[True] Love

Sa wakas, makalipas ang tatlong araw at dalawang araw na rooftop lunch, nakapag-lunch din sa maayos na lugar si Josef.

Dinala nila ang mga lunch nila sa room kung saan sila nagpa-practice ng dance number. Pinagtabi-tabi nila ang tatloong square table para maging long table.

Nagkakasulyapan na sa kanya-kanyang pagkain.

May mga nag-take out sa fast food restaurant. May mga sandwich lang ang baon. May mga homemade lunch gaya ng kanya. Nagpapasalamat siya dahil nakatira sa kanila si Shiner at napabaunan niya ng lunch. Hindi siya makokonsensya na hindi siya kumain sa rooftop ngayon. Malamang kasi na sour candy na naman ang kakainin nito kapag hindi niya pinabaunan.

"Wow, Sir Zach. Ang suwerte mo naman."

"Pinag-p-prepare ka pala ng asawa mo ng lunch."

"Mukhang masarap lahat. Porkchop ba 'yan?"

"Ah, hehehe . . ." Napahawak sa batok si Josef at nahiya nang kaunti.

Tatlong putahe kasi ang baon niya, hiwalay ang kanin at tinapay, may sandwich pa na baka lang ibigay pa niya kay Shiner kapag nagutom pa ito, kaso wala siya sa rooftop. May mushroom soup pa na naipa-microwave niya sa cafeteria at lemon juice bilang inumin kasama ang isang jug ng tubig.

"Hindi marunong magluto ng ganyan ang asawa ko," nahihiya niyang sinabi at napatingin siya sa gilid dahil alam na niyang mag-re-react agad ang mga co-teachers niya.

"Hindi marunong magluto ang asawa mo?"

"Sino ang nagluto niyan?"

"Don't tell me, ikaw."

"Hehehe. Uhm, yes." Napatango na lang si Josef at iniwas ang tingin sa mga co-teachers niya. Bigla niyang hiniling na sana, sa rooftop na lang siya kumain.

"Wow. Marunong kang magluto."

"Ibang klase."

"Ang suwerte naman ng napangasawa mo."

Tumango na lang si Josef at nagsimula nang kumain.

"Grabe, ikaw talaga nagluto niyan?"

"Wow."

"Nakakainggit naman yung asawa mo, sir."

"Perfect husband ka talaga."

Nagpatuloy na lang si Josef sa pagkain habang tuloy-tuloy sa pagpuri ang mga babaeng co-teacher niya habang kumakain sila.

"You're tall."

"Handsome."

"Smart din."

"Ang guwapo mo pa."

"Mala-Superman ka pa."

"Magaling ka pang magluto."

"May kotse ka rin."

"Maganda ba yung asawa mo?" tanong ni Ma'am Heidi.

Napataas na lang ng tingin si Josef para tingnan si Ma'am Heidi. "Maganda?" Ibinaling ni Josef ang tingin sa isang bintana ng room at inisip kung maganda nga ba ang asawa niya. "Yeah, I think she's beautiful naman."

"You think?" sabay-sabay nilang tanong.

"Di ba dapat, ang tama mong sinabi . . ." Pinagdaop ni Ma'am Stella ang mga palad niya at tumingin sa taas. "Siya ang pinakamagandang babaeng nakilala ko."

Mabilis na umiling si Josef. "Hindi siya ang pinakamaganda dahil marami akong nakilalang mas maganda pa sa kanya," poker-faced na sinabi ni Josef sabay subo ng pagkain.

Parang nawala ang pagiging dream man ni Josef sa pananaw nila nang sabihin niya iyon.

Asawa niya kasi iyon. Pangit man o maganda, dapat sabihin niyang maganda ito. Iyon ang trabaho niya bilang mister. Ang ipagmalaki sa lahat ang misis niya, kahit ano pa ang itsura nito.

"Naintriga tuloy ako sa asawa mo," sabi ng isang lalaking co-teacher niya.

