Tricker's Good Deal

Alas-tres na ng hapon. Nasa bahay lang si Laby at prenteng-prenteng nakaupo sa sofa habang in-e-enjoy ang order niyang pizza. Wala na siyang balak pang pumasok sa Byeloruss kaya chill-chill na lang siya sa bahay.

Nakausap na niya si No. 99 at ang sabi nito ay may instances pala ang katawan ni RYJO na kusang nag-shu-shutdown nang matagal. May connect daw iyon sa utak. Napatanong siya kung paanong may connect sa utak. Ang nakuha lang niyang paliwanag ay may kaugnayan iyon sa dahilan kung bakit nagkaroon ng alters si Armida.

Kaya ngayon, nakatutok siya sa laptop at nag-fo-formulate ng ilang theory kung ano ang connection ng formula ng Project RYJO, sa utak ni Armida, at sa mga alter nito maliban sa nakuha ni Armida ang persona ng iba pang batang nakasama nito sa Isle.

Alam nilang lahat na patay na ang mga ito. Kung dahil sa trauma kaya ito nagkaroon ng alter, iyon ang isa sa mga teorya niya. Naging malaki ang impact ng traumatic experience nito sa Isle kaya nakuha nito ang mga pagkatao ng mga batang tumatak dito.

Pero ang ikinatataka niya ay ang dami naman nitong kasama sa Isle pero bakit tatlo lang ang nagpapakitang alter nito.

Produkto ng Isle ang Escardon Elites. Kung siya ang tatanungin, dapat pati ang mga ito ay nakuha niya ang persona, pero hindi.

Sinasabi nilang parte ng experiment ang tatlong alter ni Armida. Pero sa paanong paraan naging alter ang mga ito?

Masyadong malabo ang mga alaala na sinasabi ni Armida. Kahit ang mga doktor na tumingin dito ay hindi sigurado kung kaninong viewpoint ang kinukuwento nito sa kanila. Sa isang banda, magkukuwento ang Jocas alter pero sasabihin nitong nakikita nito si Jocas Española sa ibang katawan. Ibig sabihin, hindi si Jocas ang may hawak ng memoryang iyon kundi ibang alter pala. May pagkakataong si Armida ang nagsasalita pero memorya ni Erah Kingley ang binabanggit nito at ilang segundo lang, pananaw na ni Jinrey Kingley ang binabanggit nito at hindi na natatandaan ang naunang sinabi.

Sa sobrang komplikado, nagsanga-sanga na ang theory ni Laby.

Gusto niyang malaman kung ano ba talaga ang kaso ng Project RYJO at kung paano umabot si Armida sa ganoon kakomplikadong sitwasyon na kung tutuusin ay dapat isa lang itong vessel na wala nang kakayahang mag-isip at kokontrolin na lang ng ibang utak.

Burado na ang software niya, pero mas maganda pa at advanced ang na-develop niyang software para makakuha ng kompletong algorithm sa mga sagot na kailangan niya.

Nakalagay sa dulo ng Project RYJO ang failed project at terminated project.

Alam niya ang ibig sabihin niyon. Kahit si Armida ay hindi perpektong killing machine gaya ng inaakala ng lahat. Gusto niyang malaman kung bakit na-deploy pa rin si Armida bilang assassin kahit na mentally unstable ito.

Bzzt! Bzzt!

Pinaikot muna niya ang mata bago sagutin ang tawag. "Ano na naman? Pauwi ka na, di ba?"

"Hindi pa rin ba gumigising si Armida?"

"Tinawagan ko na si No. 99."

"Anong sinabi?"

"She's just sleeping! Kulit ka? Umuwi ka na lang, ikaw na magbantay!"

At pinatay na niya ang tawag.

Hindi na niya alam kung pang-ilang tawag na iyon ni Josef, iritang-irita na siya.

ZZNNGGG . . .

Napalingon agad si Laby nang marinig ang pagbukas ng gate. Agad-agad siyang tumayo at pumunta sa bintana para silipin ang labas.

"Ano na namang-"

Dali-dali niyang tinungo ang pinto. Hinatak niya iyon pagilid, ang kaso hindi bumukas.

"Aish, tanga." Nakalimutan niya, naka-door knob na pala ang pinto nila ngayon.

Pagbukas niya ng pinto . . .

"Hello, Millicent!" bungad sa kanya ni Ran habang may dalang dalawang plastic bag na galing sa isang convenient store. "Malinis na agad dito, a. Magaling trumabaho yung mga naglinis. Impressive."

Nagkrus agad ng mga braso si Laby at mataray na tiningnan si Ran. "And what the hell are you doing here, huh, Li?"

"Bumibisita lang." Tuloy-tuloy na pumasok sa loob si Ran at inilapag agad sa center table ang mga dala sabay upo sa sofa.

Naningkit agad ang mga mata ni Laby at nilapitan si Ran.

"Alam mo, hindi ko alam kung bakit hindi ka pa pumupunta sa Citadel kahit na alam mong may Summons ka na."

