White Lies
"Hoy, gumising ka nga muna," sabi ni Josef sabay sipa sa sofa kung saan natutulog si Laby.
Hindi nagising ang dalaga kaya mas malakas na sipa ang ginawa ni Josef. "Labyrinth!"
"Ano ba!" Naiinis at nakasimangot na bumangon si Laby. Nanatili lang siyang nakapikit at sumandal sa sofa. "Inaantok pa 'ko e!"
Tinulak pa ni Josef ang noo ni Laby para magising pa lalo ito. "Hoy, may laban ba tayo ngayon?"
"Hoy ka rin!" inis na sigaw ni Laby sabay balik sa paghiga sa sofa. "May laban pero hayaan mo na. Di tayo lalaban."
Nagkrus ng mga braso si Josef at napahugot ng hininga. "And why is that?" nagtitimpi niyang tanong.
"Kapag pumunta tayong dalawa doon, magagalit na naman yung asawa mong baliw." Namaluktot pa si Laby at binalikan ang pagtulog niya.
"Yung mga estudyante ni Armida, mukhang updated sa Xaylem," paalala ni Josef. "How can I be sure na hindi siya pupunta ngayon doon?"
"E di, tawagan mo, problema ba 'yon?" nakapikit na suhestiyon ni Laby.
"Ikaw ang tumawag," utos ni Josef.
Doon na napadilat si Laby. "Hoy, Shadow! Asawa mo 'yon! Bakit ako ang patatawagin mo?"
"Kapag ako ang nagsabi, bubulyawan lang niya 'ko," katwiran ni Josef.
"Ah, so you think that will save me from despair, ha?" Napabangon na naman si Laby at inis na umupo. "At saka ano ba'ng pakialam mo kung may laban tayo ngayon? Lalaban ka ba?"
Napabuga ng hininga si Josef at huminahon na rin. Naupo siya sa katapat na single seater ng sofa at komportableng umupo roon. "May estudyante akong lalaban sa 'tin."
Nawala ang simangot ni Laby at nagtanong agad. "Sinong estudyante?"
"Shiner Soliman."
Napalunok si Laby at naisip na wala naman sa class advisory ni Josef ang pangalan ng isang Soliman kaya nga doon niya ito ipinasok.
"You're lying," sabi agad ni Laby. "Isa ako sa nagbigay ng recommendation sa 'yo. Walang Soliman sa advisory class mo."
"Ugh!" Napaikot ng mata si Josef at napaamin na lang agad. Bakit nga ba siya magtatangka pang magsinungaling samantalang si Labyrinth ang kausap niya. "Fine. Hindi ko siya estudyante. Pero kinakausap ko siya at sa kanya ko nalamang may laban tayo ngayon."
Hindi sumagot si Laby. Tinitigan lang niya si Josef na parang may sinabi itong hindi kagusto-gusto. "You're talking to her?" tanong pa niya.
"Yes. Problem?" sagot naman ni Josef.
"Alam mo bang target siya ng kapatid mo? At anak siya ng handler ng Xaylem! Kaya nga hindi tayo lalaban ngayon, dahil sa kanya."
Kinuha niya ang phone sa bulsa at d-in-ial agad ang number ni Armida. Pagkatapos niyon ay ibinato agad ang phone kay Josef na nasalo nito nang isang kamay lang.
"Kausapin mo yung asawa mong magaling," sabi ni Laby at bumalik na naman sa paghiga.
"Tss. Katamaran mong bata ka." Mabilis na nag-loudspeaker si Josef para marinig din ni Laby ang magiging sagot ni Armida.
"Hello, Armida Hwong speaking?" matinong bati sa kabilang linya na ikinataka nilang dalawa.
"Armida, nasaan ka?" tanong agad ni Josef.
"Ah! Here at school! Why?"
Nagsalubong ang tingin ni Josef at ni Laby. Nagkibit-balikat agad si Laby nang mabasa sa mukha ng lalaki na parang good mood si Armida.
"Anong oras ka uuwi?" usisa ni Josef.
"I'm not sure," hindi sigurado nitong sagot. "May planning kasi kami dapat ngayon. May event daw sa school, Christmas party. Ang sabi ng faculty, kailangan kong kausapin ang advisory class ko or else, hindi sila pasasalihin doon. Nandiyan ba si Laby? Pakitanong nga kung paano ang gagawin doon? Ano bang event 'yon?"
