Unexpected

Tambay-pogi lang si Josef sa parking lot kung nasaan ang mga kotse nilang bigay ni Laby nitong umaga lang. Nag-message si Armida, magkita na lang daw sila sa parking lot. At mukhang magkahiwalay pa rin sila ng kotse dahil alangan namang hindi nila iuwi ang pareho sa mga sasakyan nila.

Tanghali na at tirik na ang araw. Mabuti na lang at may waiting shed na naroon sa paradahan. Ang kaso, mainit pa rin. Nakatayo lang doon si Josef sa may metal bar na haligi ng waiting shed, nakapamulsa ang parehong mga kamay, at paminsan-minsan ay nagpapagpag ng light blue na long-sleeves na bahagya nang napawisan.

Magte-text na sana siya nang makarinig ng maingay mula sa malayo.

Napatingin siya sa harapan at nakita ang isang grupong naglalakad. Tinanaw-tanaw pa niya kung nandoon ang asawa niya. Ilang saglit pa, nakita niya itong naka-krus ang mga braso, nakasukbit sa kanang balikat ang red shoulder bag, at halos tumulala na lang habang naglalakad.

Papalapit ang mga iyon sa isang puting Ford Expedition na limang kotse lang ang layo sa waiting shed.

Nagtatawanan ang grupo, maliban sa asawa niyang mukhang kasama ng mga ito.

"Armida!" sigaw niya sabay kaway at ngiti.

Iginilid ni Armida ang ulo pakaliwa at nakita na siya.

"Ah, at last!" buryong na buryong na sinabi ni Armida at lumapit na kay Josef sabay bato rito ng dala niyang bag na agad din naman nitong nasalo sa hawakan.

Napahinto ang grupo at pinanood silang dalawa.

Lumapit na rin si Josef para salubungin ang asawa niyang halatang wala sa mood. Napangiti siya sa lalo dahil masaya ang grupo maliban sa asawa niya.

Mas gusto na niya iyon kaysa masaya si Armida, pero tulala ang grupo. Alam na niyang may ginawa na naman itong kademonyohan kung sakali man.

Naglahad agad ng kamay si Josef at hinawakan sa batok si Armida sabay halik sa noo nito.

"You smell good news, milady," natatawang biro ni Josef.

"Fuck you," inis na sinabi ni Armida sabay suntok nang mahina sa dibdib ng lalaki.

Natawa nang mahina si Josef at nginitian ang grupong nakatingin sa kanila. "Hi!"

"Hello . . ." mahinang bati ng mga ito sa kanya habang hinahagod siya ng tingin.

"Are you Miss Hwong's husband?" confident na tanong ni Sir Geo nang may emphasis pa sa miss word.

Nakangiting tumango si Josef. "Yes, I am. You guys her co-teachers?"

"Yes," sagot na naman ni Sir Geo nang may ngiti.

Napuna ni Josef na nagbubulungan yung mga babae sa gilid ng lalaking panay ang sagot sa kanya. Mga hindi kinikilig gaya ng mga teacher sa Diaeresis. Mga naghuhumiyaw ang mukha ng "Puwede na rin. Mukha namang tao."

Doon biglang nawala ang ngiti niya at napatgingin sa asawa niyang nakabusangot.

"Parang alam ko na kung bakit ganyan 'yang mukha mo," sabi pa ni Josef.

"Kung alam mo na, 'wag ka nang magtanong," sabay talikod ni Armida at punta sa sarili nitong kotse na katabi pa ng Expedition kung saan nahinto ang grupo.

Nagpilit na lang ng ngiti si Josef sa grupo at pumunta na rin sa kotse niyang katabi ng kay Armida.

Pinanood lang nilang paandarin ng babae ang sasakyan hanggang sa maipuwesto ito paalis ng parking lot.

"Hindi ka ba sasabay sa kanya?" tanong pa ni Sir Geo na papunta na rin sa driver's seat.

"Sasabay," may ngiti niyang sinabi sabay tingin sa mga babaeng teacher na nakatingin din sa kanya at nag-aabang ng susunod na mangyayari. "Nice to meet you all."

Hindi na niya hinintay na sagutin pa ng mga ito at sumakay na lang din sa sarili niyang sasakyan.

