We Meet Again

Nakaupo silang dalawa sa isang bench na nasa park. Tambay lang sila sa lilim ng mababang puno ng acacia. Umiinom lang ng soft drinks at naghihintayan kung sino ang mauunang magsalita.

"Kasama ka ba nila?"

Napatingin naman si Laby sa kasama. "Sinong nila?"

"Yung Lavender Rose."

"Lavender Rose?" Napaisip naman si Laby tungkol sa Lavander Rose na iyon.

Ang alam lang niyang Lavander Rose ay ang isa sa mga gang sa area.

"Hindi," umiling agad si Laby. "Gumagawa ako ng mapa. Naghahanap lang ako kanina ng shortcut papunta sa tinutuluyan kong bahay ngayon. Galing kasi ako sa Byeloruss."

"Byeloruss? Ano'ng ginawa mo ro'n?"

Nagkibit-balikat lang si Laby. "Napadaan lang. Landmark ng area e."

Tumango na lang ang kausap niya at humugot ng malalim na hininga.

"Kumusta ka na? Hindi ka na nagpakita after ng gala natin. Akala ko kung ano na'ng nangyari sa 'yo."

Napasandal si Laby sa inuupuan at napatingin sa langit. Napaisip siya kung sasagot ba nang matino sa kausap o hindi.

"Nagbakasyon lang ako. Ikaw, kumusta?" pagbabalik niya ng tanong."

Napabuga ng hininga ang kausap niya at napayuko. Bakas sa mukha ang kalungkutan. "Patay na si Kuya at yung asawa niya," malungkot niyang sinabi. "May nag-report sa bahay, naglatag ng ebidensiya."

"Oh," nasabi na lang ni Laby. Napabuntonghininga na lang siya dahil sa narinig. "Condolence."

Hindi sigurado si Laby, pero malamang na may kinalaman ang Citadel sa nangyaring iyon. Bagay na hindi niya alam kung paano ba ipaliliwanag sa kausap dahil malamang na magkakaroon ng problema kapag nalamang buhay pala ang mag-asawa bilang mga Superior.

"Riggs," pagtawag ni Laby. 

"Hmm?"

"Bakit mo nga pala 'ko hinahabol kanina?" pagbabago niya ng tanong.

"Ah, akala ko kasi kasama mo yung Roses."

"May atraso sa 'yo?"

"Isa sa mga member nila ang mission ko. Tagapagmana ng Soliman ang leader nila. Kailangan ko siyang mahanap."

Kumunot ang noo ni Laby at napalingon kay Riggs. "Hime Vhanthara. Siya ba ang hinahanap mo?"

Napatingin agad sa kanya si Riggs. Hindi nito inaasahan na kilala ni Laby ang target niya.

"Kilala mo ba ang target ko?" nagtatakang tanong ni Riggs.

"Personal? Hindi. Pangalan lang. Soliman Crime Family is the seventh powerful crime family in the country kaya imposibleng hindi ko siya kilala."

"Ow." Naisip ni Riggs na intel nga pala si Laby. Hindi nga imposibleng kilala nito ang target.

"Bakit? Ano'ng atraso ng target mo?"

Umiling si Riggs. "Nagkakaroon ngayon ng labanan sa pinakamagaling na organization sa bansa. Nag-aagawan na naman sa placing ng top organization. Ang laking problema ng ginawa ng kung sino man ang tumapos sa Zubin Cartel. Pati ang Asylum, nagpadala na ng mga tao for manhunt sa killer nila. Inaalam na ng lahat kung sinong malakas ang loob na kumalaban sa pamilyang 'yon."

"Under ng protection ng daddy mo ang mga Zubin, di ba?"

Sumandal nang pabalagbag si Riggs at isinandig ang batok sa sandalan ng bench saka tiningala ang puno. "Ang laki nga ng issue ni Daddy diyan ngayon. May truce nga raw kasi para sa mga Zubin kaya hiatus ang protection order. Alam naman ng lahat ng organization 'yon."

"Pero nandito ka dahil sa mga Soliman."

"Binigyan ako ng memo ni Daddy. Bantayan ko si Shiner Soliman. Siya yung representative ng mga Soliman kapag na-process na yung agreement sa mga organization."

"Bakit naman napili ng President ang mga Soliman? Ang daming org, a?"