Mabilis na umiling si Laby at gumawa ng malaking ekis gamit ang mga braso.
"Oh . . . uhm . . . wala siya rito e," pagsisinungaling ni Josef.
Saglit na hindi sumagot si Armida. Ilang segundo pa ay bumalik na rin sabay sabing "Sinungaling ka, Richard Zach. Kay Laby ang caller ID. Kung ipalunok ko kaya sa 'yo 'yang phone pag-uwi ko?"
Agad na umikot ang mata ni Laby at saka umiling. Inaudible niyang sinabi ang "So stupid, Shadow." Kaya nga nabato siya ni Josef ng throw pillow.
"Fine," pagsuko ni Josef. "The kid is sleeping right now. I borrowed the phone."
"Wala ka bang phone at nanghiram ka pa?"
"I'm charging, okay? Kauuwi ko lang."
"Then, why call?"
"Uhm . . . I . . ." Sinubukang manghingi ng sagot ni Josef kay Laby. Nagtaas lang ito ng magkabilang kamay para sabihing wala itong pakialam sa isasagot niya.
Isa na namang throw pillow ang ibinato ni Josef kay Laby dahil napakawalang kuwenta nito.
"Josef," pagtawag ni Armida.
"I . . . I miss you," iyon na lang ang nasabi ni Josef.
Itinutok ni Laby ang daliri niya sa bibig at akmang nasusuka.
Inabot ni Josef ang kabilang upuan para mambato na naman ng throw pillow.
Para namang baliw na seal si Laby na tahimik na tumatawa habang pumapalakpak pa.
"Uuwi ako nang maaga, okay?" sabi ni Armida. "Gusto mo bang sunduin na lang ako?"
Mabilis namang umiling si Laby.
"Uhm, mag . . . magluluto pa kasi ako. May gusto ka bang kainin pag-uwi? I'll cook."
"Ma'am, si Eljand, o!" Nagkatinginan sina Josef at Laby nang makarinig ng boses ng binata sa kabilang linya. "Hoy, sige, magpatayan kayo diyan, ako sasakal sa inyo!" bulyaw ni Armida.
Napahimas tuloy ng sentido si Josef dahil sa naririnig. Pagbalik niya ng tingin kay Laby, mukhang nakabasa siya ng magandang balita dahil busy nga talaga si Armida sa school para unahin pa ang laban nila sa Xaylem.
"Sorry about that," paumanhin ni Armida. "Sakit talaga sa ulo 'tong mga batang 'to. Ano ulit yung tanong mo?"
"Just . . . go home early, okay?" sabi na lang ni Josef. "I'll be waiting. Mag-ingat ka pauwi."
"Mag-ingat sila, 'ka mo. James, what the hell are you doing?! Ma'am, eto kasi e! I'll end this call, alright? Bye!"
At namatay na ang tawag.
Sabay na nagpakawala ng malalim na buntonghininga sina Josef at Laby. Damang-dama nila ang stress sa kabilang linya.
"Magpasalamat ka na lang sa mga estudyante niyang abnormal," sabi ni Laby.
"Sa ikli ng pasensiya ni Armida, paanong buhay pa yung mga estudyante niya?" takang tanong pa ni Josef.
***
Half past four na at tapos na ang meeting ng mga teacher sa Byeloruss.
May Christmas event na magaganap sa 21 kaya nagkaroon ng kaunting pag-uusap sa mga gagawin sa araw na iyon. At dahil dalawang araw nang tahimik ang buong Class 4-F, nagkaroon ng chance si Armida para pakinggan ang side niya ng ibang teachers since siya pa lang yata ang nakapagpatahimik sa buong Class 4-F sa loob ng dalawang araw.
Bad news lang dahil walang kaalam-alam si Armida sa Christmas-Christmas party na iyan kaya sinabi na lang niya na kakausapin muna niya ang mga estudyante niya para malaman kung ano ang dapat nilang gawin, at saka na siya magbibigay ng final plan sa mga teacher.
Pumayag naman ang mga ito pero ire-review pa raw muna ang plano. Dahil kung ang plano lang naman ay para manggulo, malamang na iba-ban ang buong klase niya sa event na iyon.
Nangako naman siyang hindi gulo ang habol ng klase niya. At kung magkagulo man, may paraan na siya para patahimikin sila.