***


Sampung minuto lang kadalasan ang itinatagal ng pagkain ni Armida, at kung matagalan man, si Jin kadalasan ang nasa katawan. Ang kaso, wala si Jin. Kaya nga takang-taka si Josef, kung bakit gusot na gusot ang mukha ng asawa niya habang nakasubsob ang ulo sa mesa. Kaharap lang niya ito sa six-seater table na iyon. Ilang minuto nang nakapatong ang pisngi nito sa kanang braso habang pinaglalaruan na lang ang luto niyang rib-eye steak at chicken and tomato salad.

"Armida, hindi ako nagluto ng fine-dine dish para lang paglaruan mo," seryosong sinabi ni Josef na kanina pa tapos sa pagkain niya pero hindi pa nililigpit ang pinagkainan. Magkakalahating oras na niyang pinanonood ang asawa niya habang nakakrus ang mga braso. "Masama ba ang pakiramdam mo?"

Walang isinagot si Armida. Tinusok lang niya ng tinidor ang isang maliit na piraso ng lettuce sa salad saka tamad na sumubo.

"Bakit ganito? Lasang dahon," tinatamad niyang reklamo.

Nagbuntonghininga si Josef at napailing na lang. "Armida, ano ba? Masama ba ang pakiramdam mo? Nahihilo? Ayaw mo ba ng luto ko?"

Bahagyang umiling si Armida. Hindi naman alam ni Josef kung para saan yung iling sa lahat ng tanong niya. Isang buntonghininga na naman at lumipat ng posisyon si Josef sa tabi ng asawa niya.

"Ano'ng problema?" mahinahong tanong niya kay Armida habang hinahawi niya ang buhok nitong humaharang sa mukha. "Hindi ako sanay na ganito ka."

Wala pa ring sagot kay Armida. Mukha lang itong malungkot habang nakatulala sa plato. Patuloy lang ito sa pagtulak ng kinakain gamit ang tinidor.

"You want ice cream?" tanong pa ni Josef.

Umiling lang si Armida nang kaunti.

"Burger? Cake?"

Umiling na naman si Armida.

Kumunot na lalo ang noo ni Josef. Alam niyang hindi ganoon mag-inarte si Armida, kaya nagtawag na siya ng ibang pangalan.

"Jocas?" tawag niya sa asawa niya.

Biglang tumalim ang nakatulalang tingin ni Armida at biglang iginilid sa kanya. "Mukha ba 'kong si Jocas?"

Napahugot tuloy ng hininga si Josef at ibinuga agad. Hindi si Jocas . . .

"Then what's with this drama?" tanong na lang niya.

Ibinalik ni Armida ang atensiyon sa plato at sa paglalaro ng pagkain niya bago sumagot. "Narinig ko sila. Pinagpustahan nila 'ko."

Kumunot na naman ang noo ni Josef. "Nino? ng mga co-teacher mo?"

"Gaano katagal daw ako sa school na 'yon," malungkot na sinabi ni Armida.

"And it affects you that bad?" gulat na tanong ni Josef harap-harapan sa mukha ng asawa niya. Hindi naman niya ine-expect na ganoon kalakas ang impact niyon kay Armida para mabalisa ito nang sobra.

Dumiretso na nang upo si Armida at parang batang nagtatampo nang humarap sa lalaki. "5 thousand."

"5 . . . thousand . . .what?" Lalong nagtaka si Josef habang hinahanap sa mukha ng asawa niya ang sagot.

"5 thousand, three days lang ang itatagal ko sa school . . ." malungkot pang sinabi ni Armida.

Nakiramay naman sa kalungkutan ng asawa niya si Josef at lumungkot din ang mukha. Hinagod-hagod pa niya ang buhok ng asawa para patahanin ito. "That's okay. We'll get you through that. Don't be sad." Tumango-tango pa niya at matipid itong nginitian.

"Josef, sana ginawa nilang 1 million . . ."

Napahinto sa paghagod ng buhok ni Armida si Josef at biglang bago ng timpla ng mukha niya.

"Josef, bakit ang cheap nila para presyuhan ako ng 5 thousand? Whyyyy?"

