si Lucy. Bumalik na lang nitong lagi akong wala at laging napapako ang mga pangako sa kanya.

Inayos ko sa isang magandang tray ang niluto ko. Nilagay ko sa magandang plato. Kumuha ako ng paborito niyang wine tapos ay wine glass saka ako umakyat sa kuwarto namin. Bago ako tuluyang pumasok ay tiningnan ko muna kung lumabas na ng banyo si Lucy. Nang sumilip ako ay nakita kong nakahiga sa kama. Mukhang tulog.

Nang makapasok ako ay inilapag ko sa bed side table ang dala kong pagkain. Tiningnan ko pa siya at tulog na tulog nga. Mukhang nagbabawi dahil sa tindi ng hangover. Napahinga na lang ako ng malalim. Sobrang nako-konsensiya ako sa nagawa ko kaya talagang babawi ako ng matindi ngayon.

Inayos ko ang table na pagkakainan niya. Inilagay ko ang upuan na uupuan niya para sa isang espesyal na presentasyon. Natawa ako at nailing sa naiisip kong gawin. I was way past to this kind of thing. I was done doing this kind of jest, but for my wife, I would do anything for her to forgive me.

Even if that means of going back to where it all started when I first met her. 

-----------

This is already complete and available in physical books and ebook. Slide a message to Helene Mendoza's FB page to know how to purchase your copy. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top