Nasa elevator siya ngayon at pababa na sa ground floor. Iniisip niya kung ano ba ang magandang gawin sa party na iyon dahil iyon din ang last day nila sa area at dapat maaga siyang makauwi. Ang sabi kasi ng mga teacher, aabutin ng gabi ang event kaya mukhang magkakaproblema siya sa time.
Lumabas na siya ng elevator . . .
"Ma'am!" Sinalubong agad siya nina James at Eljand.
"O, kanina pa uwian n'yo, a. Ano pa ang ginagawa n'yo rito?" tanong ni Armida na patuloy lang sa paglalakad habang sinusundan ng dalawa niyang estudyante.
"Siyempre, ma'am, service mo kami!" pagmamalaki ni James.
"Talagang kayong dalawa?" tanong pa ni Armida.
"Of course!" sabay pang sagot ng dalawa.
Hanggang sa mga oras na iyon ay iniisip pa rin niya ang tungkol sa Chrismas party. At dahil wala siyang ideya, tatanungin na lang niya yung dalawa niyang estudyante.
"James, Eljand, ano'ng ginagawa sa Christmas party event?"
"Christmas party, ma'am?" gulat na tanong ni James. "Sasali kami?"
"Yes."
"Wah!" Sabay na nagulat ang mag-best friend at nagkatinginan agad. "Sasali tayo! Whooh!"
Parang mga timang na nagtaas ng mga kamay ang dalawa at nagsayaw-sayaw sa paglalakad.
"Ma'am, sasayaw kami!" suggestion ni Eljand at nag-pop lock pa para ipakita kay Armida ang sayaw niya.
"Sasayaw? Kailangan ba n'on?" takang tanong ni Armida.
"Siyempre naman, ma'am! Kailangan may performance kami!" proud na sinabi ni James.
Bzzt! Bzzt!
"Ma'am, puwede kami magdala ng props na malalaki?" tanong ni James.
"Hindi ko alam, wait."
Bzzt! Bzzt!
Kinuha agad ni Armida ang phone niya sa bulsa ng blazer at sinagot ang tumatawag habang nakatingin sa dalawang estudyante niya.
"Hoy, kayong dalawa. Huwag kayong maingay, may kakausapin ako," paalala ni Armida sa magkaibigan. Nagtakip naman ng mga ito ng bibig at bahagyang lumayo. "Hello, Armida Hwong speaking?"
"Armida, nasaan ka?"
Nakilala niya agad ang boses. Ang asawa niya.
"Ah! Here at school! Why?" nakangiti niyang sagot. Sa wakas ay tumawag din ang asawa niya. Kompara kahapon kasi na talagang wala itong paramdam at nakita na lang niya sa battleground at lumalaban nang wala siya.
Bigla niyang naalala ang Xaylem.
"Anong oras ka uuwi?" tanong pa ni Josef.
Pinakinggan niya ang kabilang linya. Tahimik. Walang maingay.
Maingay sa Xaylem. Wala roon ang asawa niya.
Mabuti naman.
"I'm not sure," hindi niya siguradong sagot. Baka kasi tangayin pa niya sa kainan ang dalawang estudyante niya. "May planning kasi kami dapat ngayon. May event daw sa school, Christmas party. Ang sabi ng faculty, kailangan kong kausapin ang advisory class ko, or else, hindi sila pasasalihin doon."
Pinanonood niya sina James at Eljand na panay ang pakita ng mga dance moves nila habang naglalakad.
"Nandiyan ba si Laby? Pakitanong nga kung paano ang gagawin doon? Ano bang event 'yon?"
Napataas ng magkabilang kilay si Armida dahil nag-back flip pa si James at umaktong naghahamon pa kay Eljand.
"Oh . . . uhm . . . wala siya rito e," narinig niyang sagot ni Josef.
Kumunot agad ang noo niya at sinilip ang screen.
Laby naman ang nakalagay sa screen. Ibinalik niya ang phone sa tainga. "Sinungaling ka, Richard Zach. Kay Laby ang caller ID. Kung ipalunok ko kaya sa 'yo 'yang phone pag-uwi ko?"
"Fine," sabi ng asawa niya at nakarinig siya ng buntonghininga sa kabilang linya. "The kid is sleeping right now. I borrowed the phone."