Napasandal sa upuan si Josef sabay halukipkip. Tiningnan niya ang asawa niya na parang may sinabi nitong nakakadiring pakinggan. "At 'yon talaga yung dinadrama mo? Yung 5 thousand?"

Lalo pang umayos nang diretsong upo si Armida sabay lapat ng palad sa dibdib. "I'm Erajin Hill-Miller. Nobody dares to price lesser than a million to me. Hello?"

"Ewan ko sa 'yo," inis na sinabi ni Josef at tumayo na.

"Mukha ba 'kong five thousand? COME. ON!" pagpapatuloy pa ni Armida sa reklamo niya.

"Armida, alam mo, mababaliw ako sa takbo ng utak mo," sabi pa ni Josef at bumalik na sa puwesto niya para lang kunin ang pinagkainan niya.

"Aren't you mad?" tanong pa ni Armida. "Pinagpustahan ako ng mga hampaslupang 'yon!"

"Stop it, please!" pagmamakaawa pa ni Josef. "Akala ko pa naman, emergency 'yang gloomy moments mo."

"It is!"

"It is not! And let them spent their five thousand for you! Sa 'yo na nanggaling, mga hampaslupa sila. You think, may pera sila para makipagpustahan nang malaki sa 'yo?"

Lumukot ang mukha ni Armida. Parang batang dismayado kasi hindi nakuha ang gusto niya. May point naman kasi si Josef.

Iniligpit na lang ni Josef ang hugasan niya sa lababo at binalikan agad ang asawa niyang nag-iinarte.

"Armida, this is not you," sabi niya agad habang nakatitig dito. Si Jocas kasi talaga ang nakikita niya sa kilos nito.

Hindi bumubusangot nang ganoon si Armida na parang batang kinuhanan ng candy.

Nag-urong ng upuan si Josef at tumabi saka humarap sa asawa niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Armida at pinagmasdan itong maigi na parang ine-examine ang buong mukha nito.

"What's happening to you? Ano'ng nararamdaman mo ngayon?" tanong pa ni Josef.

Nag-pout lang si Armida at saka umiling.

Maku-cute-an sana si Josef sa ikinikilos ng asawa niya, ang kaso nga lang, kilala niya ang ugali ni Armida. Mas tanggap pa niya kung binabalibag nito ang mga plato sa paligid kaysa ganoong para itong batang nagtatampo.

Nagbuntonghininga si Josef at tumayo na. Iniligpit na rin niya ang pagkain ng asawa niyang hindi na rin naman mukhang pagkain pa kakalamutak nito.

"You want to go to the hospital? I'll call your father," alok ni Josef.

"Ayaw."

"Armida."

Lalong bumusangot ang mukha ni Armida at ibinagsak ang mukha sa mesa.

"No, you-" Napanganga na lang si Josef dahil iyon na yata ang unang beses na nakitang nagkaganoon ang asawa niya. "What the fucking hell are you doing?!" Dali-dali ang pagbalik niya sa mesa at puwersahan pa niyang inangat ang katawan ni Armida pasandal sa upuan.

Hindi naman nagbago ang mukha ng asawa niya at nakabusangot pa rin na parang batang inis na inis sa mundo.

"Armida, stop acting like a brat. This is not funny!" kinakabahan na niyang sermon dito. "I'm gonna call No. 99 kapag hindi ka tumigil sa tantrum mo."

"Hmmp!" Umirap lang si Armida at nagkrus ng mga braso.

Napapikit gawa ng inis si Josef sabay dahan-dahang nagbuga ng hininga.

"You left me with no choice." Kinuha agad ni Josef ang phone niyang nakapatong sa mesa at tinawagan ang pangatlong caller ID na available sa phone niya. Dalawang ring lang at sinagot na agad ang tawag.

"Just make sure it's an emergency situation," sabi agad ng nasa kabilang linya.

Marahas ang buga ng hininga ni Josef. "My wife is having a tantrum."

"And you think that's emergency?" sarcastic na tanong pa ni No. 99.

"My wife is having a tantrum!" pag-uulit pa ni Josef. "RYJO wasn't supposed to have that! Ano'ng ginawa mo sa sa asawa ko?!"

"And her tantrum was MY fault?"

"Hindi siya dapat nagkakaganito! And you said you fixed her!"

