Uwian Time
Sa dami ng araw na masasaktuhan naman ang misyon nila, ngayon pang may pa-Christmas event. Alam ni Armida na wala sa misyon nila ang sumali siya sa presentation, kaya nga hindi niya alam kung bakit naroon siya sa gitna ng malawak na theater stage, katabi ang mga co-teacher niyang nanggaling yata sa kabilang section ng impyerno habang nasa harapan niya ang kalahati ng klase niyang hindi niya alam kung supportive ba sa kanya o gusto lang ding sirain ang buhay niya sa araw na iyon.
Open naman ang theater sa practice, wala naman daw kaso ang manood ang mga estudyante. Ang kaso nga lang, sa dinami-rami ng estudyanteng nasa theater sa mga oras na iyon, ito pang mga estudyante niya ang pinamaiingay sa lahat.
Pinag-ayos na ang mga teacher at ang mataray na si Ma'am Daphne ang conductor slash coach. Kakanta sila ng mga Christmas song for presentation. Nasa stage sila at kitang-kita na kalahati ng theater ay occupied ng girl students na nag-aabang sa panonood kay Sir Geo, at marami-rami rin ang boys na nag-aabang makapan-chicks sa mga nanonood na girls. At talaga yung klase pa ni Armida ang nag-occupy ng front row. Liban kasi sa pang-chi-chicks, nandoon talaga sila para alaskahin ang teacher nila.
"Ma'am kapag bumagyo, alam na, ha!"
"Kapag kumulog, galit na ang langit! Tigil na 'pag ganoon, ha!"
"Ma'am, provide ka na ng payong for us!"
"Pati hearing aid pagkatapos nito!"
"Hahahaha!"
"Hoy! Magsitahimik kayo, baka gusto n'yong batuhin ko kayo ng sapatos!" banta niya sa mga estudyante niya habang nasa gitna ng stage at dinuduro ang mga ito.
Susunduin na nga siya ni Josef, hindi pa siya nakatakas sa practice dahil si Sir Geo na mismo ang nagtago ng gamit niya para hindi siya makaalis ng Byeloruss.
At ngayon, katabi pa niya.
"Smile ka na," nakangiting sinabi ni Sir Geo na kanina pa pinagpapantasyahan ng mga babaeng estudyanteng nanonood sa kanila. "Tingnan mo, o." Itinuro ni Sir Geo ang mga 4-F student. "Chini-cheer ka ng mga student mo."
"Tss. Ibalik mo yung gamit ko, matututuwa na 'ko nang sobra," sarcastic niyang sagot.
"Nuh-uh." Umiling naman ang lalaki. "Tatakas ka e."
"Puwede bang umalis ka sa tabi?" Tinaboy naman niya si Sir Geo. "Parang may allergy ako sa mga Heim."
"Medyo harsh ka, 'no?" pang-aasar ni Sir Geo.
Lalong sumimangot si Armida. "Alis."
"Bakit ako aalis e dito ang puwesto ko?" proud na sinabi ni Sir Geo habang pinangpapaypay ang hawak na music sheet.
"Pakihanap ng pakialam ko, nawawala kasi."
"Hahaha! You know what, this is the first time na may kumausap sa 'kin nang ganito," bilib na sinabi ni Sir Geo. "Most of the time, they talk to me sweetly."
"Wow! Impressive, right?" sarcastic na sinabi ni Armida. "Try mo kayang lumayo sa 'kin kasi gagawin kong hundred times 'yang first time mo."
"Sshh! Miss Hwong, ang ingay!" saway ni Ma'am Edgarda at hinampas pa siya ng hawak na music sheet.
"Aba!" gulat na sinabi ni Armida. "Excuse—"
"Sshh! Okay, start!" sigaw ni Ma'am Daphne.
May instrumental music na bumalot sa stage. Napatingin agad si Armida sa music sheet.
"Hark how the bells, sweet silver be—"
At dahil hindi pamilyar si Armida sa kanta . . .
"HEEEP! Sino 'yong boses yero?!" galit na sigaw ni Ma'am Daphne dahilan para mapahinto ang mga teacher.
Lahat sila ay nagtinginan kay Armida.
"Ha? B-bakit?" takang-taka naman si Armida kung bakit siya tinitingnan ng mga teacher.
