Wishful Thinking
Lumaki si Josef na kung bubuskahin man siya, malamang na sariling pamilya ng ama niya ang gagawa sa dahilang anak siya ng isang Malavega. May karapatan naman ang mga itong maliitin siya kung tutuusin dahil hindi biro ang pamilya ng ama niya. Leader ng napakalaking organisasyon ang lolo niyang walang kasingsama. Ang ama naman niya ay ni hindi man lang niya nakilala nang maayos. Kung makapag-usap man sila noong bata pa siya—-hindi naman talaga sila nag-uusap. Titingnan lang siya nito at walang sasabihin. Lahat ng salita, palaging si Cas ang sumasalo. Hindi nga niya malaman kung anak ba talaga siya ni Joseph Zach. Kahit nga ang sarili niyang ina, wala ring patumangga kung libakin siya kapag may nagagawa siyang hindi maganda.
Lumaki siyang sinasalo ni Cas at ni Leonard Thompson sa sarili niyang mga magulang. Masyadong perfectionist ang parents niya. Gusto ng mama niya na siya ang maging pinakamagaling sa lahat. Gusto ng ama niya na higitan niya si Nightshade. Sa tindi ng pressure na naranasan niya, wala pa mang kinse anyos, halos patayin na niya ang sarili, pataasin lang ang halaga ng pagkatao niya.
At ngayon, hayun siya at halos mamula sa galit gawa ng mga ordinaryong taong nagpapalibre lang din naman sa iba.
"Di ba, sabi ko, 'wag kang iiyak kapag nasampolan ka?" pambungad na pambungad ni Armida pagkalabas na pagkalabas nito sa restaurant.
"They are pathetic!" galit na sigaw ni Josef habang tinuturo ang loob ng restaurant. Hindi man lang alintana kung napapanood siya ng napakaraming Guardian na magwala roon. "Huh! Ako? Ako pa talaga ang sinabihan nila n'on? HA-HA! No. Not me."
Natawa nang mahina si Armida dahil iyon na yata ang unang beses niyang makita si Josef na hindi nagalit nang dahil sa kanya. Kaya na rin siguro siya natatawa dahil palakad-lakad ito na parang hindi mapakali sa iisang lugar.
Sumenyas si Armida na parang umiinom. At bilib siya dahil mabilis pumick-up ang mga Guardian dahil may isang nagbukas ng trunk ng sasakyan at kumuha roon ng bottled water na baon pa yatang tubig ng mga Guardian sa trabaho.
Iniabot na agad iyon sa kanya ng Guardian at saka niya ibinigay kay Josef.
"This is unforgivable!" sigaw na naman ni Josef at marahas na kinuha sa asawa niya ang tubig at apat na lagukan lang ang ginawa saka nilukot ng kamao ang bote. Kasunod niyon ay marahas din niya iyong ibinato sa kalsada at saka nagpamaywang at nagpatuloy ulit sa paglalakad-lakad.
Si Armida naman, nagpipigil ng tawa niya habang nakakrus ang mga braso at hinihintay ang asawa niyang mapagod kakalakad-lakad nito.
"Did you hear what they say, huh?" tanong pa ni Josef sa asawa. "Guwapo lang ako. HA! Guwapo LANG? HA!"
Napatakip na lang ng bibig si Armida habang nakikitang ang tagal ma-bad trip ng asawa niya. Nanggagalaiti sa galit, pulang-pula na ang mestisuhin nitong mukha.
"Ginagawa nila 'to sa 'yo? Hmm? Are they?" tanong pa ng lalaki.
"Yes. Everyday," kaswal na sagot ni Armida.
"Oh God." Lumapit na siya kay Armida at niyakap ito sa may bandang balikat. Nagbago na ang tono at parang naaawa na. "Ahw . . . kawawa naman ang asawa ko, binu-bully ng mga hampaslupang 'yon." Hinagod-hagod pa niya ang buhok ni Armida na parang batang inaalo ito.
Hindi alam ni Armida kung maiinsulto sa sinabi nito o lalong matatawa sa asawa niya.
Bumitiw na rin ito sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi.
"'Wag mo nang kakausapin yung mga gano'ng hayop, hmm?" sabi nito habang nakatingin sa kanya, nagpapaalala pa. "Sabihin mo sa 'kin kapag pinagsalitaan ka pa nila ng hindi maganda. Ako mismo ang papatay sa kanila."
"PFFT! Hahahaha!" Hindi na napigilan ni Armida ang tawa niya. Matapos mapahagalpak ng tawa ay kinagat niya ang labi para pigilan ang pagtawa. Kinuha na niya ang mga kamay ni Josef na nasa pisngi niya at hinawakan iyon nang mahigpit. "Ikaw ang nagsabing hayaan ko, kaya hayaan na natin." Tinapik-tapik niya ang pisngi ni Josef nang mahina para magbalik na ito sa huwisyo. "Don't stoop down to their level, hmm? You're better than this."
Nagtawag na siya ng isang Guardian at nagpaalam nang mabilis.
