Unexpected Links
Kung may isang bagay na ayaw na ayaw ni Josef kay Armida, iyon ang mga pagkakataong hindi niya mabasa ang iniisip nito.
Inuwi nito si Shiner—-na siya dapat ang gagawa. Alam at kilala ni Armida kung sino at ano ang pinanggalingang pamilya ng dalaga. At naroon sila ngayon sa mesa at si Armida lang ang masaya sa nangyayari. Hawak-hawak lang nito ang tinidor sa kanang kamay at iyon lang ang gamit nito magmula pa kanina.
"You're not living with your father," sabi ni Armida, hindi nagtatanong. Parang mas inuulit lang ang katotohanan kay Shiner na naiilang sa pagkain kahit masarap naman ang kinakain. "Isidore Soliman is not a man of his words. An arrogant son of a bitch who always think that money makes the world go round. I mean—-full offense with your father."
Pinandilatan lang ni Laby ang kinakain dahil ang ingay ni Armida sa mga oras na iyon. Kahit si Josef, imbis na maubos agad ang kinakain, lalo pang bumagal.
"Kilala mo ang Daddy ko?" mababa ang tinig na tanong ni Shiner habang masama ang tingin kay Armida.
"He hired my team to be his personal guards!" proud pang sinabi ni Armida. Pero agad ding sumeryoso ang mukha niya. "And I really didn't like him. He killed two of my Upsilon agents for a warning. And no-fucking-one dares to kill my people in front me. Not . . . on . . . my . . . watch."
Kahit sina Josef, napahinto sa pagsubo nang marinig ang nakakatakot na tinig na iyon ni Armida kahit sobrang kalmado nito.
Napatingin sa braso niya si Shiner dahil nagtindigan ang balahibo niya sa huling sinabi ni Armida.
"Now that I have his kid . . ."
"Armida," babala na agad ni Josef dahil parang nakikita na niya ang gustong mangyari ng asawa niya kaya nito pinananatili sa bahay na iyon si Shiner.
Huminto sa pagkain si Armida at tiningnan nang diretso ang asawa niya mata sa mata.
"The kid is not living with his father," sabi ni Armida na wala nang mabasang kahit ano sa tinig. Na kahit si Laby ay hindi na matantiya kung ano ba ang gusto niyang mangyari.
"Armida, I know what you're thinking," sabi ni Josef. "Don't."
"You don't know what I'm thinking, Shadow. If you know, you won't stop me."
Tumayo na siya at mukhang tapos na sa pagkain. Tinuro niya si Shiner na tahimik lang at nakatingin sa plato niya.
"I'll take care of that kid, and I'll look forward on her killing her own father. Dahil kung tanggap niya ang ama niya, hindi ko siya mapupulot sa kung saang impyerno lang." Inilipat niya ang tingin kay Laby. "Give her the Summons. She deserves it more than her father."
Kinuha ni Armida ang kinainan niya at inilagay sa kitchen sink, pagkatapos ay lumabas na naman ng bahay para kunin ang gamit niya sa kotse.
Sa wakas ay natahimik na rin sa mesang iyon.
Nagbuntonghininga na lang si Josef at napailing. "Oh my goodness."
"Halimaw talaga yung asawa mo. Nakakain pa siya nang maayos sa lagay na 'yon, ha," sabi pa ni Laby na tinigilan na ang pagkain. "Nawalan na 'ko ng gana."
Tumayo na rin si Laby at kinuha ang plato niya. Dumiretso siya sa trash bin at itinapon doon ang natitirang kinakain.
"I'm sorry about that," paumanhin ni Josef kay Shiner. "Don't take her seriously. Baka may nangyari lang noon between her and your father."
Hindi na umimik si Shiner at marahan na lang na sumubo.
"Mag-stay ka na lang muna rito, Shiner," paalala ni Josef. "Kapag umalis ka rito, hahanapin ka ng asawa ko. We don't want her hunting people here. And you don't want a highly-classified assassin hunts you down across the street. Baka ibalik ka niya rito sa bahay na nakagapos na."
***
Nakatulog sa pagod si Shiner. Doon na siya nakapahiga sa may sofa sa sala.
"Inayos ko na yung higaan niya sa attic," sabi ni Laby.
"Sigurado ka bang komportable doon?" tanong pa ni Josef.