"Oo nga," dagdag pa ng isa. "Saka nag-asawa ka ng hindi maganda at hindi marunong magluto? Ano na lang ang pakinabang n'on? Ang alam ko, mga mayayaman lang ang hindi marurunong magluto."

"Hindi, marunong naman siyang magluto kahit paano," katwiran ni Josef.

"Ng alin? Mga prito?"

"Noodles? Ganoon? 'Yon lang naman ang madadaling lutuin e."

Napatingin na lang sa ibaba si Josef kasi ganoon na nga ang sagot sa tanong nila. Huling luto nito noong bakasyon nila, prinituhan lang siya.

"Mayaman naman kahit paano ang napangasawa ko," sagot na lang niya sabay tingin sa kanang gilid.

"Talaga? Gaano naman kaya kayaman?" pasimpleng tanong ng isa.

"Uhm. Tama lang para masabing kaya niyang mabuhay mag-isa," sagot ni Josef.

"Mabait siguro yung asawa mo."

"Mabait? Hahaha!" Hopeless na natawa si Josef. "Sana nga mabait." Napatingin siya sa itaas saka nagsalita ulit. "Ang sakit kasi niya sa ulo. Hindi siya nakikinig sa akin. Naiinis ako, puro problema ang dinadala ever since I married her. Parang walang araw na normal kapag kasama ko siya. Hindi natatapos yung araw na hindi kami nag-aaway. Na hindi ako napipikon. Na hindi kami nagsisigawan. Like . . . I didn't signed up for that." Napakibit siya ng balikat. "Though, I literally signed something for that. Pero hindi naman 'yon kasama sa expectations ko. I just want a normal life. We all are, di ba?"

Napahinto siya sa pagsasalita nang makita ang mukha ng co-teachers niya na iba na ang tingin sa kanya. Parang sinasabi ng mga tingin nila: 'May pinagdadaanan ka ba?'

Sumubo na lang siya ng kinakain niya at inilayo ulit ang tingin sa mga kasama. Napabuntonghininga na lang siya at itinuon ang atensiyon sa pagkain.

Wala siyang magagawa. Iyon ang asawa niya, iyon ang tingin niya kay Armida.

"Ayaw mo ba sa asawa mo?" tanong ni Ma'am Carmel.

"Hindi naman sa ayaw," sagot na lang niya.

"May conflict ba kayong dalawa ngayon?" tanong ni Ma'am Stella.

Napailing si Josef at nagbuntonghininga na naman.

"Actually, I hate the idea na para siyang batang kailangang sawayin, and I know to myself that I wished na sana kapag nabigyan ulit ako ng chance na mag-asawa, sana wala siya sa option ng mapapangasawa ko."

Nadismaya na naman sa kanya ang mga co-teacher niya. Para kasi niyang sinasabi na ayaw niya talaga sa asawa niya.

"But I guess, sa umpisa lang 'yon lahat e," dugtong niya. "Sooner or later, you'll realize na all those flaws . . . all those headaches she was bringing about, that made her who she really is. Na hindi siya 'yon kapag hindi niya 'yon ginawa. Tapos magigising ka na lang one day, mahal mo na yung mga flaw na 'yon. Na kapag wala 'yon, mag-wo-worry ka na. Okay lang ba siya? Hindi yata siya maingay? Ang behave yata niya ngayon? It's weird if she's not acting weird. Na kapag masaya siya, masaya ka na rin. Whatever means, kahit sobrang babaw. I mean . . . ang hirap mag-asawa ng sobrang yaman! She's a woman who can have anything in the world, so what more can I offer, right?" Napangiti siya nang matipid. "I always want to cook for her." Tumango siya sa co-teachers niyang nakikinig. "Because I know to myself, she can't buy the food I cooked. That's one of those priceless things I can only give to my wife. Kaya okay lang kahit hindi siya marunong magluto. Para alam kong may maibibigay pa rin ako sa kanya na hindi niya makukuha sa kahit saan sa mundo kundi sa akin lang. And I want her to feel that everytime I do this for her, it feels like home."