"And I did."

"Then what the hell is happening to her right now?"

"Did you bring her to the hospital?"

"No. Why would I?"

"Aside from tantrums, what else is happening right now?"

"That's it. At wala siyang gana."

"Because?"

"Because . . ." Saglit na natigilan si Josef-iniisip kung sasabihin ba ang tungkol sa pustahan-bago ituloy ang sinasabi. "Because she's mad at her co-teachers."

"And she didn't kill them."

"Yes! And that's the good part of the day."

"She prevents herself from doing what she used to do. You think, how is that self-prevention affects her?"

Hindi agad nakasagot si Josef. Pinag-isipang maigi ang sinabi ni No. 99.

"You choose: You let her kill them, or you let her throw her tantrums."

Pinatay na ni No. 99 ang tawag. Napapikit na lang si Josef at malalim na huminga.

May point din naman si No. 99. Baka malaki ang epekto kay Armida na hindi nito pinatay ang co-teachers nito. Pero hindi talaga siya mapakali. May mali talaga sa asawa niya. Tiningnan niya ulit ito. Nakabusangot pa rin ang mukha.

"Armida . . ."

"Hmm?" masungit nitong tugon.

"Buntis ka ba?"

Inirapan lang siya ng asawa niya, hindi rin naman sumagot nang matino. Napaikot lang siya ng mata kasi ano pa nga bang aasahan niya sa ganoong mood ng asawa niya.

"Tara nga, magpahinga ka na lang," aya niya.

Hindi rin naman kumilos ang asawa niya kaya wala siyang ibang nagawa kundi buhatin na lang ito.

Hindi naman ito nagreklamo. Ito pa nga nagpalibot ng mga braso nito sa may batok niya-para bang naghihintay talagang buhatin niya.

"Yung kaartehan mo ngayon, hindi normal, ha," reklamo pa niya habang buhat-buhat ito paakyat ng hagdan. "Magpahinga ka. Baka napuwersa ka lang."

Nakarating na sila sa kuwarto at inilapag niya sa kama si Armida. Pinaupo lang niya ito sa gilid ng higaan. Ang sama pa rin ng tingin niya rito kahit na mukhang okay na ito dahil binuhat niya. Hindi na ito nakasimangot at nakangiti na nga-yung klase ng ngiti na parang may napanalunang laro.

"Pinagti-trip-an mo ba 'ko?" tanong pa ni Josef nang tumayo habang nakapamaywang.

Hindi na naman sumagot si Armida. Nginisihan lang siya lalo.

"Armida, hindi ka nakakatuwa."

Wala pa ring sagot.

"Ayaw mong dalhin ka sa ospital, tapos ayaw mo rin akong sagutin nang matino." Imbis na sumagot, naglahad lang ng braso si Armida na parang nanghihingi ng yakap sa kanya.

Hindi siya agad tumugon, tiningnan pa muna niya ang kilos nito, sunod ang mukha nitong nakangiti pa rin.

"Armida, what's happening? Nag-aalala na 'ko," sermon niya pero mas mahinahon na.

Hindi pa rin sumasagot si Armida. Hindi rin naman nagbaba ng braso. Nakangiti pa rin. Para bang hinihintay talaga si Josef na yakapin siya.

Ang lalim ng buntonghininga ni Josef at wala na rin namang nagawa. Umupo na lang din siya sa tabi ni Armida at niyakap nga ito dahil mukhang nanghihingi talaga ng yakap.

"What's happening, hmm?" mas mahinahon nang tanong ni Josef habang hinahagod ang buhok ng asawa niya.

Hindi pa rin talaga sumasagot si Armida. Nararamdaman ni Josef na ang lalim na ng paghinga nito.

"Armida? Masama ba ang pakiramdam mo?"

Unti-unti, nararamdaman niyang bumibigat ang asawa niya. Napahinto siya sa paghagod ng buhok nito.

"Armida?"

Wala ring sagot. Hinawakan na niya ito sa balikat at bahagyang inilayo sa kanya.

"Oh, come on." Nagulat na lang siya pagtingin niya rito, nakapikit na ito at mukhang nakatulog na. "Seriously?"