"Malaki ang attic ng bahay na 'to. May saksakan din doon kaya inilipat ko na yung electric fan sa kuwarto ko. May extra-ng mattress din sa cabinet ko. May sobrang kumot din ako at wala na siyang irereklamo sa unan dahil lima ang inilagay ko doon. May lampshade na rin na nakabukas kaya walang problema sa ilaw. Malaki lang ako nang kaunti, pero may kasya namang damit para sa kanya. Nagpa-request na rin ako ng uniform ng Diaeresis, bukas ng madaling-araw ihahatid dito sa bahay. Ano? May angal ka pa?" sarcastic niyang tanong kay Josef.
"Oo na, umakyat ka na sa kuwarto mo," utos niya kay Laby.
"Dapat yung asawa mo ang pinagtrabaho mo e. Siya ang may dala niyan dito tapos pababayaan niya," inis na reklamo ni Laby at umakyat na sa second floor.
Isa na namang buntonghininga dahil habang tumatagal, lalong lumalala ang sakit niya sa ulo gawa ng asawa niya. Tapos gagatong pa si Laby.
Binuhat na ni Josef si Shiner na sobrang himbing ng pagkakatulog.
Dalawa lang ang kuwarto sa bahay na iyon kahit sobrang laki naman. Masyado lang inokupa ng malaking espasyo sa library ng bahay ang isang panig ng second floor kaya attic na lang ang puwedeng pagtirahan nila kay Shiner.
Nakabukas ang pinto sa may attic kaya hindi siya namroblema sa pagbukas ng pinto. Tuloy-tuloy lang siya paakyat at nakitang maganda ang pagkakaayos ni Laby sa lugar. Mas mukha pa iyong kuwarto ng normal na teenager kompara sa kuwarto ni Laby na mas dapat tawaging computer laboratory sa dami ng mga computer at folder, at tambak pa ng paperworks. Iniisip niya na hindi nga makakatulog nang maayos si Laby kung ganoon ang ayos ng kuwarto nito. Kabata-bata pa, nag-uuwi na ng trabaho.
Inilapag na niya si Shiner sa higaan nito at saka kinumutan. Gumilid ito ng higa at nakita niya ang sugat nito sa leeg. Hinawi niya ang buhok nito at napansing sariwa pa ang sugat dahil may mga namuong dugo sa palibot niyon.
At kahit anong isip niya na sana ay hindi si Armida ang may gawa niyon ay wala siyang magawa. Nilabanan ng asawa niya si Shiner at ang grupo nito. Ano pa ba ang aasahan niya?
Bumaba na siya ng attic at dumiretso na sa kuwarto nila ni Armida.
Naabutan niya itong nanonood ng isang maingay na palabas sa phone doon sa kama nila. Nakaupo lang ito sa gilid at panay ang scroll.
"I'm trying to search about the Christmas event. It looks fun," sabi ni Armida na parang wala lang ang nangyari kanina sa hapunan nila.
"May sugat si Shiner sa leeg. Did you do that?" tanong ni Josef at binalewala ang sinabi ng asawa.
"Gusto ng mga estudyante kong sumayaw," sabi ni Armida na hindi rin inintindi ang lalaki. “May talent yung mga bata.”
Lumapit si Josef at hinawakan sa braso si Armida. "Why did you have to do that? She's just a kid! Bakit ba napaka-inconsiderate mo kahit kailan, ha?!"
Naibaba ni Armida ang phone at tiningala ang asawa niyang galit pa rin.
"And she's fighting with other kids bago pa tayo mapunta sa lugar na 'to," seryosong sinabi ni Armida. "Kung hindi ako ang kalaban niya, you think maayos mo siyang makikita ngayon?”
“May sugat siya sa leeg! And I'm sure you did that to her!”
“Kung hindi ako ang kalaban niya, how can you be sure na uuwi siyang walang sugat at pasa?" Nagtaas ng kaliwang kamay si Armida. Ipinakita ang sugat niyang hindi pa masyadong gumagaling. "It's been two hours, and that kid did this to me."
Tinitigan ni Josef ang knuckles ng asawa niyang halos lumabas na ang buto sa bandang hinlalato.
"She broke three of my fingers, and I can't feel anything from my left hand up until now. So yes, it's my fault that I ended up with a broken hand. She's just a kid, and she made one of the most powerful hands in the world temporarily paralyzed because I was inconsiderate of not killing her."
