Tricker to Brain
Hindi naman sa pinahahalata ni Laby na wala siyang pakialam sa pag-aaral niya sa Byeloruss . . . pero ganoong-ganoon nga ang ginagawa niya. As usual, gumagala na naman siya sa buong Byeloruss. Busy ang 4-A ngayon dahil sa preparation for Christmas event sa 20 kaya okay lang kahit gumala-gala siya. Busy ang buong student body for decoration ng buong school kaya kahit hindi siya pumasok ay wala pa ring makakapansin.
"Sweetheart!"
Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Laby sa malawak field ng Byeloruss, at kung makapamasyal, akala mo, walang problema.
"Sweetheart, yoohoo!"
Nakita niya sa di-kalayuan ang isang grupo ng mga babae na may limang miyembro na pawang mga bratinella at lakad pa lang, halatang spoiled na maarte na. Amoy na amoy ang mga mamahaling pabango ng mga ito dala ng hangin kahit malayo pa lang. And the air smelled bad news for her. Alam niya kasi ang pakay ng mga ito kahit hindi pa niya nakaka-encounter.
"Hey, Milicent!"
Napalingon agad si Laby sa likod nang marinig ang pangalan niya.
"Aish." Naningkit agad ang mga mata niya nang makita si Ran na kinakawayan siya. Itinuon na lang niya ang atensiyon sa dinadaanan at nagpatuloy sa paglalakad.
"Hey, bitch."
Napahinto siya sa paglalakad nang huminto sa harapan niya ang grupo ng mga bratinella.
Parang sinasampal ang pang-amoy niya ng alingasaw ng halo-halong mamahaling pabango. Mabango ang isa, mabango din ang isa, kaya kapag pinagsama-sama, ang baho na.
"You're the feelingerang frog na nag-f-flirt kay Prince Yoshi, right?" mataray na sinabi ng isang maarteng member ng grupong iyon.
"You're not maganda naman pala!"
"Yeah, right."
Tumaas ang kilay ni Laby habang bored na bored na tiningnan ang lahat ng member ng grupong iyon. Pagkatapos ay napako ang atensiyon niya sa babaeng halos kasing-height niya dahil may suot na heels. Pero kung walang heels, malamang na nasa 5"2' lang.
Mukha itong inosente at hindi-makabasag pinggan. Tahimik din ito kaya naman the other girls na lang will do the talking for her (duh). Ang ganda ng mala-princess braid nitong up-do na may elegant beads pa. Ang neat nitong tingnan sa uniform. Model student kung model student. Parang hindi ito puwedeng mawalan ng smile sa mukha kahit kaunti lang.
At kung ikokompara ang itsura niya kay Laby . . .
Mas bagay sa bad girl, rebel-type, careless, easy-go-lucky girl category si Laby at hindi pang-princess-type.
"Alexandrei Rachelle Harrison," sabi ni Laby habang diretsong nakatingin sa princess-like girl na iyon. "Lexi, the Campus Fairy. Ikaw yung katabi ni Yoshi sa likod. Ang self-proclaimed girlfriend niya, di ba?" Iniikot niya ang hintuturo sa hangin. "Alam ng buong school na kayo ni Yoshikawa, pero mismong si Yoshikawa, walang idea na kayo pala," nangingiti niyang sinabi kasabay ng mapang-insultong ngisi. "Iba ka rin, 'no?"
Iyon lang naman ang naiisip niyang dahilan para komprontahin siya ng mga babaeng iyon. Si Yoshi.
Naningkit agad ang mga mata ni Lexi sa sinabi ni Laby.
"Huh! How dare you talk to Princess Lexi like that!"
Sasabunutan na sana siya ng isa sa mga alipores ni Lexi nang biglang sinalo ni Ran ang kamay ng babaeng iyon.
"Hoy, octopus, subukan mong saktan 'tong girlfriend ko, babangasan ko 'yang pangit mong mukha," banta ni Ran sa tinawag niyang octopus sabay bitiw sa kamay nito.
Tinitigan naman ni octopus girl ang kamay niyang hinawakan ni Ran.
"Girl, na-touch ka ni Prince Ran." Amazed na amazed naman ang ibang member ng grupo na pare-parehong namula sa kilig.
"O . . . M . . . G . . ."
"Oh my gee, girl! Kakainggit!" Nagpaypay naman ng mukha ang ilan dahil sa kaartehan nila.