"HAHAHAHA!" Naghagalpakan ng tawa yung 4-F boys sa front row.
"Ma'am, para pala kayong ibon kumanta!"
"Ano'ng tawag do'n sa ibon na 'yon?"
"PARROT! HAHAHAHA!"
Napuno ng tawa ang buong theater habang si Armida naman ay siningkitan lang ng mata ang mga estudyante niya. Lakas mang-alaska ng mga utaw.
Parrot pala, ha . . .
"Excuse me!" singhal agad ni Armida habang nakapamaywang. "Paano n'yo naman nasabing ako 'yon, ha?" galit na sigaw niya.
"Matagal na kami rito sa Byeloruss kaya alam na namin ang presentation pati na ang mga boses ng isa't isa. Wala kaming ibang mapagbibintangan kundi ikaw lang," nangingiting sinabi ni Sir Geo sa kanya.
Nagturo na agad si Armida sa co-teachers niya para mambintang din. "Sigurado ba kayong ako, ha? Paano kung may malat lang sa kanila? Kasalanan ko rin?"
"Walang malat dito . . ." sabay-sabay pa nilang sinabi habang tumatango.
"Naku! Ewan ko sa inyo!" Umirap na lang siya at tinitigan na lang ng masama ang hawak na music sheet. "Start na nga, Ma'am Daphne! Mga mukha n'yo, malat."
"Start again!" sigaw ni Ma'am Daphne.
"Hark how the bells, sweet silver bells, Christmas is here bringing good cheer. To young and old, meek and the bold . . ."
Tawa nang tawa yung mga estudyante ni Armida dahil naririnig nila ang boses nitong nangingibabaw sa magandang boses ng ibang teachers. Hindi nila alam kung tumutula ba, nagno-novena, nagdadasal, may sinusumpa, malay na nila. Parang anumang oras, may i-su-summon na itong demonyo base sa tono ng pagkanta nito.
"Gaily they ring while people sing songs of good cheer, Christmas is here."
Natatawa na lang ang ibang teacher kasi nga nangingibabaw ang boses ni Armida na hindi maganda. Siguro kung sasayaw siya, malamang na may pag-asa siya. Pero kakanta?
"Ma'am, duet na lang kayo ng palaka!" sigaw ng isa sa kalagitnaan ng pagkanta.
"Letse kang bata ka!" Nilukot agad ni Armida ang music sheet niya sabay balibag sa mga estudyante niya. "Tara nga rito, ako sasakal sa 'yo!" aniya sabay lakad papunta sa dulo ng stage.
"HAHAHAHA!"
Natapos ang unang kanta at pinagpahinga naman muna ang mga teacher. Kung tutuusin, kahit nga hindi na sila mag-practice, okay na ang presentation nila dahil halatang praktisado na sila noon pa. Ito lang talaga si Armida ang issue nila.
Bumaba si Armida sa stage at nakiinom ng tubig sa estudyante niya. Panay ang sigaw niya. Parang mas sumakit ang lalamunan niya kasasaway sa mga estudyante niya kaysa sa ginawa niyang pagtula—o pagkanta, kung ano man ang tawag sa ginawa niya.
"Ma'am, bow ako sa 'yo!"
"Ganda ng boses n'yo, ma'am!'
"Record-breaking, ma'am!"
"Na-break yata ng boses n'yo yung ni-record na kanta! Hahahahaha!"
"Actually, maganda naman ang boses ni ma'am."
"Kaso?"
"Ang kagandahan ay nasa loob, kaya mas mabuting 'wag nang ilabas!"
"Mga buwiset!" sigaw niya sabay bato ng bote ng mineral water sa mga loko-lokong estudyante niya.
"HAHAHA!" pinagtawanan lang tuloy siya ng mga ito.
Yung ibang estudyante, natatawa na lang sa nakikita nila. Alam nilang mga siraulo ang mga nasa 4-F, at halos lahat ng estudyante at teacher ng Byeloruss ay ilag sa kanila. Pero ngayon, nakikita nila kung paano sila tratuhin ni Armida . . .
Ngayon nila nakikita ang kakaibang parte ng mga taga-4-F. Yung side na masaya kahit na magulo.
Parang ang saya ng buhay ng mga taga-4-F kompara sa klase nilang kanya-kanya ang mundo ng bawat isa.