Nagbuntonghininga na naman siya dahil mababaliw na siya sa nangyayari sa asawa niya. Hindi naman ito mukhang pagod para makatulog nang ganoon kabilis.

Dahan-dahan na lang niya itong inihiga sa kama at inayos roon saka kinumutan.

Alam niyang may mali sa asawa niya sa mga sandaling iyon. At ang ikinaiinis niya, hindi niya alam kung paano malalaman ang eksaktong mali rito.

***

Samantala . . .

"Mga siraulo, buwisit."

Inis na inis niyang pinunasan ang mukha niyang nadumihan dahil sa usok ng motor.

Sarado ngayon ang XZQ battleground at kailangan pa niyang maghintay. Tiningnan niya ang relo, 3:54 p.m. Alas-sais pa raw ang opening kaya kailangan pa niyang maghintay. Kung gusto raw niya ng laban, pumunta siya sa Xaylem, bukas ang arenang iyon 24/7.

Naglalakad siya papunta sa Xaylem na limang kanto lang ang layo sa XZQ at nabubuwisit siya dahil ang daming mga siraulong pinagti-trip-an siya dahil bago siya sa area. May kadiliman sa lugar gawa ng mga matataas na building na under construction pa rin. Katabi naman niyon ang mga abandonado na.

"Pasalamat lang kayo, hindi ko kayo pinapatulan," bulong niya habang tinitingnan ang hawak na phone.

"Hoy! Bumalik kayo!"

"Mga gago! Magsibalik kayo rito!"

Napahinto siya sa paglalakad at napatingin sa kanang gilid niya.

"Oh, shit, shit, shit!" Naglakad siya nang paunti-unti hanggang sa bumilis at naging takbo na.

Maaabutan pa yata siya ng mga nagrarambulang kabataan doon. Marami pa naman.

"Hoy! Hintayin n'yo 'ko!"

"Tigil!"

"Abangan n'yo sa kabila!"

Nadaanan siya ng ilang mga hinahabol kaya hindi sinadyang mapagkamalang isa siya sa kanila.

"Oh, fuck!" sigaw niya habang naghahanap ng tatakbuhan. Ang daming pasikot-sikot sa area, puro pa naman building at ang daming block.

"Do'n kayo sa kaliwa!"

"Abangan n'yo sa hi-way!"

"Nasaan si Meison?!"

Napansin niya ang dead end na gate sa dulo ng tinatakbuhan. Screened ang gate na iyon kaya puwede na niyang talunin.

Gusto man niyang lumingon, hindi puwede kasi babagal ang takbo niya. Naririnig niya ang sigawan sa likuran niya. Hindi niya alam kung sino ang humahabaol sa kanya, basta ang alam niya, hinahabol siya. At kung sino man ang mga iyon, hindi na niya balak pang malaman.

"Aargh!" Tinalon niya ang gate at parang pusang sumabit sa screen. Inakyat niya iyon pataas at agad na tumalon pakabila "Buwisit talaga! Sa dinami-rami naman ng mamalasin-Hoy!"

Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi na niya napansin ang naganap. Nakita na lang niya ang sariling nakahiga sa eskinitang dinadaanan habang tinututukan ng kutsilyo sa leeg ng isang binatang nakapaibabaw sa kanya.

Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Pawis na pawis siya at naghahabol ng hininga katatakbo. Napapikit na lang siya sa pagod. Hindi na niya inisip ang kutsilyo sa leeg niya. Alam naman niyang hindi itutuloy ng kung sino man ang nasa ibabaw niya ang pagsaksak sa kanya base sa panginginig nito.

"Whoever you are . . . get off me. You're blocking . . . the airways," hinihingal na sinabi ni Laby habang nagha-hand signal na lumayas na ang taong nasa ibabaw niya.

Mabilis naman itong umalis at hinatak ang kamay niya para maitayo siya.

"Ah, damn it." Pinunasan ni Laby ang noo niyang puno ng pawis gamit ang braso. "Ilang kilometro ba ang tinakbo ko?"

"Laby . . ."

Napahinto si Laby sa papupunas ng pawis at napatingin sa tumawag sa pangalan niya.

Nanlaki agad ang mga mata niya at kulang na lang ay malaglag ang panga niya sa lupa dahil sa binatang kaharap.

"No shit!"

----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top