"Pakisabi kay Xerez, mauuna na kami sa bahay. Tatawag na lang ulit kami kapag may kailangan kami."
"Masusunod, milady," sagot ng isang Guardian at nagbigay-galang na ang lahat ng Guardian doon habang naglalakad na sila papuntang kotse ni Josef.
Iginiya ni Armida ang asawa niya sa passenger side. "I'll drive. Baka mabangga tayo kapag ikaw pa ang nag-drive, di ka pa okay."
Hindi talaga nawala ang ngisi at mahihinang tawa ni Armida gawa ng asawa niya.
"I treated them nice, right?" tanong pa ni Josef sa asawa niya habang nasa biyahe sila. "I didn't say anything bad, right?"
"Yeah . . ." nakangising sagot ni Armida, nakikinig sa rants ng asawa niyang hindi maka-move on sa nangyari.
"Bakit sila gano'n? Mga wala ba silang decorum? Teachers ba talaga sila?"
"Bakit naman kasi hindi ka nagdala ng pera?"
"Kahit na wala akong dalang pera, wala silang karapatang tawagin akong 'Guwapo lang'!"
"Pfft! Hahaha! At least, tinawag kang guwapo, di ba?"
"Ano 'yon, consolation?" inis na tanong ng lalaki habang pinanlalakihan ng mata ang asawa niyang nagda-drive at hindi naman siya magawang tingnan. "Fuck that reason, mga mukhang pera."
"Tanga ka rin kasi. Sabi nang huwag na tayong sumama e," natatawang sinabi ni Armida. "Yung pamimilit mo, may pinatutunguhan din talaga kung minsan, Josef."
"At kasalanan ko pa?" galit na tanong ng lalaki habang tinuturo ang sarili.
"Sinong umoo? Ako ba?"
"Ugh! This is so stupid!" Ibinagsak ni Josef ang likod sa sandalan ng seat. Sa wakas ay tumahimik na rin siya. Pero hindi pa rin nawawala ang inis niya. "Ginutom tuloy ako," dismayado niyang sinabi.
***
Hindi naging maganda ang lunch ng mag-asawa, kaya kahit na ala-una na, wala silang magagawa kundi magluto na lang.
At dahil si Armida ang pinakamalalang cook na na-encounter ni Josef sa tanang buhay niya, nagprisinta na siyang turuan itong magluto ng pagkain ng tao. Yey!
"We're gonna cook food, Armida," sabi ni Josef, dinidiinan ang salitang food dahil hindi food ang niluto ng asawa niya kahapon.
"Uhm-hmm," pagtango ni Armida habang nakapamaywang ito at nakatitig lang sa chopping board at sa karne ng baka roon.
"So I'm gonna chop that," sabi niya sabay turo sa kalahating kilong karneng naroon.
"Yes. Can you chop that?" Parang teacher na nagtuturo sa bata kung magtanong si Josef.
"Yes, sir, I can chop even a living body," proud pang sinabi ni Armida.
"Oh God." Napasapo agad ng noo si Josef dahil sa dinami-rami ng comparison ni Armida, iyon pa talaga.
May punto naman, pero sana pumili ito ng ibang hindi nakakaurong ng sikmura dahil pagkain ang gagawin nila.
"I-chop mo into cubes," utos na lang niya.
"Yes, sir!" masiglang sinabi ni Armida. May mahabang kutsilyo naman pero pinili pa talaga nito ang meat cleaver.
Bag!
Bag!
Bag!
At halos mapatalon sa gulat si Josef dahil walang ano-ano'y bigla niyang pinagtataga ang walang kalaban-labang karne.
"I'm done!"
Nandidilat na tiningnan ni Josef ang masayang mukha ng asawa niya, sunod sa karne, balik sa asawa niya, balik sa karne.
"Can you . . ." Napalunok muna si Josef bago tinapos ang sinasabi. "You know, you can chop the meat quietly . . . di ba?"
"Matagal kasi."
"My god." Napasapo na naman ng noo si Josef dahil mas stressful pa rin ang asawa niya sa lahat.
Kinuha na lang niya ang white onion at hinagis-hagis iyon sa ere. "You know how to cut it?"
"Cubes?"
"Minced."
Napatitig si Armida sa mukha ng asawa niya. Ang dami talagang alam nito na hindi niya inaasahang alam nito. Masyadong marami na kahit yata simpleng bagay, alam nitong gawin. Akala niya, tama na yung katotohang "guwapo" ito at sobrang yaman. Hindi niya alam na hindi pala nagtatapos doon ang lahat.
"Josef, may mga bagay ka pa bang hindi kayang gawin?" tanong na lang niya habang pinaglalaruan ang kutsilyo patusok sa chopping board.
"Siyempre."
"Gaya ng?"
"Iwan ka."
Ang bilis ng lingon ni Armida sa mukha ng katabi niya. "Pauso mo, brad!" Sabay balya sa balikat nito na hindi man lang niya napaurong kahit kaunti.