"Kayo! Kayo, ha! Lahat kayo! Kung makapagsalita kayo! Bakit? Magaganda ba 'yang mga boses n'yo, ha?!"
"NAMAN!" pagmamayabang ng mga nasa front row.
"Guys! Sample!"
At sabay-sabay kumanta ang mga lalaking estudyante niya sa harapan.
"I'll be home for Christmas . . ."
"For Chiiiiistmaaas . . ." sabay-sabay ng iba sa mababang tono.
"You can plan on me . . ." Tumayo pa ang estudyante niyang may baritonong boses at kinuha ang kanang kamay niya. "Please have snow . . . and mistletoe . . ."
"Snow and mistletoooe . . ."
Inikot pa siya nito kahit na mukha siyang timang na paisa-isang hakbang ang pagkakaikot.
"And presents by the tree . . ."
"By the tree . . ."
"I'll be home for Christmas . . . if only in my dreams . . ."
"In . . . my . . . dreams . . ."
Bumitiw na ang estudyante niya saka yumuko para kunwaring nag-bow. Nakuha tuloy ng grupo nila ang atensiyon ng mga girl sa likod dahil ang ganda ng blending, may mga nagh-hum kaya feel na feel.
Biglang nagpalakpakan ang mga naroon sa theater na dahil sobrang ganda ng blending ng mga kumanta.
Tumayo silang mga nasa front row at sabay-sabay na nag-bow.
"Thank you! Thank you!"
Kanya-kanyang thank you sila sa lahat na kunwari ay mga artista kung makaasta. May nag-flying kiss pa, akala mo naman may tatanggap.
Pagkatapos ay bumalik na sila sa pagkakaupo
"Sige, kayo na ang mag-pe-perform sa 20, ha!" Itinuro niya ang mga estudyante niya habang nakaharap sa mga co-teacher. "My students can sing better than expected. Siguro naman, makakasali na sila."
Ibinalik niya ang tingin sa mga estudyante niya. "'Pag hindi ko kayo nakita, lulumpuhin ko kayo isa-isa!" banta ni Armida.
"A, hindi puwede 'yon!"
"May date ako!"
"Lamay ng lolo ng kapitbahay namin!"
"Burol ng aso ko!"
"Birthday ng kuting namin!"
"Birthday ng pinsan ko sa ingrown!"
"Birthday ng . . . birthday ng . . . makiki-birthday ako sa mga may birthday!"
"Oo nga!"
"KAYA HINDI PUWEDE!" sabay-sabay nilang sinabi.
"Katwiran n'yo, mga kutong-lupa kayo!"
"HAHAHA!" At nagkahabulan na naman ng hampas sa ibaba ng stage.
"Tara nga rito! Ako, naku-cute-an talaga ako sa mukha n'yo, sarap n'yo kurutin sa pisngi! Daliiii! Nanggigigil ako sa inyo, mga bata kayooo!"
Habang ang mga teacher naman . . .
Lalong sumama ang tingin nila kay Armida dahil hindi nila inaasahan na tatagal ito ng three days sa 4-F. May mga natalo na nga sa pustahan nila. Tapos ngayon, kung makakilos ito, parang welcome na welcome siya ng klase kahit na kanina pa siya inaalaska ng mga ito. Kung ipagpapatuloy niya ang ganyang gawain, tatagal siya sa Class 4-F hanggang graduation.
"Start na uli!" sigaw ni Ma'am Daphne.
At nagsimula na naman sila ng practice . . .
Hininaan na ni Armida ang boses niya para hindi mangibabaw sa iba kaya nawala na ang awkward tone sa kinakanta nila.
And this time, chini-cheer na si Armida ng mga estudyante niya . . .
"Whoooh!"
"Okay lang yan, ma'am!"
"Maganda/Pretty/Sexy/Astig/Cool/Hot ka naman!" kanya-kanya silang description at sabay-sabay nilang sinabi sabay hirit ng tawa.
Tiningnan nang masama ng mga babaeng teacher ang mga nasa front row. Yung ibang lalaking teacher naman, napangiti na lang.
Si Armida, mataray na hinawi ang buhok niya sabay ismid sa mga estudyante niya. Sige, purihin pa ang reyna.