"Hey, Lex." Inakbayan naman ni Ran si Laby. "If you're here because of the news, it's better if you forget about it." Lalo pang inilapit ni Ran si Laby sa kanya. "Girlfriend ko si Milicent. There's no chance na kunin siya sa 'kin ni Shiza."
"Girlfriend mo?" sabi ni Lexi kay Ran. At ang boses niya, parang mukha rin niya, ang cute. "Until when? Mamayang 5? Oh come on, Ran. Like I don't know you."
Napatingin na lang si Ran sa may kanang gilid at napakamot ng batok. Katwiran pa kasi ng katwiran samantalang may record siya ng pagiging playboy sa buong school.
Si Laby naman, sasamantalahin ang drama nila ni Ran dahil ayaw niyang magkaroon ng problema kay Lexi. Kapag kinalaban niya si Lexi, lalo lang dadami ang poproblemahin niya. Sakit na nga sa ulo yung tatlong taga-Byeloruss na may hawak ng software niya.
"Anyway, tell this to your pet for today: Leave my Yoshi alone." Tiningnan niya si Laby na poker-faced lang na nakatingin sa kanya. "Understand?"
"Tss." Umismid na lang si Laby at tumingin sa ibang direksyon.
Tuloy-tuloy na lumakad si Lexi at nilagpasan na lang sina Laby. Bumuntot na naman sa kanya ang iba niyang maaarteng kasama.
"Tss." Tinabig agad ni Laby ang kamay ni Ran sa balikat niya. "Girlfriend mo?" Ginaya ni Laby ang mahinhin na boses ni Lexi. "Until when? Mamayang 5? Oh come on, Ran, like I dont know you. Anyway, tell this to your pet for today: leave my Yoshi alone, understand?" Nag-make face siya sabay eyeroll.
"Ayos, a. Gayang-gaya, hahaha!" Tuwang-tuwa naman si Ran habang tinitingnan si Laby na nagmamataray habang ginagaya si Lexi.
"Isa ka pa," inis na sinabi ni Laby kay Ran at nagpatuloy na lang siya sa paglalakad.
"Hey!" Hinabol naman siya ni Ran at sinabayan siya sa paglalakad. "Hindi ka ba mag-t-thank you sa 'kin, girlfriend?"
"Thank you," mabilis na sinabi ni Laby habang diretso lang ang tingin.
Biglang napaisip si Ran dahil ang inaasahan niya ay pipilitin pa niya si Laby na mag-thank you sa kanya. Lalo pa, nakilala niya itong hindi madaling kausap.
"'Yon na 'yon?" tanong pa ni Ran.
". . ."
"Uhm . . ." Tiningnan niya nang maigi si Laby na serious mode na naman at balik sa no-comment mode. "Puwede ka bang ihatid mamaya sa inyo?"
"No. Baka makita ka na naman ng mga tao sa bahay."
"Yung guy yesterday sa bahay n'yo, husband ba talaga siya ni Miss Hwong?"
"Yes."
"Pero bakit naka-address kay Erajin Hill-Miller ang connection niya?"
"Pakialam mo ba sa kanilang dalawa?"
"Why are you staying with him? I thought, nandito ka dahil sa software. I don't think may interes siya sa software."
Napahinto si Laby kaya huminto rin si Ran. Hinarap niya si Ran at tinantiya ito ng tingin.
"Wala naman kasi siyang kinalaman sa software. Ako lang naman ang may issue sa software sa bahay na 'yon."
"Then why are you finding that software in the first place? Sino ang nag-utos sa 'yo?"
"Walang nag-uutos sa 'kin." Dinuro niya ang ibaba. "I owned that software at ni-redevelop lang siya ng assistant ko." Tuloy-tuloy na naglakad si Laby papunta sa malapit na tambayan sa field. Sinundan na naman siya ni Ran.
"You owned that software??" tanong ni Ran.
Naupo silang dalawa sa isang bench na nasa lilim ng puno.
Gustong makausap ni Laby si Ran pero naiinis talaga siya rito. Ang kaso, magandang pagkakataon iyon para palampasin pa niya.
"I'm the Brain," seryosong sinabi ni Laby at sinalubong ang tingin ni Ran. "I made that eleven years ago. I was hunted because of that six years ago. I owned that software."
Ngayon, si Ran naman ang no comment sa kanya.
"Kapatid ka ba ni Yuan?" mabigat na tanong ni Laby. "Bago ako kunin ni Shadow sa Congregation, iniwan ka sa kanya ang kopya ng software. Sinabi ko sa kanyang sirain niya 'yon para makaligtas kaming pare-pareho sa mga assassin na ipinadala para patayin kami."