"Bakit hindi ka pumasok?" tanong ni Ran na parang hindi narinig ang sinabi ni Laby. "Tapos na ba ang trabaho mo sa Byeloruss kaya hindi ka na papasok?"

Mabilis talagang p-um-ick-up si Ran ng mga impormasyon. Kahit si Laby, nagugulat na sa ilang araw pa lang na nakakasalubong niya si Ran, ang dami na nitong alam.

"Si Miss Hwong?" dagdag na tanong nito.

"Out. Now," masungit na utos ni Laby.

"I want to talk to you," seryosong sinabi ni Ran.

"Wala ka bang girlfriend ngayon na paglalaruan, ha? Puwedeng doon ka sa ibang lugar maghanap ng-"

"May nabanggit si Miss Hwong kagabi na tumawag si Kuya sa Hongkong noong time na hawak ang kapatid ko ng Elites. Ako yung nakasagot ng tawag."

Nawala agad ang kasungitan ni Laby at naupo sa single-seater. "Ano ngayon?" puno ng pagdududa niyang tanong kahit na may gusto pa siyang malaman kay Ran. Alam niyang may nalalaman pa ito kahit na tapos na ang issue niya sa reveloped software niya.

"Sa totoo lang, nagulat ako na babae pala si RYJO," nakangiting sinabi ni Ran at kinuha sa dala niyang pastic bag ang isang can ng beer.

Tinaasan lang ni Laby ng kilay ang iniinom ni Ran. Maliban sa masyado pang maaga para sa beer, marunong na itong uminom ng alak.

"Wala rin namang nag-e-expect na babae si RYJO," sabi ni Laby. "It's her front."

"Nah," umiling naman si Ran. "Designed para sa batang lalaki ang project."

Agad nawala ang pagkamataray ng ekspresyon ni Laby at lalong napatingin kay Ran. "May alam ka ba sa Project RYJO?"

Biglang lumapad ang ngiti ni Ran. Nagpakita na naman ang malalalim na dimple nito sa magkabilang pisngi at naging hugis crescent moon na naman ang mga mata.

"Speak," utos ni Laby.

Komportableng sumandal si Ran sa sofa at ipinatong sa sandalan ang mga braso. "Nasa bahay namin sa Hongkong yung original copy ng proposal about sa Project RYJO. Hawak 'yon ni Madame Qi. Procured 20 years ago."

Dahan-dahang nandilat ang mga mata ni Laby nang maisip na sa Isle nga pala kumuha ng batang pag-eeksperimentuhan at malamang na lola ni Ran ang unang nakabasa niyon bago magsimula ang experiment.

"Oh shit." Napatakip ng bibig si Laby at napaisip agad kung paano niya makukuha ang original copy ng proposal kay Ran. "Can I have it? I'll pay!" excited na sinabi ni Laby.

Ngumiti na naman nang malapad si Ran. "Four days na 'kong single. Matagal na 'yon for me. Bibigyan kita ng kopya kung papayag kang maging girlfriend ko."

Agad ang simangot ni Laby dahil sa sinabi ni Ran. "Fuck off."

"Hahaha!" Natawa na lang si Ran. "Magiging girlfriend ka lang naman. Parang napaka-big deal. Date na lang tayo."

"Manigas ka," masungit na sinabi ni Laby.

"Bakit ayaw mong makipag-date sa 'kin?" tanong ni Ran kay Laby habang kumakain na ng dalang chips. "Di mo 'ko type?"

"Busy ako, puwede ba?" sarcastic na sagot ni Laby.

"Pero type mo 'ko. Busy ka lang pala e."

Agad ang bato ni Laby ng unan kay Ran. "Alam mo, yung kakapalan ng mukha mo, kabilib-bilib talaga e."

"Hahaha!" Sinalo na lang ni Ran ang unan at ipinatong doon ang mga braso. "Amusement park na lang tayo."

"Mas lalong ayoko ro'n. Napaka-boring sa gano'ng lugar," inis na sagot ni Laby.

"Boring?" gulat na tanong ni Ran. "Ikaw pa lang ang babaeng nagsabi sa 'kin na boring sa amusement park. Kaya nga amusement park e, kasi amusing."

Nagkrus lang ng braso si Laby. "Alam mo, Li Xiao Ran, huwag kang umasang lahat ng babae, magkandarapa sa 'yo. Masyado kang babaero. Maghahanap ka na lang ng lugar sa mundo, bilang casanova pa." Nagtaas ng kilay si Laby at hinagod ng tingin si Ran. "Kaya ka ganyan na kung sino-sinong babae na lang ang pinapatulan mo, kasi noong bata ka, lumaki kang unappreciated, hindi mahal ng magulang, ignored ng mga tao sa paligid niya, at sa sobrang lungkot at insecure mo, kung kani-kanino ka na lang naghahanap ng kalinga. At kapag hindi mo nakita iyon sa isa, maghahanap ka ng iba hanggang sa makontento ka. But sad to say, hindi ka marunong makontento at hindi uso sa iyo ang loyalty. Your infidelity speaks so much about you."