Nakailang ulit sila ng kanta. Si Armida, kung hindi bubulong, magli-lipsync na lang. Marunong din naman siyang makiramdam at ayaw niyang paulit-ulitin ni Ma'am Daphne ang practice dahil magagalit lalo sa kanya ang iba pang teacher. Baka lalo lang siyang mainis.
After two hours, natapos din ang practice . . .
Ang sama ng tingin ni Armida sa mga estudyante niyang inaasar pa rin siya kahit tapos na.
"Ma'am para kayong artista kumanta!"
"De-lipsync!"
"Ma'am, pang-queen of soul yung boses n'yo!"
"Anong soul?"
"Soul reaper!"
"Hahahahahaha!"
"A, ganon . . ." Kinuha niya ang leeg ng estudyante niya at h-in-eadlock niya. "Gusto mong ikaw ang tanggalan ko ng soul, ha?! Ha?"
"Hahahahaha!"
Nagtawanan na lang sila, kahit nga yung sinasakal ni Armida.
"Kayo, mga anak kayo ng diyablo e!" singhal ni Armida sa kanila.
"Ma'am, 5 na!" biglang bungad nina James at Eljand.
"O? Ano ngayon?" masungit niyang tanong.
"Di ba, susunduin kayo ng asawa n'yo?"
"Ay, shit!" Binitiwan na ni Armida ang sinasakal niya at agad na hinanap si Sir Geo para kunin ang gamit niya.
Nakita niya si Sir Geo na palabas na ng theater kaya dali-dali niya itong hinabol. Yung mga estudyante naman niya, sinundan siya.
Naintriga kasi makikita nila ang malas na lalaking nagpakasal sa baliw na adviser nila.
Sa labas ng theater . . .
"Sir Geo!" tawag ni Armida
Lumingon naman si Sir Geo at mukhang naisip na ang kailangan ni Armida. "Pumunta ka sa tapat ng main building, doon ko na lang ibibigay ang gamit mo."
"I need it now!"
"Front of main building," sabi ni Sir Geo at saka nagpatuloy sa paglalakad
"Psh. Dami pang arte, ibibigay lang naman ang gamit ko," inis na binulong ni Armida.
Sa tapat ng main building . . .
"Ma'am, ang tagal naman ng asawa n'yo," inip na sinabi ng ibang estudyante ni Armida.
At talagang yung mga estudyante niya, kasama niya ngayon. Mapababae, mapalalaki, join din. Para naman may mainis na naman sila sa teacher nila. Baka lang sakaling kaya nilang sirain ang buhay nito.
Tiningnan niya ang relo niya. 5:17.
"Ang tagal nga e," inis din niyang sinabi dahil naghihintay rin siya sa asawa niya. Nataon pang nasa bag niya ang phone niya. At itong magaling na Sir Geo, hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin.
"Hey, Mrs. Zach!"
"Miss Hwong!"
Napalingon silang lahat sa magkabilang direksyon.
Yung iba sa right side.
Yung iba sa may harap.
Si Armida naman, hindi alam kung sino ang lilingunin. Palipat-lipat siya ng tingin sa harap at kanan.
"Ma'am, 'yan yung asawa mo?" tanong ng isa niyang estudyante.
"Wow, the height."
"Maputi."
"Ang guwapo naman."
"Sis, ang hot, in fairness."
"Ma'am, kinulam mo ba 'yan?"
Sabay na lumapit sa kanila ang dalawang lalaki.
Yung isa sa kanan, si Sir Geo dala ang gamit ni Armida.
Yung isa sa harap, isang lalaking nakasuot ng semi-formal at mukhang galing sa trabaho.
"Sorry, I'm late," sabi ni Josef.
"Sabi mo—" Hindi na tinuloy ni Armida ang pagsigaw sa asawa niya dahil kay Sir Geo.
"Ma'am, your things." Inabot naman ni Sir Geo ang gamit ni Armida sa kanya.
"Thank you," masungit na pasalamat ni Armida at sabay halbot ng bag niya kay Sir Geo.
"Aba, may tagabitbit ka ng gamit, ha," nangingiting sinabi ni Josef habang nakatingin kay Sir Geo.
"Actually, I hid her things. Tatakas sana siya sa practice namin ngayon, kailangang pigilan," sabat ni Sir Geo.