Diretsong nakatingin sa kanya si Ran. Sa wakas, marunong pala itong sumeryoso at itikom ang bibig.
"O? Nasaan na 'yang ingay mo? Don't tell me, 'yang dila mo, umurong na?" sabi ni Laby in sarcastic tone.
Yumuko sandali si Ran at saka inilipat ang tingin sa malayo.
"Sinubukan kong ibenta ang laptop kong may software ng Brain sa black market. Maraming gustong bumili, may nagpresyo ng 2 billion para lang doon," seryosong sinabi ni Ran.
Nanlaki agad ang mga mata ni Laby sa sinabi ni Ran. "Subukan mo lang sabihin sa 'king ibinenta mo na 'yon! I'm telling you, ipapapatay talaga kita!" banta niya kay Ran.
"Hoy! OA mo! Nasa bahay ko pa rin yung laptop! 'Wag kang exaggerated!"
Napasimangot agad si Laby at umamba ng kutos kay Ran. "Ang sarap mong batukan maghapon! Nakakaasar ka talaga!"
Napangisi naman si Ran. "Makakasama ba kita maghapon 'pag pumayag akong batukan mo?"
"Alam mo, ang sarap mong sakalin!"
"Ang sarap lang. Dami pang dinadagdag."
"Grrr!" Nanggigigil na nilamukos ni Laby ang hangin sa harapan ng mukha ni Ran.
"Hahaha! Anyway . . ." Tumango si Ran at napatingin sa taas. "Kuya ko si Li Yuan. At kung tama ang hinala ko, ikaw yung tinutukoy niyang hahanap ng software in the near future at magbubura n'on. He told me about you before he died. Ang sabi niya, ibigay ko sa taong iyon ang software kapag nagpakita siya sa 'kin." Ibinalik niya ang tingin kay Laby nang may sinserong ngiti. "I didn't expect na ikaw mismo ang tinutukoy niya. He asked me to hide here in the country at lumayo muna sa Hongkong dahil kapag nalaman ni Papa ang tungkol sa software, kukunin na sa 'kin yung laptop and ibebenta rin niya 'yon sa mga Superiors."
Napapikit-pikit si Laby sa narinig kay Ran. Ngayon, may dahilan na siya para ma-speechless talaga.
Tama ba ang narinig niya? Superiors?
"Alam ni Kuya na kikita nang malaki ang kahit sino sa family namin kapag ibinenta sa Congregation ang software. Pero naisip niyang baka bawiin lang ng Congregation ang software since ace nila ang gumawa ng software na 'yon. Kaya kung sa Superiors nila ibebenta, kikita sila nang sobrang laki at hindi pa sila magkakaproblema about sa ownership ng software na 'yon."
Lumapit si Laby kay Ran at para siyang inosenteng batang sinilip-silip ang mukha nito. Para bang ineeksamin kung tama ba ang nakikita niyang nakakausap niya nang matino si Ran sa mga sandaling iyon.
"May sakit ka ba?" mahinang tanong ni Laby.
"Why?" tanong ni Ran.
Marami naman palang alam si Ran tungkol sa dating pinanggalingan nina Laby. Pati mga Superiors, alam nito.
"Kilala mo si RYJO? Si Shadow, kilala mo?" Nawala ang pagkainis ni Laby kay Ran dahil sa mga sinabi nito.
Ngayon, kung makatanong naman siya, para siyang batang nakakita ng matalinong tao na sasagot sa mga tanong niya.
"Hmm . . ." Napaisip naman si Ran at napasandal sa bench saka ipinatong sa sandalan niyon ang mga braso. "Burglary and thievery ang mga kaso ni Shadow. Ang ingay ng pangalan niya noon, he was a legend. Kaso tinapos ang alamat niya ni RYJO."
Sumeryoso na naman ang usapan. Ngayon, bukas na bukas ang tainga ni Laby para makinig kay Ran.
"Mas lalo lang namang sumikat si RYJO matapos niyang patayin si Shadow. Hindi naman kasi basta-basta pinag-uusapan ang Slayer. Para siyang curse na once mabanggit mo, that person will come after you."
Naniningkit ang mga mata ni Laby at bahagyang nagtaas ng tingin habang may matipid na ngisi sa kaliwang dulo ng labi. Marami nga talagang alam si Ran kaysa inaasahan niya.