"Malakas ang mga Soliman. Alam ni Daddy kung ano'ng klase yung head nila."

"At nag-focus siya sa heiress ng pamilya?"

Nagkibit-balikat lang si Riggs at umayos na naman ng upo saka tumanaw sa malayo. Pinanood ang mga namamasyal sa park sa mga oras na iyon ng tanghali. "Matanda na yung head. Proactive si Daddy, alam yatang isusunod ang head kung totoo ngang serialized ang pagpatay sa mga Zubin."

Biglang pilit ng ngiti si Laby at nandilat pa ng mata dahil sa sinabi ni Riggs. As if namang planado ni Armida ang pagkakapatay kay Carlos Zubin.

"You're after the Roses now?" pagbabalik na lang ni Laby sa usapan nila. "Naghihintay ka sa labas ng XZQ?"

"Ah, nope." Umiling pa si Riggs. "Madalas ako sa loob. Nagpa-member ako sa Dark Orion Cards."

"Oh . . ." Napatangang bigla si Laby habang nakatingin kay Riggs. Dark Orion Cards. Ang grupong iyon ang title holder sa area. At si King Ace Havenstein ang leader niyon—ang unang-una sa listahan ni Laby ng mga candidate para sa Fifth Generation ng mga Superior, ang panganay na tagapagmana ng Havenstein family.

Malilintikan silang pare-pareho kapag nalaman ni Riggs ang tungkol sa mag-asawa, lalo pa't itong dalawa ang magbibigay ng Summons sa batang Havenstein.

"Wait, that Havenstein knew you?" nag-aalalang tanong ni Laby.

"Yeah," tumango naman si Riggs. "We're good friends. At alam kong matutulungan niya 'ko sa target ko."

Magsasalita sana si Laby pero hindi niya naituloy kaya naiwan na lang siyang nakanganga.

Ilang saglit pa, nagsara na siya ng bibig at kinagat ang labit. Dahan-dahan na lang siyang tumango at saka naglipat ng tingin.

Lalo silang malilintikan. Taga-Byelorus pa naman si King. At higit sa lahat, estudyante ito ng pinakainiiwasang section sa school. At iyon pa naman ang section na hahawakan ng sakit ng ulo ngayon ng Citadel.

Mabilis na tumayo si Laby at matipid na nginitian si Riggs. "I need to go home. ASAP."

"Oh! Wait!" pagpigil ni Riggs bago pa makahakbang si Laby. "May number ka?"

"Number?" pag-uulit pa ni Laby. "Uh, wait . . ." Naglahad siya ng kamay, halatang nagmamadali. "May I have your phone?"

"S-sure?" naiilang na sagot ni Riggs at iniabot ang phone niya.

Mabilis doong tinipa ni Laby ang number niya at ibinalik agad kay Riggs. Tumalikod na rin siya at akmang hahakbang nang may maalala.

"Wait ulit!" madaling sinabi ni Laby at kinuha ang isang spider keychain na nakasabit sa belt ng jumper niya. Hinalbot niya ang kamay ni Riggs at inilapag doon ang keychain. "That's my gift for you." Matamis pa niyang nginitian ang binata. "I forgot to give you that noong last meeting natin."

Takang tiningnan naman ni Riggs ang nasa kamay niya. "And you kept it?"

"Uh, yeah? Yeah! Sayang kasi kung di ko magagamit. But, surprise! I saw you again." Pilit pang ngumiti si Laby. Napangiti na lang din si Riggs sa kanya. "Isipin mo na lang na habang nasa 'yo 'yan, hindi ka nag-iisa."

"Oh. That's . . . sweet," naiilang na sinabi ni Riggs. Alanganin pang matatawa sa sinabi ni Laby. "Thank you."

"So, paano? Una na 'ko!" Tumingkayad pa siya para halikan si Riggs sa pisngi. "Bye! Until next time." Sumaludo pa si Laby at kumaripas na rin ng takbo pagkatapos.

Kailangan niyang makauwi agad para balaan ang dapat balaan. Nasa area si Riggs, at hindi magiging maganda kung makikita nito ang mag-asawa.

Kinuha niya sa bula ang phone at tiningnan ang tracker.

At hangga't na kay Riggsang keychain, mata-track niya ito kahit saan ito pumunta.

-----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top