"Ah . . ." Tumango naman si Josef at tiningnan ang asawa niyang biglang nag-iwas ng tingin. "Tatakas, huh?" Ibinalik niya ang tingin kay Sir Geo. "Tama lang ang ginawa mo. Thank you for stopping her from escaping. I owe you one."
"Uhm, you're welcome. Anyway, I'm Geovanni Heim." Inalok naman ni Sir Geo ang kamay niya kay Josef.
"Richard Zach." Nakipagkamay naman si Josef. "I'm her—"
"Husband. Yeah, I've seen you last Saturday." At bumitiw na si Sir Geo. "Richard . . . Zach?" Napuno ng pagtatanong ang reaksiyon niya.
"She's not using my name," paliwanag ni Josef. "Family decision."
"Oh . . ." Napatango na lang si Sir Geo nang maliwanagan.
Ngumiti lang si Josef at tumango rin.
"Why are you here?" tanong ni Sir Geo.
"Ah, susunduin ko lang siya," sabay turo kay Armida. "Baka kasi tumakas e."
At sabay pa silang natawa ni Sir Geo sa logic ng joke.
"Mukhang magkasundo kayo a," sarcastic na sinabi ni Armida sa dalawa. "Gusto n'yo, pag-untugin ko 'yang mga ulo n'yo?"
"Armida," sita ni Josef.
"Psh." Umirap lang si Armida at saka nagkrus ng mga braso.
Itinulak ni Josef ang noo ng asawa. "'Wag kang mag-inarte diyan. Kasalanan mo naman kung bakit ako nandito."
"Whatever," bulong ni Armida sabay make-face.
"Sige, Miss Hwong. Mauna na 'ko," magalang na sinabi ni Sir Geo "Mr. Zach, nice to meet you again."
"Nice to meet you too, Mr. Heim," sagot ni Josef.
At nauna nang umalis si Sir Geo.
Inilipat naman ni Josef ang tingin sa mga estudyante ni Armida na parang sisiw nito na nasa gilid at nakatingin sa kanya.
"Hello!" masaya niyang bati sa mga ito at kumaway pa nang matipid.
"Hi . . ." Nahihiyang kumaway naman ang mga ito na para bang sinusukat pa siya bago ilabas ang tunay na ugali.
"Wow, dude, ang astig," pigil na sinabi ni James habang hinahagod ng tingin si Josef.
"Dude, siyang-siya talagaaaa!" excited na sinabi ni Eljand habang kagat-kagat ang necktie ng uniform.
Para namang ngayon lang nakakita ng tao sina Eljand at James kung makatitig ng malapitan kay Josef.
Lumayo naman agad ang lalaki sa dalawang wirdong estudyante at tiningnan si Armida.
"Ano 'to?" tanong niya habang tinuturo sina Eljand at James.
"Eljand, James, layuan n'yo 'yang lalaking 'yan. Mas maarte pa 'yan sa 'kin," masungit na utos ni Armida.
"Huh! Ayos a!" napa-smirk na lang si Josef sa sinabi ni Armida.
Ibinalik ng lalaki ang tingin sa buong klase ni Armida na nakatingin lang sa kanya.
"Naging mabait ba sa inyo ang asawa ko?" nakangiti niyang tanong sa mga ito.
"Sir, warfreak 'yang asawa n'yo!" sumbong ng isa sa mga lalaking estudyante ni Armida.
"Nangangaway 'yan ng bata!"
"Di marunong sumunod sa rules!"
"Sinapak niya yung classmate namin!"
"Ang pangit pa ng boses!"
"Boses palaka!"
"Boses paos na yero!"
"Hoy! Bakit pati boses ko, pinakikialaman n'yo, ha?!" sigaw ni Armida sa mga estudyante niya at naghabol na naman siya ng hapuras sa mga ito.
"O! O! Ano 'yan? Ano 'yan?" pag-awat ni Josef sabay hatak sa braso ng asawa niya,
"Itong mga 'to, kanina pa 'ko nanggigigil sa mga 'to e," sabi ni Armida na nanggigigil talaga base sa tono ng pananalita.
"HAHAHAHA!"
Inakbayan na ni Josef ang asawa niya para ikulong sa bisig at hindi na makapaminsala pa.
"Okay, we need to go home," nakangiting sinabi ni Josef sa mga estudyante. "Thank you for keeping my wife's sanity inside this school. I'm happy that she's behave here."