Hindi umimik si Ran. Nawala rin ang ngiti. Nabasa agad sa mukha niya ang reaksiyon na nagsasabing "May point" habang tumatango. Pero wala naman sa mukha nito ang na-offend sa mga sinabi ni Laby.

"And you have trust issues," sabi na lang ni Ran kay Laby. "Severe trust issues." Umurong siya paharap para ipamukha naman sa dalaga ang tugon niya. "Lumaki kang tinatraydor ng mga tao sa paligid mo kaya lumaki ka ring traydor. Wala kang tiwala sa tao dahil sa bawat pagtitiwala mo, lagi ka nilang binibigo. You always lie dahil lumaki ka sa kasinungalingan ng iba. You're full of prejudice because people showed you love but betrayed you afterwards. You're in an emotional double blind. Tanga ka kung hindi ka magtitiwala, tanga ka kung magtitiwala ka. Full of prediction ka kung paano ka tatraydurin ng tao. Kaya kahit wala pa man, nag-a-assume ka na. Nakaka-experience ka ng emotional masochism towards others dahil pakiramdam mo, wala kang karapatang mahalin ng mga tao kasi hindi mo nakikita ang sarili mo na kamahal-mahal. You're thinking you don't deserve to be loved because you're not worthy of someone's affection. O kung hindi man, iniisip mo na someday, iiwan ka rin ng mga taong nagsasabing mahal ka nila at hindi ka nila iiwan because you grew up that way-na palaging iniiwan at hindi deserving makasama nang matagal." Umayos na ng upo si Ran at bumalik sa pagkakasandal sa sofa.

Kitang-kita sa mukha ni Laby na mas nainis na ito sa kanya ngayon.

"Don't try to read me, Etherin," nakangiting sinabi ni Ran. "Kasi kahit na tama ka, hindi ako na-o-offend sa katotohanan. Kasi tanggap ko. Ikaw? Tanggap mo ba?"

Kinuha agad ni Laby ang dalawang unan sa tabi niya at ibinalibag agad kay Ran. "Lumayas ka na nga rito!"

"I'm just telling the truth tapos maiinis ka! Ako ba ang nauna?" reklamo ni Ran.

"Hey!"

Sabay pa ang dalawa sa pagtingin sa may pintuan. Napaupo nang diretso ang dalawa.

"Josef," pagtawag ni Laby.

"Ano'ng nangyayari at nagsisigawan dito?" tanong ni Josef. Napahinto siya nang makita na naman si Ran sa bahay nila. "Nandito ka na naman?"

"Masyado po bang halata, sir," pilosopong sagot ni Ran.

Naningkit agad ang mata ni Josef sa sagot ng binata. Nakakarami na si Ran sa kanya.

"Ano ba talagang pinupunta mo rito, ha?" inis na tanong ni Josef.

"Sir, I'm just visiting Millicent. Hindi naman ako pupunta rito sa bahay n'yo kung nasa ibang bahay siya nakatira."

Napahugot ng hininga si Josef at gusto na talaga niyang batuhin ng kahit anong mahawakan niya si Ran.

"Ilabas mo na 'yang bisita mo, Laby. Kapag ako ang kumaladkad diyan palabas, sisiguraduhin kong ospital ang diretso niyan," aniya at tuloy-tuloy na siyang pumunta ng hagdan paakyat.

Sinundan siya ng tingin ng dalawa. Nang hindi na makita, tiningnan naman nina Laby at Ran ang isa't isa.

"Alis. Narinig mo siya," matigas na sinabi ni Laby.

"It's just a date. Bakit ba ayaw mo 'kong pagbigyan?" tanong ni Ran.

"Mamamatay muna ako bago mangyari 'yan."

"If I accept the Summons, papayag ka nang makipag-date sa 'kin?"

"Wala akong pakialam kung tanggapin mo man ang Summons o hindi. Kapag nakababa na naman si Josef dito, talagang malulumpo ka sa kakulitan mo."

Nagusot lang ang magkabilang dulo ng labi ni Ran at napatango na lang.

Dumiretso na siya sa pintuan para umalis na. Pero bago iyon, nagpahabol pa siya ng salita.

"I can bribe you with the copy of the Project RYJO. I read your research theory about advanced biotechnology and dissociation disorder."

Naningkit na naman ang mga mata ni Laby dahil sa sinabi ni Ran.

"The dissociation of Project RYJO is not a disorder na gawa ng side effects. It was intentional," paliwanag ng binata. "At kung gusto mong malaman ang tungkol doon, pag-isipan mo na ang offer ko."

Bago pa man makapagtanong si Laby, tuluyan nang umalis si Ran, na eksakto namang pagpasok ni Shiner sa loob.

"Uh . . ." Palipat-lipat ang tingin ni Shiner kay Laby tapos sa labas. "May nangyari ba?"

Hindi na lang sumagot si Laby sa tanong na iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top