"Oh God." Biglang nanghina si Josef at napaluhod na lang sa harapan ng asawa niya. Hindi siya makapaniwala sa ipinakita nito. Hindi rin kasi niya napansin kahit noong kumakain sila.
O napansin niya pero hindi niya inintindi dahil abala ang asawa niya sa pagdadaldal.
"Nag-aalala ka sa iba kasi alam mo kung ano ako at ang kaya kong gawin. You're not even considerate of asking how have I been."
"I'm sorry . . ." mahinang nasabi ni Josef.
"You don't have to. Sanay na 'kong tinatanong kung ano ang ginawa ko, hindi kung ano ang ginawa sa akin. It's always what has happened to them, not what had happened to me. Nobody cares about me, and I'm used to it."
Hindi nagsalita si Josef. Tumayo na siya at dumiretso sa banyo. Paglabas ni Josef, may dala na itong medi-kit.
"You know that won't work for me," sabi pa ni Armida.
Hindi umimik si Josef. Marahan lang nitong kinuha ang kamay niya. Nakatitig lang doon ang lalaki at hindi nagsasalita.
"You don't have to do that. Gagaling din 'yan sooner or later," paalala pa ni Armida.
Napansin ni Armida na napapunas ng mata si Josef bago nito lagyan ng gamot ang sugat niya sa kamay.
"Hey," pagtawag ni Armida. "Ayos ka lang?"
Napabuga ng hininga si Josef at napapunas na naman ng mata.
“Are you crying?" tanong pa ni Armida.
Hindi sumagot si Josef. Pinagpatuloy lang ang paggamot sa kamay ng asawa niya.
“Hey, I'm asking you," mariing pagtawag ni Armida.
“Tsk!” Nainis pang ibinaling ni Josef ang mukha sa kabilang direksiyon at nagpunas ng ilong. Binalikan na rin niya ang paggamot sa kamay ng asawa niya.
“Sana sinundo na lang talaga kita . . .” pabulong na sinabi ni Josef habang nakatutok pa rin sa paggamot ng kamay ng asawa niya. Nahihirapan na rin siya sa pagsasalita kaya kaya niyang umimik. “I always failed doing what I promised I would do.” Nagpunas na naman siya ng mata. “And here I am, blaming you for what happened.”
“It's not your fault."
"Of course, it's my fault!" pagsigaw ni Josef at doon na nagtagpo ang tingin nila ni Armida. Hindi sinasadyang tumulo ang isang luha sa mata niya. “God!” Mabilis niya rin iyong pinunasan at binalikan ang paggamot sa kamay ng asawa niya. “I was waiting for you to go home. Early. Alam kong may laban tayo ngayon, and I didn't bring that up sa phone call because I was confident you wouldn't go because Laby and I didn't.”
“Okay, I'm sorry. I went there after the phone call. Hindi ko rin naman alam na may laban.”
Hindi na lang sumagot si Josef. Ayaw na niyang magsalita.
“If you're thinking na gagamitin ko yung bata para gantihan si Isidore Soliman, don't bother . . . She had her own grudge against her father. Just want her to have a nice shelter for now.”
“I know,” sagot ni Josef. “I was waiting for you to go home to tell you that I'm planning to let her stay here.”
Lalong napatitig si Armida sa mukha ng asawa niyang tutok sa pagtapos sa paggamot sa sugat niya.
“I thought I could lie about telling you she's a student of mine. Hindi ko naman inaasahang ikaw ang gagawa ng balak ko.”
Biglang lumapad ang ngiti ni Armida dahil sa narinig. “We both know she's special,” aniya. “We see ourselves in her.”
Nag-angat na ulit ng tingin si Josef at sinalubong ang tingin ng asawa niya. “I know it's hard for you to control the urge of killing people.” Tumango pa siya. “Na-appreciate ko na sinusubukan mong iwasan ang nakasanayan mo na. And I'm sorry about your hands.” Hinawakan niya sa batok si Armida at hinalikan ito sa noo sunod sa labi. “Susunduin na kita sa susunod.”
Napangiti na lang si Armida at napakagat sa ibabang labi dahil sa sinabi ng asawa niya.
“I don't want you to go home again with a broken hand and a damaged wedding ring.”
****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top