"Kinilig ka naman," bati ni Josef dahil napangiti ang asawa niya roon.
"Yuck!" pakipot na tanggi ni Armida at kinuha na ang sibuyas sa asawa niya. "Itumba na kaya kita. Dami mong alam e."
"Ay, marunong," papuri ni Josef dahil marunong naman palang maghiwa ng sibuyas ang asawa niya. Ipinatong niya ang kanang palad sa kitchen counter at tinitigan ang mukha ng asawa niyang nakangiti at namumula ang pisngi. Halatang natutuwa--hindi lang niya alam kung gawa ba ng paghihiwa o ng sinabi niya.
Kapag ganitong pagkakataon na parang normal lang ang asawa niya, hindi niya maiwasang matuwa nang sobra. Mga pagkakataong gandang-ganda siya rito. Inipit na lang niya ang buhok nito sa mukha sa likod ng tainga nito at nginitian na naman niya ito habang tinititigan.
"'Wag mo 'kong titigan," paalala pa ni Armida habang tinatapos ang paglilipat sa maliit na bowl ang hiniwa niyang sibuyas. "Nararamdaman kita." Nag-angat na siya ng tingin para magtanong sa asawa. "What's next?"
Kinuha na ni Josef ang celery, garlic cloves, at iba pang panghalo. Si Armida ang pinaghiwa niya ng lahat tutal, enjoy na enjoy itong humawak ng kutsilyo.
"Okay, so here's the fire part," sabi ni Josef nang matapos sila sa paghihiwa.
"Alam ko naman kung paano magbukas ng stove, Mr. Zach," ani Armida saka binuksan ang stove at isinalang ang non-stick pan.
"Alam mo kung ano ang susunod na gagawin?" tanong ni Josef.
"Of course!" proud na sinabi ni Armida. "Not. Ikaw nagtuturo, ako tatanungin mo."
"Haaay," napabuga na lang ng hininga si Josef dahil si Armida nga ang kausap niya. "Ano yung mga nilagay mong seasoning kahapon?" tanong na lang niya.
"Lahat," sagot nito.
"La—-lahat?" gulat na tanong ni Josef.
"Di ba, ginagamit mo naman lahat?" inosenteng tanong nito.
Tiningnan niya ang asawa na punong-puno ng katanungan ang mukha kung kailan niya ginamit ang lahat ng seasoning kapag nagluluto siya.
"Alam mo, Armida, tanggap pa rin kita kahit ganiyan ka."
"WHHHY?" Ito na naman si Armida sa tanong nitong parang ang laking mali ng ginawa nito.
"Sana kapag nagkaanak tayo, magmana na lang sa 'kin," pahabol ni Josef bago naglagay ng mantika sa pan.
"Yung pagiging antipatiko mo, unli, 'no?" sarcastic na sinabi ni Armida. "'Pag nagkaanak tayo tapos kasing-antipatiko mo, di na 'ko magtataka."
Biglang napangiti si Josef sa sinabi ng asawa niya. "Gusto mo na bang magkaanak?"
Nakangiti naman si Armida nang tingnan ang asawa. "Kung parang ikaw lang din naman . . . 'wag na lang."
Biglang naglaho ang ngiti ni Josef at bumagsak ang tuwa niya. "Gusto mong 'wag na kitang pakainin?"
"Hahaha! Pikunin ka, 'no?"
Hindi na umimik si Josef. Sabi niya, si Armida ang magluluto, pero siya rin naman ang nagluto sa ending. Nanood lang talaga ito.
"Ang sarap mong panooring magluto," puna ni Armida sa asawa niya.
"Uhm-hmm," tanging sagot ni Josef habang tumatango.
"Pagbalik natin sa Citadel, hindi mo na 'ko mapapagluto kasi maraming chef do'n."
Sinulyapan muna ni Josef ang asawa niya. Nakatingin lang ito sa pan.
"Tapos siyempre, hindi papayag ang mga Guardian mo na paglutuin ang Fuhrer. Baka mapatawan ako ng castigation kasi inutusan kitang magluto."
Habang naririnig iyon ni Josef, hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot dahil tama ang sinasabi nito.
Pagbalik nila sa Citadel, hindi na magiging ganoon kasimple ang buhay nila.
"Sana ganito na lang tayo lagi, 'no?" ani Armida saka nag-angat ng tingin. Doon na nagsalubong ang mga tingin nila.
Naging simple lang ang ngiti ni Josef sa sinabing iyon ng asawa niya. Parang doon lang kasi nag-sink in sa kanya ang sinabi nito noong sinugod sila sa bahay.
"Huwag mo nang hilingin ang normal na buhay dahil wala tayong magiging normal na buhay, hmm? Dahil pagkatapos natin sa lugar na 'to, babalik tayo sa Citadel at gagawin natin ang trabaho ng mga taong dahilan kung bakit ka naging magnanakaw at bakit ako naging assassin."
"Sana . . ." matipid niyang sagot at tinapos na ang paggisa sa niluluto niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top