"Wala ka bang phone at nanghiram ka pa?"
"I'm charging, okay? Kauuwi ko lang."
Wala nga sa Xaylem at nasa bahay na.
"Then, why call?"
"Uhm . . . I . . ."
Pinanood lang ni Armidang mag-angasan at magpagalingan sa pagsayaw yung dalawa niyang estudyante. At wala pa ring sagot ang asawa niya.
"Josef," pagtawag niya dahil baka ibinaba na pala nito ang linya.
"I . . . I miss you."
Saglit siyang nagulat at napangiti sa sinabi ng asawa niya.
Nasa bahay na ito, wala na siyang aalalahanin kung nasaang impyerno na naman ito pumupunta. At na-miss pa siya. Sino ba ang hindi mapapangiti roon?
"Uuwi ako nang maaga, okay?" nakangiti niyang sagot. "Gusto mo bang sunduin na lang ako?"
"Uhm, mag . . . magluluto pa kasi ako."
Saglit siyang nadismaya dahil tumanggi ang asawa niya.
"May gusto ka bang kainin pag-uwi? I'll cook."
Pero nabawi naman iyon dahil uuwi siyang may pagkain na. Baka hindi na lang niya ayain yung dalawa niyang estudyante para sa eat out.
Ang speaking of estudyante . . .
"Ma'am, si Eljand, o!" sumbong ni James dahil hine-headlock na siya ng kaibigan.
"Hoy, sige, magpatayan kayo diyan, ako sasakal sa inyo!" bulyaw ni Armida dahil nagkakapikunan na yung dalawa.
"Sorry about that. Sakit talaga sa ulo 'tong mga batang 'to," paumanhin niya habang binibilisan na ang paglakad para maawat yung magkaibigan. "Ano ulit yung tanong mo?"
"Just . . . go home early, okay? I'll be waiting. Mag-ingat ka pauwi."
"Mag-ingat sila, 'ka mo."
Paglapit niya, nagpapaluan na yung dalawa. Binato agad ni James ng bag si Eljand.
"James, what the hell are you doing?!" sigaw niya.
"Ma'am, eto kasi e!" sumbong ni James habang dinuduro si Eljand.
"I'll end this call, alright? Bye!" At pinatay na niya ang tawag. "Kayo, kayong dalawa, pag-uuntugin ko na kayo e!" Hinabol niya ng hampas ang magkaibigan.
Mabilis na tumakbo si Eljand palayo at dumukot agad sa phone. Nakangiti ito nang malapad pero agad ding nawala nang mabasa ang message sa kanya.
"Ma'am!" malakas na pagtawag nito.
"Ano na naman?" singhal ni Armida.
"May graveyard fight ngayon sa Xaylem! Manonood ka?" excited na tanong ni Eljand.
"Anong graveyard fight?" Nagtaka agad si Armida.
"May laban kasi nang 6 p.m. mamaya, ma'am!" masayang sinabi ni Eljand.
"Sino ang maglalaban?" sabay pang tanong nina James at Armida.
Kung kanina ay nagsasapakan na ang magkaibigan, ngayon ay lumapit na naman si James kay Eljand para makiusisa sa phone nito.
"Wow, Legends at Roses? Angaaas!" Nag-apir ang magkaibigan sabay taas ng kamao sa hangin.
"Legends? Roses?" takang tanong ni Armida.
"Yung LSG, ma'am!" proud na sagot ni James.
"Oh . . ." Napatango naman si Armida roon. "Malakas ba yung Roses?"
"Tama lang, ma'am! Pero astig pa rin sila!" sagot ni Eljand at tumango-tango pa.
Gaya kahapon, wala pa ring sinabi si Laby. Pero nasa bahay na si Josef, at malamang na nasa bahay na rin si Laby dahil phone nito ang ginamit na pantawag ng asawa niya.
"Tara, ma'am! Nood tayo!" pag-aya ng dalawa.
Saglit na nag-isip si Armida. Magluluto ang asawa niya. Kung nasa Xaylem ito, wala itong panahon para paglutuan siya. Ibig sabihin, hindi sila pupunta sa Xaylem.
Puwede naman siguro siyang sumalisi kahit saglit lang.
"Ano, ma'am, go?" tanong pa ni James.
Nag-isang tango agad si Armida. "Go."
"Yown!" At nag-apir nanaman ang mag-best friend.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top