"Pero may kumalat na balita nitong nakaraan. Naghamon kasi ng all-out war si RYJO sa mga Superiors. Pero hindi rin naman natuloy." Doon lang ulit tiningnan ni Ran si Laby na nakatitig lang din sa kanya. "Bakit mo nga pala naitanong?" curious ding niyang tanong. "Are you after them?"
Mabilis lang na umiling si Laby. Tumayo na siya sa inuupuan nila at kinuha ang dulo ng necktie niya para kagatin.
"Ikaw nga talaga ang kapatid ni Yuan. And that also means wala sa 'yo ang original copy," sabi ni Laby habang nag-iinat.
Tumayo na rin si Ran at tumayo sa harapan ni Laby. "How did you say so? May patunay ka ba na wala sa 'kin?"
"Kilala ko si Yuan," sagot agad ni Laby at nagpamaywang. "Hindi siya magbibigay ng delikadong bagay sa member ng family niya dahil alam niyang hahabulin kayo ng mga humabol sa amin. Kaya malamang ay na kay Brent ang original copy."
Naglakad na ulit siya para maglibot na naman sa buong school. At binubuntutan na naman siya ni Ran.
"Paano mo nasabing na kay Brent ang original copy? Di mo pa nga—"
"Na-check ko na ang kay Yoshi. Copy lang ang kanya. At kahit na i-check ko ang sa 'yo, alam kong copy lang din ang hawak mo. Ayokong sayangin ang oras ko sa 'yo kaya pupuntahan ko na ngayon si Brent para hingin ang copy niya."
"And you think he'll give that to you? Hindi mo makukuha ang copy sa kanya dahil hindi madaling kausap yung maangas na 'yon."
"May paraan ako para makuha 'yon sa kanya. Madali lang namang kausapin yung adviser nila."
Dali-daling hinarang ni Ran ang dadaanan ni Laby dahilan para mapahinto na naman ito.
"Member ng DOC ang Kesley na 'yon. Walang maitutulong ang paghingi mo ng tulong kay Miss Hwong. Siguro nga, napatahimik niya ang 4-F these past few days, but that doesn't mean na susunod sa kanya ang mga member ng DOC, lalo na sina Kesley at Havenstein."
Poker-faced lang na tinitigan ni Laby si Ran. "Ano'ng gusto mong palabasin, ha?"
Sandaling natahimik si Ran at nagbuntonghininga. "Bakit hindi mo na lang hayaan ang software sa 'min?" mahinahong tanong ni Ran.
Sandali siyang tinitigan ni Laby. Sinusukat kung seryoso ba siya sa sinabi niya. Bigla tulot uminit ang ulo ni Laby sa sinabi niyang iyon dahil seryoso siya.
"Hahayaan ko sa inyo? Gusto mong gawin ko 'yon?" inis na sinabi ni Laby sabay pamaywang. "Namatay ang kapatid ni Yoshi dahil sa software na 'yon. Namatay ang kuya mo dahil sa software ding 'yon. Namatay rin ang kapatid ni Brent dahil din sa software na 'yon. Wala akong pakialam kung mamamatay rin kayo dahil sa software na 'yon. Ang problema ko lang ay na-lo-locate kayo ng satellites every time na ginagamit n'yo 'yon! And I'm taking full responsibilities for that dahil hinayaan kong i-redevelop iyon ng taong pinagkatiwalaan ko!" Dinuro niya ang dibdib ni Ran. "Ikaw! You used that software for stalking! Ang lakas ng loob mong kalkalin ang profile ko tapos gusto mong hayaan ko sa inyo?! Hindi ko binuwis ang buhay ko sa software na 'yon para lang paglaruan ng mga immature na katulad mo! Buhay ang tinaya namin ng team ko para lang doon! Halos pakainin na 'ko ng bala para lang ibigay ang software na 'yon sa kanila tapos sasabihin mo sa 'kin hayaan sa inyo? Kapal naman ng mukha mo!"
Naubusan na ng pasensya si Laby at tuluyan nang nag-walk out.
Ayaw niyang ibinabalik angkahapon dahil bakas pa sa katawan niya ang mga peklat na resulta ngpagkakadakip niya noon. Bawat sugat na natamo niya noon, kagagawan iyon ngsoftware na dahilan kung bakit nanganib ang buhay niya. Kaya hindi magandangmarinig sa isang binatang puro laro lang ang nasa isip na ipagkatiwala na lang ditoang isang software na buhay ng marami ang binuwis para lang mabura.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top