"Sir, hindi naman mukhang behave 'yang asawa n'yo," sabi pa ng isa.
"Hindi nga," nakangiting sinabi ni Josef at halos kaladkarin ang asawa niya paalis. "Bye, kids!" paalam niya.
Nauna na sila paalis. Sina James at Eljand, hindi pa rin maka-get over sa amusement. Kulang na lang ay magningning ang mga mata nila habang nakatingin kay Josef.
"Kayo yung Fuhrer . . ." bulong nila habang hinahagod ng tingin si Josef.
"Dude, laki ng katawan . . ."
"Tangkad . . ."
"Mukha talagang malakas . . ."
"Cool . . ."
Biglang lumayo si Josef at nagtago sa likod ni Armida. "Hoy, tao ako, okay."
"O, ba't ganyan ang reaksiyon mo?" tanong ni Armida sa asawa niya nang lingunin ito.
"Ganyan din ang tingin sa 'kin ng mga taga-Diaeresis after ng Superman-issue ko. Pati ba naman dito, ganyan din? Ano ba ang mga tao rito? Mga hindi pa nakakakita ng tao?" bulong ni Josef.
"Sir, I'm Eljand!" masiglang bati ni Eljand.
"Ako naman si James!" with matching salute pa.
"Uh. Okay? Then?" Hindi naman alam ni Josef kung bakit ganoon na lang siya kung tingnan ng dalawa. Parang yung mga taga-Diaeresis lang na Superman ang tingin sa kanya.
"Sir, I'm a fan of yours. Bow ako!" pasaludong sinabi ni Eljand.
"Galing n'yo talaga, ang astig n'yo, sobra." Ganoon din si James.
Iniikot ni Josef ang tingin niya at hinanap sa lugar ang dapat niyang maging reaksiyon sa narinig.
"Okay. Fan? Okay? I think . . . I think dapat na kaming umuwi." Iyon na lang ang kinatwiran ni Josef dahil nagsasawa na siya sa mga bumibilib sa kanya.
Naglakad na sila ni Armida palabas ng main gate, ang kaso . . .
"Ma'am, puwedeng dumalaw sa inyo?" masayang tanong ni Eljand.
"Yeah," tinatamad na sagot ni Armida.
"Puwede ngayon?" dagdag ni James.
"Yeah." At biglang nag-sink in ang tanong ni James. "What? Ngayon?"
"Ma'am, nag-yes na kayo! Uhm!" Itinuro nila gamit ang magkabilang hintuturo si Armida. "Walang bawian 'yan!"
"Ano namang gagawin n'yo sa 'min?" takang tanong ni Josef.
Ngumisi lang ang mag-bespren sa tanong na iyon.
"So, it's you, I guess."
"Ma'am!"
Pare-pareho silang napalingon sa likod para makita ang dalawang nagsalita.
"Kayo na naman?" inis na sinabi ni Armida. Parang bigla siyang napagod sa mga sandaling iyon. Tiningnan naman siya ni Josef sandali at saka ibinaling ang tingin doon sa dalawa.
"Mga estudyante mo?" tanong ni Josef habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang binatang papalapit sa kanila.
"Ma'am, may gusto lang akong malaman tungkol sa kapatid ko," sabi ni Yoshi.
"Siya ba yung asawa mo?" tanong naman ni King habang hinahagod ng tingin si Josef.
"Wait . . ." Naituro ni Josef si King habang nakatingin sa asawa niya. "May kamukha 'to."
"Kayong dalawa, sumama kayo sa 'kin," pag-aya ni Armida. "Doon tayo sa bahay ko mag-usap." At saka siya tumalikod para tumuloy paglabas ng gate.
"Armida, anong bahay, ha?!" gulat na tanong ni Josef nang sundan ang asawa.
"Yung sinabi mong may kamukha, si Havenstein. Superior candidate 'yan," sabi ni Armida. "Si Yoshikawa, kailangan 'yan n'ong bata. Hawak niyan yung Brain."
"Oh . . ." Nilingon agad ni Josef ang dalawang estudyanteng nakasunod sa kanya. "Sana pala nauna na akong umuwi para nakapagluto ako para sa mga bisita."
Pare-pareho na lang silangsumunod kay Armida kasama sina Eljand, James, Yoshi, at King.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top