Napahinto siya sa pagsasalita at napangiti na lang. Hindi siya makapaniwalang sinasabi niya ang mga salitang iyon sa harap ng ibang tao.

Hindi niya napansin, biglang nagningning ang mga mata ng co-teachers niya sa kanya.

"Mahal na mahal mo siguro yung asawa mo," sabi ng lalaking co-teacher niya.

Tumango naman siya. "You can live for so many years, but you only die once. So better find that one worth dying for." Nginitian niya sila at nagpatuloy na sa pagkain.

At ngayon, ang pagiging dream man ni Josef sa mata ng mga babaeng teacher ay nagbalik at lalo pang naging intense.

"Sana lahat, asawa mo," parinig ng isang babaeng co-teacher niya at naghagikhikan na naman sila dahil sa kilig.

Bzzt! Bzzt!

Naramdaman niyang nag-ri-ring ang phone niya sa bulsa kaya kinuha niya iyon at sinagot ang tumatawag.

"Hello?" tanong niya.

"Hi, Josef!" Napangiti si Josef dahil tumawag si Armida sa kanya. Iba talaga kapag napag-uusapan.

Napansin ang pagngiti niya ng ibang teachers kaya nagkaroon na sila ng idea kung sino ang tumawag kay Josef.

"Ayan na si wife," sabi pa ng isang teacher.

"O, why?" nakangiting tanong ni Josef.

"Ano kasi . . . ma-la-late ako ng uwi. Uhm, ano . . . puwedeng—"

Biglang nawala ang ngiti ni Josef at naging simangot.

"Hindi puwede," masungit niyang sinabi kaya napatingin agad sa kanya ang co-teachers niya sa pagbabago ng mood niya.

"BAKIT HINDI PUWEDE?!"

Nailayo tuloy ni Josef ang phone sa tainga niya dahil sa sigaw sa kabilang linya.

Ang ganda ng litanya niya kanina tungkol kay Armida tapos eto na naman silang dalawa ngayon. Magaling talagang manira ng moment ang asawa niya.

"I told you, susunduin kita mamaya, di ba? Ano na namang gagawin mo!" pagtataas niya ng boses dahilan para mapaatras ang mga co-teacher niya dahil sa gulat. "Armida, nag-usap na tayo, di ba?"

"Kasalanan ko bang may practice kami? Saka dito lang ako sa school, di ako lalayo!"

"Yeah right. Tapos ano? Pupunta ka naman doon sa—"

"May practice kami ngayon sa Christmas event sa 20!" putol sa kanya ni Armida. "'Wag ka ngang paranoid!"

"Armida, hindi ako ma-pa-paranoid kung nagsabi ka ng totoo kagabi. Hindi puwede."

"Dito nga lang ako sa school! Bakit ba ayaw mong maniwala?!"

Napahawak na lang sa noo si Josef at napabuga ng hininga.

"Anong oras ka uuwi?" pagsuko niya sa mahinahong tinig.

"Ewan ko. Hintayin mo na lang kasi ako sa bahay!"

"Susunduin kita diyan sa school mo. Alam ko na 'yang mga ganyan mo. Mamaya, kung saang impyerno ka na naman pumupunta."

"E di go! Pakialam ko! Maghintay ka diyan sa labas ng gate!"

"5 p.m., nandyan na 'ko."

"Bahala ka sa buhay mo! I hate you!"

"I love you, too."

At saka na niya pinatay ang phone.

Tiningnan niya ang mga co-teacher niyang halatang nagulat sa kanya.

"Lakwatsera kasi, don't mind us." Ngumiti siya sandali at saka nagpatuloy sa pagkain.

Pupunta siya ng Byeloruss,wala naman sigurong mangyayari kung papasok siya roon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top